ANMELDENMarahil dahil sa sobrang tulog niya noong araw, naging balisa ang tulog ni Amara nang gabing iyon.
Pagkagising niya kinaumagahan, ramdam pa rin niya ang pagod, bagaman laking pasasalamat niya na tuluyan nang nawala ang kanyang lagnat. Binuksan niya ang kanyang maleta at napagtantong wala siyang nadalang kahit isa sa mga dress na dati niyang isinusuot para lang magaya si Lysandra. Ang tanging dala niya ay ang mga luma niyang sportswear, isang pares ng flats—at isang lumang disenyo ng khaki trench coat.
Pagkatapos mag-almusal, tiningnan ni Amara ang kanyang email. Wala pa ring sagot mula kay Lucien. Isang workaholic ang lalaki; kadalasan ay hindi ito natutulog hangga't hindi natatapos sagutin ang bawat mensahe. Nakaligtaan lang ba nito ang sa kanya sa dami ng emails? Hindi na nag-abala pa si Amara na manghula. Inimprenta niya ang divorce agreement, nilagdaan ito, at ipinadala sa pamamagitan ng express delivery.
Nang magsimula ang kanyang online class, pumasok siya sa tamang oras, nakinig nang mabuti, at kumuha ng notes. Pagkatapos niyon ay nirepaso niya ang mga assignments na ibinigay ng kanyang tutor. Alas-dos na ng hapon nang matapos niya ang lahat. Nagtakda siya ng alarm at umidlip nang sandali. Pagkagising niya ay binuksan niya ang isang recruitment app.
Karamihan sa mga disenteng trabaho ay nangangailangan ng diploma, kaya limitado ang kanyang opsyon sa mga part-time na trabaho. Dahil may klase siya sa umaga, gabi lang siya bakante. Napakakaunti ng kanyang mapagpipilian—mga street stall, night-shift customer service, food delivery, mga bar, o KTV.
Matapos magtanong-tanong, napansin niyang alinman sa napakababa ng sahod o kaya naman ay nagrereklamo ang mga employer dahil masyadong maikli ang oras na pwede siya. Kung magpapatuloy ito, hindi niya matutustusan ang sarili. Sa huli, ang kanyang tingin ay napako sa mga listing para sa bar at KTV.
Pagkaraan ng ilang sandali, pinili niya ang isang lugar na ang pangalan ay Velvet Lotus Club. Mayroon din itong tea room na elegante ang dekorasyon, kaya mukhang medyo kagalang-galang naman. Naghahanap sila ng mga female server. Hindi gaanong mataas ang requirements, pero mahalaga ang hitsura. Pinagpadala siya ng dalawang larawan, at hindi nagtagal ay inimbitahan na siya para sa isang interview.
Sumakay ng subway si Amara patungong Velvet Lotus Club. Ang manager na nag-interview sa kanya ay isang babaeng tinatawag ng lahat na Ate Belle. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. “Maganda ka, at maganda rin ang hubog ng katawan mo. Can you start tonight?”
Mula nang pumasok siya, tahimik na pinagmamasdan ni Amara ang paligid. Napansin niyang ang suot ng mga server, kaya bahagya siyang nag-alinlangan.
Agad na naramdaman ni Belle ang kanyang pag-aalaala. “Don’t worry. Malinis ang negosyo namin dito. Our clients are all respectable and wealthy people. Kikita ka sa commissions ng mga drinks at tea, at on-time ang pasweldo namin. Nagkataon lang na kulang kami sa tao dahil may mga umalis kamakailan.”
Matapos ang maikling pag-iisip, pumayag na rin si Amara. Kung magkaroon man ng problema, pwede naman siyang umalis agad.
Pagkatapos ng training, kumain muna siya sa isang kainan na malapit. Pagbalik niya, dinala na siya sa dressing room. Nagpalit siya ng isang dark green na fitted club server uniform na akmang-akma sa kanyang payat na pangangatawan. Ang kuwelyo nito ay maayos at pormal, may simpleng burda na nagbibigay ng eleganteng detalye. Habang siya ay naglalakad, makikita ang makinis at mahaba niyang biyas dahil sa high waist skirt na knee level na may slit sa gilid upang ma-highlight ang maputi niyang binti—simple, pormal, ngunit may dalang tahimik na alindog ng isang propesyonal na server sa isang high-end club.
Sa pulong bago ang shift, napansin agad siya ng male supervisor sa front desk. Nanatili ang tingin nito sa kanya sabay bulong sa katabi, “Ang tapang ng dating ng bagong girl na ’to.”
Itinuon ni Amara ang atensyon sa mga bilin ng manager. Nalaman niyang nahahati sa iba't ibang section ang club, at ang mga high-spending clients lang ang nakakaakyat sa VIP area sa top floor.
Para maitalaga roon, kailangan niyang matutunan ang tamang paghahanda ng tsaa.
Pagkatapos ng pulong, nakaramdam siya ng kaba sa trabaho at kalituhan kung kanino siya dapat magpaturo. Bigla niyang naramdaman ang isang marahang tapik sa kanyang ibabang bahagi ng likod. Nagulat siya at lumingon—pero puro mga kasamahang waitress lang ang nakita niyang sabay-sabay na lumalabas.
Mukhang walang nakapansin sa nangyari.
Ang pangunahing bulwagan ay napapalamutian ng isang dambuhalang crystal chandelier na naglalabas ng mainit na ginintuang liwanag. Ang hangin ay may halong bango ng bulaklak at alak, habang may tumutugtog na soft jazz sa paligid, na lumilikha ng isang marangya ngunit payapang atmospera.
Kahit nag-training na siya kaninang hapon, pinili muna ni Amara na tumayo sa gilid para pagmasdan kung paano magsilbi ang iba. Hindi nagtagal, naibigay na sa kanya ang kanyang unang table.
Hawak ang isang silver tray, inihain niya ang mga alak at ang menu.
“Sir, we have a new single malt from Scotland na kararating lang tonight. It’s a cellar reserve. Gusto niyo po bang i-introduce ko?”
Bahagyang mabagal ang kanyang boses, bakas ang kanyang kaba. Ang lalaking nasa dulo ng mesa ay hinayaang manatili ang tingin sa kanyang mukha bago bumaba sa kanyang payat na baywang. Ngumiti ito.
“New wine para sa isang new face. Why don’t you stay and have a drink with us? Keep us company?”
Bahagyang humigpit ang hawak ni Amara sa tray, bago dahan-dahang lumuwag. Naalala niya ang bilin ni Ate Belle—kung may mga bastos na hiling ang mga bisita, huwag agad tumanggi pero huwag din agad papayag. Maging matalino. Kung lumampas na sa linya, tawagin ang supervisor.
Tila walang napansin, kalmadong nagbuhos ng alak si Amara para sa bawat bisita nang may swabeng galaw. Pagkatapos ay umatras siya at napanatili ang tamang distansya.
“Sir, kailangan po ng wine ng tamang amount ng decanting time. Kapag masyadong matagal, masisira ang lasa; kapag masyadong mabilis, hindi lalabas ang aroma. Right now, it’s perfect—huwag niyo pong palampasin.”
Dahil nakitang hindi na siya nakipagbiruan, tila bahagyang nadismaya ang lalaki at nagsimula na lang magtanong tungkol sa pinagmulan at taon ng alak. Maayos namang sumagot si Amara.
Maya-maya ay tinawag na siya ng supervisor kaya nakalayo na siya sa mesa.
Matapos magsilbi sa dalawa pang mesa, sa wakas ay nakahinga rin siya. Tahimik niyang kinalkula ang kanyang commission para sa gabing iyon. Sa loob lang ng ilang oras, kumita na siya ng ilang libong peso. Malaki na rin iyon.
Ngunit nang bumalik siya sa lobby ng first floor para maghintay ng bagong bisita, bigla siyang nakakita ng ilang pamilyar na mukha—si Lucien at ang kanyang mga kaibigan. Habang bumababa siya ng hagdan, direkta siyang nasalubong ng mga ito.
Natigilan si Amara, hindi sigurado kung dapat ba siyang lumapit para batiin ang mga "bagong bisitang" ito. Pero bago pa siya makapagpasya, may isa pang server na lumapit sa kanila.
“Sir, ilang table po ang kailangan nila?”
Marami silang kasama. Hindi nahagip ni Amara ang ekspresyon ni Lucien, pero namukhaan na siya ng iba.
“’Di ba si Amara ’yan? Bakit ganyan ang suot niya? Nagtatrabaho siya rito?”
“Hindi tayo pinansin kahit nakita na tayo. Ang tapang din!”
“Lucien, nabalitaan ko na mag-di-divorce na raw kayo—totoo ba?”
Sanay na si Amara sa mga ganoong salita, pero nanatili pa rin siyang tense. Mabuti na lang at lumitaw ang Supervisor sa likuran niya, tinapik ang kanyang balikat nang may ngiti.
“Come on, Amara. May guest na nakakita sa’yo pagkapasok pa lang at ikaw ang hinahanap para mag-introduce ng drinks.”
Nang hindi na nag-iisip nang malalim, mabilis siyang sumunod dito para makatakas sa sitwasyon—hindi namamalayan ang malamig na tinging nakapako sa kanya mula sa likuran.
Natigilan si Lucien, bahagyang nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ni Amara. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
Sa tabi niya, naiinis na nagsalita si Raphael, “Lucien, sinasadya niya talaga ’to para ipahiya ka. Kahit gusto niyang magtrabaho, kailangan ba sa ganitong lugar pa?”
Walang naging tugon. Maya-maya, sumunod na lang si Lucien sa waiter patungo sa elevator na papunta sa top floor.
“Let’s go,” malamig niyang sabi. “Huwag nating sirain ang gabi.”
Kalmado ang kanyang boses, tila walang pakialam.
“Tingnan natin kung tatagal siya sa ganitong lugar.”
“Babalik din ’yan nang kusa balang-araw.”
Malamig ang boses ni Lucien. “But if the other party is unwilling, dapat ba akong tumayo lang doon at panoorin siyang mamatay?” Nang hindi naghihintay ng sagot, humakbang siya pasulong. Sinubukan siyang harangin ng mga bodyguard, pero hindi siya tumigil. Naglakad siya nang diretso, tila ba wala silang lahat sa kanyang harapan. Sa loob ng silid, katatanggal lang ni Amara ng pangalawang butones sa kanyang kuwelyo nang— Bang! Marahas na bumukas ang pinto matapos itong sipain nang malakas. Agad na sumiklab ang kaguluhan. Napuno ang bungad ng silid ng tunog ng pakikipaglaban habang sinasagupa ni Lucien ang mga bodyguard. “Damn it!” Lumingon si William sa gulat, bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha. Ang isa sa mga bodyguard ay likas na humawak sa kanyang baywang—ngunit agad na napamura nang maalala kung nasaan siya. Walang baril. Sa halip, kumuha ito ng kutsilyo at sumugod pasulong. Ngunit mas mabilis si Lucien. Isang malakas na sipa ang nagpatumba sa lalak
Nang sa wakas ay nakarating si Lucien sa isang ice skating rink ng pinaka tanyag na mall, nahuli lang siya ng kalahating oras. Ang lahat ay matagal nang nakapagpalit ng kanilang mga ice skates at body safety level. Sa paligid ng lounge area, nagtitipon na sina Lysandra, Raphael, Lucas, at ang iba pa, nagtatawanan at nagkukuwentuhan habang naghihintay. Sa sandaling lumitaw siya, agad na umingay ang mga panunukso. “Sabi ko na nga ba. With Sandra here, Lucien will definitely come running to see her. Paano namang hindi siya magpapakita?” Sinundan ito ng tawanan, magaan at puno ng pahiwatig. Mabilis na tumayo si Lysandra at hinila ang upuan sa kanyang tabi. “I saved you a spot. Have some hot coffee first bago ka magpalit.” Wala man lang bakas ng reklamo sa kanyang boses tungkol sa pagkahuli ng lalaki. Isang kasamahan sa malapit ang bumuntong-hininga nang madula. “Sandra, pinaghintay niya tayo ng half an hour at okay lang sa ’yo?” Bahagyang namula ang kanyang mga pisngi habang binib
Si Yna ay isang babaeng may isang salita—kapag may napagdesisyunan, agad niya itong isinasakatuparan nang walang pag-aalinlangan. Sa sandaling lumabas siya ng lumang mansyon ng pamilya Del Castillo , hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Dumiretso siya sa Velvet Lotus Club, isa sa pinaka-eksklusibong private clubs sa buong lungsod. Bilang isang VIP member ng top-floor suite, hindi na niya kailangan pang maghintay nang matagal bago siya personal na sinalubong ni Supervisor Lemuel. “Miss Yna, you’re here! Please, right this way,” magalang na bati ni Lemuel, na tila sobra-sobra ang pag-asikaso habang ginagabayan siya papasok. Ngunit hindi agad sumunod si Yna. Sa halip, kaswal niyang inilabas ang isang bank card at dahan-dahang itulak ito sa ibabaw ng mesa patungo sa lalaki. “I need a small favor,” mahina niyang saad. Pagkatapos ay lumapit siya at bumulong nang direkta sa tainga nito, ibinibigay ang kanyang mga instruksyon. Habang nakikinig si Supervisor Lemuel, unti-unting nagbago
A/N: Dahil nagkamali po ako ng lapag ng chapter, ipa free chapter ko po itong Chapter 31. Chapter 32-33 po kasi ang na update ko at walang Chapter 31. Enedit ko siya at nag double ang Chapter 33. Wala akong idea kung kailan ma approve ang modifications na ’yon. Kaya ito po ang Chapter 31. Pasensya na po.CHAPTER 31Parang lito si Amara. Ano ba ang balak ng lalaking ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? Pero malinaw niyang nararamdaman—ang kamay na humahawak sa kanya ay nanginginig, kasing-lamig ng yelo, at tila hindi mapakali. Dahil ba sa nakita siyang hinihiya kaya nagkaroon ito ng kaunting awa sa kanya? Mabilis niyang itinakwil ang isipang iyon. Maraming taon na siyang nagpapakabaliw sa sariling mga hinala. Anumang ekspektasyon na mayroon siya noon ay matagal nang naubos. Anumang katapatan na ibinigay niya ay matagal na niyang binawi. Natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa mahirap na paraan: kung wala kang aasahan, hindi ka mabibigo—at hindi ka masasaktan. Kaya sa hal
Nagulat si Amara na sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila kagabi, hindi pa rin umalis si Lucien. Napadako ang tingin niya sa natitirang pork ribs sa loob ng refrigerator. Sa isang maikling sandali, isang katawa-tawang isipan ang pumasok sa kanyang ulo—posible kayang bumalik ito kagabi nang may galit at lihim na ginalaw ang kanyang pagkain? Walang pag-aalinlangan, kinuha niya ang container at itinapon ito sa basurahan. “Achoo!” Isang bahing ang narinig niya mula sa likuran. Hinimas ni Lucien ang kanyang sentido at dahan-dahang naupo. Si Amara ay laging matalas ang pakiramdam pagdating sa lalaki. Noon, mapapansin niya agad kahit ang pinakamaliit na senyales ng sakit at agad ipagluluto ito ng ginger soup—simple, pero laging epektibo sa simula ng sipon. Pero ngayon, umarte siya na tila walang narinig. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa pinto. “Don’t you have work in the afternoon?” kumunot ang noo ni Lucien. Hindi man lang siya nilingon ni Amara. Y
“Sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatang sabihin ’yan?!” Pumiyok ang boses ni Amara sa tindi ng emosyon, ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa hindi mapigilang hinanakit at galit. Sa talas ng kanyang tingin, tila ba nanginig maging ang chandelier sa itaas nila. Natigilan nang sandali si Lucien bago tumigas ang kanyang ekspresyon. “Can you not speak like that?” Ngunit tila nawala na sa sarili si Amara. Sinugod niya ito, sinubukang saktan, pero madali lang siyang napigilan ni Lucien. Mahigpit na nakakulong ang kanyang pulso sa kamay nito. “Parent-teacher meeting? Minsan lang siya pumunta sa buong buhay ko,” nanginginig niyang sabi. “And I wish he hadn’t come at all.” Naputol ang kanyang paghinga habang sumusulpot ang mga masasakit na alaala. “Masyado pa akong bata noon… nagsisimula pa lang ang regla ko. I didn’t understand anything… at iniwan niya ako doon nang mag-isa.” Gaya lang ng nangyari ngayong gabi. Iniwan siyang mag-isa para tiisin ang kahihiyan. Ang imahe ng kanyan







