Share

Chapter 4

I am looking for a good dress to wear, when someone knock on my door. Dumungaw mula sa labas ng pinto si mommy, ngumiti ito nang makita ako at naglakad papunta sa gawi ko.

"Do you need something mom?" I ask. "Nope, i just want to check on you." She said.

"I am fine mom, i'm actually getting ready to go to mall to buy everything i need for school." Sabi ko. Ngumiti siya at yumakap sakin.

"Thank you honey!" Malambing niyang saad. I frown. "Thanks for what?" I ask confused.

Nakaupo kami sa kama ko at nakayakap siya mula sa likod ko, ipinatong nya ang baba niya sa balikat ko. "Thank you for agreeing, you don't know how happy we are when you said that you'll finally go back to school. It means a lot to us. This is not just for us honey, this is actually all for you. We want you to have all the best things in this world." Mahabang latinya niya.

"I understand mom. Really. And i also want to make you happy, you and daddy." Sagot ko.

"We are so lucky to have you. I'm so happy and proud na napalaki ka namin ng maayos, kahit ano pang sabihin ng ibang tao,for me and your daddy, you're the best daughter." Madamdaming aniya. "Of course mom, ako lang naman ang nag-iisang anak nyo eh." Tatawa-tawa ko pang saad. Natawa na lang din sya sa sinabi ko.

"O sige na, may lakad ka pa. Mag-iingat ka." Tumayo na siya at humalik sa noo ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Ipinagpatuloy ko naman ang naudlot kong gawain kanina.

Nagpahatid na lang din ako sa driver namin, wala ako sa mood mag drive. Pagkarating sa mall ay dumiretso agad ako sa bilihan ng mga gamit sa school. Minadali ko lang ang pamimili dahil gusto kong mag salon ngayon. pagkapasok ko naman sa salon ay full service ang pinili ko. Saglit lang akong naghintay bago nila ako mabigyan ng service.

Ginugol ko lang ang buong maghapon ko sa pagre-relax, pagkatapos ay sa bahay na ako nagtambay.

Days had passed and today is the first day of school. Hinahanap ko pa ang room ko, ikalawang palapag na ng building ito at dito ang room ko, room number 10 ang nakalagay sa schedule ko.

Nasa kabilang dulo ng second floor ang room 10, pagkarating ko doon ay dumiretso ako ng upo sa dulo ng room, last row. Iilan pa lang kaming estudyante na nandito, maaga pa naman kasi kaya ayos lang. Wala naman pumapansin sa'kin dito pero wala lang din iyon sa akin. Maya-maya pa ay nagsidatingan na din ang ilan pa sa mga kaklase ko. Pinaka huling pumasok ang sa tingin ko ay professor namin.

"Good morning class, I am your professor for this year. My name is Magnolia Celestial. You can call me Professor Maggie for short." Pagpapakilala pa nito. May katandaan na si Prof Maggie sa tingin ko ay nasa 50's na sya. maganda din ang bukas ng aura nya, hindi ka matatakot o ma-i-intimidate sa kanya.

Napatingin naman kaming lahat sa pintuan ng may kumatok doon, nagsinghapan ang mga kaklase ko ng makita nila kung sino ang nasa labas ng room. it's none other than Bietuo. Yes! A Bietuo is outside our room.

Nagbulungan naman agad ang mga kaklase ko, kinikilig ang mga kababaihan, meron pang impit na tumili, parang mga sinilihan ang puwet kung makapag likot sa kani-kanilang mga upuan.

"Good morning ma'am, I'm sorry for being late." Turan nito. Halos mahimatay naman ang mga kaklase kong babae ng magsalita siya. Napapa-irap na lang ako sa kanila.

"What's your name Mr.?" Tanong dito ni Prof. Maggie. "I am Jerimiah Bietuo ma'am."

Siya pala si Jerimiah, siya rin kaya yung nakita ko dun sa restaurant?  "Okay, Mr. Jerimiah, you may take your seat. Don't be late next time."

"Thank you ma'am." Inilibot nya ang paningin sa buong room, naghahanap ng mauupuan, sakto naman na yung upuan lang sa harapan ko ang bakante kaya dun siya umupo.

Kita ko pa kung paano kiligin ang katabi nitong babae. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at nakinig na lamang sa propesora.

Puro introduction lang naman ang ginawa namin sa buong araw ng unang pasukan.

Naglalakad na ako papuntang parking nung may sumabay sa'kin. Nilingon ko ito at napagalaman kong kaklase ko ito, kung hindi ako nagkakamali ay Mortha ang pangalan nito.

"Hi!" Bati nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at bumati pabalik. "Hello!"

"Ang ganda mo po." Nagulat pa ako sa sinabi nito, hindi naman na bago sa akin na masabihan na maganda, marami na ang nagsabi sa akin ng ganyan pero naiilang pa rin ako sa tuwing sinasabihan akong maganda. "Salamat, ikaw din, maganda ka din naman." Naiilang pa akong ngumiti dito.

Nagningning naman ang mga mata nito. "Ako nga pala si Mortha." Pakilala nito at inilahad sa akin ang kamay nya. Tinggap ko naman ito. "I'm Nicca. Nice to meet you."

Nagsimula na muli kami maglakad, panay naman ang kuwento nito sa akin. "Ang gwapo talaga ni Jerimiah no? Ang lakas ng datingan nya kahit di sya namamansin, tapos ang talitalino pa, naku, complete package na kumbaga." Ngayon ko lang naalala, sya pala ang katabi ni Jerimiah sa room. "Tapos ang ganda pa ng boses nya, lalaking-lalaki talaga, nakakainlove." Ano naman ang nakakainlove dun? Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nya. Nagpatuloy lang sya sa pagkukwento hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko.

Nagpaalam naman agad ako sa kanya. "I gotta go girl, see you tomorrow, bye!"

"Yeah! see you tomorrow, bye bye." kumaway pa ito sa'kin bago ko pinaandar ang sasakyan ko. pagdating sa bahay ay nagpalit lang ako ng damit saka dumiretso sa kusina. Balak kong magluto ng dinner namin mamaya, marunong naman ako magluto dahil sa nakalipas na mga taon ay mag-isa lang ako sa condo ko.

Chicken curry, adobo at sinigang na bangus ang niluto ko, ang mga katulong naman ang nagsaing. Saktong pagtapos ko magluto dumating sila mom at dad. Nagbihis lang din sila ng damit bago dumulog sa dinning area, natuwa pa sila ng malaman na ako ang nagluto. Panay ang puri nila sa mga niluto ko kaya hindi na nawala ang ngiti ko hanggang sa matapos ang hapunan.

"So, how was your day?" Tanong ni daddy pagkaupo namin sa sofa sa sala. Dito kami dumiretso pagkatapos kumain. "Okay naman po daddy, puro pagpapakilala lang din katulad ng laging nangyayari kapag first day." Tugon ko. Nagpatuloy lang ang usapan namin hanggang sa antukin kami kaya dumiretso na kami sa kanya-kanya naming silid.

~~~~~~~~

"Good morning" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mortha sa harap ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat kaya nag peace sign sya. “Good morning din.” Naglakad na ako diretso sa upuan ko, sumunod din naman agad si Mortha sa akin. Maaga pa kaya kakaunti pa lang kami na nandito. Tinabihan muna ako ni mortha dahil wala pa naman ang katabi ko, at wala pa din ang katabi nya.

“Alam mo ba? Sabi ni kuya sakin na dati pa talaga masipag at matalino na si Jeremiah.” Here we go again. She and her obsession with Jeremiah. “Halata naman kasi pangalawang kurso nya ito ngayon. Isipin mo yun, right after niyang maka-graduate ng unang course niya, nag-aral ulit siya ng BSBA. Ni hindi manlang sya nag lay low muna sa pag-aaral kahit isang taon lang.” Kinikilig pang aniya. Nakinig na lang ako sa kanya. “Pero mas okay na yun, kasi kung nag lay low siya edi hindi ko siya magiging kaklase ngayon.” Nakatingin pa siya sa taas at nangangarap ang mga mata habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Napabuntong hininga naman ako. Paano kaya niya nalaman ang bagay na yun. “Kaklase ka lang naman, hindi ka jowa.” Pambabara ko sa kanya. Napasimangot naman siya at sinamaan ako ng tingin. Hahampasin pa sana nya ako pero pinanlakihan ko siya ng mata kaya hindi niya na itinuloy. Itinukod nalang niya ang baba sa palad niya.

“Gusto ulit makita siya na naka topless, tulad dati nung nagtitraining sila. Ang malapad niyang dibdib, ang maugat niyang mga braso, ang pak na pak niyang eight packs abs, and oh, that perfect V lin-“ Tinakpan ko na agad ang bibig nya bago niya pa ituloy ang kung anong sasabihin nya. Kinilikabutan ako sa kanya sa totoo lang.

Hindi ko kinakaya ang utak ng babaeng 'to. Walang filter, nasobrahan sa ka-berdehan. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko binitawan ang bibig niya. “Mortha, kung pagnanasaan mo yung Jeremiah na yun, go lang, hindi kita pipigilan. Pero please lang, just please. Sa isip mo na lang, wag mo ng iparinig sakin dahil hindi kaya ng inosente kong utak i-absorb lahat ng kahalayan mo.” Sabi ko dito. Napanguso naman siya kaya inikutan ko siya ng mata.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang ibang kaklase ko. Huling pumasok ang katabi ko, kasunod ni Jeremiah. Bumalik naman sa upuan niya si Mortha. Dumating na rin ang professor namin kaya nag simula na ang klase namin.

“Okay class, next month we will be having a group project. I will be giving you your group now.”

May kinuha siyang papel na nakaipit sa notebook na dala niya. “This will be the group 1. Jeremiah, Paul, Carl, Cloud, Sixto, Nicca, Juana, Rose, May Anne, and lastly Peyton. Group 2, Mortha, Debhora, Carol, Analyn, Pearl, Cedrick, James, Paulo, Peejey, and lastly Marl.”

Sayang hindi ko kagrupo si Mortha. Pero okay na din yun, baka kalaswaan lang ang marinig ko sa bunganga ng babaeng yun. Nagpatuloy lang ang grouping namin hanggang group 4. Saktong 40 lang kami sa section kaya hanggang  group 4 lang ang groupings.

“Okay, now that you know your group, kindly please choose your group leader and assistant leader. Tomorrow I will give you your task. You have a one whole month to prepare, mapag-aaralan pa lang natin ang mga topic sa group project ninyo, pero maaga kong ibinigay sa inyo para masiguro ko na nag-a-advance reading kayo.” Hindi na bago sakin ang ganoong strategy ng mga teacher , may mga teacher na ako dati na ganoon din ang ginagawa, sabi nila, paraan din daw yun para mas mag enhance kami sa analysis.

Napag desisyunan ng grupo namin na gawing leader si Jeremiah, pero hindi ko inaasahan na ako ang pipiliin nya na maging assistant leader niya. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon ang mga ka-group niya na pumili ng gusto nila maging assistant leader. Pero parang hindi na naman kailangan iyon dahil mabilis silang sumang-ayon sa gusto niya. Kaya wala na akong magawa kundi pumayag na lang din.

Pinatayo ni ma’am ang mga leader at assistant leader ng mga group. Tumayo naman kami agad, nakita kong nakatayo si Mortha at sinabing siya ang leader, assistant leader naman niya si Cedrick. Parang labag pa sa loob niya na maging leader.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status