Share

Chapter 20

Nalalapit na ang kasal nina Johnny at Angela. Naghahanda na din si Johnny. Ibinigay niya ng personal ang mga imbitasyon. Hindi niya nakasama si Angela. Dahil busy daw ito sa trabaho. Ang dami nitong dahilan para lamang hindi makasama sa pag-aayos ng kasal nilang dal'wa.

Maaga pa ay nasa bahay na nina Angela si Johnny.

"Good morning po, Tito," bati niya sa Tatay ni Angela. Tumango ito ng ulo sa kanya at ngumiti.

"Ang aga pa, Johnny. Ano bang lakad niyo ni Angela ngayong araw?"

"Titignan po namin ngayon ang venue para sa reception. 'Staka food tasting."

"Ganoon ba," nilinga ni Cain ang paligid. "Nakaalis na si Angela. Pumasok sa boutique niya. Kung gusto mo puntahan mo na lang sa boutique," mungkahi niya sa binata.

"Puntahan ko na lang po si Angela sa boutique," saad ni Johnny. Iniiwasan pa din siya ni Angela. Ni hindi niya ito nakakasama sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal.

Lulan ng kanyang kotse si Johnny. Papunta na siya ngayon sa boutique ni Angela. Baka kapag doon siya dumi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status