Kinuha ko ang cellphone ko at nahiga. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang chat sa akin ni Lucas.
Lucas Chavez: Babe You: Pinagsasabi mo? Lucas Chavez: usap tayo You: Wala tayong pag-uusapan Lucas Chavez: nalaman ko iyong nangyari kanina. Handa naman akong magpaliwanag at panagutan ka. Naibato ko ng ’di oras ang cellphone na hawak ko. Gumulong ito pababa sa kama. Dinidiliryo na ba ako? Bakit ganito nababasa ko? Anong panagutan? Nagtalukbong ako ng kumot at pilit na itinulog ang lahat ng ito. Kinabukasan maaga akong bumangon dahil sa paulit-ulit na busina sa labas. Pupungas-pungas pa ako nang buksan ko ang pinto para lang tumambad sa harapan ko si Lucas na bihis na bihis at may hawak pang bouquet. Pagkakita sa kaniya ay isinarado ko ulit ang pinto. Kay aga-aga mukha niya agad ang nasilayan ko. “Miya! Pagbuksan mo ako ng pinto! Marami pa tayong pag-uusapan bilang couple na ikakasal!” Marahas akong napakamot sa ulo ko at inis na inis na binalingan ang pinto. Binuksan ko ito at sinamaan siya ng tingin. “Kung nandito ka lang para mang-inis, umalis ka na. Nakita mong day off ko ngayon tapos mangbwibwisit ka lang?” Ginamit niya ang segundo na iyon para maipasok ang sarili sa bahay. Sa laki niya, hindi ko na siya naitulak palabas. “Pumasok na ako baka pagsarhan mo ulit ako,” nakangiting sabi niya, para bang walang ginagawang mali. Napairap na lang ako at sinara ang pinto. Tinuro ko ang sofa para upuan niya pero imbes na umupo siya roon ay ako ang sinundan niya. “Umupo ka roon! Bakit mo ba ako sinusundan? Ano sasama ka pa pati sa pag-t-toothbrush ko?” kunot ang noo kong sabi rito. Awkward siyang ngumiti at umupo na lang sa sofa na itinuro ko. Habang naghihintay siya ay pumasok na ako sa kwarto ko at nag-chat sa gc namin. You: nandito si lucas sa bahay! Napabuntong hininga ako ng walang mag-reply ni isa sa kanila. Mga tulog pa siguro silang lahat. Ang hihilig kasing magsipagpuyat, e! Matapos mag-toothbrush at mag-ayos ay bumaba na agad ako. “Ano bang problema mo at nagpunta ka rito?” “Sabi ni Lois marami ka raw tanong.” Napalunok ako. “Wala na. Hindi ko na kailangan.” “Hindi mo na kailangan o ayaw mo lang malaman? Natatakot ka ba na may nangyari talaga sa atin?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binato siya ng unan na nasa sofa. “Maghunos dili ka! Kapag bigla na lang sumulpot pinsan ko, hindi ko na alam ano mangyayari sayo.” “Totoong may nangyari sa atin noong gabing iyon, Miya. Pananagutan kita. Hindi kita tatakasan.” Inilagay ko ang kamay ko sa magkabilang tenga ko upang hindi na marinig pa ang mga salitang lalabas sa bibig niya. “Noong gabing nagpahatid ka sa akin, ayaw mong umuwi. Ayaw mo rin sabihin sa akin kung saan ka nakatira kaya doon na lang sa condo kita dinala. Ang kaso habang tinatanggal ko ang sapatos at medyas mo—” “Tama na!” sigaw ko sa kaniya. “Huwag ka na magsalita. Ayokong malaman. Isipin mo na lang na walang nangyari—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na pagbagsak ng gamit. Sabay kaming napalingon ni Lucas sa tapat ng pintuan. Paglingon namin ay nakatayo roon si Solene, laglag ang panga. May nakalapag ding malaking plastic sa sahig at gumulong mula rito ang dalawang bote ng ketchup. “Oh to the M to the G! Huwag niyong sabihin sa akin na may nangyari nga sa inyo?!” gulat na gulat na tanong niya. Kasunod niya ay sina Hannah at Teruya na nabitawan din ang hawak-hawak na plastic sa sahig at nanlalaki ang matang nakatingin kay Lucas. “Sinasabi ko na nga ba!” nanggagalaiting sigaw ni Teruya at mabibigat ang hakbang na lumakad sa direksyon namin. Humarang agad ako para patigilin si Teruya sa pagsugod niya pero pinatabi niya lang ako sa gilid at walang pasabing sinuntok sa panga si Lucas. Napasinghap kaming tatlo na magkakaibigan dahil sa ginawa ng pinsan ko. “Gago ka ba?” tanong ni Teruya at aamba na naman ng suntok ng batuhin siya ni Hannah ng unan mula sa sofa. “Teruya! Tama na! Hindi mababawi ng paraan mo ang nawala na kay Miya!” Inis na bumaling sa akin si Teru at napapikit ng mariin. Pagkatapos ay nagmartsa siya palapit sa sofa at doon naupo. “Ano pang tinatayo-tayo niyo? Umupo na kayo para makapag-usap na tayo.” Kinakabahan akong umupo sa tabi ni Hannah na nasa kanan lang ni Teruya. Si Solene naman ay umupo sa kaliwang side ni Teruya. Napapagitnaan namin tuloy si Teruya. Sa harap naman namin ay si Lucas na parang hindi naman kinakabahan. Kalmado lang ang itsura nito. Kinakabahan ako dahil para ko na ngang tatay si Teruya. Hindi ko pa siya nakikitang magalit at mag-alala ng husto kaya mas lalo akong kinakabahan. Nasuntok nga niya ng walang alinlangan si Lucas kanina. “Anong balak mo sa pinsan ko?” May inilabas na brown envelope si Lucas at inilapit sa side ni Teruya ng hindi manlang umiimik. Gumilid kaming tatlo palapit kay Teruya para makita rin ang nakapaloob sa envelope. Contract Marriage Agreement Nagkatinginan kaming tatlo nina Hannah at Solene nang mabasa ang nasa loob. Pinanood ko ang reaksyon ni Teru. Halos magtuwid na ang kilay niya sa sobrang pagkunot ng noo niya. Kinakabahan talaga ako sa lalabas sa bibig niya. “Sige. Two years of marriage payag ako.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Teka bakit ikaw ang nag-d-decide kung ikakasal ako?!” Napatayo na ako para maipakita ang hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. “Ano ba naman iyong huwag kang pumayag Teru? Akala ko ba kakampi kita? Bakit papayag ka na magpakasal ako? Bakit? May pera ba riyan? Ano ngayon kung may pera? Ibebenta mo na lang talaga ako?” Nangingilid ang luhang nagmartsa ako paalis ng bahay. Tinatawag pa nila ako pero hindi na ako lumingon. Mabuti na lang at palagi akong nag-iiwan ng pera sa kotse at nakaalis agad ako sa lugar na ’yon. Sino ba sila para magdesisyon kung kailan at kanino ako ikakasal?Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon. “Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone. “Hello?”“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”“Okay naman.”“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”[Kinabukasan]Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table. Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa
“Sol,” mangiyak-ngiyak ako. “Hindi ko alam kung nasaan ako. Si Mina hindi ko rin mahanap bigla siyang nawala sa hawak ko. Kanina lang nasa tabi ko siya pero ngayon—” Humikbi ako. First time lang nangyari sa amin ito at hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng hanapin. First time ko na lang din mapunta sa lugar na ito at wala akong kaalam-alam kung saan siya unang hahanapin. Sa mga coffee shop? Sa playground? Sa fast food? Sa mga nagbebenta ba ng mga street food? Sa mga bazaar? Saan? Ang daming shop. Ang daming kanto na puwedeng puntahan. Paano na lang kung na-kidnap pala siya? Paano kapag kinuha nila ang organs ng anak ko?! O kaya ay tinali nila ito at ginutom? Paano kung...tutukan nila ng baril at patayin?! Paano kung—Dinig na dinig ko ang pagmumura ni Teruya sa kabilang linya na nakaagaw ng pansin ko. “This is what I'm talking about! Ayan na nga at nangyari na!” sigaw ni Sol sa kabilang linya. “Anong gagawin ko? Tatawag na ba ako ng mga pulis para hanapin siya? Maghahanap na ba
“I really don't get it why you approved of it!” naiinis na sabi ni Sol habang hitak-hitak ang maleta niya. “Kailan ka ba titigil? Kanina ka pa talak nang talak,” naiinis na ring sagot ni Teruya habang kinakalikot ang tenga. Rinding-rindi na yata sa kakasalita ni Solene. Nanahimik ako. Ako naman may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Pero ikinikibit-balikat ko na lang dahil masaya at ngitingiti si Mina. Naupo muna kami ni Mina sa couch sa loob ng lobby. Sina Solene at Teruya naman ang dumiretsyo sa front desk. Mula rito at kitang-kita ko pa rin ang busangit na mukha ni Solene at ang nakakunot na noo ni Teruya. Iyong kumakausap tuloy sa kanila mukhang natatakot dahil sa mga itsura nila. Ilang saglit pa ay lalong umasim ang mukha ni Solene nang may lumapit sa kanila na lalaki at kumausap kay Teruya. Nakasuot ito ng black suit at may hila-hila ring maleta. Sa likod niya ay may nakasunod pang dalawang lalaki na nakasuot din ng black suit. “Mommy kailan po magpapakasal sina Tito Ter
[ Three Years After]Miya's POV Pumapalakpak ako habang nakangiting nakatingin kay Mina. Magtatatlong taon na siya sa susunod na linggo, at ngayon pa lang siya nakalakad! Nauna kasi ang pagsasalita niya kaysa sa paglalakad. Sabi nila anak ko raw si Mina. Hindi rin naman ito maitatanggi dahil kuhang-kuha nito ang lahat ng facial features ko. Magmula sa mata, kilay, iling at labi. Pero ang kutis niya ay mala-gatas, iba sa amin ni Teruya na morenang-morena ang kutis.Kahit na ganoon, na wala man akong maaalala, at kahit na hindi ko man alam kung sino ang ama. Gusto ko pa ring mahalin si Mina at ibigay ang lahat sa kaniya. Sabi ng doctor kaya mabagal ang proseso ni Mina sa mga bagay-bagay, side effects daw ito dahil maaga ko siyang pinanganak. Magiging okay naman ang lahat, masanay lang daw dapat si Mina. Pero wala naman akong makitang mali sa bata. Normal ito sa paningin ko at hindi kailanman naging abnormal sa mata ng iba. Wala man akong matandaan pero napaka-espesyal ng bata sa akin
Solene's POV“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”“Nailigtas po ba silang pareho?”Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. “Kailan po magigising si Miya?”“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal
Solene's POV Maraming pulis ang dumating. Nagkukumpulan sila. Dahil sa height ko ay mabilis akong napunta sa likuran sa halip na sa unahan. Itinulak ko silang lahat para makapasok ako. Agad kong dinaluhan ang walang malay na katawan ni Miya. Niyakap ko siya at tinalik-tapik. Nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang basang katawan niya...Iniangat ko ang kamay at lalong nanginig nang makita ang kulay nito. Dugo, puro dugo!Nilingon ko sina Teruya.“Nasaan na ang paramedics?! Duguan ang kaibigan ko!”May sigawan. May ilang putok ng baril. Nagkakagulo na ang lahat ngunit ang paningin ko ay nakapako lamang kay Miya. Tinalik-tapik ko ang pisngi niya. “Miya? Miya! Miya!” Bumuhos ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang katawan ni Miya. Hindi ka pupwedeng mawala, Miya. Hindi pwede. ---Sapo-sapo ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakayuko at nakaupo sa harapan ng operating room. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi kanina. Ang alam ko lang, nasa panganib ang mag-ina. Naiiyak ako