Share

Chapter 5

“Hello.” Tugon ko matapos sagutin ang tawag. “Hi Nicca, it’s me, Mortha.” Napangiti naman ako. “Mortha.” I exclaimed. “What’s up? How did you get my number?” I ask. “I use your phone yesterday to call my number, that’s why.” Napatango naman ako kahit hindi niya nakikita. “Anyway, tumawag ako kasi gusto kong sabihin na sabay na lang tayo pumasok. We’ll use my car, is it okay?”

“Hmm.” Wala ang family driver namin kasi nagpahatid sila dad sa company, wala din akong gana mag drive, ayoko din naman mag commute kasi ayoko gumastos. “Okay, I’ll send you my address.”

“Okay.” Pinatay ko na ang tawag at sinend sa kanya ang address namin. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Mortha. Bumaba naman agad ako at sumakay sa front seat. “There you are, good morning.” Ngiting-ngiting bati niya sakin. Binati ko lang din siya pabalik, saka niya pinausad ang sasakyan.

Ilang minuto lang ang biyahe namin dahil hindi naman traffic. Pinarada niya ang sasakyan sa usual spot niya saka kami bumaba. May nakakasabay pa kaming mga kaklase namin habang papunta sa room namin. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Huminto muna ako saglit sa pag-akyat para tingnan kung sino ang tumatawag.

 Unknown number.

 Binalewala ko na lang iyon saka nag patuloy sa pag-akyat. “Who’s that?” Tanong ni Mortha, nakita niya ata na may tumatawag sakin. “It’s nothing. Let’s go.”

Saktong pagkaupo namin sa upuan ang pagdating ng Prof. namin kaya hindi na kami nagkausap pa ulit. Hanggang sa natapos ang unang subject namin ngayong araw at dumating ang propesora namin na nagbigay samin ng project ng ganito ka-aga. Ibinigay naman niya sa amin agad ang gagawin namin at sinabing pag-usapan namin ang hatian ng gawain kaya tumabi sa amin ang mga ka grupo namin. Lumabas naman si Prof. dahil may aasikasuhin daw ito.

Masasabi ko na magaling talaga si Jeremiah sa leadership. Nakikinig siya sa opinions ng mga kagrupo namin at pantay-pantay din ang ibinibigay niyang gawain sa amin. Sa huli ay kaming dalawa ang magpe-present ng gawain samantalang ang mga kagrupo naman namin ang bahala sa research.

Saktong tapos na kami sa group meeting namin nung dumating ang professor namin. “How was it? Napag-usapan niyo na ba ang mga gagawin ninyo?”

“Yes sir!” Sabay-sabay naming sagot dito.

“That’s good then, let’s proceed to our topic.” Nagsimula na nga siyang mag discuss, nagti-take down naman ako ng notes.

Pagkatapos ng second subject namin ay break time na, kaya pagka-ring ng bell ay inayos na namin ang mga gamit namin. Sabay kami ni Mortha na pumunta sa cafeteria. Pagdating namin doon ay pumila na agad kami at bumili ng  pagkain namin. Heavy meal ang pinili naming dalawa pagkatapos ay naghanap kami ng mauupuan. Nakakita naman kami ng table for four sa may gilid kaya doon na kami umupo.

We were enjoying our food when someone speak behind me. “Do you mind if i join you girls?” Napatingin ako sa likuran ko para tingnan kung sino yun. It’s none other than Jeremiah, like, oh my god.

Kaya naman pala natulala si Mortha kasi tinanong lang naman kami ng crush nya kung pwede ba siyang maki-upo sa table namin. “Sorry, wala na kasing ibang vacant na table kaya kung okay lang na maki-share muna ako sa inyo.”

Tumingin naman ako sa paligid at tama siya, wala na ngang ibang bakanteng upuan maliban sa tabi namin. Bukod dun nakita ko din na nakatingin samin halos lahat ng estudyante, lalong-lao na ang mga girls. Makikita mo ang inggit sa mga mata nila.

Napatango naman  ako kaya dali-dali na siyang umupo sa tabi ko. Samantalang nakatulala pa rin si Mortha sa harap namin at nakatingin kay Jeremiah. Sinipa ko ang paa niya sa ilalin ng mesa. Parang natauhan naman siya saka tumingin sakin. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya umiwas siya ng tingin pero namumula naman siya.

Ang awkward ng atmosphere sa table namin, tahimik lang kaming tatlo habang kumakain hanggang sa matapos kami. Parang hindi pa alam ni Mortha kung magpapaalam ba siya kay Jeremiah na aalis na kami, o aalis na lang siya ng hindi nagpapaalam. Kahit ako medyo hindi ko rin alam ang gagawin. Buti na lang at nag bell na, tanda na simula na ng klase kaya dali-dali na kaming tumayo at halos patakbong tinungo ang class room.

We are literally saved by the bell.

Kalalabas ko pa lang ng cr ng kuwarto ko ng marining kong nagri-ring ang cellphone ko. Kinuha ko yun at tiningnan, unknown number again. Pinbayaan ko lang yun na magring, ilang araw na rin akong binubulabog ng random caller na yun, kung hindi gabi ay umaga o madaling araw naman tumatawag. Hindi ko na rin sinasagot at bina-block ko na lang pagkatapos. Baka kasi matulad nung una. Feeling ko din mayaman tong random caller ko eh, kasi ilang number na ang binablock ko pero maya-maya o di kaya ay kinabukasan  ay  ibang number naman ang gamit, pero alam ko iisang tao lang yun.

Sa linggo nga ay magpapalit na ako ng number. Blinock ko na rin ang number na tumawag pagkatapos saka sumampa sa kama ko. Ilang sandali pa ay ginupo na rin ako ng antok.

Weekend, masaya sana kasi makakapagpahinga ako pero may nag text sakin kanina na unknown number. It said that he is Jeremiah and that we have a group meeting sa Lovely Café like, duh, uso naman ang online meeting bakit pa kailangan na magkita-kita kami.

But anyway, pumayag na lang ako since I have nothing to do naman, so pumunta ako dun ng maaga. Pagdating ko dun ay iilan pa lang ang costomer sa loob. Of course, maaga pa kaya anong aasahan ko. Nakita ko kaagad ang mga kagrupo ko sa may bandang dulo ng café sa tabi ng glass wall. Kinawayan pa nila ako kaya dumiretso ako dun at umupo sa harap nila since magkakatabi sila sa harap ko.

Sandali lang kaming naghintay bago dumating ang leader namin kaya nakapag simula agad kami.  Nakikinig lang alo sa kanila habang nag-uusap sila. Paminsam ay sumasali din ako sa usapan, nagbibigay ng opinyon o di kaya ay sumasagot sa mga tanong nila sakin.

Lumipas ang dalawang linggo na laging ganon ang set up namin. Kapag weekend ay nagkikita-kita kami sa Lovely Café para mag meeting, lalo na kapag naituro na sa amin ang topic na kasama sa project namin.

Ngayon nga ay kakatapos lang ng meeting namin. Pabalik pa lang ako sa sasakyan ko ng tawagin ako ni May Ann.

“Hey Nicca! Wanna join us? Pupunta kami sa club.” Pag-aya nito sa’kin.

“I would if I could, but I can’t. Sorry, I still have a lot to do. Maybe next time sasama na ako.” I lied. Wala naman talaga akong gagawin. Ayoko lang talaga sumama dahil wala ako sa mood. Medyo hindi ko rin feel na kasama sila. Though hindi naman sila maldita or like the other spoiled brats, mabait sila pero ‘di ko talaga feel sumama sa kanila.

“You sure?” Paninigurado pa nito. Tumango na lang ako at binigyan siya ng apologetic smile para maniwala siya.

“Okay, take care then.”

“Yeah! You too.” Tinalikuran ko na sila at naglakad papunta sa sasakyan ko. Saktong pagpasok  ko ng kotse tumunog ang cellphone ko, indikasyon na may tumatawag.

Pagtingin ko ay nakita ko ang pangalan ni Monique sa flash screen. Excited ko pa itong sinagot. Halos isang buwan din kaming hindi ka nagka-usap ni Monique at sobrang miss ko na siya. Nasa America pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi kami nagkakabonding.

“Nicca, huhuhu, Nicca tulungan mo ako.” Nabahala ako nang marinig ko iyon. Unang bungad pa lang alam ko nang may problema siya. Maingay din ang background nya kaya nakasisiguro akong nasa bar siya. Base din sa pananalita nya ay lasing siya.

“Monique, anong nangyari sayo? Bakit ka naglalasing? May kasama ka ba dyan na pwedeng maghatid sayo pauwi?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero tanging pag-iyak lang ang isinagot niya.

“Monique sagutin mo ako, anong problema?” Nag-aalala na talaga ako.

“N-nicca si daddy.”

“Anong nangyari sa daddy mo?” Tanong ko pero mas lalo lang lumakas yung iyak niya.

“Si daddy huhuhuhu.” Napabuntong hininga ako. Hindi niya ako masagot ng deretso dahil siguro sa emosyon nya. Siguro nahihirapan siyang i-explain sakin yung mga pangyayari.

Kung sana malapit lang siya, willing akong puntahan siya para samahan. Eh kaso nasa kabilang panig siya ng mundo eh. Wala akong ibang magagawa kundi pakinggan na lang ang pag-iyak niya at sabihin na magiging okay din ang lahat.

Hindi naman na ako masydong nag worry sa pag-uwi niya dahil bago mamatay ang tawag ay may narinig akong nagsalita na inaayang umuwi si Monique. Tinawag niyang ma’am si Monique so i guess it’s her body guard.

Ilang sandali pa ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan pero ayaw mag on. Saka ko lang nakita na ubos na pala ang gas. Sa kamalasmalasang pangyayari naman oh.

Malayo pa naman dito ang gasoline station. Lumabas ako at tinawagan ang family driver namin pero hindi ko sya ma-contact. Ilang beses ko pang sinubukan pero ganon parin.

Napapadyak na ako sa inis. Napakamot na din sa ulo.

“Pano na to?” Tanong ko sa sarili ko.

“Hey, may problema ba Nicca?” Napatingin ako sa likuran ko ng marinig iyon. “Oh! Nandito ka pa? Akala ko umalis na kayo?” Sunod-sunod kong tanong kay Jerimiah. Akala ko kasi ay nakaalis na rin sya kasabay nila May Ann.

“Ah, no. Hindi ako sumama sa kanila. Wala ako sa mood eh. Nag CR lng ako saglit tapos paglabas ko nakita kita dito. Anyway, may problema ba? Para ka kasing problemadong problemado eh.” Tanong nito.

“Ano kasi eh, naubusan ako ng gas. Tapos malayo pa dito yung gasoline station.” Paliwanag ko.

“Yun lang ba? Mabuti pa sumabay ka na lang sakin, ihahatid na kita sa inyo tapos ipakuha mo na lang dito itong sasakyan mo.” Anyaya nito sakin. Nagliwanag naman ang mukha ko ng mrinig yun.

“Ayos lang ba? Hindi ba parang nakakahiya naman?” Tanong ko pa. “Wala yun. Maliit na bagay.”

Ngumiti pa sya kaya pumayag na lang din ako.

Itinuro ko na lang ang daan papunta sa bahay namin. Habang nasa biyahe naman ay tumunog ang cellphone ko, nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko ang pangalan ng family driver namin kaya sinagot ko na lang ito at sinabi na kuhanin na lang ang sasakyan ko sa parking ng Lovely Café.

“Salamat Jerimiah ah, pasensya na rin sa istorbo.” Saad ko ng makarating kami sa bahay.

“Hindi ka naman istorbo, saka, wala naman akong gagawin kaya ayos lang.” Nakangiti pang aniya. Nagpaalam na lang ako bago pumasok sa loob ng bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status