Mag-log in
PUNO ng galit, puot at sakit Ang puso ko ng makita ko ang best friend ko na nakahandusay sa loob ng sasakiyan—duguan at Wala ng Buhay.
“Deana!! Wake up!” sigaw ko habang umiiyak. Agad ko namang hinanap ang taong may gawa nito sa best friend ko at sa Dad niya, bago paman ako makarating kanina Dito ay may Isang babae na nakita ko, kasunod nito ay isang lalaki. Nasa kanilang dalawa lamang Ang pumatay Kay Deana at Kay Tito... at di ako pwedeng mag kamali. Marami ng mga taong nag bubulong bulungan, Ang iba Naman ay tumawag na sa mga pulisya para ipaalam ang nangyari. Lutang ang utak ko hindi ko parin kayang iproseso Ang lahat ng mga nangyayari, Hindi ko alam kung bakit ganito Ang nangyayari kakain lang Naman sana kami at mag kekwentohan dahil kakauwi niya lang galing hospital, binantayan niya Kasi si Mommy Dianne. “ Ma'am, excuse us we need to talk to you for further investigation” kausap naman ng police sakin. Hindi naman ako naka imik at tulala parin ako, hindi ko pa matanggap at hindi pa matanggap ng buong pagkatao ko Ang nangyayari ngayon sa best friend ko, Hindi ko sukat akalain na ganun Ang mangyayari. “N-no, this can't be real!” wika ko habang umiiyak. Nakita ko Kasi na tinakpan ng puting tela si Deana at Tito Lucio napakuyom naman ako sa kamao ko at napahagolgol na lamang ako ng iyak. Ano pa bang magagawa ko? Binawi na Sila Sakin, Sino nalang ang pupuntahan ko tuwing malulungkot ako, sino nalang Ang andiyan para supportahan ako, sino nalang ang taong maniniwala Sakin sa tuwing tatalikuran ako ng buong Mundo. “Deanaaaa!!!!” sigaw ko habang umiiyak, napaluhod na ako at napahagolgol na lamang ng iyak. Natigil lang ako ng biglang may humawak sa balikat ko. “Tumayo kana diyan, Hindi makakatulong Kay Deana Ang ginagawa mo ngayon” Umiiyak parin ako at nakaluhod Wala akong lakas para tumayo. “ Llewela hindi pa huli ang lahat, Kailangan ka ng mommy niya” sambit ni Ate Levana. Agad ko namang pinunasan Ang luha ko. Tama siya kailangan pa ako ni Tita Dianne mas masasaktan siya pag nalaman niyang Wala na si Tito Lucio at Ang nag iisa nilang anak Wala na siyang pamilya at Ako nalang Ang natira. Tumayo Naman ako at humarap Kay ate Levana, kita ko sa mga mata niya Ang pag aalala Sakin. Inalalayan niya naman ako Papasok sa loob ng kainan, dahil nasa restaurant kami Dito sana kami kakain ni Deana. “Hindi ka man lang ba muna uuwi ng Bahay” wika nito, dahil nakatulala parin ako at lutang ang isip. Umiling Naman ako bilang tugon. “Aalis na muna ako ate, Hindi ko alam kung Anong mangyayari Sakin. Pupuntahan ko lang muna si Tita Dianne at dadaan muna ako sa hospital para iclaim Ang katawan nila” pumipiyok Ang boses ko habang sinasabi Ang mga salita na yon. Tinapik naman niya ang balikat ko. “Mag ingat ka, wag padalos dalos na mag desisyon” paalam niyo bago ako umalis. Hindi ko na nilingon si ate, dire diretso na akong sumakay sa kotse ko at Pinaharurot na ito ng sobrang bilis. Nang makarating ako sa hospital ay sinalubong Naman ako ng ilang nurse at doctor, sinabi Naman nila Sakin Ang lahat ng gagawin ko. “ Salamat” sambit ko ng matapos ko na Ang lahat, Sila na daw Ang bahala na mag hatid kina Deana. Tumango na lamang ako at agad na nag tungo sa room ni Mommy Dianne. Iisang hospital lang kasi Ang pinagdalhan ng katawan nila Deana at Ang hospital na tinutuluyan ni Mommy Dianne. Kumatok muna ako bago ako pumasok ng tuluyan. “Anak! ” Masayang wika nito. Napawi Naman Ang mga ngiti niya ng tumulo Ang luha ko. “Anong nangyayari sa'yo Furiae? Bakit ka umiiyak? Pinagalitan ka na Naman ba ng mga magulang mo?” nag aalala Naman niyang Tanong Sakin. Di naman ako umimik at agad ko Naman siyang nilapitan, niyakap ko Naman kaagad ng mahigpit si Mommy at humagolgol. “I’m so sorry Mommy, I'm so sorry dahil Hindi ko po naprotektahan si Deana at Tito Lucio ” wika ko habang umiiyak. “Iha, ano bang sinasabi mo?” wika nito habang hinahaplos Ang likuran ko Kumalas naman ako sa pagkakayakap sakaniya at tiningnan siya sa mga mata. “ Mommy....Wala na po Sila. Binaril po sila” Bumukas Naman Ang mga labi Niya dahil sa sobrang gulat at unti unting tumulo Ang mga luha Niya. Agad ko Naman itong pinunasan ngunit nag sunod sunod na Ang luha na pumatak sa mga mata niya. “No, no!” iiling iling nitong iyak. “Im so sorry Mommy, Isusumpa ko na hahanapin ko Ang taong pumatay Kay Deana at Tito, IIpapangako ko na triple o sobra pa Ang itatanim kung bala sa katawan nila!” Galit na wika ko. Tatango tango naman siya habang sinasabi ko ’yon. “I know you won't fail me, Please seek justice for my Husband and daughter—Wala ka ng kapatid” wika nito habang umiiyak. Napakuyom naman Ang mga kamao ko habang sinasambit niya Ang mga katagang yon. Tumayo Naman ako at tumawag ng nurse ng napansin ko na nanghihina si Mommy. Nang maasikaso na ito ay umalis na ako at agad na tinawagan Ang tauhan ko. “Gawin niyo Ang dapat niyong gawin di kayo titigil hangga't Wala kayong nabibigay na information sakin.” wika ko at agad ko namang binaba Ang tawag. “Copy boss, nga pala bossing may sinabi si Miss Levana sa iyo. Uuwi na daw kayo ng pilipinas” “Sige kyle, salamat sa information” sambit ko at agad ko namang pinatay ang tawag. Ikinuyom ko Naman Ang mga kamao ko at umalis na.“Llewela Furiae Ortíz-Lambríx POV ”AFTER FEW WEEKS...“hindi ko na itutuloy” sambit ko kay McKenzie agad naman siyang napatayo at niyakap ako ng sobrang higpit ng kumalas ito ay hinalikan Naman Niya kaagad ako.“Tara sa beach” nakangiti nitong wika at agad naman akong tumango bilang tugon sa sinabi niya Sakin. Nag impake Naman agad kami ng mga kasama ko Ang iba Naman ay nauna na dahil excited Sila.“Mommy, let's go na po!” wika Naman ni Flaire habang yakap yakap Niya si Doraemon. Natawa na lamang ako dahil sabik na sabik ito na makita Ang dagat.Bumaba Naman kaagad kami at dumiretso na sa parking lot nag tungo Naman kaagad kami sa location na binook ni McKenzie...Nang makarating na kami doon ay agad naman naming hininto ang sasakiyan at agad na bumaba, sinalubong naman kami ng malamig na simoy ng hangin napapikit naman ako. Nang minulat ko na Ang aking nga mata ay Mukha naman ni McKenzie Ang sumalubong sakin. “You’re still so gorgeous wife” nakangiti namang wika sakin ni McKenzie a
“ Llewela Furiae Ortíz-Lambríx POV ”“Miss Lambrix pwede na po kayong lumabas ngayon” napangiti naman ako ng dahil sa sinabi ng nurse, buryong buryo na din ako Dito sa loob ng hospital, Hindi ko alam kung saan nag susuot Ang mga Kasama ko at sobrang busy nilang lahat. Nag handa naman ako at inayos ko na din Ang Sarili ko dahil sa wakas makaka uwi na din ako sa Bahay, Sila ate Levana at Lilith lamang Ang andito. Tinatalakan na Naman ako ng dalawang ito, walang katapusan Ang pag tatalak nila Sakin.“Ayos ayosin mo yang desisyon mo sa Buhay Llewela, pag Ikaw naloko ulit ipupukpok ko sa ulo mo itong baril na Dala dala ko” natawa naman ako ng bahagya ng dahil sa sinabi ni ate Levana Sakin.“Ate naman, I know McKenzie...pero bago niya pa ako makuha ulit Kailangan muna niyang pagbayaran ang ginawa niya sa best friend ko” kunot noo namang nakatingin Sakin si ate Lilith.Napakamot naman siya sa ulo Niya ng bahagya at napangiwi, sa expression niya palang ay masasabi ko na Hindi ito nasiyahan
“Llewela Furiae Ortíz-Lambríx POV ”DAHAN dahan namang nag tungo sa gawi ko si Mommy Dianne, naka wheelchair ito kaya mabagal ang kaniyang pag usad papunta sakin. Nang makarating na siya sa kinaroroonan ko ay agad naman niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak. Ramdam ko Ang kaniyang pagsisisi at niyakap ko din naman siya pabalik.Ilang Segundo kaming nag yakapan Hanggang sa mag sawa kami at kumalas na sa isa't isa.“Are you okay anak?” napangiti naman ako ng dahil sa tinuran ni Mommy Dianne. Ngayon ko nalang ulit narinig na tinawag niya akong anak.“I am so sorry for what I've done, alam ko na Hindi tama ang lahat” bumuntong hininga naman siya at tumingin sa malayo. “Even, I betrayed you. I hurt you so much hindi mo parin ako kinamumuhian” tumulo naman ang luha ko ng dahil sa sinabi niya. Siya naman ay napaiyak na rin.“I love you anak pero nasaktan lang din kasi ako e, alam ko na maling paraan ang ginawa ko at hindi kita masisisi kung mag hihigante ka sakin o kamuhian mo ako”
“Llewela Furiae Ortíz-Lambríx POV ”NANG hindi ko na naramdaman Ang presenya nila ay mabilis ko namang binuksan Ang mga mata ko, bumuntong hininga naman ako at agad na ngumuso.“Napaka higad talaga ng lalaki na iyon.” inis ko namang wika habang nakatingin sa kisame ng hospital.“What did you say?” agad naman akong napatingin sa gilid ko at nanlaki Naman Ang mga mata ko ng Makita ko si McKenzie na seryusong nakatitig Sakin.“A-ah W-wala wala” natatawa Naman ako ng mapakla ng dahil sa sobrang gulat.Agad Naman siyang lumapit Sakin ngunit di ako makailag masakit pa Kasi Ang tagiliran ko dahil sa may sugat pa ako.“Lumayo ka Sakin, wag mong subukan na halikan ako” bigla naman siyang natawa ng dahil sa sinabi ko. Napaisip Naman ako kung may nakakatawa ba sa mga sinabi ko.“Gustong gusto mo talaga na halikan kita?” umirap Naman ako at di na umimik.“I’m just teasing you wife” natatawa namang wika Niya at agad na bumalik sa pwesto niya, kumuha Naman siya ng orange at binalatan ito.“Kumain
“ Llewela Furiae Ortíz-Lambríx POV ”NAPANGITI naman ako ng nasa Isang pamilyar ulit ako na Lugar hindi ako dapat na mag kamali ito Ang tambayan ng best friend ko. Agad ko namang hinanap Ang bench, lumapad Naman Ang ngiti ko ng Makita ko siya na nakatingin Sakin at nakaupo habang may matatamis na ngiti sakaniyang mga labi. “ Llewela!” masayang tawag niya Sakin, kaagad naman siyang tumayo at agad na tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. Sinalubong ko Naman siya ng yakap na mahigpit.“Deanna” masayang wika ko habang yakap yakap ko siya.Agad Naman siyang kumalas mula sa pagkakayakap Sakin at dinala ako sa bench, sabay Naman kaming umupo at hinawakan Naman Niya kaagad Ang kamay ko.“This time, Wala ka ng babayaran na utang Sakin. Unahin mo na Ang Sarili at kaligayahan mo” tumingin Naman ako Dito na nakangiti at agad na tumango.“Alagaan mo si Mommy, I'm so sorry if she hurt you ” umiling Naman ako dahil hindi ko sinisisis si Mommy Dianne. She been through a lot nasaktan at nagalit ako sak
“DIANNE VENEBENTURA POV” HALOS mag wala ako sa loob ng interrogation room dahil dinala ako ng mga police dito. Naikuyom ko naman Ang kamao ko dahil sa sobrang galit at pagsisisi.“Mananatili ka muna sa presento Miss, Hangga't Hindi pa nagigising si Miss Lambrix.” tumango lang naman ako habang umiiyak, nasa loob na ako ng kulungan ngayon naka upo sa malamig na sahig. Nang umalis na ng tuluyan ang pulis ay humagolgol na ako ng iyak, napaangat Naman ako ng tingin. Nakatingin lang ako sa kisame habang Puno ng pagsisisi.Hindi ko alam...nalilito na ako sa kung Anong dapat kung gawin. kasalanan ko Ang lahat, after all I did mahal na mahal parin ako ni Llewela. Alam ko Naman na mas gugustuhin niya pang masaktan siya kesa masaktan ako. “Mrs. Venebentura. Don't you worry I am here” wika naman ng Lawyer ko. Tumingin Naman ako dito at umiling, gusto Kong pag bayaran Ang nagawa ko hindi matutuwa Ang anak ko sa mga nangyayari ngayon. Sinusubukan nila akong pigilan ng Asawa ko ngunit Hindi ako n







