Share

Chapter 4

Masama ang naging timpla ng mukha ni Johnny habang kumakain sila sa fast food. Pagkatapos nilang kumain ay hindi na siya muna sumama pa kina Angela na pumunta sa bahay ng nobya. Lagi na lang ganoon ang nangyayari sa relasyon nilang dalawa ni Angela. Palaging may tampuhan at may pagtatalo.

Away bati pero mas madalas siya ang sumusuyo kay Angela. Pero kahit na parang napapagod na si Johnny sa relasyon nila ni Angela ay iniintindi pa rin niya ito ganoon niya kamahal si Angela. Sobra sobra ang pagmamahal niya para sa dalaga. Mapapagod siya pero hindi siya kahit kailan man bibitiw.

"Angela, bakit naman ganon ang inasal mo sa boyfriend mo? Hindi kita maintindihan talaga" sabi ng Kuya ni Angela. Kasalukuyan silang nanonood ng T.V. sa sala.

"Kuya, ano bang ginagawa ko kay Johnny?" nagmamaang maamang tanong ni Angela sa kapatid.

"Ewan ko sayo, Angela. Basta ako sinasabihan na kita. Kung ayaw mo kay Johnny mas maganda sabihin mo ng maayos hindi ganyan ang ipinapakita mo sa tao. Nakakaawa naman iyong tao" ani ni Angelo. Napatingin naman si Angela sa kapatid.

"Kuya, saan si Nanay?" pang iibang tanong ni Angela.

"Hindi ko alam, hindi ko nga napansin si Nanay 'nung dumating tayo" sagot ni Angelo. Napaisip naman si Angela kung na saan ang ina. 

Nag aalala siya para sa Nanay niya. Nagbago ang ugali ng Nanay nila. Kung nuon ay inaasikaso sila nito at masipag sa trabaho kahit na may pagkalasengga ngayon ay kabaliktaran na iyon ngayon. 

Nagulat ang magkapatid ng bumukas ang pinto at pumasok ang Nanay nila na naglalakad ng pasuray suray na lasing na lasing. Tumayo si Angelo para alalayan ang ina.

"Mga anak, huwag niyong gagayahin ang Tatay niyong pulpol!" sigaw ni Aling Angelica sa dalawang magkapatid habang hawak ni Angelo sa braso.

"Nay, saan ba kayo galing?" inis na tanong ni Angelo at napailing ng ulo. Hindi sumagot si Angelica. Nakayuko na ang ulo nito.

"Kuya, dalhin na natin si Nanay sa kuwarto at ako na ang bahala sa kanya" wika ni Angela. Inakay na nga ni Angelo ang ina papasok sa kuwarto para maihiga. Sumunod na din si Angela sa kuwarto.

Napapansin niya ang sobrang pag-inom ng Nanay nila ngayon. Kung saan saan pumunta. Pagkatapos uuwi nang lasing nang lasing.

Masama ang loob ni Johnny kay Angela. Pagkadating sa bahay ni Andy ay inaya niya kaagad ng inom ang kaibigan. "Inom tayo, Andy. Samahan mo ako."

"Kakainom palang natin kagabi. Iinom ka na naman." sagot ni Andy

"Sasamahan mo ba ako uminom o magrereklamo ka lang diyan?" tanong ulit ni Johnny.

"As in naman binigyan mo ako ng choice" napapakamot sa ulo na sagot ni Andy. Wala naman talaga siyang choice kundi samahan ang kaibigan.

"Ang dami mo pa kasing sinasabi. Kunin mo na 'yung beer doon sa fridge sa kusina" utos na sabi ni Johnny. Napatingin naman si Andy sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala na inutusan pa siya.

"Grabe ka naman Johnny. Gusto mong samahan kitang uminom dahil sa syota mong ewan tapos uutusan mo pa ako" pailing iling ng ulo na sabi ni Andy. Pinagbigyan na lang ni Andy si Johnny dahil alam niya masama ang loob nito sa jowa niya.

"Andy, tanungin nga kita, ha. Masama ba akong boyfriend?" tanong ni Johnny sabay lagok ng alak. Nakakalimang bote na siya nang beer. At medyo iba na ang tama nang alak kay Johnny. 

"Johnny, bakit mo naman na tanong 'yan?" balik na tanong ni Andy.

"Si Angela kasi" sagot ni Johnny.

"Oh si Angela na naman. Hindi ka na ba titigil ng karereklamo tungkol sa jowa mong ewan? Masyado mong iniisip si Angela. Wala kang ibang bukam bibig. Kundi si Angela lang" inis na sabi ni Andy. Lagi na lang kasing pinoproblema ng kaibigan nito ang girlfriend niya. Napainom na lang ng alak si Andy.

"Mahal ko kasi si Angela. Kaya ganito ako. Pagkatapos parang ibang tao ako sa kanya" malungkot ang boses na wika ni Johnny. Pakiramdam niya kasi hindi siya itinuturing na boyfriend ni Angela. Pakiramdam niya hindi siya mahalaga at pakiramdam niya hindi siya din nito mahal.

"Pare, payo lang, ha. Kung napapagod ka na iwanan mo na. Kung pakiramdam mo ayaw na niya sayo, e, di breakin mo na. Ganoon lang kasimple" payong sabi ni Andy.

"Pare, hindi ko kayang gawin iyang sinabi mo" sagot ni Johnny. Hindi iyon ganoon kasimple. Kahit na ganoon ang trato ni Angela sa kanya. Hindi pa din niya kayang mawala ito sa buhay niya.

"Ayan ka na naman sa mahal. Ikaw ba mahal din ni Angela? Tingnan mo nga ang sarili mo ngayon" tanong ni Andy. Para namang tinamaan siya doon sa tanong ng kaibigan. Hindi niya alam kung anong isasagot sa kaibigan kung mahal ba talaga siya ni Angela. Na kahit siya ay hindi alam kung mahal ba talaga siya ni Angela. Never pa ito nagreply sa I love you niya kapag sinasabi niya ito sa dalaga. Si Johnny din ang laging humahabol at sumusuyo kay Angela.

"Hindi mo deserve na maramdaman 'yan Johnny. Guwapo ka, ang daming nagkakagusto sayo sa University. Mayaman ka din. Lahat ng gusto mo nakukuha mo. Pero' yung jowa mo hindi mo kayang paamuin sayo" mahabang wika ni Andy.

"Pare, may unfinish business pa ako kay Angela. Alam mo naman 'yun diba?" wika ni Johnny.

"Gawin mo na. Pagkatapos' di quits na kayo" sagot ni Andy. Napaisip si Johnny siguro nga oras na para sabihin nito kay Angela. Pero makakaya ba niyang hiwalayan si Angela? Kaya ba niyang mawala si Angela sa kanya? Ang mga tanong na hinahanapan niya ng sagot sa sarili. 

"Paano ko sasabihin kay Angela? Natatakot ako na baka iwanan niya ako."

"Johnny, kapag nalaman ni Angela. Iiwanan ka pa din niya. Mas okay na sayo nanggaling. Kesa narinig niya sa iba. Mas masasaktan siya."

Alam niyang tama ang kaibigan niyang si Andy. Wala namang ibang patutunguhan iyon. Kundi ang iwanan siya ni Angela. Baka kamuhian pa siya nito. Ang ikinababahala niya lang ay ang relasyon nilang dalawa. Kaya niyang tanggapin ang galit ni Angela sa kanya. Pero pagkatapos. Paano siya? 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status