LOGIN
“Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood friends tayo at sa kasal din mauuwi ang friendship natin. Ayaw mo noon?”
Isang madilim na ekspresyon ang nababakas sa gwapong mukha ni Daniel, “Ano ngayon kung childhood friends tayo? Agatha, hindi sa lahat ng oras ay puwede mong makuha ang iyong gusto! Hindi ikaw ang mahal ko!”
“Alam ko, pero hindi ba, iniwan ka ni Maica dahil mas mahal niya ang iyong career kaysa sa relasyon ninyo?” tanong ni Agatha sa binata. “Walang masama kung susubukan mo rin akong mahalin nang higit sa isang kaibigan.”
Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Daniel sa dalaga, “Hindi kita kayang mahalin kahit kailan! Si Maica lang ang mahal ko at isang malaking kahibangan ang kasalang magaganap sa pagitan nating dalawa!”
“Daniel –”
“Bawiin mo ang sinabi mo na payag ka sa pagpapakasal nating dalawa kung gusto mo pa ring manatili sa pagkakaibigang mayroon tayo!” sabi ni Daniel sa isang galit na tinig.
Napako sa kinatatayuan si Agatha nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang magagalit sa kaniya ang kaniyang kababata dahil sa pagsang-ayon niya sa arranged marriage nilang dalawa.
“Literal na nakipaghiwalay si Maica kay Daniel kaya wala akong inaapakang tao nang pumayag ako sa kasal,” pangangatuwiran ni Agatha sa kaniyang sarili. “Sigurado naman akong kapag nasa akin na siya ay mababaling na rin ang pagmamahal niya sa akin. Kailangan ko lang talagang sipagan para mahalin niya ako.”
Kung tanggap na ni Agatha ang kanilang kapalaran, kabaligtaran iyon ni Daniel. Galit siyang nagtungo sa opisina ng sarili niyang ama upang kwestiyunin ito.
“Magpasalamat ka dahil pumayag si Agatha na pakasalan ka para sa pagsasama ng dalawang kumpanya,” bungad agad ni Gavin bago pa man makapagsalita ang binata. “Malawak ang koneksyon ng mga Dela Cruz at kung sakaling magsasama ang shares ninyong dalawa ni Agatha ay mas malaki ang chance na mapunta tayo sa iyo ang posisyon bilang CEO.”
“Hindi ko kailangan iyon! Ayaw kong pakasalan si Agatha!” sigaw ni Daniel sa ama. “Iba ang babaeng mahal ko at hinding-hindi ko siya mamahalin kahit kailan!”
Isang ngisi ang pinakawalan ni Gavin, “Sinabi ko na rin iyan noon sa Mama mo, pero tingnan mo, happily married kami. Bata ka pa kaya nabubulag ka sa infatuation mo kay Maica. Maiintindihan mo rin ang lahat kapag nagsama na kayo ni Agatha bilang mag-asawa.”
Hindi makapaniwala si Daniel sa sinabi ng kaniyang ama. Ang buong akala niya ay nagmamahalang tunay ang kaniyang mga magulang kaya sila nagpakasal noon.
“We started sa isang arranged marriage,” sabi ni Gavin sa anak. “Hindi ko pa nga kilala si Miranda noon kaya panay ang tutol ko rin sa kasal naming dalawa, but then, we were so young during that time. Hindi pa namin alam kung ano ang tunay na konsepto ng pag-ibig. Nagpakasal kami nang labag sa kalooban namin pareho, but guess what, naging happy family tayo dahil natutunan naming mahalin ang isa’t isa. She has been so patient with me kaya nahulog ako sa mama mo.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel, “Papa, magkaiba kayo ni Mama at magkaiba kami ni Agatha. Magkakilala kami ni Agatha kaya alam ko na hindi ko siya kayang mahalin. Si Maica ang mahal ko, pero hindi ninyo siya kinilala bilang girlfriend ko!”
Nagdilim ang mukha ni Gavin sa narinig, “Sabihin mo, paano namin kikilalanin ang babaeng iyon kung alam namin ang totoong motibo ng paglapit niya sa iyo?”
“Papa –”
“Bata ka pa kaya ang akala mo ay siya na ang talagang mamahalin mo,” sabi ni Gavin sa isang seryosong tinig. “Nabulag ka rin niya dahil sa minsan din niyang iniligtas ang buhay mo noon.”
Labag man sa loob ni Daniel ay wala siyang nagawa nang itinakda ng mga magulang nila ang engagement party nilang dalawa ni Agatha. Nakadagdag pa sa inis niya ang katotohanang nakikita niya na glowing ang dalaga sa balitang iyon kahit na alam nitong malabong mahalin niya ito.
“Tanggalin mo nga iyang ngiti mo at naiinis ako,” inis na sambit ni Daniel kay Agatha sa pabulong na paraan. “Kung makaakto ka ay parang ikakasal tayo dahil mahal natin ang isa’t isa.”
“Daniel –”
Bago pa man magawang sambitin ni Agatha ang nais niyang sabihin sa binata ay tumayo na ito upang iwan siya. Wala siyang nang nagawa kundi magpanggap na ayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa, na hindi napilitan si Daniel sa engagement party na iyon.
“Agatha, nasaan ang iyong fiance?” tanong ni Darius na ama niya nang nilapitan siya nito sa table. “Bakit wala siya rito? Nag-away ba kayong dalawa?”
Isang iling ang isinagot ni Agatha. Pagtatakpan niya si Daniel dahil ayaw niyang mapag-usapan ng mga bisita ang ginawa ng binata sa kaniya.
“May tumawag po sa kaniya kaya umalis po muna siya saglit,” sabi ni Agatha sa ama.
Isang tinging hindi naniniwala ang ibinigay ni Darius sa anak. Alam niyang alam ni Agatha kung ano ang totoo pero nais pa rin nitong pagtakpan si Daniel. Naiinis siya sa sarili niyang anak dahil nakikita niya kung paano ito nagpapakatanga sa isang lalaking nakabaling sa iba ang puso.
“Siguraduhin mo lang na babalik si Daniel dito kung gusto mo pang matuloy ang kasal,” pabulong na sabi ni Darius sa anak. “Pero kunsabagay, mainam na rin na hindi siya bumalik para hindi na matuloy pa ang kalokohang ito.”
Pinili ni Agatha na huwag nang sagutin ang sinambit ng kaniyang ama. Alam niyang kung may masasabi pa siya ay sasagutin lang din iyon ng kaniyang ama at hindi sila matatapos sa kanilang diskusyon. Ang tanging hiling na lang niya nang oras na iyon ay huwag mahalata ng kanilang mga bisita na labag sa kagustuhan ni Daniel ang nangyayari.
“Maica, please, answer the phone,” sambit ni Daniel sa kaniyang sarili habang pilit na tinatawagan ang kaniyang first love. “I need to hear your voice, a reason, para maitigil na ang kalokohang ito.”
Nadismaya si Daniel nang hindi sinagot ni Maica ang kaniyang tawag. Ang akala niya ay mahal siya ng dalaga tulad ng pagmamahal na ibinibigay niya rito. Ang buong akala niya ay ipaglalaban din nito ang pagmamahalan nila. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya nang naisip niya na maaaring may malalim din na dahilan ang kaniyang first love kaya hindi na nito ginusto pa na sagutin ang kaniyang tawag.
“Daniel, sinasabi ko sa iyo na iba ang motibo ni Maica kaya hindi na niya sasagutin pa ang tawag na iyan,” sabi ni Gavin nang nakita siya nito. “Bumalik ka na sa loob at hinihintay ka na ng fiancee mo. Huwag mo siyang ipahiya sa mga bisita natin.”
Walang nagawa si Daniel nang sandaling iyon kundi sundin ang kagustuhan ng kaniyang ama. Kailangan niyang magpanggap na masaya siya sa engagement party na iyon kahit na ang ibig sabihin pa noon ay pagtitiisan niya ang dalagang ipinagpipilitan ang sarili sa kaniya.
“Masaya ka na ngayong sinisira mo ang buhay at reputasyon ko?” tanong ni Daniel sa isang malamig na tinig kay Agatha.
“Daniel, wala akong sinisira na kahit na ano sa iyo,” sagot ni Agatha sa isang mababang tinig. “Ang gusto ko lang naman ay mahalin ka habang nabubuhay ako.”
Mabilis na lumipas ang mga araw at nakikita na ni Agatha ang kaniyang sarili na suot ang kaniyang dream wedding dress. Ikakasal na siya sa lalaking matagal din niyang pinangarap.
“Everything is going to be fine,” sabi ni Agatha habang nakaharap siya sa salamin. “Matutunan ka ring mahalin ni Daniel habang tumatagal ang inyong pagsasama bilang mag-asawa.”
Nakita ni Agatha ang paglapit ng kaniyang ama habang pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon. Alam niya sa kaniyang sarili na kahit makikinabang ang kaniyang pamilya sa nasabing kasal ay hindi ito pabor.
“May oras ka pa, puwede ka pang umatras,” sabi ni Darius sa anak. “Kung ginagawa mo ito para sa pamilya natin ay tigilan mo na. We can match you to someone else na alam kong mamahalin kang tunay.”
Isang iling ang ibinigay ni Agatha sa ama, “I can manage this. Alam kong mamahalin din ako ni Daniel basta’t bigyan ko lang siya ng sapat na panahon.”
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Darius, “Pagpapakatanga sa lalaki ang gagawin mo. Hindi ka niya mamahalin dahil ang isip niya ay –”
“Dad, ikakasal na po ako sa lalaking mahal ko,” sabi ni Agatha sa ama. “I can handle this.”
Kahit na sabihin pa ni Agatha sa ama na kaya niyang i-handle ang sitwasyon ay alam niya sa kaniyang sarili na kailangan niyang paamuin nang husto si Daniel upang mahulog ang loob nito at sa kaniya na mabaling ang pagmamahal nito. Magagawa lang niya iyon kung hindi na nito makikita pa si Maica kahit kailan.
“Ginusto mo ang pagpapakasal sa akin kaya sisiguraduhin kong gagawin kong impyerno ang buhay mo,” pabulong na sabi ni Daniel kay Agatha habang naglalakad sila papunta sa pari. “Sisirain ko ang panaginip mo para malaman mo na isang malaking bangungot ang kasal na ito.”
Ngumiti lang si Agatha sa sinabi ni Daniel, “Challenge accepted. Tuturuan kitang mahalin ako.”
“Makasarili ka, hindi mo iniisip kung ano ang mararamdaman ng ibang tao sa iyo,” sabi ni Daniel kay Agatha.
“Just accept the fact na ikakasal na tayong dalawa,” sagot ni Agatha. “Nasa simbahan tayo kaya expected na sa ating tatanggapin natin ang kasal na ito.”
Pinili ni Daniel na manahimik nang sandaling iyon. Ayaw niyang magmukhang bastos sa paningin ng lahat kaya titiisin muna niya ang ugaling ipinapakita ni Agatha sa kaniya. He can give her hell pagkatapos ng kanilang kasal.
Nang nasiguro ni Maica na wala na ang mga social worker ay pinuntahan niya kaagad si Julienne na kasalukuyang nakakulong sa kwarto nang sandaling iyon. Kailangan niyang sabihan si Julienne kung ano ang isasagot nito sa social workers kung sakaling babalik man sila para kausapin ito. Napailing pa siya nang nakita niya ang balat nito. "Kailangan kong takpan iyang mga pasa mo para hindi nila mapansin bukas iyan," sabi ni Maica sa bata. "May gustong kumausap sa iyo bukas." "Mama..." "Hindi mo ako tatawaging mama kapag nagkamali ka ng mga sagot sa kanila," banta ni Maica sa anak. "Ayaw mo naman sigurong mawalan ng mama, hindi ba?" Bago pa man makapagsalita si Julienne ay isang ngiti na ang ibinigay ni Maica sa kaniya. Nabuhayan siyang muli ng pag-asa na mamahalin siya ng sarili niyang ina kapag ginawa niya ang gusto nitong ipagawa sa kaniya. Hindi niya napansin na ang ngiting ibinibigay sa kaniya ng sarili niyang ina ay isang ngisi ang ibig sabihin noon para sa nasabing babae. "K
Labag man sa kalooban ni Daniel ang gustong gawin ni Agatha ay pinili na rin niyang pagkatiwalaan ang suhestyon nito sa kaniya. The only way to collect evidence is to make sure na kasamang muli ni Maica ang sarili nitong anak. "Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para kay Julienne kapag kumilos na tayo para iligtas siya," sabi ni Daniel kay Agatha. "Ayaw kong dumating ako sa point na pagsisisihan ko ang nangyari sa kaniya." "Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko rin na hindi siya tuluyang mapapahamak," sagot ni Agatha sa binata. "Anak na rin ang turing ko kay Julienne kaya hindi ko gugustuhing mapahamak na lang siya sa kamay ni Maica." Kahit na hindi mapalagay si Daniel ay hindi siya nagtangkang tumawag kay Maica upang kumustahin ang bata. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang nasabing babae na makapaghanda sa kaniya. Gusto niyang ilabas ang tunay na pagkatao ni Maica. "It's been several days pero wala pa rin tayong nakukuha mula sa kakilala mo. I am afraid na baka kun
Hindi makapaniwala si Maica nang sumunod na punta niya ay iba na ang sinasabi ng abogadong kausap niya. Hindi siya tanga para hindi siya magkaroon ng ideya sa kung ano ang nangyari pagkatapos ng naging pag-uusap nilang dalawa."Tell me, magkano ang ibinayad nila sa iyo para sila ang panigan mo?" tanong ni Maica sa isang matapang na tinig. "Hindi mo ba alam na bawal ang ginawa mong pagtalikod sa una mong kliyente?"Isang tikhim ang pinakawalan ng nasabing abogado nang sandaling iyon, "Sa pagkakaalam ko ay consultation lang ang ginawa natin nang nakaraang araw? You offered me your story nang hindi inilalahad ang buong katotohanan.""You --! Don't tell me nagawa ka na nilang lokohin kaagad!" sambit ni Maica.Isang tikhim na lang ang pinakawalan ng abogado sa dalagang ina, "Kung tama ang pagkakatanda ko ay consultation lang ang ginawa mo sa akin, which is iyon naman talaga ang sinadya mo sa akin nitong nakaraan. Hindi na sakop ng konsultasyon mo ang ginawa ng kabilang panig dahil legal op
Galit ang nararamdaman ni Maica nang nakalayo na siya sa mansyon nina Gavin. Hindi niya inaasahan na mapapahiya siya sa harapan nito dahil sa ang piniling makasama ni Julienne ay ang ipinakilala niyang lolo. Ang buong akala niya ay kakampi pa niya ang bata. "Nilason na nilang tuluyan ang isipan ng anak ko," inis na sambit ni Maica sa kaniyang kausap na abogado. "Hindi ko mababaw ang anak ko kung hindi ko idadaan sa batas ang pagbawi sa kaniya." "I understand the situation," sagot ng abogado kay Maica. "And with the evidences na inihain mo sa akin ay malinaw na illegal ang ginagawa nila sa iyo. Malinaw sa batas na dapat ay ina ang kasama ng bata sa kaniyang paglaki." Napangiti si Maica lalo na ngayong alam niyang may kakampi siya at kasama niya ang batas sa pagbawi sa kaniyang anak. Sapat na iyon para sa kaniya lalo na at alam niyang malakas ang kaniyang laban. "Attorney, tatanawin ko na malaking utang na loob kung magagawa nating bawiin ang bata," sabi ni Maica sa kausap. "Sa
Alam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak
Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled
Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. “Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha k
Umuwi si Maica na inis na inis sa nangyari. Hindi niya inakala na papatulan siya ni Agatha ngayong naghiwalay na silang dalawa ni Daniel. Ang buong akala niya ay tulad pa rin ng dati ang ugali nito na hindi siya papatulan kahit na ano pa ang kaniyang gawing paninira rito.“Humanda ka Agatha dahil s
Isang matagumpay na ngiti ang ibinigay ni Agatha sa kaniyang ama nang ipinakita na niya ang papeles na nagsasaad ng petisyon niya para sa legal separation nilang dalawa ni Daniel. Sigurado siyang wala nang trial na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel dahil kasama na nito si Maica. Wala siy
Nakikita man ni Agatha ang kaniyang asawa ay nagpasiya siya na huwag itong labasin. Sa ngayon ay alam niyang hindi mababago ng pagpunta nito ang nararamdaman niyang sakit, lalo na sa mga akusasyong ibinato nito sa kaniya. “I already sent them away,” sabi ni Darius nang napansin nito ang pagsilip n







