تسجيل الدخولNagising si Paquito sa tunog ng kanyang cellphone. Dumilat siya at kinapa ang bedside table para kunin yun. Sinulyapan niya ang screen at tiningnan ang pangalan ng tumatawag bago sinagot ang tawag. Isa sa mga tauhan nila."Yeah?" malamig na aniya."Boss, confirm na., okay na sa Montenegro. Tuloy na raw mamaya.""What time?""Ten. Naghihintay na dun ang mga tao nila.""All right. Get the boys ready.""Yes, boss."Ibinaba niya ang cellphone at agad na bumangon.Kinuha niya ang kanyang pantalon sa sahig at isinuot iyon. Habang inaayos ang sinturon, napatingin siya sa babaeng himbing na natutulog sa kabilang bahagi ng kama. Hindi niya alam kung ano pangalan nito. Hindi rin naman kasi niya itinanong.Yun ang routine si Paquito. Darating siyang mag-isa sa bar pero may kasama na siya paglabas at ditetso sila ng hotel. Pagsapit ng umaga, umaalis siya nang walang balak makipagkita pa.Kinuha niya ang kanyang polo sa sandalan ng upuan at nagsimulan nang magbihis. Pagkatapos ay kinuha ni
Hindi na nagsalita si Don Maximo at tumalikod na. Habang naiwan ang dalawa.Napatingin si Renato kay Paquito. Igting ang panga, ngunit hindi siya umimik.Si Paquito naman ay nanatiling tahimik. Wala siyang interes sa naging pagtatalo. Ang iniisip na lamang niya ay kung paano kakausapin si Montenegro para maayos ang problemang iniwan ng pinsan niya.Hindi naman dating ganito ang relasyon nila noon. Magpinsan at malapit ang dalawa. Ngunit nagsimulang magbago ang kanilang samahan nang maging bahagi sila ng grupong ATLAS.Pareho silang inampon ng mga lalaking miyembro ng sindikato. Si Paquito ay inampon ni Julian Gabriel, habang si Renato at Subas naman ay inampon ni Arturo Aragon.Halos magkapantay ang posisyon ng kanilang mga ama-amahan, ngunit mas malakas ang impluwensiya ni Mr. Gabriel dahil sa malaking kita ng Cartel Division. Dahil dito, mas napapansin din ni Don Maximo si Paquito, na kasalukuyang sinasanay nito upang humawak ng mas mabibigat na responsibilidad.Iyon ang kinaiinggit
[PAQUITO & FATIMA Love Story]Malakas ang tugtog sa loob ng isang exclusive nightclub sa Makati. Halos puno ang mga mesa, at sa VIP section ay may mga negosyanteng nag-iinuman kasama ang kani-kanilang mga bisita.Isa yun sa mga nightclub na pinapatakbo ng Nightlife Division ng ATLAS.Kaswal na nakaupo si Paquito sa isang leather sofa, hawak ang baso ng whiskey. May dalawang magandang babae sa magkabilang tabi niya. Ang isa ay nakasandal sa kanyang balikat habang ang isa naman ay paminsan-minsang humahaplos sa kanyang dibdib.Nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo at nakatupi ang mga manggas nito hanggang siko. Hinahayaan lamang niya ang mga ito, na para bang bahagi lang yun ng karaniwang gabi niya.Maya-maya ay bumukas ang pinto ng bar at pumasok mula roon si Renato. Matikas itong naglakad papasok ng bar, taas-noo at may kumpiyansang tila siya ang may-ari ng lugar na yun. Hindi nito pinansin ang ilang lalaking bumati sa kanya at dumiretso sa mesa ni Paquito. Huminto ito sa ta
Maya-maya, nakahinga rin nang maluwag ang mga naghihintay sa labas ng venue nang makitang paparating na ang bridal car. Ngunit agad silang nagtaka nang si Liam ang bumaba mula sa driver's seat. Mabilis ang mga hakbang ni Liam. Sinalubong siya ni Fatima, na kanina pa naghihintay. Alam na rin nilang nasira ang sasakyan nito kaya hindi na siya nagtanong pa. Napatingin si Fatima sa suot ng anak. “Oh, my goodness! What happened to your clothes?” “I'll explain later. I just need to change. Nasa loob ng sasakyan si Dina.” ani Liam at agad na nagtungo sa changing room. Naroon na ang isa pa niyang suit na gagamitin sana niya sa reception, na maaga pa lamang ay inihanda na ng wedding coordinator. Wala naman talaga siyang balak magpalit bago magtungo sa reception pero ngayon ay magagamit din pala niya yun. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang kasal. Maayos na nakatayo si Liam sa harap, suot ang malinis at eleganteng suit. Nasa tabi niya si Rafael bilang best man. Sa hanay naman ng
Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay. Ang kasal ng Nanay at Tatay ni Lian. Sa malaking bahay ng Hacienda Fatima, nakatayo si Liam sa harap ng salamin habang inaayos ang kanyang necktie. Maayos na ang suot niyang suit, ngunit ilang beses pa rin niyang sinubukang ituwid ang buhol ng kurbata.., nang bumukas ang p***o at pumasok si Fatima. “Okay na 'yan. Gwapo ka pa rin sa paningin ni Andeng,” nakangiting sabi nito habang naglalakad papasok. Napangiti si Liam nang makita ang ina at ayusin nito ang kanyang kurbata. “I’m happy, son,” mahinang sabi ni Fatima habang inaayos iyon. “Natupad na rin ang pangarap mong magkaroon ng buong pamilya.” Napatingin si Liam sa ina. Pansin niya ang pangingilid ng mga luha nito. “I've always had a whole family, Mom. Ours just happens to be a little different.” Ngumiti si Fatima. Tumingala ito.., tumingin kay Liam…, …at marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ng anak. “Kamukhang kamukha mo siya.” sambit niya. Walang nagsalita, ngunit
Nang sumunod na araw, sakay ng tricycle si Dina nang pumasok siya sa Hacienda Fatima. Pauwi na siya mula sa OJT sa munisipyo.Dapat ay susunduin siya ni Liam, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpaparamdam. Wala man lang text o tawag kaya inisip na lamang niyang baka naging abala ito sa trabaho. Alam naman niyang kahit nasa probinsiya ang asawa, patuloy pa rin nitong inaasikaso ang kumpanya sa Maynila.Malayo pa lamang ay napansin na niya ang pamilyar na sasakyang nakaparada sa tapat ng kanilang tindahan.“Kay Liam 'yon, ah.”Pagkababa niya ng tricycle. Nakita niya ang kanyang mga magulang sa loob ng tindahan. Agad siyang lumapit at nagmano sa mga ito.“Bless po, Tay. Nay.”“Kaawaan ka ng Diyos, anak,” sagot ni Aling Minda.“Tay, kanina pa po ba rito si Liam?”“Kanina pa.” sagot ni Mang Andoy.“Kanina ko pa po siya hinihintay. Nandito lang pala.” usal niya at napatingin siyang muli sa sasakyan. “Anong ginagawa niya rito? Saka nasaan po si Lian?”“Pumasok ka na lang sa loob. Nand







