*************************
YASMIN THERESE LEDESMA POV: FLASHBACK 3 YEARS AGO: ARAW NG DEBUT NYA
"Happy birthday, bunso..." malambing na bati ng kinakapatid nyang si Hunter habang marahan siyang sinasayaw. Lihim siyang kinilig. Ito ang escort niya sa gabing iyon. Ayaw sana niya ng magarbong party, mas gusto pa niyang matulog o magbasa ng libro pero nagpumilit ang mga magulang niya. Sinabing minsan lang daw iyon sa babae na maging isang ganap na na-dalaga. Nang marinig niyang si Hunter ang magiging escort niya ay napapayag na rin siya.
Sa mansion ginanap ang party nya. Malawak naman doon at halos kasya ang tatlong daang kataong bisita.
"T-thank you, Kuya Hunter..." nahihiyang sagot niya habang yumuyuko. Mataimtim kasi siyang pinagmamasdan nito habang sumasayaw sila sa mabagal na tugtog.
"You're so beautiful, Yass... dalagang-dalaga ka na." puri nito sa kanya. Para siyang matutunaw sa mga titig nito.
"Hmp! Paanong dalaga? Baka binata kamo?" biro niya para pagtakpan ang hiya niya. Alam nitong boyish siya at hindi sanay sa mga ganoong damit at ayos. Pinagbigyan niya lang ang mga magulang dahil siya lang naman ang nag-iisang anak na babae.
"Hahaha... But kidding aside, you're really beautiful!... Pwede ka na bang ligawan?"
Natigilan siya sa narinig at agad itong tinulak sa pagkagulat. Pero hindi siya nito hinayaan, sa halip ay lalo pa siya nitong niyakap, mas mahigpit kaysa kanina. Nangudngud ang ilong nya sa dibdib nito at naamoy niya ang mamahaling pabango. Hindi iyon masakit sa ilong, in fact, napakabango nito na gusto niyang langhapin iyon ng paulit-ulit. Halos maubos ang bango nito sa bawat paghinga niya.
Nagkaroon din siya ng pagkakataon na pagmasdan ang gwapong mukha Hunter. Maputi ito dahil may lahi itong Kastila, katamtaman lang ang kapal ng kilay, mapupungay ang mga mata na may mahahabang pilik-mata. Meron din itong matangos na ilong na bumagay sa pagka-mestizo nito. Ang mga labi nito ay katamtaman lang ang nipis... mamula-mula na parang ang sarap halikan.
Napa-igtad siya nang mapansin ni Hunter na tinititigan nya ito. Binaling niya sa ibang direksyon ang tingin. Agad naman siyang nahiya nang nakatingin pala sa kanila ang lahat ng mga bisita habang nagsasayaw sila.
Damn! Napansin kaya sya ng mga tao na pinagpapantasyahan niya ang kinakapatid niya?
"Hey, natahimik ka na diyan? Pinag-iisipan mo na ba kung papayagan mo akong ligawan ka?"
"W-what are you talking about, Kuya? Isusumbong kita kay Papa!" kunyaring galit niya.
"Sige, magpapaalam na lang ako kay ninong na liligawan kita. Malamang ay matutuwa pa 'yun!"
"Stop it, Kuya! Nakakadiri ka na! Hindi kita type, noh! Babae din ang type ko!" pagsisinungaling niya para tigilan na siya nito.
"Talaga lang, ha..." patawa-tawang wika nito.
Napahinga cya ng maluwag ng natapos na ang tugtog kaya puwede na silang umupo. Bumitaw cya sa pagkakahawak kay Hunter pero hindi cya nito binitawan kung kaya ay naka holding hands sila hanggang papunta sa upuan nila. Nagpalakpakan pa ang lahat ng mga bisita nang matapos ang sayaw nila.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Crush niya si Hunter noon pa. Bunsong kapatid lang naman ang turing nito sa kanya, pero bakit ngayong 18 na siya ay iba na ang pinapakita nito? Pinagti-tripan ba siya nito?
Nanatili sila roon nakaupo habang hindi pa tapos ang programa. Mabuti naman at tumahimik na ito at hindi na siya kinukulit. Binigyan siya nito ng beer na tinanggap naman niya. Flavored beer lang naman iyon, pero first time niyang makatikim ng gano'n dahil hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya.
Birthday niya naman kaya hindi naman siguro sya mapapagalitan ng Papa niya. Nag-cheers pa sila ni Hunter bago nya tinungga ang beer.
"Masarap pala 'to?" nakangiting tanong niya sa kinakapatid.
"Hinay-hinay lang at baka malasing ka." paalala nito sa kanya.
"Lasing? Eh juice lang naman 'to!" wika niya saka muling tumungga. Inilang lagok nya lang iyon na parang uhaw na uhaw. Nakangiti na napapa-iling na lang si Hunter sa kanya.
Nakadalawang bote na cya, nakapadaldal na nya. Hindi nya alam kung lasing na sya o masaya lang talaga sya sa party nya. Nang matapos na ang programa ay lumapit ang mga magulang niya sa kanila.
"Happy birthday, my princess!" bati ng Papa niya saka siya hinalikan sa pisngi.
"You're so gorgeous in that gown, iha! I told you bagay sayo ang maging babae!" Kinikilig na wika ng mommy nya.
"Mom!" saway nya dito. Nahihiya sya dahil nakikinig si Hunter sa kanila.
"Dont you "Mom" me! Now that your 18 sana naman ay magpaka-babae ka na, hindi na ako papayag na totomboy-tomboy ka! Intiendes?!"
"Mom, pinagbigyan na kita sa kalokohan mong debut na ito. Pati ba naman ang pagiging tomboy ko ay pakikialaman mo pa?"
"Wag mo akong sagot-sagutin Yasmin Therese! Hindi ka mananalo sa akin! Kapag sinabi ko, yun ang susundin mo!"
Napasimangot nalang sya sa sinabi ng ina. Palihim namang pinisil ni Hunter na kamay nya. Lagi nitong ginagawa iyon kapag napapagalitan sya. Parang pinaparating nito sa kanya ang simpatya kaya hindi na cya sumagot pa sa ina.
"Hunter, ikaw na ang bahala sa prinsesa ko, ha. Kami ay aakyat na sa kuwarto para makapagpahinga. Alam kong hindi pa kayo matatapos sa pagpa-party dito."
"Opo, Ninong. Ako na po ang bahala kay bunso." nakangiting wika ni Hunter sa mga ito saka umalis na rin agad.
"O, ayan na si Mayor! Ayusin n’yo na ang nakakalat." agad na sabi ni Irene nang makita ang papasok na magarang sasakyan.Shit, confirmed! Yan ang kotse ni Elijah na gamit noong unang pagkikita namin at nang makita ko siya sa school na may inaabangan! sigaw ng utak nyaAgad siyang tumalikod at nagtago. Ayaw niyang makita siya ni Elijah. Gustong tumulo ng luha niya. Hindi niya akalain na ang kasal na pupuntahan nila ay ang lalaking pinagkakahumalingan niya.Hindi man siya umaasang magiging sila ni Elijah, pero masakit pa din ang malamang ikakasal na ito sa iba."Dito lang kayo, pupuntahan ko muna si Mayor," sabi ni Irene. Agad itong umalis.Hindi na niya alam ang mga nangyayari dahil nakatalikod siya. Ayaw niyang sumilip kahit pa kating-kati na ang ulo niyang lingunin ang lalaking matagal na niyang nami-miss at sa mga magazine na lang nakikita."O, bakit parang nanigas ka d’yan sa kinatatayuan mo, sis?" tanong ni Tanya."Tanya... si Mayor ang ka-date ko noong birthday ni Gov..." halos p
"Ano naman ang pinaasa mo dun kay Johan, bakit ganun yun?" tanong ni Tanya nang nakalayo na sila."Ewan ko ba dun. Wala naman akong sinabi.""Feeling ko umaasa siyang sasagutin mo.""Huh... wala akong sinabing ganun ha. Porket sinabihan ko lang na maghanap siya ng trabaho.""Mukhang lakas ng tama ni Johan sa’yo eh. Saan na yung pagkain na pinadala ni Mama Elise? Akin na, gutom na ako eh.""Paano ka kakain kung nagda-drive ka?""Subuan mo na lang ako." nakangising sabi ni Tanya"Bakit kasi di ka kumain bago ka umalis sa inyo?""Nagmamadali na kasi ako, saka wala naman ang alaga sa akin tulad ng mama mo."‘Yun na nga ang ginawa nila, sinusubuan niya ito habang nagda-drive. "Saan nga pala ang raket natin ngayon?""Sa Quezon Province.""Huh? Ang layo naman!" Bigla niyang naalala na taga doon si Mayor Elijah."Kaya nga 3 days tayo. Sa biyahe pa lang pagod na eh. Kaya after ng kasal, mag-unwind muna tayo bago umuwi sa Manila.""Sino ba ang ikakasal?""Hindi ko alam, pero prominenteng tao da
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Sabi ni Tanya ay alas otso ng umaga susunduin na siya nito. Nakaready na din naman ang kanyang mga gamit kaya okay na siya.Naligo agad siya. Malaking t-shirt at pants na butas-butas ang suot niya. Nag suot din siya ng mamahaling sneakers pero sa ukay-ukay niya lang iyon nabili. Nakakasuot lang naman siya ng branded kapag mag-u-ukay-ukay siya."Ate, aalis ka na? Pasalubong ha..." sabi ng bunso nilang si Asserette."Sige, ano ang gusto mo?""Kahit ano ate.""Uy, uy... ‘wag n’yo na hingan ng kung ano-ano ang ate n’yo. Alam n’yo namang nagtatrabaho iyon doon, hindi gagala." Napakamot ng ulo si Asserette."Kumain ka na muna bago ka umalis, Paulette, para hindi ka gutumin sa daan. Pinagbalot ko din kayo ng makakain ni Tanya para may makain kayo sa biyahe.""Salamat, Ma..." sabi niya saka umupo na sa hapag-kainan. Maya-maya’y tumawag na si Tanya."Hello?""Hello sis, ready ka na? Sa kanto ka na lang mag-abang sa akin ha. Magpapa-gas lang ako tapos dadaa
Bigla niyang naalala si mayor pero malabo yun. Sobrang taas naman niya mangarap kung ganun.“Hindi naman ako naghahangad ng sobrang yaman na lalaki, Tere. Ang gusto ko lang ay may katuwang ka sana sa problema sakaling mag-aasawa na. Hindi ’yung iaasa sa’yo ang lahat.”“Uyy, ang advance mo mag-isip, asawa agad?”“Dapat advance na mag-isip mo. Ayaw kong matulad sa mama ko na napangasawa ang papa namin tapos lasenggero lang at nambubugbog. Bakit ko gagayahin ang mama ko kung nakita ko na nga ang mangyayari kung hindi ako pipili ng maayos na lalaking mamahalin?”“Ang lalim ng mga sinasabi mo, ha. Bakit, may nagugustuhan ka na ba?”Bigla siyang nailang. “Wala naman. Syempre, naisip ko lang. Kung wala man akong makitang lalaking pasok sa standards ko, eh ’di ’wag na mag-asawa. Mas mabuti pang maging single kesa magdusa sa huli.”“Napaka-seryoso na ng usapan natin, ha. Epekto ba ito ng exam? Hahaha.”“Siguro…” natawa na din siya. Pagdating nila ng cafeteria ay nag-order na sila ng milktea. G
PAULETTE'S POV:Kasalukuyan siyang nasa school, nag-e-exam nang biglang nag-ring ang cellphone niya.“Will you silent your cellphone, Ms. Bautista?” inis na sabi ng matandang dalagang prof nila.“Ah, eh… yes, prof.” Agad niyang kinuha ang cellphone at pinatay ang telepono. Pero nakita niyang si Tanya ang tumatawag.“Lagot ka sa akin mamaya. Kitang nag-e-exam ako, eh.” Ka-usap niya sa cellphone niya. ’Di niya pala na-silent yun kanina. Bumulahaw tuloy ang ingay sa loob ng classroom nila.Nang mapatay ay saka siya bumalik sa kanyang test paper. Last exam na nila iyon. Pagkatapos ay gagraduate na sila.Maya-maya ay nagsitayuan na ang kanyang mga classmate at pinasa na ang papel. Mabuti at tapos na din siya. Easy lang naman ang exam nila. Siyempre, nag-aral siyang mabuti para sa exam na yun, at naka-focus lang siya sa pag-aaral.’Di tulad dati na nag-aaral siya habang nag-iisip din kung saan kukuha ng pambayad sa matrikula. At dahil nakabayad na siya gamit ang perang binigay ni mayor, ay
Kinabukasan ay maaga ulit siyang umalis. Mag-iikot na naman siya sa mga university na nag-o-offer ng nursing course. Alam niyang para siyang baliw sa ginagawa niya. 1% lang siguro ang possibility na makita niya si Red, but he is still taking the risk. Hindi niya talaga pwedeng ipagsawalang-bahala ang kanyang nararamdaman, mababaliw siya sa kakaisip kapag hindi niya makikita si Red. Sana lang, makita pa niya ulit si Red bago siya tuluyang bumalik sa Quezon. Hindi niya alam kung bakit gano’n... parang may hinahanap ang puso niya. Hindi lang dahil sa halik nila, kundi sa mismong presensiya ng babae. Habang nagmamaneho papunta sa unang eskwelahan na pupuntahan niya ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Red, ang mga mata nitong may halong hiya kapag tumitingin. At ang ngiting parang kayang baguhin ang buong araw nya. “Red…” mahinang bulong niya, napapangiti nang hindi namamalayan. “You have no idea what you did to me.” Nag-park siya sa entrance ng eskwelahan. Nakapunta na siya do