แชร์

chapter 4

ผู้เขียน: Victoria Writers
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-17 03:41:30

Kinabukasan pagkatapos ng gulo sa salo-salo, nagtipon ang pamilya Reyes sa kanilang malaking sala, sarado ang mga bintana at p***o. Tahimik at mabigat ang hangin. Wala si Arriane doon, pinalayas na nila sa maliit na bahay. Nandoon lang si Marco, ang Lola niya, ang Ina niyang si Maressa, at si Ivy.

Nakaupo si Marco at ang Lola niya sa malaking sofa, magkahawak ang kamay. Kitang-kita sa mukha ng Lola ang pag-aalala, hawak niya ang kamay ng apo niya nang mahigpit na parang ayaw bitawan.

Apo, huwag kang padalos-dalos, kumbinsi ng kanyang Lola, mahigpit ang hawak sa kamay ni Marco at nanginginig ang boses dahil sa galit at takot. Ang estado ng pamilya natin ngayon, alam mo naman na nakadepende tayo sa kanya, sa dote at pera niya. Kapag nagkamali tayo sa desisyon, babagsak tayo.

Tumango si Marco, pero halatang iritado at galit pa rin dahil sa kahihiyan kagabi nang barilin ni Arriane ang hikaw ni Ivy. Lola, inay, desidido na ako, huwag ninyo akong pakialaman. Pagod na ako sa babaeng yun. Gusto ko na si Thalia. Siya ang gusto kong pakasalan, sabi ni Marco, hindi pa rin niya naiintindihan ang ginagawa niya at kung gaano kalaki ang mawawala sa kanila kung sakaling umalis si Arriane.

Sa kabilang sofa naman, nakaupo si Ginang Maressa at sa tabi niya ay nakatayo si Ivy na nakahawak sa balikat ng ina, parang batang nagpapa-cute pero nakangisi. Tama, Marco, sabi ni Maressa, sabay tingin kay Marco na nasa kabilang sofa at hawak ang tasa ng tsaa. Kahit hindi siya kasing galing ni Thalia sa angkan at kakayahan... at si Thalia ay anak ni Kumander Cruz. Kung gagawin mo lang siyang kerida, hindi ba't iniinsulto mo si Kumander Cruz? Kailangan pakasalan mo si Thalia nang legal para makuha natin ang koneksyon niya.

Kailangan nating mag-ingat. Hindi tayo pwedeng basta-basta maghiwalay. Ang negosyo natin, nakasangla pa sa bangko dahil sa perang ipinangako ng pamilya Montenegro. Ang mansyon, ang mga sasakyan, lahat nakataya, saad ng Ina ni Marco, nag-aalala.

Pero nay, paano naman ako? Ayokong makulong sa babaeng yun. Tatlong taon na akong nagsasakripisyo. Gusto kong sumali sa training camp ng mga sundalo at kailangan ko ang koneksyon ni Kumander Cruz para makapasok at maging opisyal, saad ni Marco, halatang iritado.

Edi hiwalayan mo siya, tumawa nang mapakla ang matanda at kumatok ang tungkod sa sahig na marmol, umalingawngaw ang tunog. Sino ba siya sa akala niya? Mula pa noon, itinakwil na asawa ay wala itong karapatang kunin ang dote niya. Sa batas ng pamilya Reyes na ginawa ng lolo mo, kapag itinakwil ang asawa dahil sa pangangalunya, wala siyang makukuha kahit piso. Hubad siyang palalayasin natin!

Napangiti ang Ina ni Marco sa narinig, tila may nabuong masamang balak sa isip. Hiwalayan mo na siya! Palayasin natin siya na walang dala kahit piso! Itapon natin sa kalsada na parang basura! sigaw ni Maressa, tuwang-tuwa sa plano ng matanda.

Kuya, singit ni Ivy, kinakabahan habang nakatingin sa kapatid at hawak pa rin ang buhok niya. Nakatayo siya sa tabi ng ina niya. Pero paano natin siya mapapaalis? Paano kung hindi siya pumayag na walang makuha? Paano kung magsumbong siya kay Heneral Lucian? Nakita mo naman kagabi, parang gusto siya ni Heneral! Hinawakan pa siya sa sala at pinagtanggol pa!

Ayokong madungisan ang pangalan ng pamilya Reyes dahil lang sa babaeng iyon. Kailangan malinis ang paghihiwalay. Kailangan siya ang may kasalanan, hindi tayo, para tayo ang kawawa sa mata ng tao, asik ni Marco at tumayo na mula sa sofa, naglalakad-lakad sa sala.

Tumahimik ang buong sala. Ang mga mata ng pamilya Reyes ay nagkatinginan, puno ng kasakiman at pagmamataas, habang pinag-uusapan kung paano nila tuluyang maagaw ang lahat kay Arriane.

Sige, bukas ng gabi, gawin natin ang plano. Tawagin natin ang mga pulis. Ipakita natin na may lalaki siya sa kwarto. Kailangan may lalaking aakyat sa balkonahe niya, bulong ni Lola Conching at humagalpak ng tawa na nakakatakot at malakas. Ihanda ninyo ang lalaki. Bayaran ninyo. Sabihin ninyo kabit siya ni Arriane! Dalhan ninyo ng alak para magmukhang totoo!

Tama! Maganda yang plano na yan, Nay! sabi ni Maressa, tuwang-tuwa at pumalakpak pa. Bukas ng gabi, papasukin natin ang lalaki sa kwarto ni Arriane. Tapos huhulihin natin siya! Sasabihin natin nangangalunya siya! Pag nahuli siya, wala siyang makukuhang dote! Atin lahat ang lupa at pera!

At kapag napatunayan na nangangalunya si Arriane, kahit si Heneral Lucian hindi na siya matutulungan. Wala nang makakapagtanggol sa kanya. Sa batas ng pamilya, pag nangaliwa ang babae, wala siyang karapatan sa kahit ano at pwede siyang ikulong, dagdag ni Ivy, ngumiting parang demonyo.

Marco, ikaw ang dapat unang sumigaw bukas. Ikaw ang dapat magmukhang nasaktan na asawa. Umiyak ka kunwari, para kaawaan ka ng mga tao at ng mga pulis at ng korte, sabi ng Lola, hinawakan ulit ang kamay ni Marco.

Oo, Lola. Magaling ako umarte. Kaya kong umiyak at sumigaw na niloko ako ni Arriane kahit ako naman ang may kabit na si Thalia, sabi ni Marco, mayabang at nakangisi.

At nagtawanan silang lahat sa sala, hindi alam na naririnig pala sila ng katulong ni Arriane na si Abby na nasa likod ng kortina at nakikinig sa lahat ng plano nila, nakatago at nanginginig sa takot.

Kinagabihan, umiiyak si Abby habang kinukwento kay Arriane ang lahat ng narinig niya. Señorita, masama po ang plano nila! Gusto nilang palabasin na may kabit kayo para hindi ninyo makuha ang dote ninyo! May binayaran silang lalaki na aakyat sa bintana ninyo bukas ng gabi! sabi ni Abby.

Ngumiti lang si Arriane, malamig ang ngiti, hawak ang puting fur cape niya. Kung gusto nilang gumawa ng kwento, gagawa rin ako ng kwento. Akala nila ako pa rin yung dating Arriane na umiiyak lang sa kusina. Hindi na. Tawagin mo si Heneral Lucian, sabi ni Arriane, matapang na.

Tumango si Abby at agad tumakbo palabas ng bahay para puntahan ang kampo ni Heneral, habang si Arriane ay nakatayo sa bintana, nakasuot pa rin ng puting fur cape at pink na cheongsam, naghihintay sa gabi ng paghihiganti.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • LIHIM NA PAGIBIG NG HENERAL    chapter 19

    Nasa kampo sina Arraine habang Ng sasanay at ang mga sundalong sasanayin niya. Pagbaril, karate, at kung paano mag baril sa sampung metro Ang layo . kaalaman sa militar ang ituturo niya. Ramdam ng lahat na iba si Arraine. Hindi siya puro salita lang.Isang machine gun ang pinaputok ni Arraine sa target paper. Asintado agad ito. Gitnang-gitna ang tama. Natuwa ang mga estudyante. Nagpalakpakan sila. Hindi nila akalain na ganun kagaling ang isang babae humawak ng baril.Binaba niya ang baril niya at gusto niyang bumaril din ang mga ito. Gusto niyang sila naman ang sumubok.Sige, ihanda. Isa, dalawa, tatlo, sigaw niya. Hawakan ng maayos, utos niya. Huwag kayong kabahan.Habang abala ang lahat sa pagsasanay, biglang may sumigaw mula sa likuran nila.Arraine! sigaw ni Thalia.Lumingon ang lahat. Nandoon si Thalia, kasama si Marco. Galit ang mukha ni Thalia.Anong karapatan mong pagbawalan kami, asik nito, na gamitin ang bagong baril? Pareho lang tayo ng posisyon.Pareho tayong bagong tagapa

  • LIHIM NA PAGIBIG NG HENERAL    chapter 18

    Pagkauwi nina Marco at Thalia sa bahay ng mga Reyes, agad na bumalot ang mabigat na katahimikan sa buong kabahayan. Hindi pa man sila nakakaupo ay ramdam na ramdam na ang galit na nangingibabaw sa hangin.Sobrang galit si Lola Conching kay Arraine. Agad nitong hinampas ang tungkod nito sa sahig, at ang malakas na tunog niyon ay umalingawngaw sa buong sala. Hindi ito makapaniwala na si Arraine pala ay may sariling kasosyo sa negosyo.Ano, sigaw nito, nanginginig ang boses sa galit. Ang Arraine na iyon, nakikipag-negosyo pala sa mga dayuhan, saad ng matanda, habang ang mga mata nito ay nanlilisik sa poot.Ang matanda ay hindi lamang galit, nasaktan din ito sa pride. Sa buong buhay niya, siya ang nasusunod sa pamilya Reyes. Siya ang nagdidikta kung sino ang karapat-dapat at kung sino ang hindi. Ngunit ngayong gabi, sa harap ng napakaraming tao, si Arraine ang naging bida. Si Arraine ang pinag-usapan, at si Arraine ang pinuri. Para kay Lola Conching, iyon ay isang malaking kahihiyan na hi

  • LIHIM NA PAGIBIG NG HENERAL     chapter 17

    Nasa taas sila ng terrace at tanaw na tanaw nila ang buong bulwagan sa baba. Kitang-kita ang mga bisitang nagkakasiyahan, nag-uusap at nagtatawanan habang may hawak na baso ng alak. Ang mga ilaw ay kumikislap, ang musika ay marahang tumutugtog, at ang hangin ay mabigat sa tensyon. Sa terrace ay naroon sila Heneral Velasco, Marco, at si Thalia, kasama si David na nakikipagtagayan sa kanila. Alam ng bawat isa na hindi ito basta simpleng inuman lang dahil may mahalagang usapan na magaganap."Tagay!" aniya ni Marco at ininom ang laman ng baso nito kahit halata ang tensyon sa mukha niya."Heneral Velasco," saad ni David sa ama ni Heneral Lucian, maingat ang boses niya. "Ang dalawa mong tauhan ay bihasa sa mga armas, hindi ba?" panimula nito sa usapan."Sila?" tugon ng matandang Heneral habang sumisimsim ng alak. "Ang mga nakapag-aral sa ibang bansa." Sila ang pinakamagagaling na mayroon kami at hindi basta-basta ang kanilang pinagdaanan."Ginoong David," saad ng Heneral, "kung papayag kayo

  • LIHIM NA PAGIBIG NG HENERAL    chapter 16

    Pagkaupo niya, agad niyang nilapat ang mga palad niya sa piano at nagsimula siyang tumugtog.Bawat lapat ng mga daliri niya ay tila may sariling kwento. Malambot sa una, malumanay, parang bulong ng hanging dumadaan sa bintana. Pagkatapos ay unti-unti itong lumakas, bumilis, at naging mas malalim, na para bang binubuksan niya ang kanyang puso sa harap ng lahat.Nakakaaliw ang musikang tinutugtog niya. Hindi ito basta tugtog lamang. Ito ay damdamin. Ito ay sakit, pagtitiis, at pagbangon na pinagsama sa isang piyesa.Natigilan sina Marco at Thalia, lalo na si Ivy sa nasaksihan nila.Totoo ngang kaya niya! Gulat na wika ng isang nanood.At mas magaling pa siya kaysa kay Thalia, sagot ng isa pa.Tugtog mula sa langit, minsan lang maririnig, bulalas pa ng iba na namangha.Oo, ang galing! Ang galing! Palakpakan ng lahat.Halos lahat ay tumayo at pumalakpak. May mga bisitang napaiyak pa. May mga bisitang hindi makapaniwala na ang babaeng kanina lamang ay minamaliit ay siya palang may ganitong

  • LIHIM NA PAGIBIG NG HENERAL    chapter 15

    Pagkaupo niya, agad niyang nilapat ang mga palad niya sa piano at nagsimula siyang tumugtog.Bawat lapat ng mga daliri niya ay tila may sariling kwento. Malambot sa una, malumanay, parang bulong ng hanging dumadaan sa bintana. Pagkatapos ay unti-unti itong lumakas, bumilis, at naging mas malalim, na para bang binubuksan niya ang kanyang puso sa harap ng lahat.Nakakaaliw ang musikang tinutugtog niya. Hindi ito basta tugtog lamang. Ito ay damdamin. Ito ay sakit, pagtitiis, at pagbangon na pinagsama sa isang piyesa.Natigilan sina Marco at Thalia, lalo na si Ivy sa nasaksihan nila.Totoo ngang kaya niya! Gulat na wika ng isang nanood.At mas magaling pa siya kaysa kay Thalia, sagot ng isa pa.Tugtog mula sa langit, minsan lang maririnig, bulalas pa ng iba na namangha.Oo, ang galing! Ang galing! Palakpakan ng lahat.Halos lahat ay tumayo at pumalakpak. May mga bisitang napaiyak pa. May mga bisitang hindi makapaniwala na ang babaeng kanina lamang ay minamaliit ay siya palang may ganitong

  • LIHIM NA PAGIBIG NG HENERAL    chapter 14

    Pagkalabas ni Arraine sa baba, agad na nakuha ng malambing na tunog ng piano ang atensyon niya.Nakaupo si Thalia sa harap ng puting piano sa gitna ng bulwagan. Nakasuot ito ng eleganteng bistida, nakangiti, at tila sanay na sanay sa atensyon ng lahat. Bawat pagpindot niya sa mga tecla ay sinusundan ng papuri mula sa mga bisita.Ang galing talaga ni Thalia. Hindi nakakagulat na siya ang paborito sa pamilya.Napakaganda ng piyesa niya. Parang anghel ang tumutugtog.Halos lahat ng bisita ay nakapaligid sa kanya, nakikinig at humahanga. May ilan pang kumukuha ng video at larawan, na para bang isang concert ang kanilang pinapanood.Hindi pa man nakakalapit si Arraine ay agad na siyang nakita ni Ivy. Mabilis itong lumapit at hinarangan ang daan niya.Arraine, huwag mong isipin na dahil lang sa maganda ang bistida mo ay malalamangan mo na ang karisma ni Ate Thalia, wika ni Ivy na may halong pang-iinsulto.Napatingin si Arraine sa kanya. Hindi siya sumagot agad. Alam niyang simula pa lang it

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status