Kitkat.

Kitkat.

last updateLast Updated : 2024-08-08
By:  Cendrillon1996Completed
Language: English
goodnovel12goodnovel
9.5
4 ratings. 4 reviews
29Chapters
3.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Three hundred years ago, the vampires took over the world, they became the ones in charge, they pushed the humans down and classified them into colours. My name is Katie, I'm code blue, also known as a little, I'm a vampire now, I've been here since the beginning, I saw my friends getting picked and chose, but I stayed behind. Everyone got their doms, everyone got their happy ending, everyone but me...well, I wasn't alone either, but I didn't have everything I dreamt about. In the world of dom and little, what happened after the takeover? What about the ones who weren't as lucky at first? How long did it take for everyone to find their place.

View More

Chapter 1

ONE.

Chapter 1:

Sa isang luxury hotel sa BGC idinaraos ni Audrey Cayetano ang kaniya ika-18 birthday, kasama ang ilang kaibigan pati na rin ang anak ng kaniyang madrasta na si Samantha Delos Reyes o kilala bilang Sam.

Noong una'y, masaya ang lahat ngunit di nagtagal ay nakaramdam ng pagkahilo si Audrey, na agad namang inalalayan ni Sam.

“Oh, my gosh, what happened?” nag-aalalang tanong nito, sabay hawak sa braso niya.

“Nahihilo ako.”

“Nasobrahan ka siguro sa pag-inom. Hindi porket nasa tamang edad ka, eh aabuso ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kuwarto sa itaas.”

Tumango si Audrey, sabay pikit ng kaniyang mga mata.

Ngunit ang hindi alam ni Audrey, lihim na napangiti si Sam habang siya'y inalalayan.

---

Sa loob ng isang executive suite sa naturang hotel, nakahandusay sa malambot na karpet si Audrey. Nakalatag ang mahaba niyang maitim na buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha.

Lumapit si Sam na nakatayo sa likuran ng nakahadusay na dalaga, yumuko, at marahas na itinabi ang makinis niyang buhok, ibinunyag ang kaniyang napakagandang mukha. Taglay niya ang maamo at di makabasag pinggang itsura.

Bagay na nagpagngitngit sa galit at inggit ni Sam, dahilan upang sipain niya ang nakahandusay na dalaga.

Bahagya namang napakunot ng kaniyang noo si Audrey, habang mahimbing pa ring natutulog.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Sam. Sa takot na magising ito, inilabas niya ang telepono at mabilis na nag-dial habang palabas ng silid.

“Hey, nasaan ka na ba? Nasa kuwarto na siya. Tandaan mo, kapag hindi mo sinunod ang plano, wala kang makukuha,” paalala pa niya sa kausap.

“Don't worry, gagawin ko ang lahat para masira ang babaeng iyan, at sisiguraduhin kong makikinabang ka sa kaniyang pagbagsak,” sagot ng nasa kabilang linya.

Matapos ibaba ang tawag, agad na isinara ni Sam ang p***o, at iniwan sa loob si Audrey.

NANG marinig ang pagsara ng p***o ng naturang suite, hindi alam ni Sam na narinig ni Audrey ang kaniyang plano. Dahan-dahan niyang iminulat ang mahahaba at makakapal niyang pilikmata.

Masakit man ang kaniyang ulo, pilit siyang bumangon.

Ngunit habang sinusubukan niyang tumayo, muli siyang napahawak sa sofa na nasa tabi. Umiikot ang kaniyang paningin, nanlalambot ang kaniyang mga binti, at tila may nag-aapoy na init na unti-unting kumakalat sa kaniyang buong katawan. Hindi iyon ang karaniwang epekto ng alak.

“No... may inilagay siya sa inumin ko…” mahinang bulong niya habang pilit pinapakalma ang sarili.

Hawak ang noo, halos hindi makapaniwala si Audrey na magagawa ni Sam ang ganoong bagay sa mismong birthday party niya. Matanda ito sa kaniya ng halos anim na buwan. Sa pagkakakilala niya rito, mahiyain at wala itong lakas ng loob na salungatin siya. Kaya hindi niya akalaing matagal na pala siyang niloloko nito. Sa katunayan nga’y lagi itong nagpapanggap na inosente at maamo kagaya ng tutang takot mawalay sa ina.

“What a hypocrite!” usal pa niya. Nang tuluyan siyang makabangon, pasuray-suray siyang naglakad palabas ng silid.

Hindi niya hahayaang magtagumpay ang masamang binabalak ni Sam!

Ngunit bago pa siya makapagdesisyon kung saang direksiyon siya tatakbo, biglang tumunog ang elevator.

Natigilan siya at mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib. Awtomatiko niyang naisip, ito na marahil ang taong kausap ni Sam sa telepono kanina.

Kaya agad siyang tumakbo sa kabilang direksiyon.

Isang matipunong lalaki na nakasuot ng itim ang lumabas sa elevator. “Hoy! Saan ka pupunta?! Tigil!”

Ngunit hindi siya huminto. She bit her lower lip. At nagpatuloy sa pagtakbo.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa pagtakbo. Halos mawalan na ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Nang malapit nang lumiko sa pasilyo ang humahabol sa kanya, napasandal siya sa isang p***o dahil sa pagkahilo.

“Oh God, ito na ba ang katapusan ko? Wala na bang pag-asa para makaligtas ako?”

Sa sandaling iyon, napansin niyang hindi pala lubusang nakasara ang pintong kanyang sinasandalan. Nang bahagya niya itong itulak, bumukas ito.

Ngumiti siya, at nagniningning ang kanyang mga mata. Muling nabuhay ang pag-asa sa kaniyang dibdib.

Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang pumasok, isinara ang p***o, at habang hawak ang nag-aapoy niyang noo ay naglakad siya papasok ng silid.

Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang marinig ang isang malamig at mababang tinig.

“Who are you?”

Natigilan siya. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki, ngunit sa lamig ng boses nito ay alam niyang hindi ito ordinaryong tao.

“S-Sir... may humahabol po kasi sa akin. Pwede po ba akong magtago rito sandali? Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako manggugulo..."

Balak sana niyang magtago sa banyo o sa aparador, ngunit madilim ang buong silid at amoy alak at sigarilyo ang paligid. Dahil sa pagmamadali, may natapakan siya at nawalan ng balanse, dahilan upang bumagsak siya pasulong.

Hanggang sa tuluyan s'yang bumagsak sa ibabaw ng lalaki nakaupo sa gilid ng kama.

“Fvck…”

Madilim ang buong silid at mahigpit na nakasara ang mga kurtina kaya wala siyang halos makita.

Ramdam niya ang malapad at matipunong dibdib ng lalaki na kaniyang nadaganan.

Kahit hindi niya ito makita nang malinaw, ramdam niya ang matitigas nitong kalamnan at ang nag-aapoy nitong init ng katawan.

Nakaramdam siya ng pagkalito. May kung anong nagsasabi sa kanyang nasa lalaking ito ang bagay na desperado niyang kailangan.

“Who the hell ordered you?” Malamig ang boses ng lalaki.

Lumakas ang pagkalabog ng dibdib ni Audrey. Tumingala siya sa lalaki. Kahit anino lamang nito ang bahagya niyang maaninag, dama niya ang matalim at malamig nitong titig.

Alam niyang isa itong persona na hindi dapat binabangga.

“P-Pasensya na po. A-Aalis na po ako..."

Sinubukan niyang tumayo, ngunit biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod. Umiikot ang kaniyang paningin at tila unti-unting inuubos ng nag-aapoy na init ang natitira niyang lakas.

Kinapa niya ang paligid upang may mahawakan. Ngunit aksidente niyang nahawakan ang malaking kamay ng lalaki.

Mahahaba at elegante ang mga daliri nito, bakas ang mga buko, at malamig na parang yelo. Dapat na sana niya itong binitiwan, ngunit sa halip ay lalo pa niya itong hinigpitan.

Sinubukan ng lalaki na alisin ang maliit niyang kamay, ngunit tila nawalan na rin ito ng lakas.

“Get out…”malamig nitong utos.

Ngunit bago pa nito tuluyang matapos ang sasabihin, marahang dumampi ang malambot at mabangong labi ng dalaga sa dulo ng ilong nito.

Saglit na natigilan ang lalaki. Bumalot sa kaniyang pang-amoy ang banayad na halimuyak ng dalaga, dahilan upang manigas ang buo niyang katawan.

Sa pagkakataong iyon, hindi na alam ni Audrey ang kaniyang ginagawa. Tila may kung anong puwersang nagtutulak sa kaniya, at hindi na niya makontrol ang sarili.

Dahan-dahan siyang sumampa sa kama, bahagyang nakadagan sa lalaki, bago marahang idampi ang kaniyang mapupulang labi sa mga labi nito.

“Ano'ng ginagawa mo?” mariing tanong ng lalaki habang pilit pinananatili ang malamig na tono.

Hindi na nakasagot si Audrey. Sa halip…“Please... help me...” halos pabulong na pakiusap ni Audrey habang nanginginig ang kaniyang katawan.

Mariing napapikit ang lalaki. Pilit niyang inilalayo ang mukha, ngunit lalo lamang itong yumakap sa kaniya.

“Damn it...” mahinang mura niya.

Marahan niyang hinawakan ang baba ng dalaga at pilit itong pinatitig sa kaniya.

“Look at me.”

Ngunit tila wala nang naririnig si Audrey. Ang tanging nararamdaman niya ay ang nag-aapoy na init na unti-unting sumusunog sa kaniyang katinuan.

Muli niyang inilapat ang kaniyang noo sa noo ng lalaki. Halos magdikit na rin ang kanilang mga labi habang kapwa mabigat ang kanilang paghinga.

Nanigas ang lalaki. Mahigpit niya itong niyakap. Sa isang iglap, marahan niya itong ikinabig hanggang sa magpalit sila ng puwesto.

“Sana'y hindi mo pagsisihan ang sinabi mo…”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

reviews

Mary Wagner
Mary Wagner
I love this book!
2025-09-11 09:13:51
0
0
Catherine
Catherine
Love this story
2024-11-16 06:18:48
0
0
MADASUJAIRAM MADASUJAIRAM
MADASUJAIRAM MADASUJAIRAM
ivont songs
2024-08-25 14:06:17
3
0
Wes “Hoshitsuki” James
Wes “Hoshitsuki” James
Intriguing concept...
2024-10-31 02:12:02
0
0
29 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status