Share

K25

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-08-21 10:10:54

Tahimik ang buong mansion, tanging mahinang lagaslas ng tubig mula sa fountain sa labas ang maririnig. Sa loob ng silid, magkaharap sina Farah at Dawson, kapwa hindi agad makapagsalita matapos ang mabibigat na katotohanang nabuksan sa kanila.

Mahigpit ang hawak ni Dawson sa kamay ni Farah, parang natatakot siyang muli itong mawala sa kaniya. Dahan-dahan siyang yumuko, saka idinampi ang labi sa noo nito. Mainit, mabigat, puno ng pagnanasa at pangakong hindi na ito pababayaan.

“Farah…” mahina niyang sambit, halos pabulong, habang dinadama ang bawat pulgada ng presensya nito. “I love you… more than my life.”

Hindi na nakapagsalita si Farah. Tila hinatak siya ng sariling damdamin, at bago pa niya namalayan, marahan na niyang iniangat ang mukha at nagtagpo ang kanilang mga labi.

Una’y banayad lamang ang halik—parang pagtikim, parang pag-alala. Ngunit sa bawat segundo, lalong lumalalim. Humigpit ang yakap ni Dawson, hinaplos ang pisngi nito, saka inilipat ang kamay sa bewang niya, hinila pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K41

    Tahimik ang gabi sa Rockwell Mansion. Ang mga chandeliers ay kumikislap habang nagbabantay sa katahimikan ng buong bulwagan. Sa labas ay mahigpit ang seguridad. Bawat gate ay may nakapuwesto, bawat sulok ay binabantayan ng CCTV. Ngunit kahit gaano katatag ang paligid ramdam ni Dawson ang bigat na nakasiksik sa kanyang dibdib. Parang may bagyong paparating na hindi niya maiiwasan. Nakaupo siya sa study room habang hawak ang isang baso ng alak na hindi man lang niya ginagalaw. Hindi siya mapakali. Mula nang makaharap niya ang mataas na opisyal ng pulisya kanina, isang bagay ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya...Bakit parang binabalewala nito ang sinabi niya tungkol sa Red Bulls? "Hindi ito basta-basta," bulong niya sa sarili. Pinapabigat ang mga palad sa mesa. "Hindi ko kayang iwan si Farah na walang proteksyon. Hindi ko hahayaang maulit ang mga kasinungalingan at dugo ng nakaraan." Nang bumukas ang pinto, pumasok si Farah ng naka-nightdress at may hawak na tasa ng gatas. Tah

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K40

    Tahimik ang buong mansion nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng opisina ni Dawson. Mabilis na pumasok si Jason, halatang sugatan at hingal na hingal. Namumula ang mga mata niya sa pag-iyak at nanginginig ang mga kamay. "Jason?" agad na tumayo si Dawson mula sa kanyang swivel chair, bakas ang kaba sa mukha. "Ano’ng nangyari? Nasaan si Bianca?" Kasunod noon ay lumapit si Farah habang hawak ang dibdib dahil ramdam niya ang matinding kaba. Hindi niya kayang ipaliwanag pero parang may masamang kutob na siya. "Jason, please, tell us. Ano’ng nangyari sa kanya?" Bagsak ang mga balikat ni Jason habang hawak pa rin ang mga kamay niyang may dugo. Hindi niya kayang tumingin nang diretso sa mga mata ng kanyang tito. "Uncle... Bianca’s gone." Halos tumigil ang mundo ni Dawson sa narinig. "What do you mean... gone?" mababa at nanginginig ang kanyang tinig. Hindi nakasagot agad si Jason. Bumagsak siya sa sofa, napahawak sa ulo at tuluyang umiyak. "Pinaputukan kami ng mga tauhan ni C

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K39

    Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na sina Jason at Bianca. Parehong seryoso ang ekspresyon sa kanilang mukha habang pinaplantsa ang plano. Ang warehouse na narinig ni Bianca mula sa mga tauhan ni Camille ay nasa malayong dulo ng pier. Hindi ito basta napupuntahan ng kung sino lang. Kailangan ng lakas ng loob at mabilis na kilos para hindi sila mahuli. Sa loob ng kotse, hawak ni Bianca ang cellphone niya. Bago sila umalis sinigurado niyang puno ang memory at may internet connection ito . "Jason, kung sakali mang may masama na mangyari, kailangan makarating agad ang ebidensya kay Dawson. Hindi ako puwedeng mabigo..." wika ni Bianca bago napalunok ng laway. Tumingin si Jason sa kanya at saka mariin ang tingin. "Bianca, huwag mong isipin na may masamang mangyayari sa iyo, okay? Babantayan kita. Wala kang dapat ipag-alala." Ngunit kahit anong lakas ng loob ang ipinapakita ni Jason, ramdam din niya ang kaba. Kahit siya, hindi sigurado kung makakalabas silang buhay mula sa plan

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K38

    Lumipas ang dalawang araw mula nang magharap si Bianca at Farah sa hardin ng mansion ni Dawson. Sa loob ng panahong iyon ay naging tahimik ang paligid ngunit hindi rin nawala ang kaba sa dibdib nina Jason at Bianca. Kahit nasa loob sila ng malaking bahay na may mga guwardiyang nagbabantay ay ramdam nilang hindi sila ligtas hangga't hindi tuluyang napapabagsak si Camille at ang grupo niyang Red Bulls. Isang hapon, nagpasya si Jason na kausapin si Bianca nang masinsinan. Nasa veranda sila ng maliit na guesthouse na itinabi ni Dawson para pansamantala nilang tirhan. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa mga puno ang maririnig. Nakaupo si Bianca sa kahoy na bangko, hawak ang maliit na notebook na tila matagal na niyang ginagamit para isulat ang mga plano at iniisip niya. Si Jason naman ay nakatayo at nakasandal sa haligi. Seryoso ang ekspresyon ng mukha. "Bianca," mahinang wika ni Jason habang nakatingin sa malayo. "Alam kong hindi sapat na nagpunta tayo

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K37

    Maaga pa lamang tahimik ang paligid ng mansion ni Dawson. Ang mga hardinero ay abala sa pagdidilig ng mga halaman at ang malalaking gate ay bantay-sarado ng mga guwardiya. Sa loob naman, nakaupo si Farah sa isang bench sa gilid ng hardin habang hawak ang tasa ng kape na halos hindi niya mainom dahil sa dami ng iniisip. Ang mga pangyayari kagabi at ang pagdating nina Jason at Bianca pati na rin ang rebelasyon tungkol kay Camille at ang biglaang pag-amin ng lahat... ay parang unos na hindi pa rin niya lubusang matanggap. 'Hindi ko alam kung paano namin malalampasan ito ni Dawson pero naniniwala akong hindi mananalo si Camille dahil masama siya,' sabi ni Farah sa isipan. Habang nagmumuni-muni siya... bigla niyang napansin ang anino ng isang babae na dahan-dahang lumalapit mula sa likuran. Nang lumingon siya, halos mapatigil ang pintig ng kanyang puso nang makitang si Bianca iyon. Nakasuot ng simpleng puting blouse at maong, walang kolorete sa mukha at halatang walang tulog. May dala-

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K36

    Tahimik ang gabi sa loob ng malawak na mansion ni Dawson. Sa labas, tanging tunog lang ng mga kuliglig at mahinang hampas ng hangin sa mga dahon ng puno ang naririnig. Sa loob naman, nasa study si Dawson. Nakaupo sa leather chair habang hawak ang isang baso ng alak. Nasa tabi niya si Farah na nakasandal sa sofa at tahimik na nagbabasa ng ilang papeles na kanina pa niya sinusubukang intindihin. Ngunit ramdam ni Farah ang bigat ng paligid. Parang may paparating na hindi kanais-nais. Hindi nagtagal ay narinig nila ang biglang busina mula sa labas ng gate. Mabigat at sunod-sunod at tila ba hindi alintana ang oras ng gabi. Kumunot ang noo ni Dawson. Agad na ibinaba ang baso ng alak at tumayo. “Hindi ako nag-e-expect ng bisita,” malamig niyang sabi at saka kinuha ang cellphone para tawagan ang isa sa mga guwardiya. “Check kung sino ‘yan sa gate.” Hindi nagtagal, bumalik ang sagot. “Sir, si Mr. Jason po at kasama niya si Miss Bianca. Nasa labas ng gate. Gustong makapasok.” Bahagyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status