Share

Chapter 2

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2022-09-22 21:37:03

"Gusto ko lang naman makasama si Angela, pero parang ayaw niya ako makita" malungkot na sabi ni Johnny sa sarili.

"Pangit ba, ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!" madramang sabi ni Johnny ng may tumama sa ulo niya.

"Ouch, aray! d***g sa sakit ni Johnny sabay hawak sa ulo niya. Nakita niya ang stinelas na tumama sa ulo niya.

"Bakit ka ba nangbabato ng stinelas?!" galit na tanong ni Johnny sa kaibigang si Andy.

"Ang drama mo, Pare. Tapos 'yung line mo gasgas na. Para ka tuloy sira ulo. Alam mo ba' yun!" bulyaw na sagot ni Andy sa kaibigan.

"Si Angela kasi parang diring diri sa akin. Ayaw akong makasama. Wala naman tayong pasok ngayon" may lungkot sa boses na sabi ni Johnny.

"Alam mo, Pare. Hayaan mo na nga iyang jowa mong Pangit!" saway na sabi ni Andy sabay akbay sa balikat ni Johnny. Tinanggal naman ni Johnny ang kamay ng kaibigan sa balikat niya at akmang susuntukin si Andy.

"Hoy, hindi pangit ang mahal ko" pagtatanggol ni Johnny kay Angela. At sinuntok sa tiyan si Andy. Nasalag naman ni Andy ang kamay ni Johnny kaya hindi nito natamaan ang kaibigan.

"Pare, ano ba ang nakita mo sa girlfriend mo na iyon at nagkakaganyan ka?" tanong ni Andy.

"Hindi ko alam, Pare" maikling sagot ni Johnny at umupo na sa upuan sa labas ng bahay nila.

Totoo naman ang sinabi ng kaibigan niya na si Andy, hindi naman talaga ganoon ka ganda si Angela, isa lang ordinaryong babae si Angela na hindi ganoong kaganda at mahirap pa. Samantalang si Johnny ay mayaman na gwapo pa. Marami ngang naghahabol sa kanya sa campus, pero sa iisang babae lang siya nakatingin at iyon kay Angela.

"Hindi kaya ginayuma ka ni Angela" sabi ni Andy. Napalingon naman si Johnny sa kaibigan.

"Anong akala mo kay Angela witch? Para gayumahin ako" inis na sagot ni Johnny.

"Hindi sa ganon, Pare. Ang akin lang bakit ba patay na patay ka sa babaeng iyon?" nagtatakang tanong ni Andy. 

Hindi naman na sumagot si Johnny dahil hahaba pa ang diskusyon nila tungkol sa girl friend niya. Kahit na ayaw nito kay Angela para sa kaibigan na si Johnny ay wala naman itong magagawa dahil si Johnny mismo ang may gusto.

"Punta tayo sa Bar mamayang gabi. May ipapakilala ako sayo" yayang sabi ni Andy. Kahit na may girl friend na si Johnny ay kung sino sino pa ang ipinakikilala ni Andy kay Johnny.

"Magsasawa ka lang ng karereto sa akin ng mga babae. Iisa lang si Angela dito sa puso ko" sabi ni Johnny sa kaibigan sabay turo sa dibdib. Kahit na may girlfriend na si Johnny ay nirereto pa din nito ang kaibigan sa ibang babae na gusto niya para sa kaibigan. Ayaw kasi ni Andy kay Angela para kay Johnny dahil sa malalim na dahilan. At ayaw niyang makita na nasasaktan ang kaibigang si Johnny.

"Ang drama mo, Pare" sagot naman ni Andy. 

Pero napaisip bigla si Johnny dahil hindi naman sila magkikita ni Angela at masama ang loob niya sa nobya ay sumama na din siya kay Andy. Hindi na lang nito papansinin ang babaeng ipapakilala ni Andy sa kanya.

"Anak, anong balak mo sa sembreak niyo" tanong ng Nanay ni Angela.

"Mag aapply po ako na sales lady sa bayan. Sayang po kasi ang bakasyon. Saka wala naman po akong gagawin dito sa bahay" mahabang paliwanag ni Angela sa Ina.

"Maganda yan, Anak. 'Yung boyfriend mo kumusta na siya? Hindi yata na dadalaw sayo" sabi ni Aling Angelica sa anak.

"Kanina po pumunta eh tulog kayo kaya hindi ko po pinapasok sa bahay" sagot ni Angela. Napangiti si Aling Angelica sa sinabi ng anak. Naisip niya kung gaano ka responsable si Angela kahit sa mura pa nitong edad.

Kinagabihan ay nagkakasayahan na sina Johnny at Andy sa bar. Nang may lumapit na babae kay Andy. Umakbay si Andy sa babae at ipinakilala kay Johnny.

"Anica, This is Johnny my friend ko" pakilala ni Andy at itinuro si Johnny sa katapat na upuan niya. 

Sinenyasan ni Andy ang babae na tumabi kay Johnny. Lumapit nga si Anica kay Johnny at tumabi ng upo dito. Hinawakan ni Anica si Johnny sa balikat. Hindi naman pinansin ni Johnny si Anica. At sunod sunod na lumagok ng alak si Johnny sa baso.

"Johnny, can we go somewhere else?" malanding yaya ni Anica dito. Lumingon lang si Johnny sa babae at nilagok ang alak sa baso.

"I'm sorry but I have a girlfriend" inis na sagot ni Johnny. Napasimangot naman si Anica dahil sa sinabi ni Johnny. Hindi niya alam na taken na pala si Johnny, hindi din naman kasi ito pinaalam ng kaibigan nitong si Andy sa kanya. Nakita lang ni Anica ang picture ni Johnny sa isang post ni Andy sa social media. At kaagad nagkaron siya  ng interes kay Johnny dahil isa itong hot at Papable. 

"Johnny, pagbigyan mo na si Anica" kumbinsi ni Andy kay Johnny. Tumingin lang ng masama si Johnny sa kaibigan at hindi sumagot.

"Andy, ang suplado pala nitong kaibigan mo" naiinis na din na sabi ni Anica. Tumayo na si Anica sa tabi ni Johnny at lumipat ng umupo sa tabi ni Andy.

"Alam mo, Andy pag ipinilit mo pa sa akin that wh*re. Im leaving you here!" galit na babala ni Johnny.

"Who is wh*re?!" galit na tanong ni Anica kay Johnny.

"Oohoo, relax Pare!" pakalma na sabi ni Andy.

"Andy, Let's go. Umalis na tayo dito at iwanan mo na ang kaibigan mong loyal sa girlfriend niya" singit na sabi ni Anica.

"Okay Andy go and leave, please" taboy ni Johnny sa kaibigan.

"I'm sorry, Anica. Pero hindi ko kayang iwanan ang kaibigan ko na mag isa. Magkita na lang tayo some other time" sabi ni Andy.

"Okay, I will leave. Andy, call me na lang if you need me" paalam ni Anica sabay kindat kay Andy. Pailing iling naman ng ulo si Johnny.

"Pare, si Anica, 'yung ganoong klase ng babae pinalampas mo" nanghihinayang na sabi ni Andy. Uminom muna ng alak si Johnny at humarap kay Andy.

"Andy alam mo na may gf na ako. Bakit ba gusto mong magcheat ako sa gf ko?" tanong ni Johnny. Tumayo si Andy at umupo sa tabi ni Johnny.

"Sorry Pare. Hindi ko sinabi na magcheat ka. Ang sa akin lang. Why don't you give a try other ladies?" paliwanag na sagot ni Andy.

"It's almost same. Ayokong saktan si Angela at mahal ko siya" sabi ni Johnny.

"Wow, Johnny! Suko na talaga ako sa kagagohan mo at pag nalaman ni Angela ang lahat hindi ko alam kung mamahalin ka pa niya" may laman na sabi ni Andy. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lie's And You   Chapter 23

    Palinga linga si Johnny sa buong restaurant. Sinabi ng Manager niya na mayroon siyang imemeet na prospect project."Sir, oorder na po ba kayo?" tanong ng waiter ng makalapit kay Johnny."No, later na lang" sagot ni Johnny dito.Medyo naiinip na din siya dahil halos kalahating oras na siyang naghihintay. May inis na muling sinulyapan niya ang pintuan ng restaurant.Nanlaki ang mga mata niya ng iniluwa niyon sina Saimon at Angela. Hawak nila sa magkabilang kamay ang batang si Alex.Nagtama ang mga tingin nila Angela at Johnny."Hi po Tito Johnny" masiglang bati ni Alex. Ngumiti si Johnny sa bata at binalingan sina Angela at Saimon."Upo kayo" kahit na medyo alangan ay niyaya pa din ni Johnny sina Angela at Saimon na maupo.Pinaghila ni Saimon ng upuan si Angela at umupo sa tabi niya. Si Johnny naman ay inayos sa pagkakaupo si Alex. Napatingin si Angela sa ginawa ni Johnny para sa anak. "Gusto ninyo na bang kumain?" tanong ni Johnny. "Alex baby, anong gusto mong kainin?" tanong ni Ange

  • Lie's And You   Chapter 22

    Araw ng Linggo habang nag aalmusal si Angela nakaagaw ng pansin sa kanya ang isang news sa front page ng isang tabloid. Kinuha niya ito at binasa ang nakalagay na balita doon.Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang tasa ng kape na sanay iinumin niya. Ang front page doon ay isang kuhang larawan ng isang bata kasama ang isang sikat na modelo.Binuklat niya ang karugtong ng balitang iyon at binasa. Hindi makapaniwalang si Alex at si Johnny ang nakikita niyang magkasama at masayang nakikipag usap si Johnny sa anak nila. Inilapag niya ang tabloid sa mesa at agad tumayo. "Paano nangyari ito?" nagtatakang tanong ni Angela sa sarili habang nanlalaki ang mga mata. Dali daling tumakbo si Angela sa kuwarto niya para kunin ang cellphone niya para tawagan si Saimon. Nang makuha ang telepono sa kanyang bag ay idinayal niya ang numero ng telepono ni Saimon."Saimon, you need to explain to me about the news!" may diing salita ni Angela sa telepono.Alam na ni Saimon ang tinutumbok ng mga salita

  • Lie's And You   Chapter 21

    AFTER FIVE YEARS "Ingrid!" tawag ng isang babae sa magpa-five years old na batang babae. Tumatakbo naman itong lumapit sa ina."Mama!" masayang tawag nito sa ina. Kinarga ng ina nito ang anak at pinanggigilan ang pisngi ng batang ang cute tingnan. Natatawang nakikiliti ang magandang bata sa ginagawa ng ina.Ito ang masayang tagpo na nakikita ni Angela habang nakaupo sa isang bench sa mall. Ang saya ng mag ina, makikita mo ang sobrang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak."Mommy!" napalingon siya sa batang tumawag sa kanya habang hawak ito sa isang kamay ng yaya nito. Masayang ngumiti si Angela sa anak.Siya si Alexander Johnson Delos Santos ang anak nila Angela at Johnny.Limang taon na ang nakakaraan ng hindi nito siputin ang kasal nilang dalawa ni Johnny. Kinumstaba ni Angela ang kapatid na si Angelo para takasan si Johnny sa mismong araw ng kanilang kasal.Nagpakalayo layo siya pero pagkalipas ng ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Ipinaalam niya ito agad sa kanyang nak

  • Lie's And You   Chapter 20

    Nalalapit na ang kasal nina Johnny at Angela. Naghahanda na din si Johnny. Ibinigay niya ng personal ang mga imbitasyon. Hindi niya nakasama si Angela. Dahil busy daw ito sa trabaho. Ang dami nitong dahilan para lamang hindi makasama sa pag-aayos ng kasal nilang dal'wa.Maaga pa ay nasa bahay na nina Angela si Johnny."Good morning po, Tito," bati niya sa Tatay ni Angela. Tumango ito ng ulo sa kanya at ngumiti. "Ang aga pa, Johnny. Ano bang lakad niyo ni Angela ngayong araw?" "Titignan po namin ngayon ang venue para sa reception. 'Staka food tasting.""Ganoon ba," nilinga ni Cain ang paligid. "Nakaalis na si Angela. Pumasok sa boutique niya. Kung gusto mo puntahan mo na lang sa boutique," mungkahi niya sa binata."Puntahan ko na lang po si Angela sa boutique," saad ni Johnny. Iniiwasan pa din siya ni Angela. Ni hindi niya ito nakakasama sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal.Lulan ng kanyang kotse si Johnny. Papunta na siya ngayon sa boutique ni Angela. Baka kapag doon siya dumi

  • Lie's And You   Chapter 19

    Hindi matanggap ni Angela na ikakasal siya kay Johnny. Minahal niya ito nuong una pero hindi na niya alam kung pareho pa din ngayon ang nararamdaman niya para sa binata. Napuno na siya ng mga kasalanan nito sa kanya.Pati ang mga magulang niya ay pumayag sa gustong mangyari ni Johnny. Akala ba niya ay galit ang Nanay niya dahil sa nangyari noon sa kanila ng Tatay niya. Iniwan sila ng Tatay niya at sumama sa ibang babae. Ang babae na iyon ay ang ina ni Johnny. Napatawad na niya ang Tatay niya. Ngunit, hindi niya makakalimutan ang lahat ng ginawang pagkakamali nito sa kanila. "Hindi ako magpapakasal sa Johnny na iyon!" pinal na sambit ni Angela sa sarili. Hindi niya maatim na magpakasal si Johnny. Kahit mahal mo pa din niya si Johnny ay hindi pa niya ito napatawad.Hinsi siya magpapa-sakop sa gusto ni Johnny. Kahit na anong mangyari. Hindi siya magpapakasal dito. Masayang si Johnny pumayag ang Tatay ni Angela na ikasal sila. Papunta sila ngayon upang pormal na mamanhikan noong una ay

  • Lie's And You   Chapter 18

    Nagising si Johnny na masakit ang ulo. Pupungas-pungas pa siya ng kanyang mga mata. Napansin niya na may katabi siyang natutulog. At nang lingonin niya ay si Angela ito. Ngumiti siya ng maalala ang lahat ng naganap sa kanila kagabi.Pinagsisihan niya ang mga ginawa niyang pagsisinungaling. Kung sana ay inamin na niya na kilala niya ang Tatay ni Angela. Na kasama nila ng Mommy niya ang Tatay niya. Siguro ay natanggap pa ni Angela ang mga paliwanag niya. Siguro ay magkasama pa din sila hanggang ngayon. Sana masaya pa din sila na magkasama. Mahal na mahal pa din niya si Angela. Sobrang masaya siya. Nalaman niyang siya pa din ang unang lalaki sa buhay ng dalaga. Siya lang ang nakaankin dito. Kailangan niyang gumawa ng hakbang para panagutan si Angela. Pakakasalan niya si Angela. Kahit saang simbahan pa.Hindi niya pinagsisihan ang mga ginawa niya kagabi. Kahit pa magalit si Angela sa kanya ay tatanggapin niya. Pananagutan naman niya ang mga nangyari sa kanila. Alam niya ang ginagawa niya

  • Lie's And You   Chapter 17

    Natapos ang buong araw ni Angela na pagod kakapanood lang ng photoshoot. Nalibang siya habang nanonood dahil lagi siyang kinakausap ni Saimon kapag tapos na ito sa bawat pagkuha ng mga larawan. Hindi siya nakaramdam ng inip dahil sa pagiging madaldal ni Saimon. Madaling nakagaanan ng loob ni Angela si Saimon. Kwela naman kasi itong kausap dahil mapagbiro ito at hindi nauubusan ng ikukuwento.Nakasimangot naman si Johnny buong maghapon. At nakailang take sila dahil hindi nito makuha ang gusto ni Saimon na pose niya.Titigil muna silang lahat sa hotel na nasa mismong Highland. Nagkakasayahan ang mga crew member habang nakapalibot sa bonfire kasama sina Angela, Saimon at Nathan. Si Jenny naman ay umuwi muna sa kanila at ipinahatid ni Angela sa driver niya. "Ang sarap ng simoy ng hangin dito, Johnny at saka ang tahimik ng paligid" sabi ni Elizabeth at hinawakan ang kamay ni Johnny para iakbay sa kanya. Para namang halos magkayap na ang dalawa. Nakabukod sila na medyo malayo ang upo sa m

  • Lie's And You   Chapter 16

    Dumating na ang crew ng agency at ang photographer. Hindi na nag-usap pa sina Johnny at Angela pagkatapos ng nangyari kanina. Medyo ilang na din si Angela kay Johnny. Lalo na may babae itong laging kasama.Paalis na silang lahat sakay ng kanya kanyang sasakyan. Si Angela ay kasama ang sekretarya nito sa sasakyan niya, sina Johnny at Elizabeth ay magkasama sa sasakyan ni Johnny at sa van ang crew kasama si Nathan at Manager na si Mike.Binabagtas na ng buong team ang daan papunta sa kanilang location, sa Tagaytay. Iyon ang napili nila para hanapin ang photo shoot. Tahimik si Angela na lulan ng kotse niya may kasama silang tagamaneho. Napansin ni Jenny ang pagiging tahimik ng amo niya simula ng bumalik ito sa opisina niya."Johnny, may napansin lang ako sa inyo ni Miss Angela parang may malalim kayong pinagsamahan. The way the both of you talk at sa kilos ninyo na din." punang sabi ni Elizabeth. Napansin niya kung paano sila magtinginan ni Johnny. Hindi niya iyon nagustuhan."Guni guni

  • Lie's And You   Chapter 15

    After One Year"Angela, we're planning to get a model for our boutique. Makakatulong ito para lalong makilala ang mga boutique natin. At sayo na din. Mas lalong matututo ka." sabi ni Cain sa anak. Napatingin si Angela sa Tatay niya.Gumaling na si Cain at nakakalakad na din. Naging maayos na ang pangangatawan niya at nakarekober galing sa isang aksidente. "Tay, may napili na po ba kayong modelo para doon?" tanong ni Angela. At itinuloy ang pagsubo ng pagkain. Napalago ni Angela ang kanilang boutique at mabilis din siyang natuto sa pasikot sikot sa negosyo. "May kinontact na ang Kuya mo na agency. I think one of this day ay pupunta na sila to start the photo shoot" sagot ni Cain. Naging maayos na ang pakikitungo ni Angelo sa kanya. Napatawad na din siya ng kanyang panganay na anak. "Okay po, 'Tay" maikling sagot ni Angela.Makalipas ang ilang buwan ay hindi na nakikita ni Angela na pumupunta si Johnny sa tindahan para kulitin siya at humingi ng tawad sa kanya. Sa loob ng isang taon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status