Share

Chapter 3

Tinanghali ng gising si Johnny. Dali dali siyang nagpunta ng banyo at pagkatapos ay naligo. Pagkababa niya ng sala ay nakita niya ang Mommy niya na inaasikaso ang Tito niya. Baldado na ang stepfather niya dahil sa, isang aksidente.

"Good morning, Son" nakangiting bati ng Mommy ni Johnny. Lumapit naman si Johnny sa ina at hinalikan ito sa pisngi pati na ang Tito Cain niya. At ngumiti sa kanila.

"Good morning too, Mom. What's for breakfast?" ganting bati at tanong ni Johnny sa ina.

"Hijo, lagpas na ang almusal. At magtatanghalian na tayo" sagot ng Mommy ni Johnny.

"Sorry, Mom. Tinanghali po ako ng gising" napakamot ng ulo si Johnny. Binalingan niya ang Tito Cain niya. "Tito, I will visit her again at susubukan ko pong kausapin siya." tumango lang ng ulo ang Tito Cain niya bilang sagot.

"Come, let's have lunch" yaya ng Mommy ni Johnny. Pagtakapos na magtanghalian ang pamilya nina Johnny ay umalis ito at pumunta kina Andy.

Samantala... "Kuya, ito na ata iyon?" sabi ni Angela habang turo ang isang stall na bilihan ng damit. Nilingon naman ni Angelo ang itinuro ng kapatid na si Angelo.

"Ito na nga, Angela. Pasok ka na at itanong mo na lang doon kung sino si Mr. Braganza" sagot naman ni Angelo. Pumasok na nga si Angela sa loob ng stall habang naghihintay si Angelo sa labas. 

Kinausap ni Angela ang isang babae at itinuro ang puwesto ni Mr. Braganza dito. Ilang minuto na kausap ni Angela si Mr. Braganza. Maya maya ay lumabas si Angela na nakangiti sa Kuya Angelo niya.

"Oh, anong sabi sayo?" excited na tanong ni Angelo.

"Okay na, Kuya. Puwede na ako magsisimula bukas" masayang sagot ni Angela. Kaibigan ng Kuya Angelo niya ang nagrecommend sa kanya kaya tinanggap kaagad siya sa trabaho bilang sales lady. 

"Ang galing, di ba sabi ko sayo, e" masayang nawika ni Angelo. At sabay na ang magkapatid na naglakad palabas ng mall. Naglalakad na ang magkapatid para umuwi ng napagpasyahan na muna nila na kumain. 

Sa kabilang kalsada ay nakasalubong nina Johnny sina Angela at ang kapatid nito.

"Johnny, di ba si Angela iyon?" turo ni Andy. Sakay ng kotse ni Andy si Johnny. Papunta sila sa bahay nila Angela ng makasalubong ito sa tabing daan. 

"Oo Pare. Girlfriend ko nga iyon. Ihinto mo ang sasakyan at pupuntahan ko lang" sagot ni Johnny. Inihinto nga ni Andy ang sasakyan at lumabas si Johnny ng kotse. Tumakbo ito palapit sa magkapatid.

"Angela!" sigaw na tawag ni Johnny. Napalingon naman sina Angela at Angelo sa sumigaw.

"Boyfriend mo" banggit ni Angelo sa kapatid. Napangiti naman si Angela sa sinabi ng kapatid. Nang makalapit si Johnny sa dalawa.

"Babe, saan punta niyo?" tanong ni Johnny kay Angela. Lumapit at hinawakan nito ang kamay ni Angela.

"Kakain lang kami diyan sa malapit" singit na sagot ng Kuya Angelo niya.

"Sama na din ako sa inyo" sabi ni Johnny.

"Yung kaibigan mo naghihintay sayo" punang sagot ni Angela. Nilingon naman ni Johnny ang sasakyan ni Andy na nakahinto sa tabi ng kalsada. "Kayo saan ang punta niyo?" dugtong na tanong ni Angela. Napakamot naman ng ulo si Johnny at nahihiyang sumagot kay Angela.

"Dadalaw sana ako sa inyo. Wrong timing, may pupuntahan pala kayo ng Kuya mo" sagot ni Johnny. Napatingin naman si Angelo sa kapatid.

"Sige na. Tawagin mo na ang kaibigan mo at pupunta na tayo sa fast food para kumain" utos ni Kuya Angelo kay Johnny. Tumalima naman si Johnny para tawagin ang kaibigang si Andy. 

Hinahabol ng tingin ni Angela ang boyfriend habang papalapit sa kaibigan na nasa kotse. Lumabas na si Andy ng kotse niya at sabay nsila ni Johnny na naglalakad palapit sa magkapatid.

"Kuya Angelo, kaibigan ko po si Andy" pakilala ni Johnny sa kaibigan. Kumaway lang ng kamay si Andy at Angelo.

"Halina kayo at gutom na ako" yayang sabi ni Angelo. Naglakad na silang apat papunta sa fast food. Sina Johnny at Angela ay nasa likod nina Andy at Angelo. 

Hinawakan ni Johnny sa kamay si Angela. Tiningnan ni Angela ang paghawak sa kamay niya ng boyfriend. Ngumiti naman si Johnny kay Angela. Pinagtitinginan sila Angela at Johnny habang hawak kamay na naglalakad. At halos lahat ng napapatingin ay mga kababaihan. Alam naman niya na gwapo ang Boyfriend niya kaya hindi na siya magtataka na marami ang humahanga kay Johnny. 

Nang makapasok na silang apat sa fast food ay si Andy na ang nagprisinta na mag order ng kakainin nila at sinamahan naman ito ni Angelo.

"Anong ginagawa niyo dito sa bayan, Babe?" tanong ni Johnny habang katabing nakaupo kay Angela.

"Ah, nagpasama ako kay Kuya" sagot ni Angela.

"Bakit hindi ka sa skin nagpasama?" nagtatampong tanong ni Johnny.

"Si Kuya kasi ang nakakaalam 'nung stall na aaplayan ko" sagot ni Angela. Nagulat naman si Johnny sa sinabi ng girlfriend.

"Babe, magtatrabaho ka? Bakit hindi mo ipinaalam sa akin?" halata ng tampo sa tono ng boses ni Johnny.

"Bakit ko naman ipapaalam sayo?" balik na tanong din ni Angela. Nainis na ito sa inakto ni Johnny. Kailangan ba niyang ipaalam lahat dito kung anong gagawin niya eh boyfriend lang naman niya ito.

"Babe, ang akin lang naman dapat sinabi mo sa akin ang plano mo. Ano pa't naging boyfriend mo ako?" paliwanag ni Johnny.

"Johnny, gusto kong magtrabaho ngayong sembreak. Gusto ko naman maging kapaki pakinabang ang bakasyon ko" paliwanag ni Angela.

"Babe, kaya naman kitang tulungan sa panggastos mo" ani ni Johnny. Napatingin si Angela kay Johnny.

"Johnny, 'yan ang huwag mong gagawin. At yes boyfriend kita pero hindi ko sinabi na hihingi ako ng pera sayo!" galit na sabi ni Angela.

"Babe, wala akong sinabi na humingi ka ng pera sa akin dahil ako ang kusang magbibigay sayo" sambit ni Johnny sa mahinahon na boses. Halata na kasing galit ang nobya.

"Pareho lang 'yon Johnny. At ayaw na ayaw ko na humihingi ng tulong sa iba!" galit na sabi ni Angela.

"Babe, ano ba ako sayo? Di ba boyfriend mo ako?" nasasaktan na sabi ni Johnny. Nabigla naman si Angela sa sinabi niya kay Johnny. Alam niyang nasaktan niya ang binata sa sinabi niya. Ayaw lang talaga niya ng humihingi ng tulong kahit kanino kahit pa sa boyfriend niya na pinakamayaman sa lugar nila. Ayaw niya na matawag na gold digger ng iba. Kaya hangga't maari ay ginagawan niya ng paraan kapag kinukulang siya ng panggastos sa University o sa pangangailangan nila sa bahay.

Napansin nina Angelo at Andy na walang kibo ang magnobyo habang kumakain. Magkatabi sila ng upo pero walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Papalit palit ng tingin sila kina Angela at Johnny.

"Mukhang may LQ ang dalawa na 'to" nawika ni Andy sa sarili habang tinitingnan si Johnny na kumakain ng tahimik. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status