Home / Romance / LOVE RETURNS WHEN SEPARATED / CHAPTER THIRTY-FIVE: HIS RIVAL

Share

CHAPTER THIRTY-FIVE: HIS RIVAL

Author: Lovina Alice
last update publish date: 2026-07-01 19:21:03

Hindi inaasahan ni Daniel na isang lalaki ang makikipagkita't makikipagyakapan kay Agatha sa sarili niyang opisina. Wala siyang natatandaan na may sinabi ang nasabing babae tungkol sa existence nito.

Isang tikhim ang kaniyang pinakawalan upang makuha ang atensyon nito , "Wala naman sigurong masama kung ipakikilala mo ako sa kaniya," sambit niya na pilit itinatago ang himig ng pagseselos nang oras na iyon.

Bago pa man makapagsalita si Agatha ay inunahan na siya ni Luis nang sandaling iyon sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THIRTY-FIVE: HIS RIVAL

    Hindi inaasahan ni Daniel na isang lalaki ang makikipagkita't makikipagyakapan kay Agatha sa sarili niyang opisina. Wala siyang natatandaan na may sinabi ang nasabing babae tungkol sa existence nito. Isang tikhim ang kaniyang pinakawalan upang makuha ang atensyon nito , "Wala naman sigurong masama kung ipakikilala mo ako sa kaniya," sambit niya na pilit itinatago ang himig ng pagseselos nang oras na iyon. Bago pa man makapagsalita si Agatha ay inunahan na siya ni Luis nang sandaling iyon sa pagsasalita. Of course, hindi na niya palalampasin pa ang pagkakataon na asarin ito. "My name is Luis," nakangiting sambit niya sa lalaki. "Naging manliligaw ni Agatha noong nasa America pa siya." Naningkit ang mata ni Daniel sa narinig. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan, in hopes na kakalma ang kaniyang utak sa nalaman nang sandaling iyon. Hindi niya puwedeng ipakita sa lalaki na nag-pa-panic siya sa kaniyang nalaman. "Hindi ko alam na nagkaroon pala ng manliligaw si Agat

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THIRTY-FOUR: HIS NAME IS LUIS

    Nakilala ni Agatha si Luis noong siya ay nasa America pa at sinusubukang pagalingin ang kaniyang pusong sinugatan ni Daniel noon. Sa umpisa ay ayaw pa niyang magkaroon ng kahit na anong klase ng interaksyon sa nasabing lalaki dahil hindi pa niya alam kung ano ang intensyon nito sa kaniya. Nakuha lang nito ang loob niya nang minsang tinulungan siya nito sa isang proyekto na hindi niya magawang tapusin. "Sabi ko naman sa iyo eh, hindi ako tulad ng ibang lalaki na iniisip mo," sabi ni Luis na siyang nagpagulat kay Agatha. "Pilipino ka?" tanong agad ni Agatha na tinanguan ni Luis. "Bakit hindi halata sa hitsura mo?" "Well, I have some foreign blood in me kaya kung hindi mo ako maririnig na nagsasalita ng Tagalog ay talagang maninibago ka sa akin," sabi ni Luis in a confident tone. "I may look like an American, pero sigurado ako na Pilipino ako by heart." Napairap na lang si Agatha sa sinabi ni Luis. May isang bahagi ng kaniyang pagkatao na ayaw maniwala sa sinasabi nito lalo na at

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THIRTY-THREE: WORRY AT SECOND CHANCE

    "I think binibigyan ka na ni Darius ng pangalawang pagkakataon upang patunayan ang iyong sarili kay Agatha," sabi ni Gavin kay Daniel pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang kaibigan nang nakaraang araw tungkol sa estado ng kanilang mga anak. Nangunot ang noo ni Daniel sa sinabi ni Gavin, "Paano ninyo naman po nasabi na bibigyan na niya ako ng pangalawang pagkakataon?" Isang kakaibang ngiti nag ibinigay ni Gavin sa anak, "Sabihin na lang nating ang malaking sign na ibinibigay niya sa iyo ngayon ay ang kawalan ng paninita niya sa iyo sa tuwing makikita niya kayong dalawa ng kaniyang anak na si Agatha." Mas nangunot ang noo ni Daniel nang sandaling iyon. Pilit niyang inaalala kung ano na ang reaksyon ng matanda kapag nagkakasalubong silang dalawa sa office o kung hindi man ay kapag inihahatid na niya si Agatha sa bahay. "You better consider yourself lucky dahil bihira para kay Darius ang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanakit sa kaniya at sa anak niya," sabi ni

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THIRTY-TWO: CONFUSION AND CONFESSION

    Nalilito na si Agatha sa inaasal ng sarili niyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit ipinapakita nito sa kaniya na wala na rin itong tiwala sa kaniya kapag si Daniel na ang pinag-uusapan nila. "You have to understand the situation you are in," sambit ni Gavin nang minsang personal na siyang pinuntahan ni Agatha upang tanungin. "Hindi mabilis makalimot si Darius sa mga taong nagkaatraso sa kaniya o sa iyo. Parang hindi mo pa kilala ang ama mo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Kilala ko po si Dad at alam ko ang kaniyang ugali. Pero para paghinalaan din niya ako ay hindi na po iyon tama para sa akin." "Did you even say it to your father?" tanong ni Gavin na nagpatahimik kaagad sa babae. Napangiti na lang ang matanda nang napansin niya ang pananahimik ni Agatha, "Sa tingin ko ay mas maiintindihan mo siya kung ikaw ang makikipag-usap sa kaniya. Kaibigan nga ako ni Darius pero tali rin ang kamay ko sa ganiyang usapin lalo na at may kasalanan ang anak ko sa

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THIRTY-ONE: CHALLENGE ANSWERED

    Everything is well for Daniel lalo na at kahit na anong masamang tingin pa ang ibato ni Darius sa kaniyang direksyon ay ipinakikita niya na hindi niya sinusukuan si Agatha. Mas tumindi pa nga ngayon ang pagnanais na ayusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa dahil alam na niya sa kaniyang sarili na hindi mahirap mahalin ang nasabing babae. Iyon nga lang, alam din niya sa kaniyang sarili na wala siyang laban sa ama nito kung si Agatha lang ang kaniyang susuyuin. "Para saan ba iyan at may dala ka pang prutas ngayon? May pupuntahan ka ba sa ospital pagkahatid sa akin sa bahay?" sunod-sunod na tanong ni Agatha nang may napansin siyang isang basket ng prutas sa backseat. "Wala akong bibisitahing pasyente pero may pagbibigyan ako niyan," sagot ni Daniel sa babae. "At kilala mo kung sino ang bibigyan ko niyan." Nangunot ang noo ni Agatha sa narinig, "Kilala ko?" Tumango si Daniel, "Kilalang-kilala mo kung sino ang taong tinutukoy ko." Bago pa man makapagsalita si Agatha ay naramdama

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THIRTY: FATHER'S CHALLENGE

    Natawa si Gavin nang narinig niya kung paano kinastigo ni Darius ang anak niyang si Daniel. Hindi na siya magtataka pa kung ganoon na lang ang reaksyon ng kaniyang kaibigan lalo na at hindi rin biro ang pinagdaanan ni Agatha sa dating asawa. Imbes na malungkot pa siya sa kalagayan ng anak ay aminado siya na satisfying ang ginawa ni Darius."Tama lang na kinastigo ka ngayon ni Darius dahil hindi pa rin tama ang ginawa mo kay Agatha noon," sabi ni Gavin kay Daniel. "Hangga't hindi mo nakukuha ang tiwala niya ay hindi mo rin puwedeng ligawan ang anak niya."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Daniel nang napagtanto niyang kinakastigo rin siya ng sarili niyang ama. Well, mas mainam na rin iyon kaysa ipakita ni Gavin sa kaniya na sinusuportahan pa rin siya nito kahit na siya na ang nasa mali."All you need to do right now is ensure na sasagutin mo ang hamon ni Darius," sabi ni Gavin sa anak. "Sigurado naman akong lalambot ang puso niya sa iyo kung sakaling makikita niya na seryoso

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWENTY-SIX: SHARED RESPONSIBILITIES

    Buhat nang bumalik si Daniel sa kumpanya ay siniguro niya na lagi niyang kasama si Agatha sa kaniyang pagpasok at pag-uwi kahit na sabihin pang out of the way na siya palagi."Hindi mo naman na responsibilidad pa na sunduin o ihatid ako," sabi ni Agatha sa dating asawa. "Para saan pa ang aking kots

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER THREE: SEPARATION

    Bumalik si Agatha sa poder ng kaniyang mga magulang na walang ibang dala kundi ang kaniyang cellphone at sarili. Alam niya sa kaniyang sarili na puwede rin siyang palayasin ng kaniyang ama at pabalikin kay Daniel kaya inihahanda na niya ang kaniyang sasabihin upang kumbinsihin si Darius na huwag na

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER TWO: FALLEN MARRIAGE

    “This marriage has fallen nang hindi pa nag-uumpisa,” sabi ni Daniel sa isang seryosong tinig habang tinatanggal ang suot na necktie. “Do not expect me to touch you, kahit na ipagpilitan mo pa ang iyong sarili sa akin.”“Daniel –”Hindi na nagawa pang sabihin ni Agatha ang gusto niyang sabihin dahi

  • LOVE RETURNS WHEN SEPARATED   CHAPTER ONE: FORCED ARRANGEMENT

    “Agatha, what is the f*cking meaning of this?!” galit na tanong ni Daniel Ibañez sa kaniyang mapapangasawa na si Agatha Dela Cruz. “Bakit ka pumayag na magpakasal tayo?!”Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, “Mga magulang natin ang nag-usap tungkol doon. Pumayag ako dahil childhood f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status