Nakatulala lamang ako sa kawalan, hinihiling na mahila rin ng malakas na hangin ang mga dalahin ko.
Una, nag-propose ako kay Lois. Pangalawa, nalaman kong nagalaw pala ako ng kapatid niya. Pangatlo, gusto akong ipakasal ni Teruya kay Lucas at maghihiwalay din kami pagkatapos ng dalawang taon. Ano ba namang logic ‘yon? “Miya?” Nilingon ko ang maliit na boses na iyon. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Lois. Sigurado akong si Lois ito dahil mabango ang awra niya. Bagsak ang buhok at may suot na salamin kumpara kay Lucas na tuwing nagtatrabaho lang nagsasalamin at palaging magulo ang style ng buhok. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya nang makalapit. Uupo na sana siya sa tabi ko nang harangan ko ito ng kamay ko. “Sa iba ka umupo, huwag dito.” “Sungit.” Umupo siya sa katapat kong upuan. Nasa rooftop kami ng isang sikat na kainan dito. Dahil maaga pa ay walang masiyadong tao. “Kumusta pala? Nakausap mo ba si bal? Sabi niya kanina pupuntahan ka niya, e.” Hindi ako kumibo. “Hindi ba kayo nagpang-abot?” Hindi ko pa rin siya pinansin. “Hirap na hirap iyon ngayon. Ikaw na lang pag-asa no’n. Gustong-gusto na no’n makatakas sa pag-uutos ni Mama.” “Wala akong maitutulong sa kaniya,” sagot ko. Tumingin na ako sa kaniya. “Kapag naikasal kayo, malaking bagay na iyon sa kaniya. Hindi na siya bubulabugin ni Mama para magpakasal at pilitin siya na—” Napatigil siya sa pagsasalita, mukhang may naalala pagkatapos ay bigla na lang natawa. “Marami na pala akong nasasabi,” umiiling na aniya. “Sa bagay, ano nga bang magagawa niya kung ayaw mo? Dahil wala ka naman talagang nararamdaman para kay Lucas.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis siya saglit upang kumuha ng order. Binilhan na rin niya ako ng almusal para may laman na raw ang tiyan ko bago kami maghiwalay ng landas. Ilang linggo ang lumipas at bumalik lang sa dati ang lahat. Pumupunta tuwing gabi sina Hannah sa bahay para doon maghapunan. Sa trabaho naman ay tatanguan lang ako ni Lois at makikipagkumpetensya lang sa akin si Lucas. Hindi na muling nabanggit ang kasal sa harapan ko. Para bang isa itong salita na ikamamatay mo kapag sinabi mo. Isang gabi, nagdala si Teru ng isang box ng kinalabaw na mangga. Hindi ko mapigilang mangasim. Agad akong kumuha ng kutsilyo at naghiwa ng mangga. “Miya? Kumakain ka ng kinalabaw? Indian mango lang ang kinakain mo, a?” nagtatakhang tanong sa akin ni Hannah. “Nangasim ako nong makita ko iyong mangga, e,” nakangiti kong sagot at pinagpatuloy ang pagnguya ng mangga. “Wala ka man lang sawsawan na bagoong o asin…” bulong ni Hannah na nakakunot ang noo. “My gosh! May extra napkin ka ba riyan, Miya? Magkakaroon pala ako ngayon hindi ko alam. Hindi manlang nag-notif ang period tracker ko. Mygosh!” maarteng saad ni Solene. “Nasa blue cabinet malapit sa cr, ” sagot ko at naghiwa na naman ng mangga. “Ang asim niyan nakakain mo? Buti kung hindi ka sikmurain niyan,” puna niya sa akin bago puntahan ang sinasabi kong cabinet. Hindi ko rin alam. Bigla na lang talaga akong nangasim. “Miya,” tawag pansin sa akin ni Hannah. Nilingon ko ito at mas lalong nakakunot ang noo niya ngayon. “Alam mo nakakahawig mo na si Teru kakaganiyan mo. Dapat hindi ka nagsasasama sa masungit na ’yon,” sabi ko at sumubo na naman ng mangga. “Kung makapagsalita ka parang wala ako rito, a?” singit ni Teru at sinamaan ako ng tingin. Nginitian ko lang siya. “Miya, buntis ka ba?” Sabay kaming napalingon kay Hannah na seryoso ang mukha. Umiling-iling ako. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga ako buntis?” “E, bakit ka kumakain ng kinalabaw? Hindi ka naman mahilig diyan,” pangungulit pa niya. “Ang kukulit niyo naman. Sige para manahimik na kayo bibili ako ng pregnancy test para makita niyong hindi nga ako buntis,” sagot ko rito. “Huwag ka nang lumabas, ako na lang,” sabi ni Teru at siya na ang nagmamadaling lumabas. Nagkibit balikat ako at tinapos ang pagkain ng mangga. Bumilis ang tibok ng puso ko nang dumating si Teruya dala ang pregnancy test. Pumunta na ako sa cr para gamitin ito. Lalo lang akong kinabahan nang maalala kong hindi pa ako dinadatnan. Ano ba ‘yan. Sina Hannah kasi pinipilit na buntis ako, nag-overthink na rin tuloy ako. Nang matapos ay nanginginig kong ibinigay sa kanila ang pregnancy test ng hindi ito tinitignan. “Tangina.” “Shocks, magiging Ninang na ako!” “Sabi ko na nga ba.” Ayan ang nasabi nila nang makita ang resulta. Sumilip ako rito na agad ko ring pinagsisihan. Buntis ako? Hindi pwede ’to. Paniguradong ipipilit ni Teruya na maikasal kami ni Lucas. Ipalaglag ko ba ang bata? Napailing-iling ako. Hindi pwede. Hindi makatarungang gawin iyon, Miya. Anong gagawin ko? Kapag nakarating pa ito sa pandinig ni Lucas ay mas lalong tataas ang tyansa na ipilit niya na magpakasal kami. “Miya,” pagtawag sa akin ni Teru pero umiling ako. “Ayoko.” “Miya naman. Makinig ka sa akin. Kailangan mo na talagang maikasal,” himig sa tono niya ang frustration at pag-aalala sa akin. Frustrated din naman ako! “Ayoko nga! Ano bang hindi niyo maintindihan doon?” “Ano bang mali sa pagpapakasal kay Lucas? Ano bang ikakasira mo roon?” Nanahimik ako. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, gustong tumakbo ng sistema ko rito. Hindi ako nakinig. Umalis ako. Ayokong maniwala. Nabibingi ako. Sa Rooftop Kitchen Resto ulit ako pumunta. Kung saan ako naabutan noon ni Lois. Kapag nalaman kaya niya ang nangyari ano kayang sasabihin niya? May words of wisdom kaya siyang sasabihin? “Miya!” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sa entrance pa lang, namumutawi na agad ang eksistensya niya. “Sabi na nga ba dito kita makikita, e!” Pinanood ko lang siya hanggang sa makaupo siya sa kaharap kong upuan. “Nakita mo na ba ang announcement? May team building ang company natin sa Tagaytay. Sasama ka ba?” Umiling-iling ako. Humawak ako sa tiyan ko at yumuko. Hindi ko pa nga sigurado kung okay ba na mag-aalis ako ngayon lalo at may bata pala sa sinapupunan ko. “Buntis ka ba?”Nakayuko ako habang sapo-sapo ang ulo. Nakaupo ako sa terrace ng bahay at dinadama ang lamig ng simoy ng hangin. May kalakasan ang hangin at kung wala pang nakapatong na kumot sa hita ko, hindi ako magtatagal dito sa labas. Ngayon ko na lang ulit ito ginawa simula nang umuwi kami. Hindi man nito nalulusaw ang iniisip ko, napapayapa naman ang isipan ko, sana...“Ano ba iyang iniisip mo? Ang lalim naman yata,” pabirong sabi ni Hannah at umupo sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko at nagsalubong ang mata namin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paanong sisimulan. Para bang may nakabara sa lalamunan ko, nanunuyot na hindi ko maintindihan. “Miya?” tawag pansin niya. Ramdam ko ang bahid ng pag-aalala sa toni ng boses niya. “Ayos lang naman kung hindi mo sabihin. Nagbibiro lang ako. Hindi ko naman akalain na mayroon ka pala talagang iniisip na problema.”Tumikhim ako bago magsalita. “Lumapit sa akin si Mina kanina. Gusto na raw niya ng Daddy. Gusto niyang tumira na kasama namin si Ke
“Bakit nga pala nandito si Kevin?” tanong ni Teru habang naghihiwa ng pinya.Tulog na talaga siya kanina. Hindi na nga nakapagpalit dahil nang lumipat siya sa kwarto niya, tulog agad. Naalimpungatan nga lang dahil sa sigaw ni Solene sa kusina. Pare-pareho pa kaming kumaripas ng takbo papunta roon. “Bakit ba kasi hinayaan niyong siya ang magluto? Nakalimutan niyo na bang nasunog ang buong bahay natin dati dahil sa kaniya?” gigil na gigil na sabi ni Teru matapos patayin ang kalan. Nakasunog na si Solene dati? Hindi ko yata matandaan na nangyari iyon. Matalim na tinignan ni Teru si Solene. “Huwag na huwag ka na lalapit o pupunta rito sa kusina. Nakakatakot ka.”Ngumuso si Solene. “Hindi ko naman sinasadya.”“Kaya nga pumunta ka na sa sala. Mag-order ka na lang nang mag-order. Wala na akong pakialam kung ilang beses niyong gamitin ang pangalan ni Miya sa pag-order online, huwag ka lang lumapit dito sa kusina.” Itinuro ni Teru ang sala at pinanlakihan ng mata si Solene. Umismid naman sa
“Bakit pala nandito si Kev?” tanong ni Hannah, dina-divert ang usapan. “Nag-aaya ng kasal,” tamad kong sagot. Nanlaki ang mata niya at napanganga. Umupo si Sol sa harapan namin, yakap-yakap ang isang box. “Ano ulit sabi mo? Hindi ko narinig,” sambit ni Sol. Sumandal siya sa sofa at ni-relax ang likuran niya. “Sabi ko nag-aaya magpakasal si Kev,” pag-uulit ko sa sinabi. Tila nawala ang lahat ng pagod niya at lumingon siya sa direksyon ng lalaki. “Seryoso Kevin?! Inaaya mo talaga magpakasal ang kaibigan ko?”Tumingin sa amin si Kev. “Oo,” natatawa niyang sabi. Binuhat niya si Mina at lumapit sa amin. Tumabi ito sa akin. Ako lang naman ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Kevin. Sina Solene ay walang alam. Hindi nga rin nila mahalata, e. "Wow! Approve agad! ’Di ba, Hannah?”Tumango-tango si Hannah. “Oo. Approve ka na agad sa amin. Wala kang dapat pang alalahanin kung suporta namin ang kailangan mo.”Nahihiyang tumango si Kevin sabay tingin sa akin at tinaas baba ang kilay niya.
Nagbabasa ng dyaryo si Teru nang dumaan ako sa harapan niya, dala-dala ang isang tray na puno ng dede ni Mina. Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at sumunod sa akin. Nilapag ko ang tray sa lababo. Pinunasan ko ang lamesa sunod ang lababo. Sumandal siya dito. "Ano ba ’yon?” tanong ko. “Kanina ka pa nakasunod.”“Wala pa bang dumadating na parcel mo?”Kumunot ang noo ko. “Wala naman akong ino-order online. Bakit? Um-order ka rin ba gamit pangalan ko?” “Ha?”“Um-order ka rin ba kako gamit ang pangalan ko?”“Bakit ko naman gagawin ’yon?”"Hindi ko alam. Sina Sol at Hannah ganoon ang ginagawa, e.”Kumunot ang noo niya. “Hindi ka manlang nagtanong kung bakit?”“Hindi na. Sure naman akong hindi nila gagamitin sa mali ang pangalan ko, e.”“Hindi mo ba naisip na baka may tinatago sila sa ’yo?”“Bakit ikaw? Sa tingin mo ba wala ka ring tinatago?”Hindi siya sunagot bagkus ay lalo lamang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa malayo at biglang napamura. Dali-dali siyang umalis sa pwesto at luma
Miya's POV Payapa na ang gabi nang makarinig ako ng mahihinang sigawan mula sa kusina. Tahimik ang paligid kaya kahit ang mga kaluskos ay maririnig mo. Inalis ko ang nakabalot na kumot at dahan-dahang umalis sa higaan. Ayokong magising si Mina. Umalis na ako sa higaan at naglakad papunta sa kusina. Maliliit lamang ang hakbang ko at tahimik. Ayokong makakuha ng atensyon. Sinilip ko kung sino ang nag-uusap at nakitang magkakaharap sina Teru, Hannah at Solene.May tinitimplang kape si Hannah samantalang may kinakain namang vegetable salad si Solene. Si Teru naman ay inaayos ang tea bag sa baso niya. Lalapit na sana ako ng magsalita sila, pero hindi ko marinig. Lumapit pa ako para marinig ko ang usapan nila. Nagtago na rin para hindi nila mapansin. May ilang kaluskos pero nawala ang mga boses. Kumunot ang noo ko. Bakit nanahimik bigla?Sumilip ako at nakita silang tatlo na masama ang tinginan sa isa’t isa. Nagpapaligsahan ba sila kung sino ang pinakamatalas tumingin? Ay, paniguradong p
“Anong nangyari? Bakit kayo nag-iiyakan diyan?” pabirong sabi ni Kevin, bigla na lamang siyang sumulpot sa kung saan. May hawak pa siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. “Dada!” masiglang bati ni Mina sa kaniya. Pinantayan niya si Mina. “Heto ang ice cream ni baby Mina.” Tumingin sa akin si Mina. Nakangiti akong tumango. Inabot naman ito agad ng bata sa kaniya. Pagkatapos ay iniabot naman ni Kevin sa akin ang ice cream. “Para naman sa pinakamagandang Nanay.”Natawa ako. “Nauwi ka lang dito, nambola ka na. Hindi ka naman ganiyan sa Maynila,” sabi ko at kinuha na rin sa kaniya ang ice cream. Ngumisi siya. "Siyempre. Kaharap ko ba naman ang pinsan mo. Ang init kaya ng dugo sa akin no’n, girl!”Nasamid ako at masamang tinignan siya. “Ginagawa mo na naman akong shield. Iyong totoo, nahuli ka ni Ma'am na may katawagang lalaki no?”Napakamot siya sa ulo niya. “Oo. Binantaan pa nga akong hindi na raw ako makakaalis dito sa isla kapag hindi ako tumino.” Lumabi siya. “Kaya may naisip