Bumukas na ang elevator at agad kaming lumabas doon. Kumaliwa na siya ng direksyon pero nakasunod pa rin ako sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihing hindi ka si Lucas? Sabi ni Solene ikaw daw ang naghatid sa akin.” Huminto siya sa paglalakad. “Hindi nga ako si Lucas. Si Lois ako. Iyong kakambal ko ang pinilit mong iuwi ka sa inyo. Bakit ba lagi mo na lang akong napagkakamalang si Lucas?” Tumingin siya sa akin at napapikit na lang. “Kaya lang naman ako ang kasama maghatid sayo sa inyo ay dahil sobrang gala ka kagabi. Tinawagan pa ako ni Lucas para lang maihatid ka na sa inyo. Kung saan-saan ka kaya nagpunta.” Napahawak ako sa ulo ko. Lalo yata akong nahilo. “Saan mo kami nadatnan ni Lucas kung gano’n?” tanong ko ulit sa kaniya. “Sa kanto malapit sa condominium niya. Nakatitig ka roon sa kanal habang may hawak-hawak na walis tingting. Sabi ni kambal, sa labas daw ng bahay na nadaraanan niyo nakuha iyong tingting. Pagkakita mo sa akin, inutusan mo ako bigla na kumuha ng tali.” “Ayon lang? Ibig sabihin wala ka noong nag-inuman kami?” “Oo. Teka nga bakit ba ako kinukulit mo? Si Lucas na lang kausapin mo tutal magkasama naman kayo sa iisang department. Siya na lang tanungin mo.” Maghihiwalay na sana kami ng landas ni Lois dahil sa kaliwa pa ang office nila at sa kanan naman ang amin nang makasalubong namin si Cloe, isa sa madaldal kong officemate. “Wow? Sabay ang ating ship couple! Kayo na ba ang aabangan naming mauuna na ikakasal sa workplace natin?” nakangisi niyang tanong. Hulaan ko, hindi niya alam na si Lois itong kasama ko kundi si Lucas. Hindi ko siya pinansin at lalampasan ko na lang sana dahil gusto ko na talagang isandal pa muna ang ulo ko nang magsalita na naman siya. “Sayang naman. May ibibigay pa namang pera iyong company sa ikakasal. Ang malupit pa, kapag pareho kayong nagtatrabaho dito, doble ang ibibigay!” Napahinto ako sa paglalakad at nanlalaki ang matang tumingin sa kaniya, para bang nawala agad ang hangover ko. Napalingon ako kay Lois na nakatalikod na sa amin at naglalakad na papunta sa office nila. “Lois!” sigaw ko na nakapagpatigil sa kaniya. Humarap ito sa direksyon namin, takang-taka kung bakit ko na naman siya tinawag. Hindi pa naman siya kalayuan kaya agad kong natalon ang distansya sa pagitan namin. “Will you marry me?” Dinig na dinig sa apat na sulok ng bahay ang hagalpakan nina Hannah nang ikwento ni Solene ang nasaksihan niya kanina sa kompanya. Hindi ko mapigilang mapairap sa kanila. Nakakainis pa naman marinig ang tawa ng mga ito lalo na si Solene. Parang nagbibilang ng salitang ‘ha’ kada tawa. Nang tanungin ko kasi si Lois kanina ay nandoon lang pala sa gilid si Solene at nanonood, hindi manlang kumibo. “Grabe talaga gulat ko kanina. Parang lasing pa rin si Miya!” salita na naman ni Solene. Dinampot ko ang pinakamalapit na unan sa tabi ko at binato sa kaniya. Tatawa-tawa niya naman itong sinalo. “Sabi sayo may mapapanood ako sa company kapag pumasok ako, e,” natatawa niyang sabi kay Teruya na ngayon ay seryosong-seryoso ang mukha at matalim ang tinging nakapukol sa akin. “Magsialis na nga kayo dito! Nambwibwisit lang kayo!” iritableng sabi ko at pinaghahampas sila. Pinunasan ni Hannah ang namumuong luha sa mata niya. “Sana sinabi mong mag-propose ka kay Lois, binilhan sana kita ng singsing para kabog na kabog ang proposal mo. Susuportahan ka naman namin. ” “Hannah! Pati ba naman ikaw!” Humalukipkip ako at bumuntong hininga. Paniguradong kalat na sa buong kompanya ang ginawa kong pagluhod sa harapan ni Lois at pag-propose ko rito. “Si Lucas ’di ba ang kakausapin mo? Bakit naging si Lois ang inaya mo pang magpakasal? Dapat si Lucas na lang para mapanagutan niya iyang bata sa sinapupunan mo,” masungit na saad ni Teruya sa akin. “Hindi nga ako buntis,” sagot ko rito, pinipigilang sumigaw. Magsisigawan lang kami rito kapag sinigawan ko siya. “Bakit ba galit na galit ka Teruya? Wala naman yatang nangyari sa pinsan mo at kay Lucas based sa statement ni Lois.” “Baliw ka ba, Solene? Sa kanto nga malapit sa condominium siya nakita ni Lois sa halip na sa kanto malapit doon sa bar na pinuntahan natin!” Ang kaninang ingay mula sa hagalpakan nila ay napalitan ng mainit na hangin. “Paano kung nagalaw nga iyang si Miya? Hindi pa nga sila kasal! Nabahiran agad ang katawan niya! Ano na lang sasabihin sa kaniya ng magiging asawa niya? Laspag na?” Inirapan siya ni Solene sa naging sagot niya. “Matanda na si Miya. Alam niya na ang gagawin kung sakali mang nangyari ’yon. Masiyado ka lang makaluma kaya hindi mo matanggap.” “Makaluma? Tangina. Naririnig mo ba ’yang lumalabas sa bibig mo? Pinakaiingat-ingatan ko iyang si Miya. Ako na halos naging magulang niyan simula ng mawala mga magulang namin. Kaya ko lang naman hinayaan na si Lucas ang maghatid sa kaniya ay dahil kilala niya na at nakikita kong komportable siya. Tapos magagalaw lang pala ng wala pang permiso at hindi pa kasal?” Hindi ako makasabat sa usapan dahil sa mainit na titigan nilang dalawa. Naiintindihan ko kung saan sila pareho nanggaling. Ang pumagitna lamang sa kanila ay si Hannah na ngayon ay seryoso na rin ang mukha. “Tama na. Hindi pa naman natin sigurado kaya huwag muna kayong mag-away. Mag-away na lang kayo kapag nakumpirmado na.” Napahilamos na lang sa mukha si Teruya at humalukipkip naman si Solene. “Kakausapin ko bukas ’yang si Lucas,” pinal na saad ni Teruya bago tumayo at umalis na. Dinig na dinig pa namin ang pabagsak na pagsara niya ng pintuan at ang pagpapaharurot nito sa motor niya paalis. Tumingin ako sa dalawa at ngumiti ng alanganin. “Huwag kang mag-alala. Anuman ang mangyari, back up mo ako,” sambit ni Solene at niyakap ako. Yumakap din sa amin si Hannah. Sana nga walang nangyari. Dahil kung hindi, baka maikasal talaga ako ng ’di oras at magkatotoo pa ang proposal ko. Hindi nga lang kay Lois, kundi kay Lucas.Nakayuko ako habang sapo-sapo ang ulo. Nakaupo ako sa terrace ng bahay at dinadama ang lamig ng simoy ng hangin. May kalakasan ang hangin at kung wala pang nakapatong na kumot sa hita ko, hindi ako magtatagal dito sa labas. Ngayon ko na lang ulit ito ginawa simula nang umuwi kami. Hindi man nito nalulusaw ang iniisip ko, napapayapa naman ang isipan ko, sana...“Ano ba iyang iniisip mo? Ang lalim naman yata,” pabirong sabi ni Hannah at umupo sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko at nagsalubong ang mata namin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paanong sisimulan. Para bang may nakabara sa lalamunan ko, nanunuyot na hindi ko maintindihan. “Miya?” tawag pansin niya. Ramdam ko ang bahid ng pag-aalala sa toni ng boses niya. “Ayos lang naman kung hindi mo sabihin. Nagbibiro lang ako. Hindi ko naman akalain na mayroon ka pala talagang iniisip na problema.”Tumikhim ako bago magsalita. “Lumapit sa akin si Mina kanina. Gusto na raw niya ng Daddy. Gusto niyang tumira na kasama namin si Ke
“Bakit nga pala nandito si Kevin?” tanong ni Teru habang naghihiwa ng pinya.Tulog na talaga siya kanina. Hindi na nga nakapagpalit dahil nang lumipat siya sa kwarto niya, tulog agad. Naalimpungatan nga lang dahil sa sigaw ni Solene sa kusina. Pare-pareho pa kaming kumaripas ng takbo papunta roon. “Bakit ba kasi hinayaan niyong siya ang magluto? Nakalimutan niyo na bang nasunog ang buong bahay natin dati dahil sa kaniya?” gigil na gigil na sabi ni Teru matapos patayin ang kalan. Nakasunog na si Solene dati? Hindi ko yata matandaan na nangyari iyon. Matalim na tinignan ni Teru si Solene. “Huwag na huwag ka na lalapit o pupunta rito sa kusina. Nakakatakot ka.”Ngumuso si Solene. “Hindi ko naman sinasadya.”“Kaya nga pumunta ka na sa sala. Mag-order ka na lang nang mag-order. Wala na akong pakialam kung ilang beses niyong gamitin ang pangalan ni Miya sa pag-order online, huwag ka lang lumapit dito sa kusina.” Itinuro ni Teru ang sala at pinanlakihan ng mata si Solene. Umismid naman sa
“Bakit pala nandito si Kev?” tanong ni Hannah, dina-divert ang usapan. “Nag-aaya ng kasal,” tamad kong sagot. Nanlaki ang mata niya at napanganga. Umupo si Sol sa harapan namin, yakap-yakap ang isang box. “Ano ulit sabi mo? Hindi ko narinig,” sambit ni Sol. Sumandal siya sa sofa at ni-relax ang likuran niya. “Sabi ko nag-aaya magpakasal si Kev,” pag-uulit ko sa sinabi. Tila nawala ang lahat ng pagod niya at lumingon siya sa direksyon ng lalaki. “Seryoso Kevin?! Inaaya mo talaga magpakasal ang kaibigan ko?”Tumingin sa amin si Kev. “Oo,” natatawa niyang sabi. Binuhat niya si Mina at lumapit sa amin. Tumabi ito sa akin. Ako lang naman ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Kevin. Sina Solene ay walang alam. Hindi nga rin nila mahalata, e. "Wow! Approve agad! ’Di ba, Hannah?”Tumango-tango si Hannah. “Oo. Approve ka na agad sa amin. Wala kang dapat pang alalahanin kung suporta namin ang kailangan mo.”Nahihiyang tumango si Kevin sabay tingin sa akin at tinaas baba ang kilay niya.
Nagbabasa ng dyaryo si Teru nang dumaan ako sa harapan niya, dala-dala ang isang tray na puno ng dede ni Mina. Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at sumunod sa akin. Nilapag ko ang tray sa lababo. Pinunasan ko ang lamesa sunod ang lababo. Sumandal siya dito. "Ano ba ’yon?” tanong ko. “Kanina ka pa nakasunod.”“Wala pa bang dumadating na parcel mo?”Kumunot ang noo ko. “Wala naman akong ino-order online. Bakit? Um-order ka rin ba gamit pangalan ko?” “Ha?”“Um-order ka rin ba kako gamit ang pangalan ko?”“Bakit ko naman gagawin ’yon?”"Hindi ko alam. Sina Sol at Hannah ganoon ang ginagawa, e.”Kumunot ang noo niya. “Hindi ka manlang nagtanong kung bakit?”“Hindi na. Sure naman akong hindi nila gagamitin sa mali ang pangalan ko, e.”“Hindi mo ba naisip na baka may tinatago sila sa ’yo?”“Bakit ikaw? Sa tingin mo ba wala ka ring tinatago?”Hindi siya sunagot bagkus ay lalo lamang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa malayo at biglang napamura. Dali-dali siyang umalis sa pwesto at luma
Miya's POV Payapa na ang gabi nang makarinig ako ng mahihinang sigawan mula sa kusina. Tahimik ang paligid kaya kahit ang mga kaluskos ay maririnig mo. Inalis ko ang nakabalot na kumot at dahan-dahang umalis sa higaan. Ayokong magising si Mina. Umalis na ako sa higaan at naglakad papunta sa kusina. Maliliit lamang ang hakbang ko at tahimik. Ayokong makakuha ng atensyon. Sinilip ko kung sino ang nag-uusap at nakitang magkakaharap sina Teru, Hannah at Solene.May tinitimplang kape si Hannah samantalang may kinakain namang vegetable salad si Solene. Si Teru naman ay inaayos ang tea bag sa baso niya. Lalapit na sana ako ng magsalita sila, pero hindi ko marinig. Lumapit pa ako para marinig ko ang usapan nila. Nagtago na rin para hindi nila mapansin. May ilang kaluskos pero nawala ang mga boses. Kumunot ang noo ko. Bakit nanahimik bigla?Sumilip ako at nakita silang tatlo na masama ang tinginan sa isa’t isa. Nagpapaligsahan ba sila kung sino ang pinakamatalas tumingin? Ay, paniguradong p
“Anong nangyari? Bakit kayo nag-iiyakan diyan?” pabirong sabi ni Kevin, bigla na lamang siyang sumulpot sa kung saan. May hawak pa siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. “Dada!” masiglang bati ni Mina sa kaniya. Pinantayan niya si Mina. “Heto ang ice cream ni baby Mina.” Tumingin sa akin si Mina. Nakangiti akong tumango. Inabot naman ito agad ng bata sa kaniya. Pagkatapos ay iniabot naman ni Kevin sa akin ang ice cream. “Para naman sa pinakamagandang Nanay.”Natawa ako. “Nauwi ka lang dito, nambola ka na. Hindi ka naman ganiyan sa Maynila,” sabi ko at kinuha na rin sa kaniya ang ice cream. Ngumisi siya. "Siyempre. Kaharap ko ba naman ang pinsan mo. Ang init kaya ng dugo sa akin no’n, girl!”Nasamid ako at masamang tinignan siya. “Ginagawa mo na naman akong shield. Iyong totoo, nahuli ka ni Ma'am na may katawagang lalaki no?”Napakamot siya sa ulo niya. “Oo. Binantaan pa nga akong hindi na raw ako makakaalis dito sa isla kapag hindi ako tumino.” Lumabi siya. “Kaya may naisip