LOGINMIKYLA POV Pagdating ko sa mansion, agad kong narinig ang malalakas na tawanan mula sa living room. Napakunot-noo ako. Mukhang may mga bisita yata ah? At simula noong tumira ako dito sa bahay ni Arif, ngayun ko lang nakitang may ibang taong pumasok. Dahan-dahan akong sumilip at doon ko nakita si Arif kasama ang ilang kaibigan niyang lalaki at babae. Nakaupo siya sa gitnang sofa habang may babaeng halos nakadikit na sa kanya. Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko nang makitang nakakandong pa mismo ang babae sa kanya habang tumatawa. “Grabe, akala ko ba si Zyra ang mahal niya? Bakit may ibang babaeng nakakandong sa kanya?” mahina kong bulong sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong inis na agad na umakyat sa dibdib ko. Mabilis kong iniwas ang tingin. Hindi ko naman dapat pakialaman iyon. Wala naman akong karapatan. Kaya balak ko na sanang dumiretso sa kwarto nang bigla akong tawagin ni Arif. “Mikyla.” Kaagad akong napahinto. “Lumapit ka r
MIKYLA POV “So, ano ba talaga ng plano mo?” nagtataka kong tanong. “Hindi ako okay ngayon. Pero hindi rin pwedeng hindi ko balikan si Arif. Mahal ako ni Arif… at siya lang ang lalaking kayang ibigay lahat ng gusto ko.”lumuluha niyang sambit. Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko habang pinakikinggan siya. “Mikyla…” lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Aayusin ko lang ang sarili ko. Pagkatapos nito… babalik ako sa tabi niya.” Napakurap ako. Pakiramdam ko nang sandaling ito, bigla akong nahirapan na huminga. Grabe naman ang plano nitong kakambal ko. Pagkatapos magluko, babalik na para bang hindi niya man lang naramdaman ang bigat ng kasalanan na nagawa niya? “Isang taon, or pagkatapos kong mangana babalikan ko na si Arif.. Maikling panahon lang naman, diba? Pwede bang manatili ka muna sa tabi niya habang wala ako?” seryosong muling wika ni Zyra. Hindi ako nakaimik. Sa to
MIKYLA POV “KUNG papayag ako sa gusto mo, kailan tayo maghihiwalay?” seryoso kong tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Arif. Bahagyang nagsalubong ang makakapal niyang kilay, tila hindi niya inaasahan ang itatanong ko. Napailing ako at mahina akong natawa. “Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi porket binigyan mo ako ng yaman kapalit ng kasal, pwede mo nang kontrolin ang buong buhay ko. Hindi gano’n ‘yon, Mr. Fulgencio. Ang isang kontrata, may simula at may katapusan. Ngayon, sabihin mo sa akin… kailan matatapos ang kontrata natin? Kailan ako magiging malaya sa kasal na ito?” seryosong tanong ko. Iisipin ko na lang siguro na isa itong trabaho. Na may malaking bayad. Saglit namng natahimik si Arif. Wari ba ay pinag-iisipan niya munang mabuti ang magiging sagot sa mga sinabi ko. “Two years. Give me two years and I will fix everything. Kapag naging maayos na ang lahat… ibibigay ko sa’yo ang kalayaang gusto mo.” mababa pero seryoso ang boses na sagot niya
MIKYLA POV "Paano kung sasabihin ko pa rin sa iyo na wala kang lusot sa kasalan na ito, may magagawa ka ba?' seryosong tanong ni Arif sa akin Kaagad din namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya "A-Ano? Anong sabi mo?" yamot kong tanong "Ang usapin tungkol sa kasal natin ay tapos na. Ang magagawa ko na lang ngayun ay maglatag sa iyo ng ilang panuntunan para naman hindi ka magrebelde." seryosong wika niya at pagkatapos noon, bigla na lang siyang sumenyas. Nagulat na lang ako nang bigla na lang lumapit ang pogi niyang goons na si Geovann. Bitbit anng isang eleganteng kahon na kulay itim at nang ilapag niya iyun sa harapan ko, kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat Susi ang nakapatong doon. Isang susi na parang may idea na ako kung para saan. "For you....hindi ba't noong nakaraang araw, grabe ang pag-aalburuto mo dahil itinakas ni Zyra ang motor mo? Ayan na, papalitan ko na pero sa isang kondisyon... kailangan mong pumayag na magpakasal sa akin." seryoso
MIKYLA POV MABILISANG ligo lang naman ang ginawa ko at suot ng bathrobe, lumabas na ako ng banyo kung saan, hindi ko maiwasan na magulat dahil naghihintay pa rin sila sa akin? Mga kasambahay na ready akong tulungan para mag-ayos? "Mam, dito po kayo maupo para mapatuyo na muna natin ang hair mo." wika ng isa sa kanila. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiwi habang lihim kong minumura sa isipan ko ang ARif na iyun Alam kong pakana niya lahat ng ito at feeling ko, gusto talaga yatang subukin ng taong iyun ang pasensya ko Saan ka ba naman nakakakita ng taong magpadala ng apat na kasamabahay dito sa loob ng kwarto para tulungan akong mag-ayos? Ano ba ang taong iyun, bahagi ng royal family? "Eheerrrrm, mga Ate, kaya ko na po ang sarili ko. Pwede po bang lumabas na kayo at ako na po ang bahala?" may hilaw na ngiti sa labi na bigkas ko Napansin ko pang pasimpleng nagkatinginan ang apat bago sabay-sabay na tumitig sa akin "Ma'am, hindi po kasi pwede eh! Baka kapag lumabas ka
MIKYLA POV WALA naman talaga akong magagawa eh. Alam ko iyun at kahit na magmatigas pa ako, alam kong ang kagustuhan pa rin ng Arif na iyun ang masusunod. Kahit na labag sa kalooban, wala na akong nagawa kundi ang muling pumasok ng bahay kung saan kaagad din akong sinalubong ng isang may edad na babae. Seryoso ang kanyang mukha at mukhang mana siya sa amo niyang si Arif "Mam Mikyla, ituturo ko na po sa inyo ang magiging kwarto niyo." wika niya sa akin "Eh, si Arif po...nasaan siya?" tanong ko din kaagad sa kanya Ewan ko ba, bakit ko nga pala hinahanap ang taong iyun gayung sa tuwing magkaharap kami, wala naman kaming ibang ginagawa kundi ang magtalo "Nasa kwarto niya na po Ma'am. Kapag mga ganitong oras, bawal na po siyang isturbuhin." sagot din naman kaagad ni Manang Hindi ko tuloy mapigilan ang mapataas kilay. Ang weird ha? Bawal istorbohin? Pagkatapos akong kidnapin ng taong iyun at pakialaman ang mga bagay na hindi naman dapat, basta na lang bumalik ng kwarto na







