LOGINIlang segundo ring walang nagsalita.
Nakakunot-noong nakatitig lang si Erzel kay Juan Miguel, na para bang hinihintay niyang bigla itong tumawa at sabihing biro lang ang lahat– pero nanatili itong seryoso.
"Ano'ng sabi mo?"
"Isinumpa ako," ulit ni Juan Miguel, walang bahid ng biro sa mukha.
Napakurap si Erzel.
"Seryoso ka ba? H-hindi mo 'ko pinagtitripan? Sorry ha, but look at you. You look... decent. Mukha ka namang may pinag-aralan. P-pero bakit ka naniniwala sa sumpa?”
Marahan itong tumango.
“I know. But it’s true, alam kong mahirap paniwalaan, pero totoo 'to. Kaya nga ako iniwan ng ex-fiancée ko. Dahil isinumpa ako. Wala sa estado o katayuan sa buhay 'yan. Kapag sinumpa ka... sinumpa ka. Albularyo ka ‘di ba? Kung may taong mas makakaintindi sa kalagayan ko, hindi ba’t ikaw dapat ‘yon?” basag ang boses na sabi niya.
Mariing napakagat si Erzel sa labi niya. “T-tama ka.” seryoso niyang sabi, “Albularyo ako at naiintindihan kita. Sige, ituloy mo.” nakangiti niyang sagot.
“Halos lahat ng pinakamagagaling na doktor sa loob at labas ng bansa napuntahan ko na. Pati mga albularyo sa kung saan-saang lugar, pero sa huli, pineperahan na lang nila ‘ko. Ikaw na lang talaga ang pinakahuli sa listahan ko na pwedeng makatulong sa akin pero… kung pati ikaw mabibigo rin, hindi ko na alam kung paano pa ‘ko mabubuhay ng normal.” basag ang boses na sabi nito.
“Nakaka-pressure ka naman!” nanginginig ang mga kamay na reklamo niya.
“Handa akong magbayad kahit magkano pa 'yan. Gumaling lang ako.”
Napabuntong-hininga si Erzel. “Sige na nga. Lahat naman ng kliyente ko, ganyan ang sinasabi.”
Hindi na sumagot si Juan Miguel. Tahimik lang nitong inilabas ang cellphone at may ilang beses na pinindot ang screen.
“Ikaw ba ang may-ari ng account na 'to?”
Napakunot-noo si Erzel. “Oo... bakit?”
Wala nang sinabi pa si Juan Miguel. Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang tumunog ang cellphone ni Erzel. Napakunot-noo pa siya habang inilalabas iyon sa bulsa, ngunit halos malaglag ang hawak niya nang makita ang pumasok na halaga sa account niya. Ilang beses pa siyang napakurap at kinusot ang mga mata na para bang mali lang ang nababasa niya.
“I-isang... bilyon?” halos pabulong niyang sabi habang nanginginig ang kamay na paulit-ulit tinitingnan ang screen.
Kalmado lang na isinandal ni Juan Miguel ang likod sa sofa. “Down payment lang 'yan.”
Hindi niya alam kung matatawa ba siya, sisigaw, o yayakapin ang lalaking nasa harapan niya. Ilang beses siyang napalunok bago dahan-dahang ibinaba ang cellphone.
“Kapag napagaling mo 'ko,” kalmadong dagdag ni Juan Miguel, “doble pa ang matatanggap mo.”
Saglit na natahimik si Erzel. “What if...” mahina niyang sabi.
Bahagyang tumaas ang kilay ni Juan Miguel.
“...magpakasal na lang tayo?”
Halos mapatayo si Juan Miguel sa kinauupuan. “No way!”
“Aba, para namang nalugi ka pa ha. Ako na ‘to no?!” nakangusong reklamo niya.
"No. Is not what I meant. Ang ibig ko lang sabihin, gusto ko lang gumaling dahil gusto kong mabawi ‘yung ex-fiancee ko.”
Marahang napatango si Erzel habang titig na titig sa kanya."Mahal na mahal mo talaga siya, 'no?"
Tango lang ang sinagot nito.
“S-so, paano mo ba nasabing isinumpa ka? May nangyayari bang kakaiba sa 'yo? Bigyan mo 'ko ng basehan para malaman ko kung paano kita matutulungan.”
Napalunok si Juan Miguel. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao at ilang segundong hindi nakapagsalita. Halatang may mabigat siyang pinagdadaanan at nag-aalinlangan kung dapat ba niyang sabihin ang sikreto niya.
“But before that...” mahinang panimula ni Juan Miguel. Ilang beses siyang napalunok bago marahang huminga. “Promise me... na walang makakaalam ng sasabihin ko. At... huwag mo 'kong pagtatawanan.”
Dahan-dahang itinaas ni Erzel ang kanang kamay na parang nanunumpa. “Promise. Anuman ang marinig ko, sa atin lang ‘yon. At hindi kita pagtatawanan.” Bahagya siyang ngumiti. “Makikinig lang ako at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka.”
Tipid na ngumiti si Juan Miguel, ngunit agad ding naglaho iyon. Napahilamos siya sa mukha at ilang ulit na huminga nang malalim, na para bang hirap na hirap ilabas ang mga salitang matagal na niyang kinimkim.
“H-hindi ako...” Napayuko siya at mariing tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Ilang beses siyang huminga nang malalim na para bang pinipilit lakasan ang loob.“H-hindi ako tinitigasán.”
Mariing kinagat ni Erzel ang labi niya.
“Hindi ko alam kung kailan talaga nagsimula.” Mahigpit niyang ikinuyom ang dalawang kamao. “Ang naaalala ko lang, may babaeng... nagkagusto sa 'kin noon. Tinanggihan ko siya.” Saglit siyang natigilan bago muling nagsalita. “Bago siya umalis, sinabi niyang darating ang araw na hindi ko na mapapakinabangan ang pagkalalaki ko.” Napapikit siya. “Hindi ko pinaniwalaan 'yon. Akala ko, pananakot lang.” Napabuntong-hininga siya. “Pero makalipas lang ang ilang araw... naaksidente ako. Pagkagising ko sa ospital, parang wala namang kakaiba. Hanggang sa...” Bahagya siyang napayuko. “Hanggang sa napansin kong hindi na ako... normal.” Pilit siyang napalunok. “Unti-unting nanlamig ang relasyon namin ng ex-fiancée ko... hanggang sa tuluyan niya 'kong iwan.”
Napasinghap siya hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Ilang ulit na umawang ang mga labi niya, ngunit sa halip na mga salita, impit na hikbi lang ang kumawala. Para bang ngayon lang niya hinayaang lumabas ang lahat ng sakit na matagal niyang kinimkim.
Bahagya siyang natigilan nang makitang papalapit si Erzel sa kanya. Akala ni Juan Miguel, pagtatawanan siya nito. Akala niyang makikita na naman niya ang parehong tingin ng pangungutya at awa na ilang beses na niyang naranasan. Pero hindi.
Marahan siyang niyakap ni Erzel.
Mas lalo siyang napaiyak habang nakayuko sa balikat ng dalaga. Ilang minutong walang nagsalita. Tanging pigil na paghikbi lang ni Juan Miguel ang naririnig, habang marahang tinatapik ni Erzel ang likod niya. Hanggang sa unti-unti siyang kumalma.
“Nakakainis,” mahina ngunit mariing sabi ni Erzel.
Bahagyang napaangat ang tingin ni Juan Miguel.
“Pati ako naiiyak dahil sa ’yo.” Napailing siya. “Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo pang bumalik sa taong iniwan ka dahil lang sa gano’n.”
Huminga siya nang malalim. “Siguro nga importante ang séx sa isang relasyon. Pero hindi naman siguro sapat na dahilan ’yon para iwan ka niya. Gano'n bang partner ang gusto mong makasama? Iiwan ka kapag hindi mo na naibibigay ang satisfaction na hinahanap niya?”
Saglit na natahimik si Juan Miguel. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni Erzel at marahang pinisil iyon.
“Kung gano'n...”
Diretso siyang tumingin sa mga mata ng dalaga. “Pakakasalan mo ba ’ko?”
Ilang segundo ring walang nagsalita.Nakakunot-noong nakatitig lang si Erzel kay Juan Miguel, na para bang hinihintay niyang bigla itong tumawa at sabihing biro lang ang lahat– pero nanatili itong seryoso."Ano'ng sabi mo?""Isinumpa ako," ulit ni Juan Miguel, walang bahid ng biro sa mukha.Napakurap si Erzel."Seryoso ka ba? H-hindi mo 'ko pinagtitripan? Sorry ha, but look at you. You look... decent. Mukha ka namang may pinag-aralan. P-pero bakit ka naniniwala sa sumpa?”Marahan itong tumango.“I know. But it’s true, alam kong mahirap paniwalaan, pero totoo 'to. Kaya nga ako iniwan ng ex-fiancée ko. Dahil isinumpa ako. Wala sa estado o katayuan sa buhay 'yan. Kapag sinumpa ka... sinumpa ka. Albularyo ka ‘di ba? Kung may taong mas makakaintindi sa kalagayan ko, hindi ba’t ikaw dapat ‘yon?” basag ang boses na sabi niya. Mariing napakagat si Erzel sa labi niya. “T-tama ka.” seryoso niyang sabi, “Albularyo ako at naiintindihan kita. Sige, ituloy mo.” nakangiti niyang sagot. “Halos lah
"Pfth! Sigurado ka bang nasa matinong pag-iisip ka pa?" Napailing si Erzel habang pinipigilan ang sariling matawa. "Biruin mo, ngayon lang tayo nagkita, tapos bigla mo na lang sasabihing ako na lang ang pag-asa mo?" “Mukha ba ‘kong nagbibiro?” seryosong tanong nito sabay ayos nang upo. “Pwede ba, mamaya niyo na pag-usapan yan? Ngalay na ngalay na ‘ko sa pagbitbit ng mami niyo!” inis na singit ng serbidora. “Kung may LQ kayo, dun kayo mag bakbakan sa motel!” dagdag pa nito sabay talikod“Aba—” “Don’t mind her, sa ’kin ka lang mag-focus.” putol sa kanya ni Juan Miguel. Hindi siya sanay na kinokontra at pinagbabawalan pero sa pagkakataong ‘yon padabog siyang naupo. Bahagyang inilapit sa kanya ang mangkok at yumuko. "Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... madapa sana ang babaeng ‘yan.” nakapikit niyang bulong habang marahang hinahalo ang beef mami na kakalapag lang ng serbidora.Napaawang ang labi ni Juan Miguel. Hindi niya maalis ang tingin kay Erzel. Sa labi nit
Kusang napaurong si Mrs. Evangelista nang makita kung sino ang lalaking kaharap niya. "Ikaw na naman. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na hindi ako sasama?!" mariing bulong ni Erzel habang inaayos ang sarili niya. Pero ngumiti lang ang binata na para bang hindi natatakot sa mga tingin niya.Akmang tatalikod na si Erzel nang bigla siyang bumaling kay Mrs. Evangelista."Alam mo ba kung bakit ako nakikipagkita sa asawa mo?"Napakurap ang ginang."Client ko rin siya." Bahagyang natawa si Erzel. "Hindi ko naman talaga dapat sabihin 'to, pero dahil sa ginawa mo, pagbibigyan na kita. Gusto ka sana niyang i-surprise sa anniversary n'yo."Lalong nanlaki ang mga mata nito."Ako rin ang nag-recommend ng cream na ibinigay niya sa 'yo." Dahan-dahan siyang lumapit sa ginang. "Gusto ka niyang pasayahin at maramdaman mo kung gaano ka niya kamahal..." Humugot siya ng malalim na hininga. "Pero hindi niya magawa dahil sa kapal ng bulbòl mo!"Napasinghap ang lahat."I-ikaw—" natigilan si Mrs. Evangelista.
Ilang minuto pa ang lumipas nang mapatingin si Erzel sa side mirror. May isang itim na van na kasunod niya."Sinusundan ba ako nito?" kibit-balikat niyang bulong. "Tsk! Baka pareho lang kami ng daan."Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada. Lumiko siya sa kanan. Lumiko rin ang van. Napakunot ang noo niya. Nag-U-turn siya sa susunod na kanto. Nag-U-turn din ang van."Teka..."Bahagya niyang binagalan ang takbo ng big bike. Kasabay no'n ang pagbagal ng van."Okay..." Bahagya siyang napangiti. "Sinusundan nga ako."Hindi siya kinabahan. Sa halip, tila mas lalo pa siyang naaliw."Gusto n'yo pala ng habulan, ha? Tingnan ko lang kung maabutan n'yo pa ako!"Mabilis niyang pinaharurot ang motor. Humarurot din ang van. Sunod-sunod niyang nalagpasan ang ilang sasakyan. Sanay na sanay na siyang sumingit sa pagitan ng mga ito, at halos kabisado na niya ang bawat eskinita at shortcut sa lugar.Lumiko siya sa isang makitid na daan kung saan halos isang sasakyan lang ang kasya. Napangisi siya.
"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"Mariing nakapikit si Erzel habang dahan-dahang iniikot ang kahoy na sandok sa malaking tansong kawaling puno ng iba't ibang dahon. Unti-unting kumapal ang usok sa loob ng consultation room, dahilan para lalo pang kabahan ang eleganteng babaeng nakatayo sa harapan niya.Muli siyang huminga nang malalim."Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"Mas mabilis na bulong niya. Bahagya siyang yumuko at sinadyang panginginigin ang katawan, na para bang may espiritung unti-unting sumasapi sa kanya."M-Miss..." halos pabulong na sabi ng babae. "S-sino ang nakikita mo? Sabihin mo na sa akin."Hindi agad sumagot si Erzel. Sa halip, mas binilisan pa niya ang paghahalo sa kawali. Unti-unti niyang binuka ang labi."B-bay..."Napahawak sa dibdib ang babae."B-Bayani?" gulat nitong sabi. "Si Bayani? Ang asawa ko?"Biglang napadilat si Erzel at







