ホーム / Romance / LOVE RETURNS WHEN SEPARATED / CHAPTER TWO: FALLEN MARRIAGE

共有

CHAPTER TWO: FALLEN MARRIAGE

作者: Lovina Alice
last update 公開日: 2026-03-12 14:20:48

“This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”

“Daniel –”

Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahil nilayasan siya kaagad ng kaniyang asawa. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin upang mapaamo ang kaniyang asawa.

“Bawal pang sumuko,” sabi agad ni Agatha sa kaniyang sarili. “Hindi pa alam ni Daniel kung gaano ko siya kamahal. Puwede ko namang ipaalala sa kaniya ang lahat, pero kailangan ko lang talagang dahan-dahanin ang bagay na iyon.”

Sa loob ng tatlong taon ay ginawa ni Agatha ang lahat upang makasundo ang kaniyang asawang si Daniel. Alam niya kung ano ang mga paborito nitong pagkain kaya inaral niyang lutuin lahat ng paborito nito. She even learned how to manage and clean their house like a pro kahit na ang totoo ay may sarili siyang career. She gave up her beloved job para lang masiguro na maaasikaso niya na parang hari ang kaniyang asawa. Iyon nga lang, despite all of her efforts, hindi iyon napapansin ni Daniel. Kung may mapansin man ito, iyon ay ang kakulangan niya bilang isang housewife.

“Huwag mo nga akong hawakan!” pagalit na sambit ni Daniel kay Agatha kapag sinusubukan ng babae na hawakan siya. “Mas naiinis lang ako kapag sinusubukan mo akong akitin!”

“Daniel, matagal na tayong kasal at naghahanap na ang mga magulang natin ng tagapagmana,” sagot ni Agatha sa asawa. “Hindi naman natin puwedeng lagi na lang tayong ganito na –”

Hindi nagawang tapusin ni Agatha ang kaniyang sasabihin dahil hinawakan siya ni Daniel sa baba, “At ano ang gusto mong gawin ko gayong nandidiri ako sa iyo?”

“Daniel, ayaw ko lang na magalit muli sa iyo si Dad kaya please, pagbigyan na natin siya,” sabi ni Agatha sa isang nagmamakaawang tinig. “Kapag nagawa na natin ang obligasyon natin bilang mag-asawa ay hindi na kita kukulitin pa.”

Isang mapang-asar na ngisi ang ibinigay ni Daniel kay Agatha bago niya ito hinawakan nang marahas sa baba, “You want this, right? Then I’ll give this to you!”

Bago pa man makapagsalita si Agatha ay marahas na siyang hinalikan ni Daniel sa labi. Hindi niya magawang makapanlaban sa lalaki dahil gusto rin niya ang nagaganap.

Niyakap niya si Daniel at hinayaan niya ang lalaki na dalhin siya sa kama. Sa tingin niya ay iyon na lang ang tanging paraan para maging kaniya ang lalaking pinakasalan. However, dinaan siya ni Daniel sa dahas sa paniniwalang liberated siya at hindi na birh3n.

“Daniel, ano ba? Nasasaktan ako!” sigaw ni Agatha nang pwersahan nitong ibinuka ang kaniyang mga hita.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Daniel sa kaniya, “Hindi ba ito ang gusto mo? Bakit nagrereklamo ka na ngayon?”

Bago magawang sagutin ni Agatha ang tanong na iyon ni Daniel ay naramdaman niya na parang may napunit sa kaniya, na para bang hinahati siya ni Daniel sa dalawa nang sandaling iyon. Hindi na siya nakapagprotesta pa dahil marahas siyang hinila ni Daniel sa kaniyang baba.

“You wanted this so endure it,” nakangising sambit ni Daniel sa babae. “Nakakadiri ang isang tulad mo na ang gusto ay ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa isang lalaking hindi siya mahal.”

Walang nagawa si Agatha kundi idaan sa tahimik na pag-iyak ang nangyayari sa kaniya nang sandaling iyon. Wala na siyang sapat na lakas ng loob na manlaban pa lalo na at nararamdaman niyang mahapdi na ang kaniyang pagkababae dahil sa pagniniig nilang dalawa ng kaniyang asawa. Wala na siyang ibang mapagpipilian kundi tiisin ang sakit na ibinibigay sa kaniya ng lalaki dahil mahal na mahal niya ito.

Hindi pa man nakababawi ng lakas si Agatha mula sa ginawa nilang dalawa ni Daniel ay binagsakan na siya nito ng isang balita na tila bombang pinasabog ng lalaki sa kaniyang katauhan.

“Darating sa mga susunod na buwan si Maica at dito siya tutuloy,” sabi ni Daniel habang inaayos ang sarili sa harapan ng salamin. “Wala siyang ibang kamag-anak kaya nang nalaman kong uuwi siya ay ako na mismo ang nag-alok ng bahay natin sa kaniya.”

Lihim na naikuyom ni Agatha ang kaniyang kamao nang sandaling iyon. Sa pagkakaalam niya ay sa kaniya ang nakapangalan ang bahay kaya may karapatan siyang pagbawalan si Daniel sa nais nitong gawin.

“Paano kung hindi ako pumayag na –”

Hindi nagawang tapusin ni Agatha ang kaniyang sinasabi dahil nakatanggap na naman siya ng isang malakas na sampal mula sa lalaki. Nalasahan pa niya ang sarili niyang dugo dahil pumutok din ang kaniyang labi nang sandaling iyon.

“Agatha, alam natin pareho na wala kang pakialam kung saan ko dadalhin si Maica dahil ikaw ang sumingit sa pagmamahalan naming dalawa,” may bahid ng galit ang boses ni Daniel nang sandaling iyon.

“Mag-asawa na tayong dalawa,” giit ni Agatha kay Daniel. “Hindi na magandang tingnan kung isasama at patitirahin mo pa siya rito sa ating bahay. There’s only two people in a marriage. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?”

“Hindi ko iyon maiintindihan dahil sapilitan lang ang kasal na ito! Ayaw mo akong hiwalayan kahit na ilang beses ko pang ipamukha sa iyo na hindi kita kayang mahalin!” sigaw ni Daniel sa asawa. “You even acted as if you were a virgin, pero alam nating pareho ang totoo na hindi ka na birhen nang pakasalan kita!”

Hindi alam ni Agatha kung paano nasabi ni Daniel na hindi na siya birhen nang tinabihan siya nito. Alam niya sa kaniyang sarili na walang katotohanan ang sinasabi nito sa kaniya lalo na at wala siyang naging boyfriend bago sila naging mag-asawa ng lalaki. Masyado siyang busy sa trabaho noon upang isipin pa ang pakikipagrelasyon sa ibang lalaki noon.

“Don’t even try to pretend na inosente ka dahil alam natin pareho kung gaano ka katuso,” sabi ni Daniel kay Agatha sa isang mapanghusgang tinig. “Hindi mo ako itatali sa kasal na ito kung hindi ka tuso. You are very different from Maica na alam kong hindi magagawa ang bagay na ginagawa mo ngayon.”

“The audacity! Magkaiba kami ng fake na iyon!” sigaw ng utak ni Agatha nang ikinumpara siya ni Daniel kay Maica. “Daniel, sigurado ka ba na kilala mo na si Maica?”

“Kung ako ang tatanungin ay mas kilala ko si Maica dahil minsan na niyang iniligtas ang aking buhay mula sa tiyak na kamatayan,” sabi ni Daniel sa isang nang-iinis na tinig. “At hinding-hindi mo iyon malalampasan dahil masama kang babae.”

Ilang linggo ang lumipas buhat nang may nangyari sa mag-asawa at ilang beses na ring nararamdaman ni Agatha ang pagsama ng kaniyang pakiramdam tuwing umaga. Walang nakatabing pregnancy test kit sa drawer ng banyo kaya nagpasya siya na magpunta sa alam niyang ospital upang magpa-checkup

“Congratulations, you are now twelve weeks pregnant,” bungad ng doktor na tumingin kay Agatha. “Sa ngayon ay kailangan na kitang paalalahanan na iwasan ang stress dahil mahina ang kapit ng baby sa iyong sinapupunan. Kung hindi ka mag-iingat ay maaaring mawala ang anak mo kaagad.”

Kahit na ganoon ang ibinalita ng doktor kay Agatha ay hindi pa rin niya napigilan ang kaniyang pagngiti nang sandaling iyon. Alam niyang magagawa na niya ang kaniyang obligasyon sa kanilang pamilya. May tsansa na siyang mabago ang pagtingin ni Daniel sa kaniya. Iyon nga lang, hindi pa niya alam kung paano niya sasabihin sa lalaki ang kaniyang kalagayan.

“Miss Agatha, are you okay?” nag-aalalang tanong ng doktor nang may napansin ito sa kaniya. “Alam ba ni –”

“Dr. Leila, hindi mo na kailangang hanapin pa ang aking asawa dahil ako ang kusang nagpunta rito nang naramdaman ko ang mga sintomas,” sabi agad ni Agatha. “Wala pang alam si Daniel tungkol sa aking pagbubuntis.”

Isang tango ang ibinigay ng butihing doktor nang narinig niya ang sinabi ni Agatha, “Ang mabuti pa ay ako na ang magsasabi sa kaniya upang alam na niya kung ano ang gagawin.”

Isang iling ang ibinigay ni Agatha, “I want to surprise him. Hayaan mo nang ako ang magsabi sa kaniya.”

Nang gabi ring iyon ay pinaghandaan ni Agatha ang pagsasabi ng magandang balita kay Daniel. Isinuot pa niya ang pinakamaganda’t sexy niyang damit para magawa niyang akitin ang kaniyang asawa. Tulad nang nakagawian, sa kuwarto na sila nagkita.

“What’s with that outfit? Sinusubukan mo na naman ba akong landiin?” tanong ni Daniel sa isang inis na tinig.

“Walang okasyon, may nais lang sana akong sabihin sa iyo,” sabi ni Agatha sa isang malambing na tinig bago pa man siya lumapit sa asawa upang ipakita ang resulta ng kaniyang ultrasound. “Buntis na ako. Magkakaanak na tayong dalawa.”

Saglit lang na tiningnan ni Daniel ang nasabing ultrasound. Ipinakita pa niya sa kaniyang asawa na hindi siya interesado sa ipinagbubuntis nito.

“Daniel?” patanong na tawag ni Agatha sa pangalan ng asawa.

“Sa tingin mo ba ay maniniwala ako na anak ko iyang ipinagbubuntis mo? Minsan lang kita ginalaw kaya imposible para sa akin na mabuntis kita kaagad,” sabi ni Daniel sa asawa. “Malay ko ba kung kanino ka nagpagamit.”

Nainis si Agatha sa sinabi ng asawa. Alam niyang galit ito sa kaniya, pero masyado na ring below the belt ang mga sinasabi nito laban sa kaniya. Hindi kaya ng pride niya ang akusasyon nito.

“Hinding-hindi ako papayag na magkaanak tayong dalawa. You are free to choose kung anong uri ng abort10n ang gagawin mo. Ang mahalaga lang sa akin ay hindi iyan mabubuhay upang tawagin akong ama,” iyon ang katagang binitawan ni Daniel noong nalaman nito na sinabi niya na siya ay buntis.

Labis na nasaktan si Agatha sa sinabi ni Daniel. She can endure anything para manatili ang kanilang kasal. Pero may hangganan iyon. Ayaw niyang madamay ang bata sa sama ng ugali ng kaniyang asawa. Sapat na iyon para tuluyan niyang bitawan ang kasal na siya lang ang may gusto.

Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa asawa, “Kung ayaw mo sa bata ay wala na akong magagawa. Tapos na ako sa responsibilidad ko sa iyo bilang iyong asawa,” sabi niya bago pa man niya hinubad ang wedding ring na matagal din niyang iningatan.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-FIVE: DENIED MANIPULATION

    Alam ni Daniel na sa mga susunod na araw ay gagawa't gagawa ng paraan si Maica upang makita at makausap si Julienne kaya ibibigay niya ang gusto nito. Hindi siya magpapakita ng resistance lalo na at iyon naman ang gusto niyang mangyari: ang mahuli sa akto si Maica na minamanipula ang damdamin ng sarili nitong anak."Anak pa rin ni Maica si Julienne," sabi ni Agatha sa binata. "Sigurado ako na makikinig at makikinig pa rin siya sa kaniyang ina kahit na kasinungalingan pa ang lumabas sa bibig ni Maica. Maniniwala pa rin siya na kaya siyang mahalin ng sarili niyang mama kapag sinunod niya ang mga gusto nito."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang sandaling iyon, "Alam ko naman ang bagay na iyon kaya nga gusto kong siguraduhin na hindi siya basta-basta makakalapit sa bata.""Hayaan mo siyang lumapit sa bata lalo na at wala tayong laban kapag ginamitan na niya tayo ng batas," sabi ni Agatha sa lalaki. "Wala ka pa ring hawak na matibay na papel para mapagbawalan siyang mak

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-FOUR: PARENTAL TRUTH

    Hindi inaasahan ni Maica ang biglaang pagpunta ni Daniel sa kaniyang bahay. Ang buong akala niya ay pinuntahan na siya ng binata dahil nagbago na ang puso nito sa kaniya at napagpasiyahan na nitong makipagbalikan sa kaniya. "Ano ang ibig sabihin ng request na ito? Tinatanggalan mo na ba ako ng karapatang maging ina sa sarili kong anak?" sunod-sunod na tanong ni Maica nang nabasa na niya ang dokumentong ibinigay sa kaniya ng binata. "Alam mo na ang ibig kong sabihin lalo na at may patunay kami na sinasaktan mo ang anak ko," sabi ni Daniel. "That alone spells the truth na hindi mo mahal ang bata at ginagamit mo lang siya para makalapit sa akin at mapaghiwalay kami ni Agatha." "That is not true! I love our child!" sabi ni Maica sa isang defensive tone. "Hindi mo puwedeng agawin sa akin ang anak ko!" Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel, "We will see about that at kaya kong patunayan na inabuso mo ang anak natin." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Maica. Daniel acknowled

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-THREE: CUSTODY

    "Hindi ko alam na sinasaktan mo pala ang aking apo," sabi ni Gavin nang nakipagkita siya kay Maica nang sumunod na araw. "Ang akala ko ba ay mahal mo siya?"Namutla si Maica sa tanong na iyon ng matanda lalo na at mahigpit ang naging instruction niya sa bata na pababanguhin nito ang kaniyang pangalan sa mag-ama. She needs to make another convincing lie para lang masiguro na hindi ito makakapaghinala sa mga ginagawa niya sa bata."Sir, hindi po maiiwasan na disiplinahin ko rin si Julienne kasi nasa panahon siya ng kakulitan," sabi ni Maica sa lalaki. "Nagkakataon lang na mabilis din siyang magkaroon ng mga pasa kaya mapagkakamalan ninyo pong sinasaktan ko siya.""We will see about that kapag naibigay na ng doktor ang kanilang findings," saad ni Gavin sa dalaga. "Afterall, mapapatunayan pa rin naman ng science kung totoo ang sinasabi mo o hindi.""Sir...""Tatawagan na lang kita kapag nakuha na namin ang report mula sa ospital," sabi ni Gavin sa dalaga sa isang seryosong tinig. "Papayag

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-TWO: GIVING IN

    Hindi man kumbinsido si Maica sa gustong mangyari ni Gavin ay wala siyang nagawa nang sandaling iyon. Kailangan niyang pagbigyan ang matanda lalo na at iyon lang din ang tanging paraan upang masiguro niya na wala nang kawala si Daniel sa kaniyang mga kamay."Julienne, siguraduhin mo na mahuhulog ang lolo mo sa iyo at isipin niya na tama lang na ipakasal ako sa Papa mo," sabi ni Maica sa anak habang binibihisan niya ito. "Ayaw ko nang mangyaring muli ang pagkakamali mo. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa?"Isang tango ang ibinigay ni Julienne. Alam niya sa kaniyang sarili na mamahalin siya ng sarili niyang ina kung susundin niya ang mga bilin nito."Sisiguraduhin ko na itatakwil kita bilang anak ko kung hindi mo magagawang sundin ang mga kagustuhan ko," sabi ni Maica sa anak. "Simple lang ang trabaho mo. Gawin mo iyon nang matino."Bago pa man makatangong muli si Julienne sa sisinabi ng kaniyang ina ay narinig na nila ang isang busina ng kotse. Hudyat iyon na susunduin na ni Daniel an

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY-ONE: DECEPTION OF THE HIDDEN TRUTH

    Dahil na rin sa katotohanang alam na nina Agatha at Daniel ay naging madali na para sa sa kanila na manipulahin ang sitwasyong ibinigay sa kanila ni Maica. Gusto nilang masiguro na kung sakaling ibibigay na nila ang gulong nais nito ay kaya nila iyong panindigan. "All is set, " sabi ni Daniel sa dating asawa. "Puwede na nating baligtarin ang buong sitwasyon nang hindi niya namamalayan." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Ang tanong: maniniwala kaya siya na nagkahiwalay tayong muli? Hindi talaga natin kabisado ang laman ng kaniyang utak." Isang ngisi ang ibinigay ni Daniel sa babae, "Para saan pa ang rumors na pinasimulan natin kung hindi siya maniniwala roon?" "Well --" "As long as masiguro lang niya na naghiwalay tayong muli ay babalik siya para kunin ang pwesto mo," sabi ni Daniel sa dating asawa. "Naiintindihan ko naman na gusto mong makasiguro na mahuhulog si Maica sa patibong natin, pero hindi kaya gamitin din niya ang patibong natin laban sa atin?"

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIFTY: CONFRONTATION

    Isang lalaki ang pinuntahan ni Daniel nang sumunod na araw. Alam niyang nagulat pa ito nang nakita siya nito lalo na at hindi sila magkakilala. "Do you know this lady?" tanong ni Daniel nang pinapasok siya nito sa bahay bago pa man niya ipinakita ang picture ni Maica. "I heard you had connections with her in the past." Napalunok ang lalaking kausap ni Daniel nang sandaling iyon, "She was my ex-girlfriend." Nangunot ang noo ni Daniel, "Ex-girlfriend? Kailan?" Napaisip ang lalaki nang sandaling iyon, "Parang four years ago. Hindi ko na matandaan. Mabilis din naman kasi siyang naglaho noong naghiwalay kaming dalawa." Nangunot ang noo ni Daniel sa narinig. Sa pagkakaalam niya ay magkasama pa silang dalawa noon ni Maica bilang magkarelasyon. Imposibleng may iba pa itong karelasyon bukod sa kaniya nang panahong iyon. Ni hindi nga niya nakita na may kakaiba itong ginagawa dahil lagi rin itong nakadikit sa kaniya noon kahit na madalas niya itong pagsabihan na huwag munang lumapit da

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER SEVEN: SENSE OF LOST

    Isang yakap ang ibinigay ni Darius sa kaniyang anak na si Agatha nang ito ay nagising na sa loob ng isang hospital room. Hindi niya alam kung paano niya ibabalita sa sariling anak kung ano ang nangyari sa ipinagbubuntis nito. “Dad, what happened to my baby?” iyon agad ang naging tanong ni Agatha k

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER SIX: CONFRONTATION

    Umuwi si Maica na inis na inis sa nangyari. Hindi niya inakala na papatulan siya ni Agatha ngayong naghiwalay na silang dalawa ni Daniel. Ang buong akala niya ay tulad pa rin ng dati ang ugali nito na hindi siya papatulan kahit na ano pa ang kaniyang gawing paninira rito.“Humanda ka Agatha dahil s

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FIVE: PETITION

    Isang matagumpay na ngiti ang ibinigay ni Agatha sa kaniyang ama nang ipinakita na niya ang papeles na nagsasaad ng petisyon niya para sa legal separation nilang dalawa ni Daniel. Sigurado siyang wala nang trial na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Daniel dahil kasama na nito si Maica. Wala siy

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER FOUR: HER DECISION

    Nakikita man ni Agatha ang kaniyang asawa ay nagpasiya siya na huwag itong labasin. Sa ngayon ay alam niyang hindi mababago ng pagpunta nito ang nararamdaman niyang sakit, lalo na sa mga akusasyong ibinato nito sa kaniya. “I already sent them away,” sabi ni Darius nang napansin nito ang pagsilip n

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status