登入Sa mga sandaling iyon, unti-unting namutla ang buong mukha ni Anton. Ang dugo ay tila umurong pabalik sa kanyang puso habang binabasa ng kanyang isipan ang mga magkakaugnay na pangyayari. Ang pagkakahawig ng ugali, ang parehong ngiti, ang amoy, at ang mga bagay na dati ay kanyang ipinagwalang-bahala ngayon ay nagtutugma na lahat sa iisang katotohanang handang bumago sa takbo ng kanyang buhay. “Arabela… Amara… ikaw nga ba ang kasama ko sa kubo sa paanan ng bundok noong mga panahong iyon?” Nanginginig ang tinig ni Anton habang pilit na binubuo ang mga tanong na tila matalim na patalim sa kanyang sariling dibdib. “Ikaw nga ba ang dahilan kung bakit ako nahulog sa matarik na bangin? Ikaw nga ba ang tunay na salarin sa lahat ng nangyari? Ikaw ba ang dahilan kung bakit napunta ako sa ganitong kalagayan, nawalan ng alaala, napilitang magsimulang muli, at dumanas ng matinding hirap at pagkalito sa loob ng mahabang panahon?” Huminto siya sandali, parang may nakabara sa kanyang lalamunan ba
Mahimbing nang natutulog si Anton matapos ang halos ilang oras na sesyon sa doktor. Si Amara na lang ang maghahatid sa mga panauhin matapos itong maghapunan. Matapos makapagligpit ni Amara, ay nangbilin na lamang siya sa kasambahay na ito na lamang ang bahalang magsara ng lahat at mag-lock ng pinto. Para kasing napagod din si Amara sa eksaminasyon ni Anton.Sa kalagitnaan ng kahimbingan ni Anton, nagsimula itong maging malikot. Maya-maya, pinagpawisan siya nang malagkit. Nagpabaling-baling siya ng ulo, at maririnig ang mahihinang pagungol na tila naghihirap. Muli na naman itong nanaginip."Aaah, tama na! Huwag kang tumakbo. Bakit ba tumatakbo ka…?" awat niya sa babaeng nakatalikod sa kanya. Ngunit parang hindi siya narinig ng babae.Nagpatuloy sa pagtakbo ang babae. Habang si Anton naman ay patuloy na humahabol.Hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong habol niya, ang babae ay parang hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Nakapagtataka kung gaano kalambot ang lupa na tila putik na. Ma
Natahimik si Amara. Ang matagal nang itinatagong lihim ni Anton ay sa wakas nabunyag na maging ang kanilang ipinagbabawal na relasyon ay natuklasan din ng matanda. Tama nga ang sabi ni Anton. Kakaiba talaga ang pananahimik ni Donya Soledad. Kung nakapagtataka na ito para kay Anton, na hindi pa lubos na alam ang kabuuan ng sitwasyon, higit pa itong nakakabagabag at kakaiba para kay Amara.Unti-unti nang binabalot ng matinding pagkakasala at panunumbat sa sarili ang kalooban ng dalaga. Alam niyang bukas na ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa, at batid niyang ligtas na at hindi na nasa panganib si Anton. Wala na sanang dahilan para manatili pa siya rito, at wala na ring dahilan para ilihim din niya sa binata ang sarili niyang pinakamabigat na lihim.Ngunit sa kabila ng lahat, pinipigilan siya ng kanyang puso. Hindi siya makawala at hindi niya kayang lumayo. Nais pa niyang makapiling si Anton nang mas matagal. Nais pa niyang pahabain ang mga sandaling puno ng pagmamahalan na kanila
Kinabukasan, maaga pa lamang at sadyang sumunod ang drayber sa utos nang kumatok siya sa pinto ni Anton. Halos wala pa ring sinag ng araw na tumatagos sa mga bintanang magising ang binata at agad na naghanda. Pagkababa niya sa hagdan patungo sa sala, gulat na gulat siya nang makita roon si Amara—nakaayos na, nakabihis nang maigi, at katabi na ang kanyang maleta na tila ba matagal na siyang naghihintay. Dahil mahigpit ang paalala na walang sinuman ang dapat makaalam na ganap na nakakalakad at maayos na ang kalusugan ni Anton, napilitan pa rin siyang gumamit ng saklay habang dahan-dahang humahakbang patungo sa pintuan. Agad naman siyang nilapitan ni Amara at marahang inalalayan at inakbayan sa paglalakad, habang si Manong Ruben naman ay naunang humakbang bitbit ang kanilang mga gamit at inilalagay ang mga ito sa sasakyan.Bago pa man siya tuluyang sumakay, lumingon si Anton at sinuri ang buong paligid ng bahay. Inaasahan niyang naroon ang kanyang lola kahit man lang para magpaalam, mag
Napasinghap si Amara. Doon niya naintindihan ang lahat. Hindi lang pala tungkol sa laro ni Anton ang pagtatago ng katotohanan. May mas malaki at mas madilim na plano si Doña Soledad, isang plano kung saan si Anton ay kailangang manatiling 'may sakit', at si Peachy ay kailangang manatiling naniniwala."Kaya itutuloy niyo ito," mariing utos ng matanda, nakatitig nang diretso sa kanilang mga mata. "Itutuloy niyo ang pagkukunwari. Anton, magpapatuloy kang maging mahina at nangangailangan ng saklay. Amara, ikaw pa rin ang magiging anino niya at tagapag-alaga. At huwag na huwag ninyong hahayaang malaman ni Peachy o ng sinuman ang totoo. Hangga't hindi natin nakukuha ang lahat ng dapat na sa atin, mananatili itong sikreto. Nilinaw ko ba?"Wala silang nagawa kundi ang tumango. Pakiramdam ni Anton ay lalong sumikip ang kanyang dibdib. Akala niya ay tapos na ang hirap at akala niya ay matatapos na ang kasinungalingan nang matuklasan ito ng kanyang lola. Pero lalo lang pala itong lumalalim."At
Sa ibaba ng hagdan, nakatayo si Doña Soledad malapit sa hagdanan at nakikinig nang mabuti. Isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang naririnig niya ang bawat salita nila. Alam niyang magbabago ang lahat ngayong alam na ng mga ito na natuklasan na sila, at alam niyang nasa kanyang mga kamay ngayon ang kapalaran nilang dalawa. At sa likod ng lahat ng ito, mayroon siyang sariling plano. Iginala ni Donya Soledad ang paningin. Wala si Peachy sa sala; malamang ay garden ito. Mula nang dumating si Peachy sa mansion ay wala itong ginagawang hakbang. Ni hidi niya ito nakitang kisang alagaan ang mapapangasawa o kaya naman ay alukin man lang kumain. Malakas ang hinala niya na nagbaisahan si Peachy sa mansion, hindi para dalawin si Anton. May palagay siyang spy ang babae at nanghihirap ng bala para mapabagsak ang kanilang pangalan. Malakas ang kutob ni Sonya Soledad na hindi totoo sa puso ang pagpatulob ng pamilya Larrazabal sa pamilya nila at lalong hindi totoo na si An







