Share

Chapter 11

Leana’s POV

Habang nakaupo sa isang bench kasama si Nico, hindi ko na mapigilan ang sayang nararamdaman ko pagkatapos kong sabihin kung paano ko nakikita ang paligid.

Ang ganda lang kasi na lahat ng nakikita ko ay parang napakakulay. Napakaganda. Ganon din ba si Nico? Naiintidihan niya kaya ang ibig kong sabihin?

“Is that why you’re always happy? Because you see the world as a happy place?”

Napalingon ako dahil sa tanong niya.

“Hindi naman sa ganon. Meron ‘yung mga times na parang walang kulay ang paligid lalo na kapag may mga problema ako o malungkot. Noon, oo tinuturing ko talaga na happy place ang mundo pero unti-unti kong nakikita ang realidad eh. Alam mo ‘yun? ‘Yung parang mas lumalaki ka tapos nakikita mo na hindi pala kasing saya at payapa ng tulad ng iniisip mo noong bata ka pa.”

Tumango siya.

“Noon, para talagang kumikinang lahat sa paningin ko. Ngayon naman, hindi na masyado. Ewan ko ba. Hindi na tulad ng dati pero makulay pa rin sa paningin ko ang paligid. Nagpapasal
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status