Share

Love Me, Mr. CEO
Love Me, Mr. CEO
Author: Ms. Morimien

Kabanata 1

“Laura! Where are you going?!”

Sandaling nilingon ni Laura si Aira. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa labis na kalasingan. Hindi na niya kayang uminom pa pero pinipilit siya ng kaibigan kaya balak na niya itong takasan.

“Hey! Beshiewap ko! Bumalik ka rito!”

Susuray suray na ang babae pero ayaw pa din nitong tumigil sa pagtungga ng alak. Dumiretso nalang si Laura sa madilim na pasilyo kung saan naroon ang mga eksklusibong kwarto. Nasa second floor na iyon at lahat ng mga pinto ay may nakalagay na VIP.

“Tsk! Ano naman kung pang-VIP ang mga kwartong ito?! Inaantok na ako! Gusto ko ng matulog for god’s sake!” Napapasigok si Laura. Sinasabi na nga bang walang magandang maidudulot ang pagsama niya sa kaibigan.

“Hi, Miss! Naghahanap ka ba ng kwarto?” Naaaninag ni Laura ang gwapong lalaking nakasandal sa isa sa mga pinto.

“Sino ka?! Rapist ka no?!” Bumagsak sa sahig si Laura dahil bigla siyang nahilo at nawalan ng balanse. “Aray! Ang paa ko!”

“Okay ka lang? Kailangan mo ng tulong?” Tinulungan siya ng lalaking makatayo habang nakangisi ito.

“Walang hiya ka!”

Napapaatras ang pilyong lalaki nang hampasin ito ni Laura sa dibdib.

“Stop it! You want a room, right?”

“Bakit?”

“Wala. Kung gusto mo lang naman pwede mong gamitin ang kwartong ito. It’s free.” Sabay turo sa kwartong nasa likuran niya.

Free daw? Bakit magiging free kung VIP lahat ng rooms dito?

“Don’t worry. Sa akin yan pero kailangan ko ng umalis. I have an emergency meeting na kailangang puntahan A.S.A.P, so hindi na magagamit 'to. Sayang naman diba?" Hindi kumibo si Laura. Nakasandal siya sa pader para suportahan ang nanghihinang tuhod niya.

"Maniwala ka. Wait, I’ll give you the key.”

Napadaing si Laura dahil sa biglang pagsakit ang ulo niya. Kaya nang makita niya ang susing nakalahad sa harapan niya ay kaagad niya iyong tinanggap. Mukhang hindi talaga nagbibiro ang lalaki dahil nang buksan niya ng pinto ay wala naman siyang nakitang tao sa loob.

Pagkapasok sa loob ay kaagad sumampa sa kama si Laura. Sinigurado niyang nakalock ang pinto. Nakapatay ang ilaw kaya wala siyang pakialam kahit hindi siya nakaayos ng higa. At isa pa siya lang naman ang tao sa kwarto....

Iyon ang akala niya.

Dahil ilang segundo palang siyang nakahiga ng maramdaman niya na parang may humihinga sa tabi niya.

Akma siyang tatayo pero natigilan ng may biglang dumagan sa kaniya dahilan para maamoy niya ang mabangong hininga ng taong nasa ibabaw niya. Nagpumiglas si Laura pero wala siyang sapat na lakas dahil sa mabigat na nakapatong sa kaniya ngunit hindi niya rin makita ang mukha nito dahil binabalot ng dilim ang paligid.

Ganoon na lamang ang paninigas ng katawan ni Laura ng maramdaman ang mainit nitong labi sa kaniyang leeg at dibdib. Napapaungol si Laura sa sarap na nararamdaman. Napakapit siya sa braso ng lalaki at naramdaman niyang napakatigas niyon kaya mas lalo pa siyang kumapit dahil parang nilulunod siya nito sa kakaibang sarap at sakit na ngayon lang niya naramdaman.

Masakit ang ulo niya at parang naparalisado rin ang katawan niya dahil sa tama ng alak. Pero malinaw na nararamdaman niya ang isang matigas na bagay sa loob niya at nagdudulot iyon ng pinaghalong init at kiliti sa kaniyang pakiramdam.

“Uhmm…”

Nang maramdaman ni Laura ang pagsabog ng mainit sa kaniyang loob ay doon lamang tumigil ang lalaki. Humihingal itong umalis sa kaniyang ibabaw at ilang minuto lang ay nakatulog na ito.

“Shit!”

Paulit ulit na mura ni Laura sa sarili. Kahit nahihirapan siyang makatayo dahil sa kalasingan at pananakit ng kaniyang gitna ay nagkukumahog parin siyang lumabas ng kwarto kahit hindi pa maayos ang damit niya. Total wala namang makakapansin sa kaniya dahil lahat ng naroon ay mga lasing na at maingay rin ang lugar.

“Ey! Beshiewap! Saan ka galing?!”

“Umalis na tayo rito, please…”

“Bakit? Bakit parang nakakita ka ng multo? Anong nangyari sayo?” Natigilan ng bahagya ang babae kaya mabilis na itong hinila ni Laura palabas ng bar.

“Beshiewap, ano ba?! Magsabi ka nga sakin!” Pagkatapos iyong sabihin ay bumagsak sa malamig na semento si Aira. Kahit lasing at hindi makalakad ng maayos ay pinilit ni Laura na maisakay sa kotse ang kaibigan. Humihilik na ito ilang sandali lang ang nakalipas.

***

“Arghh!”

Napaungol si Laura nang magising siya kinaumagahan. Masakit na masakit ang ulo niya pero nang luminga siya sa paligid ay alam niyang nakauwi na sila ng kaibigan. Nasa tabi niya si Aira at mahimbing pang natutulog.

Akmang tatayo si Laura ngunit naramdaman na lamang niya na masakit parin ang gitna niya. Parang iyong nagkasugat na hindi niya maintindihan kasi mahapdi.

Napatakip sa bibig niya si Laura sa labis na gulat.

“Shit! Hindi na ako birhen!”

Napatingin siya sa kaniyang ibaba at naiiyak dahil hinayaan niyang makuha ng kahit sinong lalaki lang ang pagkabirhen niya. Kapag nalaman iyon ng Grammie siya, pihadong babalatan siya nito ng buhay.

“Sinong hindi na birhen, Beshiewap?” Pupungas pungas na tanong ng kaibigan.

“Aira… May nakasex ako kagabi. Anong gagawin ko?”

“Talaga?! Kwentuhan mo ako, Beshiewap! Masarap ba? Masakit? First time mo diba?!”

Napatango nalang si Laura dahil naroon parin talaga ang sakit sa pagitan niya.

“Oh my god, Beshiewap! Ang swerte mo! Pangarap ng mga girls ‘yan, alam mo ba ‘yun? Hayyss… ako kaya kailan?” Napasimangot ang kaibigan.

Iniwanan na ito ni Laura dahil hindi naman ito makausap ng matino.

Mahigpit na kabilin bilinan ng Grammie ni Laura na pangalagaan ng kaniyang pagkababae. Ingat na ingat ito sa kaniya at ni hindi siya magawang pahawakan sa mga lalaki pero ito ang ginawa niya. Naibigay niya ito sa lalaking hindi kilala dahil sa labis na kalasingan.

Ano nalang kaya ang mangyayari kapag nalaman nito ng Grammie and worst, ng buong angkan niya?

“Good morning, Ma’am Laura. Kanina pa po kayo hinahanap ni Lady Master.”

Hindi pinansin ni Laura ang maid bagkus ay hinanap niya ang Grammie. Ngunit ang ipinagtataka ni Laura ay kung bakit maraming kotseng nakaparada sa labas pero wala siyang makitang tao sa living room. Tatanungin sana ni Laura ang maid na nakasalubong niya kanina pero hindi na niya ito mahagilap.

Natakot yata sa kaniya kaya umalis.

Aalis na sana si Laura sa sala pero bigla siyang nakarinig na parang galit na nag-uusap kaya inusisa niya ito. Nagulat siya ng makita ang pinsan niyang si Clarissa at isang lalaking medyo namumukhaan niya pero hindi niya maalala.

”What?! Sira ulo kaba?! Paano nangyari iyon?!”

“Hindi ko nga alam, lintik naman! Basta alam ko matandang negosyante ang nasa loob ng kwartong ‘yon! Hindi ko alam kung paano naging si Mikhail Razon!”

What?! Mikhail Razon? Hindi makapaniwala si Laura. Diamante kung ituring si Mikhail ng mga tao dahil ubod ito ng yaman. Hindi lang iyon, halimaw ito sa larangan ng negosyo kaya karamihan sa mga kompanya ay kung hindi takot sa kaniya ay wala talagang kakayanan na tapatan ang lalaki.

Pero ang ipagtataka ni Laura ay kung bakit pinag-uusapan ng dalawa si Mikhail Razon?

“Punyenta! Ang bunganga mo, Arthur! Baka may makarinig sayo…”

Nanggigigil si Clarissa. Halos sakmalin na nito ang lalaki sa labis na inis.

“Wala na tayong magagawa. Nandiyan na yan! Gawan mo nalang ng paraan para walang makaalam maliban sa atin.”

“Oo na! Ikaw kasi wala kang silbi!”

“Tsk! Ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganiyan?”

“Tinulungan nga, palpak naman!”

Padabog na iniwan ni Clarissa ang lalaki. Mabilis na nagtago si Laura sa malaking flower vase at hinayaang maglaho muna ang pinsan bago lumabas.

Mabuti nalang din at nakasalubong niya ang personal assistant ng Grammie niya na si Mr. L. Nakakunot ang noo ng lalaki habang papalapit sa kaniya pero yumuko naman ito ng makalapit tanda ng paggalang.

“Kanina ka pa po kayo hinahanap ni Lady Master. Naghihintay po ang lahat sa conference hall.”

What?!

Bakit hindi alam ni Laura na nagtawag ng pagpupulong ang Grammie niya? At kaya pala maraming nakaparadang pamilyar na mga kotse sa tapat ng mansiyon dahil narito ang buong angkan para sa pagpupulong na hindi niya alam kung para saan.

“Saan ka galing? At bakit ganiyan ang itsura mo?”

Salubong na tanong sa kaniya ni Lady Master Moonroe. Nakatingin lahat kamag-anak kay Laura. Lahat ng mga ito ay may iba’t ibang ekpresiyon sa mukha. Subalit kapansin pansin ang pagngisi ni Clarissa nang makita si Laura na parang nasisiyahan ito sa nakikita sa pinsan.

“Tinatanong ka Laura, sumagot ka.” Maawtoridad na sabi ng ama ni Laura. Kaagad na tumayo ang ina ni Laura para umapila pero pinigilan iyon ni Lady Master sa pamamagitan ng pagtaas ng isang palad nito.

“Umm…”

“God! Grammie! Look at that face? Can you see that? Mukhang… ginahasa?” Humagikhik ang babae. Sinamaan ito ng tingin ng ina ni Laura pero matapang si Clarissa. She will do everything makuha lang ang gusto niya. Hindi na magugulat si Laura kung si Clarissa ng ang may pakana sa nangyari sa kaniya kagabi.

“What, Auntie Lily? Hindi mo ba alam kung saan galing ang magaling mong anak?”

“Enough, Clarissa!” Napatayo ang ama ni Laura.

“Hey! Watch your mouth, Christopher. Anak ko ‘yang sinisigawan mo!”

“Silence! All of you, sit down!” Napahilot sa sentido niya si Lady Master.

“I have evidence, Grammie. I told you may ginagawang kahihiyan ang babaeng ‘yan!”

May kinuhang flashdrive si Clarissa mula sa purse niya. Mamayang kaunti ay makikita sa malaking screen ang isang video kung saan makikita ang mabilis na paglabas ni Laura sa isang kwarto habang nagkukumahog ito sa pagdadamit.

Tama nga ang hinala ni Laura. Si Clarissa ang may pakana ng lahat. Palabas nila ito ng demonyitang niyang ina para lang maitaboy siya sa pamilya. Umiinit kasi ang sungay ng mga ito sa kaniya dahil mas pinapaboran siya ni Lady Master.

“Grammie… Magpapaliwa—”

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Laura. Kaagad napatakbo si Lauren para yakapin ang anak.

“Christopher! Ano ba?! Anak mo pa rin siya!”

“Anak?! Isa ‘yang kahihiyan! Wala na ngang ginawang tama. May lakas loob pang dungisan ang pangalan ng pamilyang ‘to!”

Napahagulhol si Laura. Kahit saan siya tumingin ay tanging ang ina lang ang kakampi niya. Lumuhod siya sa harap ni Lady Master sa pag-aakalang pakikinggan nito ang paliwanag pero nanatili itong nakatulala.

“Grammie…”

“Lumayas ka. Ayoko ko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan.” Mahinahon ang pagkakasabi ni Lady Master pero kitang kita ng matinding galit sa mata.

“Pa?”

Hindi nilingon si Laura ng ama. Pare-pareho ang mga ito. Simula umpisa palang naman tanging ang ina niyang si Lauren ang may pakialam sa kaniya. Pareho kasi walang maibubuga ang tingin sa kanila ng pamilya.

Walang lingon na lumabas si Laura ng mansiyon. Kinimkim niya ang galit sa dibdib. Pero bago niya tuluyang tinalikuran ang mansiyon ay umiiyak siyang sumumpa na babalik at ipapakita sa mga ito hindi siya walang kwenta.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status