Share

Loving Mr. Chavez
Loving Mr. Chavez
Author: Yarnie

Chapter 1

Author: Yarnie
last update Last Updated: 2025-05-21 14:12:16

Miya's POV

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Dahan-dahan akong umupo sa higaan ngunit napapikit lang ako ng mariin dahil sa sakit na nararamdaman lalo na sa pribadong parte ng katawan ko. Napatingin ako sa direksyon nina Teruya nang magsalita ito.

“Tangina,” malutong na saad ni Teruya habang mahigpit ang hawak sa cellphone niya.

“Hoy! Sabi ko huwag ka na magmumura ’di ba? Matthew chapter five verse twenty-two states that you shall not say any cursing words!” pagkontra ni Hannah sa kaniya.

Inirapan lang siya ni Teruya at tinuon ulit ang pansin sa cellphone niya na malapit na nga yatang masira. “May siraulo kasing nag-set ng relationship status namin sa F******k. Nakalagay pa na anniversary namin ay ngayon. Tangina talaga.”

Humingang malalim si Hannah. “Puwede ka naman magsalita ng hindi nagmumura. Puwede ka naman magreklamo ng walang minumurang tao.”

Nang hindi siya pansinin ng lalaki ay lumingon sa akin si Hannah at dali-dali akong nilapitan.

“Maya! Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Dadalhan kita ng hangover soup mo!” Hindi pa ako nakakasagot ay nagtatakbo na siya palabas ng kwarto.

Isinandal ko lamang ang ulo ko sa headboard ng kama. Ramdam na ramdam ko ang sakit, nanunuot hanggang buto. Ano bang pinaggagawa ko kagabi at ganito kasakit ang katawan ko?

Pagkalabas niya ay siya namang pagpasok ni Solene. Nakasuot ito ng dress na pink na tinernuhan niya ng pink na hairclip.

Pagpasok na pagpasok pa lang niya ay kunot na kunot na ang noo niya at tinalakan agad ako. “Ano? Hilong talilong ka ngayon? Kaya palagi ko ngang sinasabi sayo na huwag kang uminom! Tatlong maliit na baso nga lang ay puwede na sayo! Pero anong ginawa mo?” Bumuntong hininga siya at umupo sa dulo ng higaan. “Hindi ka na nadala. Pinilit mo pa si Lucas na ihatid ka pauwi!”

Natulala ako at pilit na inintindi ang sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko?

“Ano?”

“Hindi mo ba naalala nangyari kagabi?” singit ni Hannah matapos niyang ilapag ang mangkok na puno ng mainit na sabaw sa side table ko.

Umiling-iling ako. “Ano bang ginawa ko?”

“Katangahan,” sabat ni Teruya. Sinamaan siya ng tingin ni Hannah at binato ng unan. Ayan nagsalita ka pa kasi.

Solene's frown changed into grin. “Wow! Malaking eksena ’to. Mukhang kailangang kong pumasok mamaya, a.”

Binatukan naman siya ni Hannah.

“Akala ko ba hindi ka papasok?” nagtatakhang tanong ni Teruya kay Solene na palabas na ngayon ng kwarto ko.

She shrugged. “I changed my mind. I want to watch the scene that will happen later in the office, byei!”

And just like that, she disappeared. I'm now more curious about what I just did when I was so drunk.

“May masakit ba sayo?”

Dahan-dahan akong tumango. Sobrang sakit lalo na sa private part ko,” sagot ko sa kaniya at inabot ang dala niyang sabaw.

“Ano?!”

Muntik ko nang mabitawan ang hawak na mangkok sa pagkagulat dahil sa reaksyon ni Teruya.

“Huwag mong sabihing naisuko mo na ang perlas?!”

Napakurap-kurap ako. “H-hindi ko alam. Wala akong maalala.”

“Lintik na ’yan. Si Lucas lang ang naghatid sayo rito pauwi! Alas tres ka na niya inuwi rito sa bahay! Sabi na nga ba may kakaibang nangyari nang iuwi ka niya nang ganoong oras, e!”

Pabalik-balik siya ng paglalakad. Mas balisa pa siya kaysa sa akin. Nakakuyom din ang kamao niya at anumang oras ay handang manapak.

Ihahatid pa sana niya ako sa trabaho pero hindi na ako pumayag. Baka bigla niya lang sugurin si Lucas. Hindi naman din kami sigurado kung may nangyari nga ba sa amin.

Magkahalong kaba at hilo ang nararamdaman ko nang pumasok. Ayoko namang mag-absent. Kapag nagpasa ako ng letter of absence ay paniguradong makakaltasan lang ang sweldo ko.

Nakahawak pa rin ako sa ulo ko habang hinihintay na magbukas ang elevator.

“You're sobber now, aren't you?” alanganing tanong ni Lucas nang humarap ako sa kaniya. Katabi niya lang akong naghihintay din sa pagbukas ng elevator.

“May nangyari ba sa atin?”

Umubo siya bigla habang nakatingin sa akin, nanlalaki ang mata at tila ba hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko.

“Lasing ka pa ba?”

Bumuntong hininga ako.

“Wala akong maala—” Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi.

Nasa isang kwarto kami at mapusok kong hinahalikan ang lalaking nakayapos sa akin. Pinalibot ko pa ang binti ko sa bewang niya habang lumilikot naman ang kaliwang kamay niya sa likod ko at tinatanggal ang bra ko.

Hanggang sa mapunta kami sa kama at gumawa ng milagro...

Napahawak ako sa bibig ko at nanlalaki ang matang tumingin sa katabi ko ngayong gulong-gulo sa reaksyon ko.

“Siraulo, anong nangyari kagabi?!” natatakot kong tanong sa kaniya.

“Hindi mo talaga naalala?” naguguluhan niyang tanong. Umiling-iling ako.

“Nangisda ka lang naman sa kanal. Pinahanap mo pa ako ng tali tapos nangupit ka pa ng stick sa walis tingting doon sa mga bahay-bahay. Pagbalik ko nagulat na lang ako may inuupuan ka na, ni hindi ko alam kung saang lupalop mo nakuha.”

Bumukas na ang elevator at pumasok na kami. Siya na ang pumindot lalo na at sa iisang floor lang din naman ang pupuntahan namin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung ayon pala ang ginawa ko kagabi, ano iyong nag-flashback sa utak ko?

“Ang malala pa, dahil sa kabaliwan mo, 3 am na tayo nakauwi!” sabi niya. “For your sake, madaling araw na tayo nakauwi sa inyo! Hindi ako nagpupuyat ng ganoon katindi pero dahil sayo napilitan akong gawin.”

Napahawak siya sa buhok niya at marahang ginulo ito.

“Gusto ka na nga naming iwan, especially when you cried in front of the emergency entrance because of someone’s family!”

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Wala akong maalalang ganoon. Ang naalala ko lang ay iyong...bigla akong kinilabutan dahil para kong nararamdaman ang mainit na haplos sa katawan ko. Napahawak ako sa braso ko at hinimas ito.

“Okay ka lang ba?”

“Sure ka bang iyon lang ang nangyari, Lucas?” tanong ko ulit dito.

“Lucas? Hindi ako si Lucas.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dwendina
Highly recommended..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 41

    Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon. “Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone. “Hello?”“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”“Okay naman.”“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”[Kinabukasan]Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table. Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 40

    “Sol,” mangiyak-ngiyak ako. “Hindi ko alam kung nasaan ako. Si Mina hindi ko rin mahanap bigla siyang nawala sa hawak ko. Kanina lang nasa tabi ko siya pero ngayon—” Humikbi ako. First time lang nangyari sa amin ito at hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng hanapin. First time ko na lang din mapunta sa lugar na ito at wala akong kaalam-alam kung saan siya unang hahanapin. Sa mga coffee shop? Sa playground? Sa fast food? Sa mga nagbebenta ba ng mga street food? Sa mga bazaar? Saan? Ang daming shop. Ang daming kanto na puwedeng puntahan. Paano na lang kung na-kidnap pala siya? Paano kapag kinuha nila ang organs ng anak ko?! O kaya ay tinali nila ito at ginutom? Paano kung...tutukan nila ng baril at patayin?! Paano kung—Dinig na dinig ko ang pagmumura ni Teruya sa kabilang linya na nakaagaw ng pansin ko. “This is what I'm talking about! Ayan na nga at nangyari na!” sigaw ni Sol sa kabilang linya. “Anong gagawin ko? Tatawag na ba ako ng mga pulis para hanapin siya? Maghahanap na ba

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 39

    “I really don't get it why you approved of it!” naiinis na sabi ni Sol habang hitak-hitak ang maleta niya. “Kailan ka ba titigil? Kanina ka pa talak nang talak,” naiinis na ring sagot ni Teruya habang kinakalikot ang tenga. Rinding-rindi na yata sa kakasalita ni Solene. Nanahimik ako. Ako naman may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Pero ikinikibit-balikat ko na lang dahil masaya at ngitingiti si Mina. Naupo muna kami ni Mina sa couch sa loob ng lobby. Sina Solene at Teruya naman ang dumiretsyo sa front desk. Mula rito at kitang-kita ko pa rin ang busangit na mukha ni Solene at ang nakakunot na noo ni Teruya. Iyong kumakausap tuloy sa kanila mukhang natatakot dahil sa mga itsura nila. Ilang saglit pa ay lalong umasim ang mukha ni Solene nang may lumapit sa kanila na lalaki at kumausap kay Teruya. Nakasuot ito ng black suit at may hila-hila ring maleta. Sa likod niya ay may nakasunod pang dalawang lalaki na nakasuot din ng black suit. “Mommy kailan po magpapakasal sina Tito Ter

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 38

    [ Three Years After]Miya's POV Pumapalakpak ako habang nakangiting nakatingin kay Mina. Magtatatlong taon na siya sa susunod na linggo, at ngayon pa lang siya nakalakad! Nauna kasi ang pagsasalita niya kaysa sa paglalakad. Sabi nila anak ko raw si Mina. Hindi rin naman ito maitatanggi dahil kuhang-kuha nito ang lahat ng facial features ko. Magmula sa mata, kilay, iling at labi. Pero ang kutis niya ay mala-gatas, iba sa amin ni Teruya na morenang-morena ang kutis.Kahit na ganoon, na wala man akong maaalala, at kahit na hindi ko man alam kung sino ang ama. Gusto ko pa ring mahalin si Mina at ibigay ang lahat sa kaniya. Sabi ng doctor kaya mabagal ang proseso ni Mina sa mga bagay-bagay, side effects daw ito dahil maaga ko siyang pinanganak. Magiging okay naman ang lahat, masanay lang daw dapat si Mina. Pero wala naman akong makitang mali sa bata. Normal ito sa paningin ko at hindi kailanman naging abnormal sa mata ng iba. Wala man akong matandaan pero napaka-espesyal ng bata sa akin

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 37

    Solene's POV“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”“Nailigtas po ba silang pareho?”Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. “Kailan po magigising si Miya?”“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 36

    Solene's POV Maraming pulis ang dumating. Nagkukumpulan sila. Dahil sa height ko ay mabilis akong napunta sa likuran sa halip na sa unahan. Itinulak ko silang lahat para makapasok ako. Agad kong dinaluhan ang walang malay na katawan ni Miya. Niyakap ko siya at tinalik-tapik. Nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang basang katawan niya...Iniangat ko ang kamay at lalong nanginig nang makita ang kulay nito. Dugo, puro dugo!Nilingon ko sina Teruya.“Nasaan na ang paramedics?! Duguan ang kaibigan ko!”May sigawan. May ilang putok ng baril. Nagkakagulo na ang lahat ngunit ang paningin ko ay nakapako lamang kay Miya. Tinalik-tapik ko ang pisngi niya. “Miya? Miya! Miya!” Bumuhos ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang katawan ni Miya. Hindi ka pupwedeng mawala, Miya. Hindi pwede. ---Sapo-sapo ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakayuko at nakaupo sa harapan ng operating room. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi kanina. Ang alam ko lang, nasa panganib ang mag-ina. Naiiyak ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status