LOGINAt first glance ay aakalain ng ibang mga tao na ang tunay na mag-ina ay sina Agatha at Julienne sa closeness na ipinapakita nila sa isa't isa. Isinantabi na ni Agatha ang katotohanang si Maica ang ina nito at ibinuhos niya ang kaniyang atensyon sa bata na para bang siya ang nagpalaki rito. Habang kumakain ang bata ay mas napansin siya sa braso ng bata. Hindi siya sigurado kung pasa ba ang nakikita niya sa braso nito. "Daniel, talaga bang may pasa lagi si Julienne kapag nagkikita kayo?" tanong ni Agatha na ikinakunot ng noo ng nasabing lalaki." "What do you mean by that?" tanong agad ni Daniel sa girlfriend. "Tingnan mo ang braso niya," pabulong na sabi ni Agatha. "Parang piniga na hindi ko maintindihan, parang bakat ng mga daliri ang nakikita ko." "Agatha..." "Ayaw kong akusahan ang mama niya, pero iba ang pakiramdam ko sa mga pasang nakikita ko sa kaniya," sabi ni Agatha sa nobyo. "Ikaw naman ang kinikilala niyang ama kaya wala sigurong masama kung aalamin mo kung ano ang
Ilang araw pa ang lumipas at nakita na lang ni Agatha ang kaniyang sarili na makakaharap ang anak ng babang sumira noon sa relasyon nilang dalawa ni Daniel. Supposedly, may mararamdaman siyang inis dahil anak ni Maica ang nasabing bata. Iyon nga lang, hindi rin niya maintindihan kung bakit parang napapalapit na siya sa bata gayong hindi pa sila nagkikitang tunay. "I told you, magugustuhan mo ang bata," pabulong na sabi ni Daniel sa kaniya nang napansin nito ang kaniyang reaksyon. "Hindi siya mahirap magustuhan kahit na --" "Huwag mo nang ituloy kung ano man ang sasabihin mo," sagot ni Agatha. "Ayaw kong masira ang mood dahil lang sa isang katotohanang hindi ko maitatanggi kahit kailan. Isang ngiti ang ibinigay ni Daniel kay Agatha bago pa man siya tumango, "I think magugustuhan ka rin niya tulad ng pagkagusto niya sa cookies na ipinadala mo para sa kaniya nitong nakaraan." Hindi nagsalita si Agatha at sa halip ay itinuon niya ang kaniyang atensyon sa mga pagkaing inihanda niya par
"Sigurado ka ba na gusto mong ituloy ito?" tanong ni Gavin sa kaniyang anak nang iniabot ni Daniel sa kaniya ang isang plastic bag na naglalaman ng basong ginamit ni Julienne. "Paano kung mapatunayan ni Maica na anak mo nga si Julienne?""Kung mangyayari man ang bagay na iyon ay tatanggapin ko nang buong-buo kung ano man ang magiging desisyon ni Agatha sa relasyon naming dalawa," sagot ni Daniel sa isang mahinahong tinig. "But I also swear na pagbabayaran ni Maica ang kasalanan niya sa kaniyang anak kung sakaling malalaman ko rin na hindi ko talaga anak si Julienne."Umangat ang kilay ni Gavin sa narinig, "What will you do kung sakaling mapatunayang hindi nga iyo si Julienne?"Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel, "I guess, I'll file a case against her lalo na at paninirang-puri ang ginawa niya sa akin.""Well, let's hope na hindi nga iyo ang batang iyon," sagot ni Gavin. "Lalo na at hindi lang pala sa iyo ipinakilala ang anak niya."Isang tango ang ibinigay ni Daniel sa
Alam ni Daniel na kung hindi niya pagbibigyan si Maica sa gusto nitong mangyari ay mauunahan siya nito sa kaniyang plano. Sa ngayon ay hahayaan muna niya itong ipakilala sa kaniya si Julienne bilang ama nito habang pinapahanap niya sa kakilala niya ang tunay na ama ng nasabing bata."Buti naman at may time ka para sa anak mo," sabi ni Maica sa isang nakangiting tinig. "Ang akala ko ay tatanggihan mo siya dahil sa hindi mo pa rin mapaniwalaan na may anak tayong dalawa."Isang inosenteng tingin ang ibinigay ni Daniel sa bata. Alam niya sa kaniyang sarili na inosente ang nasabing bata sa kasalanan ng ina nito kaya there is no way in hell na magiging masama ang pakikitungo niya rito."I am not that heartless pagdating sa aking anak," sabi ni Daniel sa dalaga. "Kahit na sabihin pa nating niloko mo ako."As expected, naging matigas ang ekspresyon ni Maica nang binanggit ni Daniel ang ginawa nitong panloloko. Daniel keeps a neutral expression kahit na sa totoo lang ay gusto niyang magdiwang
Alam ni Maica na fragile ang tiwalang ibinibigay ni Agatha kay Daniel ngayong nagkabalikan na silang dalawa kaya minabuti niyang magpakita sa nasabing babae. She needs to taunt her, to bully her, para muling masira ang relasyon nito sa dating nobyo. Nagawa na niya iyon noon at sigurado siya na kaya niya iyong gawing muli. "Wala akong intensyon na manggulo pa," sabi ni Maica sa isang painosenteng tinig. "Alam kong may relasyon na kayong muli ni Daniel, pero sa tingin ko ay may hindi ka pa rin alam tungkol sa kaniya." Pinakunot ni Agatha ang kaniyang noo, "Ano pa sa tingin mo ang hindi ko alam tungkol sa kaniya?" Isang relaxed smile ang pinasilay ni Maica sa pag-aakalang wala pang alam si Agatha tungkol sa anak nilang dalawa ni Daniel, "Well, it seems like hindi mo pa ngang kilala ang asawa mo. Alam mo naman siguro na pagkatapos mong umalis ay nagsama pa kaming dalawa sa bahay na inagaw mo sa kaniya, hindi ba?" "Alam kong nagsama kayo, tapos?" tanong pabalik ni Agatha sa dalaga.
Ang buong akala ni Daniel ay magiging tahimik na ang relasyon nilang dalawa dahil wala nang Luis na nanggugulo sa kanila. Hindi niya inakala na muling magpapakita sa kaniya ang isang babaeng kinalimutan na niya."Daniel, puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Maica sa isang seryosong tinig na nagpakunot sa noo ni Daniel."What are you doing here? Ang akala ko ba ay malinaw na sa iyo na wala na tayo?" sunod-sunod na tanong ni Daniel kay Maica.Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica, "Alam kong ayaw mo ng gulo pero may kailangan kang makilala," sabi ni Maica na mas nagpalala sa pangungunot ng noo ni Daniel.Bago pa man magawang ibuka ni Daniel ang kaniyang bibig ay isang batang babae ang pinalapit ni Maica sa kaniyang direksyon. Nangunot ang kaniyang noo dahil wala siyang natatandaan na may anak silang dalawa ng dafi niyang karelasyon."Daniel, meet our daughter, Julienne," sabi ni Maica sa isang seryosong tinig. "Alam kong hindi mo siya nakilala dahil pinili kong itago ang id
Pagkarating nina Daniel at Maica sa bahay ay dumiretso kaagad si Daniel sa kwarto upang kumuha ng iba pa niyang mga gamit. Alam niya sa kaniyang sarili na wala na siyang karapatang tumira pa sa bahay na iyon dahil sa dati niyang asawa nakapangalan ang titulo.“What? Bigla kang natauhan ngayon na hi
Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na
“This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”“Daniel –”Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahi
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f







