Share

Chapter 18

Nagising si Johnny na masakit ang ulo. Pupungas-pungas pa siya ng kanyang mga mata. Napansin niya na may katabi siyang natutulog. At nang lingonin niya ay si Angela ito. Ngumiti siya ng maalala ang lahat ng naganap sa kanila kagabi.

Pinagsisihan niya ang mga ginawa niyang pagsisinungaling. Kung sana ay inamin na niya na kilala niya ang Tatay ni Angela. Na kasama nila ng Mommy niya ang Tatay niya. Siguro ay natanggap pa ni Angela ang mga paliwanag niya. Siguro ay magkasama pa din sila hanggang ngayon. Sana masaya pa din sila na magkasama.

Mahal na mahal pa din niya si Angela. Sobrang masaya siya. Nalaman niyang siya pa din ang unang lalaki sa buhay ng dalaga. Siya lang ang nakaankin dito. Kailangan niyang gumawa ng hakbang para panagutan si Angela. Pakakasalan niya si Angela. Kahit saang simbahan pa.

Hindi niya pinagsisihan ang mga ginawa niya kagabi. Kahit pa magalit si Angela sa kanya ay tatanggapin niya. Pananagutan naman niya ang mga nangyari sa kanila. Alam niya ang ginagawa niya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status