Share

Chapter 37

Leana’s POV

May gusto ba ako kay Nico?!

Hindi ko na nagugustuhan itong mga nararamdaman ko. Wala na, kinikilig na ako kapag kasama ko siya. Eh hindi naman ako ganon noon ah! Hinahanap hanap ko na siya kapag hindi ko siya nakikita sa tabi ko. At higit sa lahat, ‘yung mga paru-parong nararamdaman ko kapag inaatake siya ng pagka sweet niya.

Napahilamos ako sa mukha at pinilit siyang mawala sa utak ko.

“Huy. ‘Yung makeup mo Leana.”

Napatalon ako sa gulat dahil sa saad ng isang classmate ko.

“Sorry.”

“Tara ayusin natin,” aniya at sinipat ang mukha ko kung saan ‘yung parte na nasira ko.

“Mukha kang stressed. Wala na nga tayong requirements na tatapusin, stressed ka pa. Grabe ka,” natatawang aniya at napanguso naman ako.

“May naisip lang kasi akong nakakainis. Kaya ayun.”

“Cheer up, Leana. Ano ka ba. Ikaw na ang susunod na magpi-picture oh.”

Hindi naman sa sira ang mood ko pero naiinis ako dahil sa litong nararamdaman ko. Bakit ba puro na lang Nico ang nasa isip ko?! Tapos umiinit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status