MasukMIKYLA POV “Nakipagsabwatan siya sa isang tao? So, may iba pang sangkot? May mastermind? And I think naitanong ko na iyun kanina sa iyo, Mom. Sino ang taong iyun? sino ang kasabawat ni Zyra?” seryosong tanong ko. Hindi siya nakaimik at kitang kita ko na naman sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. “Gusto niyo pong iligtas si Zyra diba? Gusto niyo pong manatiling malinis ang pangalan ng kakambal ko? Kung ganoon, sabihin niyo po sa akin, sino ang taong nasa likod niya para mamatay ako?” umiiyak kong tanong sa kanya habang patuloy ang aking pagluha. “Hindi ko alam ang lahat at hindi ko alam kung tama bang malaman mo pa. Anak, ilang taon na ang mabilis na lumipas. Hindi ba pwedeng kalimutan mo na iyun? I think, hindi ka na din hahabulin ng taong iyun.”sagot niya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata " Kung anak pa rin ang turing niyo sa akin, sabihin niyo po ang totoo. Mom, siguro naman, may karapatan din akong malaman kung sino ang mga kaaway ko diba?” seryosong tanong ko sa
MIKYLA POV "Si Zyra?.Tinraydor ako ng sarili kong kakambal?" halos pabulong kong bigkas. Tumango si Mommy habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha. Para bang sa bawat salitang naririnig niya ay muli niyang binubuksan ang sugat na matagal niyang itinago. Tahimik lamang siyang nakaupo sa harap ko, kapwa nanginginig ang kanyang mga kamay. Ilang beses niyang sinubukang magsalita, ngunit tila laging nauuwi sa paghikbi ang bawat pagtatangka niya. Samantala, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohanang unti-unti niyang ibinubunyag sa akin. Ang kakambal ko? Si Zyra? Ang taong kasama ko mula pagkabata. Ang taong akala ko ay pinakamalapit sa akin. Ang taong pinaniwalaan kong hindi kailanman kayang saktan ako. Siya rin pala ang isa sa mga taong tumalikod sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang sumikip ang aking paghinga. “Hindi... hindi ito totoo. Mom, sabihin niyo po sa akin. Nagbibiro lang po kayo diba?” mahinang usal ko. Gusto kong sumigaw. Baki
MIKYLA "MIKYLA, anak, nasaan ka ngayun?" narinig kong tanong niya sa akin "Mom...gusto niyo po bang puntahan kita diyan sa bahay?" tanong ko. "Miss na miss ko na po kayo. Si Daddy, kumusta po siya? Hinanap niyo po ba ako?" dagdag ko pa. "Anak, hindi--- I mean..huwag...huwag kang pumunta dito sa bahay. Ganito na lang, magkita tayo...tama...ako ang pupunta sa iyo. Nasaan ka ngayun? Pupuntahan kita ngayun din." seryosong wika niya Kaagad ko din namang sinabi sa kanya na nandito ako sa del Rosario Cosmetic Clinic. Tama, mas maigi na dito kami magkikita. Para naman makapag-usap kami ng maayos. Isa pa, alam ko din kasing babaha ng emosyon eh. Kaya, mas maigi na nasa isang private na lugar kami mag-usap "Pupuntahan kita diyan ngayun din, anak.'" narinig kong wika niya. At ilang saglit lang, tuluyan na din siyang nawala sa kabilang linya *************** Mahigit isang oras din akong naghintay nang dumating si Mama dito sa loob ng opisina ko. Noong una, nakita ko pa ang matindin
MIKYLA POV INIHATID lang ako ni Arif sa clinic at mabilis na din siyang umalis. Ako naman, direcho sa opisina ni Mama Amor kung saan, nadatnan ko siya sa loob ng opisina niya na abala sa maraming papeles na nasa ibabaw ng mesa niya Pero, nang maramdaman niya ang presensya ko, nakita kong kaagad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti sa akin "Iha..." bigkas niya "Ma!" mahina kong sambit. HIndi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap Naramdaman ko ang pagkagulat ni Mama Amor sa ginawa ko pero hindi siya nagreact. Bagkos, naramdaman ko ang pagdantay ng isang palad niya sa likod ko "Iha, ano ang problema?" malumanay niyang bigkas. Hindi ko maiwasan na maluha "Ma...I'm sorry!" sa nakalipas na walong taon, hindi na iba ang turing ko sa kanya. Parang tunay ko na siyang Ina. At hindi ako nahihiyang umiyak ngayun sa kandungan niya lalo na at alam kong siya lang ang mas nakakaintindi sa akin "Iha, ano ang problema? Bakit ka umiiyak?" narinig k
MIKYLA POV ''IMPOSIBLE!" mahina kong sambit Magkasundo kaming dalawa ni Zyra at never kong naisip na magawa akong ipahamak ng kakambal ko "Mikyla, are you okay?" narinig kong tanong ni Arif sa akin. Kumurap-kurap ako ng makailang ulit bago tumango "Yes, I'm okay! Pasensya na." mahina kong sambit At muli kong hinarap si Lolo Fulgencio Marami pa kaming mga napag-usapan pero wala na doon ang buo kong attention. Ang nasa isip ko ay ang tungkol sa babala niya sa akin kanina "Iha, sana, mapatawad mo ako sa mga nangyari. Kay bilis kitang hinusgahan. Sa kagustuhan kong maging maayos ang lahat-lahat, nakalimutan kong may isang relasyon pala akong nasira." maluha-luhang wika ni Lolo Fulgencio "Nakaraan na po iyun, Lo. Kalimutan niyo na po." sagot ko din naman kaagad "Kahit na... oo, matagal nang nangyari at kay laki ng naging apekto. Siguro, kung naprotektahan ko lang kayo ng maayos noon, hindi ka sana napahamak at nagkaroon na din siguro ng katuparan ang matagal ko nang hinih
MIKYLA POV PAGDATING sa hospital, nadatnan namin si Lolo Fulgencio na nakahiga sa kama. Gising ito at kasalukuyang pinupunasan ng tagapag-alaga niya Nang makita niya ang pagdating ni Arif, nakita ko kung paano kumislap sa tuwa ang mga mata niya. "Arif, apo...halika dito." narinig kong wika niya. Kaagad din namang lumapit sa kanya si Arif "Lolo.... kumusta na? Ayos na ba kayo? Siya nga pala, may kasama ako." wika ni Arif Kaagad namang napabaling ang tingin sa akin ni Lolo Fulgencio. Tipid na ngumiti bago marahan na nagsalita "MIkyla, iha." wika niya Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko alam kung nakilala niya ba ako bilang Mikyla Ventura na dating asawa ng apo niya or ang kasalukuyang Mikyla del Rosario> "Lo, kumusta po kayo?" kaagad ko din namang tanong sa kanya. Kahit na may sama ng loob, hindi naman pwedeng ipakita ko iyun sa kanya. Lalo na at mas lalo pa yata siyang tumanda kumpara sa dati "Ayos lang ako. Matanda na at ano mang sandali, ala
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut
MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K







