Share

Chapter 13

Nasa bahay na sila Angela kasama si Johnny. Tahimik itong nakaupo habang nasa tabi niya si Angela. Sobrang kabado si Johnny kung anong sasabihin ng Nanay at kapatid ni Angela sa kanya.

"Beb, dito ka muna. Tatawagin ko lang si Nanay" sabi ni Angela na nakangiti sa akin. Tumanggi ng ulo si Johnny na ninenerbiyos na. Hinawakan niya muna ang kamay nito pagkatapos ay binitawan at iniwan si Johnny sa sala.

Mas nakakakaba pala kapag ganito ang pakay mo sa kanila kesa sa yung dumadalaw ka lang sa bahay ng mahal mo. Yung tibok ng puso mas domoble ang tibok tapos nanginginig ka sa takot.

Bumalik ng sala si Angela na kasama ang Kuya nito at Nanay niya. Matalim na nakatingin si Angelo kay Johnny. Umupo naman si Angela sa tabi ni Johnny at hinawakan ang kamay. Si Angelica ay naupo sa harap nina Angela at Johnny.

"May sasabihin ka daw Hijo sa amin?" bungad na tanong ni Angelica kay Johnny. Tumingin muna si Johnny kay Angela. Ngumiti naman si Angela sa kanya.

"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status