FAZER LOGINBakas na bakas sa mukha ni Daniel ang iritasyon nang mag-isa siyang umuwi. Hindi niya maipagkakaila na halatang-halata ang closeness ng dalawa kahit na sabihin pang ilang buwan din silang hindi nagkita at siya ang mas madalas na nakakasama ng dating asawa. "Kung ngayon pa lang ay nagseselos ka na, paano pa sa mga susunod na araw na makikita mo silang magkasama?" tanong ni Gavin sa anak. "Sa pagkakaalam ko ay wala naman na kayong direktang ugnayan sa isa't isa dahil hindi na kayo mag-asawa." Napalabi si Daniel sa sinabi ni Gavin. Alam niya sa kaniyang sarili na wala na siyang karapatang magselos dahil hindi naman na lumalampas sa pagiging magkaibigan nila nang sandaling iyon. "Alam kong hindi na kami mag-asawa, pero --" "Huwag ka nang mag-protesta pa dahil sigurado akong pinangungunahan ka ng pagseselos mo ngayon," sabi ni Gavin sa anak. "May karapatan si Agatha na piliin ang kaniyang sarili sa mga oras na ito," dagdag pa ni Gavin. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni
Hindi inaasahan ni Daniel na isang lalaki ang makikipagkita't makikipagyakapan kay Agatha sa sarili niyang opisina. Wala siyang natatandaan na may sinabi ang nasabing babae tungkol sa existence nito. Isang tikhim ang kaniyang pinakawalan upang makuha ang atensyon nito , "Wala naman sigurong masama kung ipakikilala mo ako sa kaniya," sambit niya na pilit itinatago ang himig ng pagseselos nang oras na iyon. Bago pa man makapagsalita si Agatha ay inunahan na siya ni Luis nang sandaling iyon sa pagsasalita. Of course, hindi na niya palalampasin pa ang pagkakataon na asarin ito. "My name is Luis," nakangiting sambit niya sa lalaki. "Naging manliligaw ni Agatha noong nasa America pa siya." Naningkit ang mata ni Daniel sa narinig. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan, in hopes na kakalma ang kaniyang utak sa nalaman nang sandaling iyon. Hindi niya puwedeng ipakita sa lalaki na nag-pa-panic siya sa kaniyang nalaman. "Hindi ko alam na nagkaroon pala ng manliligaw si Agat
Nakilala ni Agatha si Luis noong siya ay nasa America pa at sinusubukang pagalingin ang kaniyang pusong sinugatan ni Daniel noon. Sa umpisa ay ayaw pa niyang magkaroon ng kahit na anong klase ng interaksyon sa nasabing lalaki dahil hindi pa niya alam kung ano ang intensyon nito sa kaniya. Nakuha lang nito ang loob niya nang minsang tinulungan siya nito sa isang proyekto na hindi niya magawang tapusin. "Sabi ko naman sa iyo eh, hindi ako tulad ng ibang lalaki na iniisip mo," sabi ni Luis na siyang nagpagulat kay Agatha. "Pilipino ka?" tanong agad ni Agatha na tinanguan ni Luis. "Bakit hindi halata sa hitsura mo?" "Well, I have some foreign blood in me kaya kung hindi mo ako maririnig na nagsasalita ng Tagalog ay talagang maninibago ka sa akin," sabi ni Luis in a confident tone. "I may look like an American, pero sigurado ako na Pilipino ako by heart." Napairap na lang si Agatha sa sinabi ni Luis. May isang bahagi ng kaniyang pagkatao na ayaw maniwala sa sinasabi nito lalo na at
"I think binibigyan ka na ni Darius ng pangalawang pagkakataon upang patunayan ang iyong sarili kay Agatha," sabi ni Gavin kay Daniel pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang kaibigan nang nakaraang araw tungkol sa estado ng kanilang mga anak. Nangunot ang noo ni Daniel sa sinabi ni Gavin, "Paano ninyo naman po nasabi na bibigyan na niya ako ng pangalawang pagkakataon?" Isang kakaibang ngiti nag ibinigay ni Gavin sa anak, "Sabihin na lang nating ang malaking sign na ibinibigay niya sa iyo ngayon ay ang kawalan ng paninita niya sa iyo sa tuwing makikita niya kayong dalawa ng kaniyang anak na si Agatha." Mas nangunot ang noo ni Daniel nang sandaling iyon. Pilit niyang inaalala kung ano na ang reaksyon ng matanda kapag nagkakasalubong silang dalawa sa office o kung hindi man ay kapag inihahatid na niya si Agatha sa bahay. "You better consider yourself lucky dahil bihira para kay Darius ang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanakit sa kaniya at sa anak niya," sabi ni
Nalilito na si Agatha sa inaasal ng sarili niyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit ipinapakita nito sa kaniya na wala na rin itong tiwala sa kaniya kapag si Daniel na ang pinag-uusapan nila. "You have to understand the situation you are in," sambit ni Gavin nang minsang personal na siyang pinuntahan ni Agatha upang tanungin. "Hindi mabilis makalimot si Darius sa mga taong nagkaatraso sa kaniya o sa iyo. Parang hindi mo pa kilala ang ama mo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Agatha, "Kilala ko po si Dad at alam ko ang kaniyang ugali. Pero para paghinalaan din niya ako ay hindi na po iyon tama para sa akin." "Did you even say it to your father?" tanong ni Gavin na nagpatahimik kaagad sa babae. Napangiti na lang ang matanda nang napansin niya ang pananahimik ni Agatha, "Sa tingin ko ay mas maiintindihan mo siya kung ikaw ang makikipag-usap sa kaniya. Kaibigan nga ako ni Darius pero tali rin ang kamay ko sa ganiyang usapin lalo na at may kasalanan ang anak ko sa
Everything is well for Daniel lalo na at kahit na anong masamang tingin pa ang ibato ni Darius sa kaniyang direksyon ay ipinakikita niya na hindi niya sinusukuan si Agatha. Mas tumindi pa nga ngayon ang pagnanais na ayusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa dahil alam na niya sa kaniyang sarili na hindi mahirap mahalin ang nasabing babae. Iyon nga lang, alam din niya sa kaniyang sarili na wala siyang laban sa ama nito kung si Agatha lang ang kaniyang susuyuin. "Para saan ba iyan at may dala ka pang prutas ngayon? May pupuntahan ka ba sa ospital pagkahatid sa akin sa bahay?" sunod-sunod na tanong ni Agatha nang may napansin siyang isang basket ng prutas sa backseat. "Wala akong bibisitahing pasyente pero may pagbibigyan ako niyan," sagot ni Daniel sa babae. "At kilala mo kung sino ang bibigyan ko niyan." Nangunot ang noo ni Agatha sa narinig, "Kilala ko?" Tumango si Daniel, "Kilalang-kilala mo kung sino ang taong tinutukoy ko." Bago pa man makapagsalita si Agatha ay naramdama
Buhat nang bumalik si Daniel sa kumpanya ay siniguro niya na lagi niyang kasama si Agatha sa kaniyang pagpasok at pag-uwi kahit na sabihin pang out of the way na siya palagi."Hindi mo naman na responsibilidad pa na sunduin o ihatid ako," sabi ni Agatha sa dating asawa. "Para saan pa ang aking kots
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan nang hindi namamalayan ni Agatha. Naging busy siya sa kaniyang trabaho bilang CEO lalo na at hindi pa rin nagpapakita si Daniel sa kaniyang kumpanya. Sa ngayon ay gamay na niya ang trabaho at wala na siyang pakialam kung may mga pagkakataong lagi siyang over
Literal na nagulat si Agatha nang sumunod na araw ay mugto ang mata ni Daniel nang nagpakita ito sa kaniya. Nangunot pa ang kaniyang noo nang may napansin siya sa kamay ng nasabing lalaki. Bago pa man siya makapagtanong ay nagawa na siyang unahan ng lalaki. "This is my resignation letter na ipapa
Ngayon naramdaman ni Daniel ang sakit na matagal nang sinasabi sa kaniya ng ama niyang si Gavin. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa dating asawa at hindi iyon basta-basta mababawi ng isang sorry lang. Buhat nang talikuran siya ni Agatha ay nakaramdam siya ng kakulangan sa kaniyang puso na hin







