Share

Lie's And You
Lie's And You
Author: RIDA Writes

Chapter 1

Angela's POV

Hindi ako isang laruan na

kung ayaw mo na ay papalitan

Matapos angkinin at pasawaan

Akoy may damdamin marunong masaktan

Tulad mo rin akong pusoy nasusugatan

Pinapatugtog na naman ni Nanay 'yung paborito niyang kanta ni Miss Imelda Papin. Nalulungkot na naman si Nanay kapag gusto niyang maglasing, tapos kakanta mag isa. 

Naalala niya ang Tatay ko na umiwan sa amin nina Nanay. Maganda sana ang buhay namin kung hindi kami iniwan ni Tatay. At hindi na nagkakandakuba sa pagtatrabaho si Nanay para sa aming tatlo. 

"Angela! Bilhan mo nga ako ng yelo sa tindahan!" utos na sigaw ni Nanay sa akin.

"Opo, Nay" sinunod ko naman ang utos ni Nanay sa akin.

"Bilisan mo, ha" malambing pa na sabi ni Nanay sa akin at ngumiti lang ako kay Nanay.

Pinagbibigyan ko si Nanay kapag ganito na may lungkot siyang nararamdaman. Gusto ko sana na ako na lang ang aako ng lahat ng sakit na nararamdaman ni Nanay. Mahal na mahal ko si Nanay kahit na may pagkalasengga siya. 

Hindi naman siya pabayang ina sa amin ni Kuya. Sa katunayan nga nag aaral ako sa isang University. First year college sa Rizal State University dito sa Rizal, maliit na bayan kung saan ako lumaki.

"Nay, ito na po ang yelo niyo" sabi ko kay Nanay sabay abot ng yelo sa kanya.

"Salamat, Anak" sagot ni Nanay. Namumungay na ang mata sa niya sa kalasingan.

"Nay, tama na po iyan" sabi ko kay Nanay at lumapit pa ako sa kanya.

"Mauubos na ito, Anak" tanggi ng sagot ni Nanay sa akin.

"Bukas mo na lang po ituloy at matulog na kayo" sabi ko ulit kay Nanay. Tumango lang ng ulo si Nanay sa akin at inalalayan ko na siya papasok sa kwarto niya. Inihiga ko siya sa higaan niya at inayos ang unan sa ulo niya. 

Wala namang pasok si Nanay sa factory kaya okay lang na magising siya ng tanghali. Bumalik ako sa sala, nai off ko ang karaoke pagkatapos ay kinuha ko yung mga ginamit ni Nanay sa pag inom ng alak. Yung yelo na binili ko ay inilagay ko na lang sa jug. Nilinis ko ang buong sala namin. Nang marinig ko na may kumatok sa pinto. Pumunta ako sa pintuan at binuksan ang pinto.

"Hi, Angela" nakangiting bati ni Johnny— ang boyfriend.

"Bakit ka pumunta dito?" tanong ko kay Johnny.

"Angela, may problema ako sa isang subject ko sa Math" nagkakamot sa ulo na sagot sa akin ni Johnny. Dakilang taga-gawa ng assistment.

"Puwede ba pumasok?" dugtong na tanong sa akin ni Johnny.

"Tulog na si Nanay hindi ka puwede pumasok sa bahay" sabi ko sa kanya na gusto ko ng itaboy. Alam ni Nanay na may boyfriend na ako sa edad ko na disi otso(18), matanda si Johnny ng tatlo ng taon sa akin. Hindi ako hinihigpitan ni Nanay kaya hindi ako gumagawa ng bagay na pagsisihan ko sa huli. 

Payo ni Nanay sa akin na irespeto ko ang sarili ko at sana daw hindi ako matulad sa kanya na iniwan ng asawa.

"E, pano 'yan? Ikaw lang ang alam kong makakatulong magturo sa akin" kinunsensiya pa ako. Tinignan ko ang mukha ni Johnny na nagpapaawa.

"Sa Monday na kita tuturuan. Hindi talaga puwede ngayon dito sa bahay pag ganitong tulog na si Nanay tapos wala pa si Kuya" paliwanag ko kay Johnny. 

May kapatid ako. Panganay sa akin— si Kuya Angelo. Pumunta sa barkada niya kaya wala sa bahay.

"Sige na umalis ka na" pagtataboy ko sa boyfriend ko. Biglang nag iba ang mukha ni Johnny.

"Parang hindi mo na ko love" nagtatampo na sabi ni Johnny sa akin at sumimangot ng mukha.

"Heh! Sige magtampo ka! Kundi break na tayo!" galit kong sagot sa kanya.

Nakakainis kasi masyadong ipinipilit ang hindi puwede. Ayaw na ayaw ko talaga 'yung namimilit.

"Babe, Love, Honey, huwag naman ganon. Sige, uuwi na ako " pang aalo niya sa akin.

"'Yun naman pala. Pinahirapan mo pa akong magpaliwanag" inis na sabi ko kay Johnny.

"Sorry na Babe, Love, Honey ko" natatakot na sabi sa akin ni Johnny. Si Johnny ay anak mayaman, kung napanood niyo na sa TV si Johnny Bravo ganoon ka-guwapo at ka-macho si Johnny ko. Patay na patay sa akin sa ganda ko ba namang ito siyempre matatakot siya na makipaghiwalay ako sa kanya. Average lang ang ganda ko kumbaga. Pero maswerte ako na minahal ako ni Johnny. Kahit pa ganito ang ugali ko sa kanya.

"Bati na tayo Babe, Love, Honey ko" sabi ulit ni Johnny sa akin. Nagpapaawa na naman sa harapan ko.

"Okay, sige na umuwi ka na" nakataas ang kilay ko na sabi ko sa kanya. Sa totoo lang napilitan lang ako na sagutin siya dahil sa pustahan. Natalo ako kaya iyon sinagot ko siya at kami na nga. Naalala ko pa nuon.

Flashback

"Angela kapag natalo ka sa pustahan natin. Jowa mo na si Johnny kapag nanalo ka naman libre ka namin sa canteen buong taon" sabi ni Mandy sa akin, ang kaklase kong kaibigan.

"Huh, ano nga ulit yung pagpupustahan natin?" tanong ko.

"Hay naku Angela! Di ba matalino ka pero bakit paulit ulit tayo! Sinabi ko ba sayo kanina tapos uulitin ko na naman!" inis na sagot ni Mandy.

"Eh sa nakalimutan ko! Sige na sabihin mo na!" galit ko na sabi.

"Okay. Dadahan dahanin ko para hindi ko ba uulitin" wika na Mandy. "Pag ikaw ang nag top ngayon libre ka namin sa canteen the whole year. Pero kapag 2nd ka lang. Dapat kayo na ni Johnny" sabi pa ni Mandy sa akin. Nagulat ako sa huling sinabi ni Mandy sa akin.

"Huh! Paano magiging kami e, hindi naman nanliligaw 'yung Johnny na yun sa akin? inis na sagot ko at tumalikod sa mga kaibigan ko dahil sa inis ko sa kanila.

"Iyon na nga ang twist' pag hindi mo nagawa na maging kayo ni Johnny Boy. Ikaw ang gagawa ng assignment namin sa loob ng limang buwan" wika ni Lovely. Isa din sa mga kaibigan ko. Lagi naming ginagawa ang mga pustahan. Nag-enjoy naman kami at nakakatulong pa sa amin. Pero ngayon parang gusto ko ng umatras.

"Grabe naman kayo sa akin. Parang hindi ko kayo kaibigan" pangkokonsensiya na sabi ko.

"Hoy Angela! Lahat ng dare mo sa amin ginagawa namin. Tapos ito lang. Aangal ka pa" ani ni Vannie sa akin.

"Anong 'yun lang? Iyon maging boyfriend si Johnny, ayoko' nun!" tangging sagot ko sa kanila.

"Wow, Angela chossy ka pa niyan. Ang gwapo kaya ng magiging boyfriend mo!" inis na sabi ko isip ko.

End of Flashback

Ganon nga ang nangyari natalo ako at mabilis ko naman naging boyfriend si Johnny dahil sa mahilig magpagawa ng assignment si Johnny kahit pa ahead siya sa akin. Senior siya sa akin. 4th year at ako ay freshman. Hindi ko nga malaman kung pano naging 2nd ako ng buwan na 'yun then the next month naging top ako. Ang saklap talaga oh! Napasubo ako doon! 

Nabalik ako sa ulirat ng magpaalam si Johnny sa akin.

"Bye, Baby. I love you" malambing na paalam ni Johnny sa akin.

"Sige na" inis na sabi ko at akmang isasarado na ang pinto ay iniharang ni Johnny ang kamay niya at hindi ko na natuloy ang pagsara ko ng pinto.

"Love, wala ka man lang bang reply sa akin na I love you too?" namumungay ang mata na tanong sa akin.

"Sige mamaya ichat ko sayo para may reply ako sayo" inis na sagot ko sa kanya. "Sige na umuwi ka na!" galit na taboy ko ulit kay Johnny. Laglag ang balikat na tumalikod na sa akin si Johnny. Naawa naman ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit ganito ako kay Johnny. Mahal ko naman siya pero ang hilig kong magsungit sa kanya. Lagi din akong galit at inis sa kanya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status