Share

Chapter 3

"Then what?"  I ask bluntly. Nagtinginan muna sila bago sumagot...

Si daddy ang sumagot sa tanong ko.

"You know Nicca, honey. Me and your mom are thinking of this for the past few weeks." Panimula nya.

 "Don't you think it's already time to go back to school? I mean, it's been 5 years already, and like what i said, you are not getting any younger, we are not getting any younger too. Any time soon ay kailangan na naming mag-resign sa trabaho, and we need someone para pumalit sa pwesto namin, you, as our only daughter and child, makes you as our only heir. Kailangan mong  i-take over ang kumpanya pagdating ng panahon." Mahabang paliwanag nito.

"And you can't manage our company if you're lack of knowledge. Kaya kailangan mo bumalik na sa pag-aaral at tapusin ang kurso mo para maging maayos ang pagpapatakbo mo ng kumpanya." Dugtong pa ni mommy.

Napabuntong hininga naman ako dahil naiintindihan ko sila, kahit ako, matagal ko na rin pinag-iisipan na bumalik sa school. Sadyang masyado lang talaga akong nalilibang sa mga hobbies ko kaya nawawala sa isip ko minsan na kailangan ko palang makapagtapos ng pag-aaral, para naman matulungan ko ang mga magulang ko sa negosyo namin.

"I think 5 years is already enough. Na-enjoy mo na ng husto ang buhay mo, so it's really time to go back to school." Pinal sa saad ni daddy.  

Yeah, right! Pagkatapos ko ng first year college ay naki-usap ako sakanila na kung pupwede ay tumigil muna ako sa pag-aaral pansamantala. Alam ko naman kasi na pagkatapos na pagkatapos kong mag-aral ay sisimulan ko na pag-aralan ang mga dapat kong malaman sa company namin, para na rin kapag i-te-take over ko na ang kumpanya ay ma-manage ko ito ng maayos.

Pinaliwanag ko sa kanila ang gusto kong mangyari noon, nahirapan man ako na kumbinsihin sila, sa huli ay napapayag ko din.

At sa tingin ko din naman ay sapat na ang 5 years para sa pagliliwaliw ko. Kaya pumayag ako sa gusto nilang mangyari.  Masaya naman sila dahil hindi na sila nahirapan na mapapayag ako. 

Alam ko din naman na hindi lang para sa kanila ito, para na din sakin, at sa future ko.

3 months pa ang meron ako bago ang enrollment, kaya meron pa akong 3 months para mag-ready.  Binasa at pinag-aralan ko ulit ang mga notes ko noong first year college ako, kumpleto naman ako ng notes kaya hindi na ako mahihirapan na maghanap ng source.

Ginugol ko ang dalawang buwan sa pag-bi-brain storm ng mga napag-aralan namin noong first year college, nag advance reading na din ako sa mga pag-aaralan sa second year college para may idea na ako kahit papano.

Pinilit din ako nila mommy na sa kanila na muna ako tumira habang nag-aaral ako. Hindi na rin ako tumanggi dahil masyadong hassle kung mag-isa lang ako sa condo ko.  Ginugol ko naman ang natitirang isang buwan kasama si Monique. Sinabi ko na din sa kanya na babalik na ako sa pag-aaral.

Masaya naman sya para sa akin at sinusuportahan nya ako. Hindi katulad ko, hindi huminto ng pag-aaral si Monique kaya nagtatrabaho na sya ngayon as accountant, Hindi ko nga lang alam kung saang kumpanya sya nagtatrabaho. At ahead din sya sa'kin ng dalawang taon kaya mauuna talaga syang mag trabaho kesa sa akin. Ang weird nga eh, dahil parang hindi naman sya nagtatrabaho. 

Kahit kasi working day ay minsan nasa bahay nya lang sya. Tapos kapag tatawag ako sa kanya, kahit working hour pa nila ay sasagutin nya at makikipag kuwentuhan sya sakin, akala mo sya ang boss, pero sabi naman nya ay mababa lang ang posisyon nya sa trabaho. Ewan ko ba, hindi ko na lang masyadong pinapansin, masyado din kasing masikreto si Monique, pero hindi ko naman pinipilit na alamin ang sikreto nya.

It's her privacy, and i respect her privacy, at ganon din naman sya sakin.  Kaya siguro kami naging matalik na magkaibigan. 

Sinamahan nya ako na magliwaliw muna habang hindi pa enrollment, kaya ngayon, nandito kami sa dance floor at nagpapakasaya. One week na lang bago Aeng enrollment kaya sinusulit ko na talaga. The next day, niyaya ko si Monique na mag shopping sa mall malapit sa tinitirahan nya. Pumayag naman sya kaya pumunta ako sa bahay nya para sabay na kaming pupunta Ng mall.

 Sasakyan ko ang dinala namin papunta sa mall. Pagkarating namin doon ay dumiretso kami sa favorite naming boutique shop. Naging paborito namin yon dahil na rin sa magaganda ang designs ng mga product nila, kumpleto din sila sa gamit pambabae, Mula sa taas hanggang sa baba pati na rin sa make up kits, kaya di na kami magpapakapagod na pumasok at mamili sa ibang boutique shops. 

Habang namimili ay nakita ko naman Ang isang dress sa may sulok, pula ito at medyo revealing sa may dibdib, pero yun ang pumukaw sa atensyon ko. Hindi naman ako mahilig sa mga revealing na damit, pero nagagandahan talaga ako, kaya kinuha ko at pinakita kay Monique. 

"Bagay ba sa'kin?" Tanong ko ng lingunin nya  ako, idinikit ko pa sa harapan ko na parang sinusukat para makita nya kung bagay sakin, kumunot naman ang noo nya, nagtaka sa sa napili ko dahil alam naman nya na hindi ito ang mga tipo kong damit. Sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko lang ng changes sa style ko. Tumango na lang sya kaya kinuha ko iyon at binayaran na kasama ng ibang damit na napili ko.

Inabutan kami ng tanghalian sa pamimili Kaya kumain nalang kami sa restaurant na nasa loob lang din ng mall, umupo kami sa may likuran banda, kumbaga sa pila ay kami Ang nasa pinakadulo, pero may natitira parin naman na table sa maylikuran namin na pwedeng upuan ng mga darating pang costumer. 

Hinihintay namin ang order namin nang pumasok ang isa sa kambal na Bietuo, may kasama syang babae na hindi ko kilala, pero base sa mga kilos nila ay parang magkasintahan sila, sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo sila sa kalinya naming upuan, nakatalikod si Monique sa kanila samantalang nakaharap naman ako, Kaya kitang kita ko ang paglalampungan nila.

Nakita ko rin na hinawakan ng babae ang hita nung Bietuo sa ilalim ng mesa, bahagya pa nitong kinagat ang ibang bahagi ng labi sa nang-aakit na paraan habang nakatingin ng malagkit sa lalaki. Napairap naman ako sa kalandian ng babaeng yun. At mas lalo akong napairap nang makita ko na ngumisi pa yung Bietuo na yun sa babae.

Mabuti na lang at dumating na ang order namin kaya kahit papano ay nabaling ang atensyon ko sa pagkain, pero hindi ko pa rin maiwasan na mapatingin sa kanila at napapaikot na Lang ako Ng Mata kapag nakikita ko sila. Naiinis na Rin ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanila. Siguro dahil naglalandian sila sa harap ko?

Oo! Tama! Yun nga.

Good thing at umalis na sila kaagad, makakapagpahinga na rin ang mata ko sa kakaikot. Ilang saglit pa at kami naman ni Monique ang natapos kumain. Nagpahinga lang kami sandali pagkatapos ay umalis na din kami. Hinatid ko pa. muna si Monique sa bahay nya bago ako dumiretso ng uwi sa mansyon ng mga magulang ko. 

Pagkarating ko dun ay dumiretso lang ako sa kuwarto ko at nagpahinga.

Lumipas ang ilang araw, at ngayon nga ay enrollment na. Pwede naman ako mag enroll online pero ang gusto nila mommy ay pumunta pa ako sa school. Same school pa rin naman ang school na papasukan ko, dun din ako nag aral noong first year college ako, at dun pa din ako gustong pag-aralin ng parents ko. Wala naman kaso sa akin yun, kahit saang school ayos lang, ang mahalaga makatapos ako.

Pagdating ko soon ay medyo marami ng tao. Nakakapanibago dahil marami nang hindi pamilyar na mukha akong nakikita. Sabagay, paniguradong graduate na ang mga ka batch ko. Limang taon din kasi ang sinayang ko.

Inabot na ng hapon bago ako matapos magpa enroll, nakakapagod Kaya dumiretso na lang ako ng uwi. Hindi ko naman inaasahan na nandun na ang parents ko sa bahay dahil ang alam ko ay gabi na sila nakakauwi galing trabaho, pero mukhang nag half day talaga sila para lang alamin kung kumusta ang enrollment ko. 

pwede naman nila akong tawagan nalang o di naman kaya ay mamayang dinner nila ako tanungin, pero mas pinilit nilang mag half day.

Mahalaga talaga ang edukasyon sa mga magulang ko. Kaya nga nahirapan ako noon na mapapayag sila sa pansamantalang pagtigil ko eh. At kaya grabe din ang saya nila nung pumayag na akong mag-aral.

Masuwerte talaga ako na sila ang naging magulang ko, kahit na minsan ay salungat sa nakasanayan nila ang mga gawain ko, Basta Hindi nakakasama sa akin ay sinusuportahan pa rin nila ako.

At dahil nga nag-iisang anal lang ako, spoiled nila ako, lalo na noong bata pa ako, pinagbibigyan nila lahat ng gusto ko, ibinibigay nila lahat ng kaya nilang ibigay sa'kin.

Ultimo paghinto sa pag-aaral na napakahalaga para sa kanila ay pinagbigyan ako. Kaya ano pa ang mahihiling ko sa pamilyar na meron ako? Wala na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status