Share

Chapter 15: Brainwashed (Part 1)

Perlm Marie Olavin

"Cheers!"

Abot tenga ang ngiti ko habang pinag-uumpog ang bibig ng aming mga baso. Isa-isa ko silang tinignan, ang mga kaibigan ko. At ang nakikita ko sakanila ngayon ay saya na hindi ko nakita dati. Oh, my brainy friends.

"Congratulations to us! Ang apat na taon nating paghihirap ay nagbunga rin!"

I'm so proud of them. They made it... to the top. And here i am, their number one supporter. Narito ako sa tuwing may achievement sila sa apat na taon na 'yun.

"Pero walang mas su-swerte pa kay Perlm na kinasal bago makapagtapos," ani Rosie at humalakhak pa.

Sumilaw ang ngiti saaking labi, ngunit hilaw 'yon. Bakit napunta saakin ang topic?!

"Oh, yas! Sino bang hindi ma-iinggit sa kaniya, right? Sana ol!" humagikgik si Mildred na medyo lasing na.

"Shunga kasi kayo, puro kayo aral, hindi tuloy tayo sineseryoso!" ani Amy at inumpog ang ulo sa lamesa nila mommy dito sa balcony.

Kaagad kaming naalarma at pinigilan siya. Mga baliw!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status