LOGIN“So, please… bumalik ka na sa tabi ni Riel.” Ang boses ng ina niya ay malamig at matigas, tila isang utos na hindi na dapat pagtalunan pa.“Mom…” mahina sanang tutol ni Irene.Gusto niyang tumanggi. Gusto niyang sabihin na hindi na niya kaya. Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad niyang naintindihan ang nakatagong mensahe sa malamig na titig ng kanyang ina.Ang ekspresyon nito ay walang bakas ng lambing o pag-aalala para sa kanya, tanging inis lamang ang makikita roon, na para bang ang presensya ni Irene ay isa na namang dagdag na problema.Sa sandaling iyon, tuluyang nawala ang lakas ng loob ni Irene na tumanggi.Tahimik siyang tumingin sa mukha ng kanyang ina, marahang sinuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye nito. Sa kaibuturan ng puso niya, umaasa pa rin siya, kahit kaunting bakas lamang ng pagmamahal.Kahit isang maliit na senyales na mahalaga rin siya. Ngunit wala siyang nakita.Sa halip, lalo lamang niyang nakita ang pagkayamot sa mukha ng kanyang ina.Unti-unti
Pagdating ni Irene sa bago niyang silid sa ikatlong palapag, bumungad sa kanya ang mga gamit niyang nakakalat pa sa loob ng kwarto. Halatang minadali lamang ng mga kasambahay ang paglipat ng mga ito. Ang mga kahon at bag ay basta na lamang inilapag sa kung saan may espasyo, na para bang hindi mahalaga kung maayos ba o hindi ang pagkakalagay ng mga iyon.Sa isang normal na pamilya, malinaw dapat ang kaayusan ng kapangyarihan, mula sa nakatataas pababa. Bilang panganay na anak ng pamilya, si Irene ang dapat na mas iginagalang at pinahahalagahan. Ngunit mula pa noong bata siya, paulit-ulit na nasaksihan ng mga kasambahay kung paano siya tinatrato nang malamig kumpara sa kapatid niyang si Riel.Dahil doon, unti-unti rin nilang ginaya ang ganoong pagtrato.Hindi na iyon hayagang pangmamaliit, ngunit sapat na upang maramdaman ni Irene ang pagkakaiba. Mas maingat sila kay Riel, mas maagap sa mga utos nito, at halos doon na lamang umiikot ang kanilang atensyon.Sa huli, tila naging natural na
“Kung simpleng misunderstanding lang ito tulad ng sinasabi mo, bakit ikaw pa rin ang kumakampi kay Riel?” malamig na tanong ni Irene.Bahagyang kumunot ang noo ni Boris, ngunit hindi siya nag-atubiling sumagot. “That’s because she has a weak body. You should understand that, Irene. Kapatid mo siya.”Napangiti si Irene, ngunit walang anumang init ang ngiting iyon. Sa halip, tila iyon ang ngiti ng isang taong napagod nang umintindi.“You’re right,” mahinahon niyang sabi, halos parang sumasang-ayon lamang sa isang simpleng katotohanan. “Kapatid ko siya.”Pagkatapos noon, hindi na siya nagtanong pa. Para bang sa isang iglap, nawalan na siya ng gana na ipaliwanag ang sarili o ipaglaban pa ang anumang panig niya sa usapan.Sa sahig, si Riel ay nakahandusay pa rin. Nang marinig ang sagot ni Irene, marahan siyang tumingala. Namumugto ang mga mata niya sa luha, at ang kanyang mukha ay puno ng paghihinagpis. Pilit siyang bumangon mula sa pagkakahiga, ngunit ang mahina niyang katawan ay halos hi
Naalala ko bigla… oo nga pala, ang academy.Bilang anak ng isang makapangyarihang angkan sa bansa, obligadong pumasok ang mga tulad namin sa isang prestihiyosong paaralan kapag umabot na sa labing-anim na taong gulang. Ngunit isang taon akong nahuli sa pagpasok dahil kinailangan kong alagaan si Riel. Nakakuha lamang kami ng Special Request mula sa Principal ng paaralan dahil sa kalagayan niya.Simula noong araw na iyon, para na akong anino ni Riel. Kahit hindi ko gusto ang isang subject, kapag pinili niyang pasukan iyon, kailangan kong sumama. Kahit sa loob ng klase, palagi akong alerto, handa sa oras na bigla siyang atakihin o mahilo.Dahil sa impluwensya ng mga magulang namin, naipakiusap nila na mailagay ako sa parehong section ni Riel. Sa loob ng apat na taon, magkatabi kaming nakaupo. Wala akong sariling space. Lahat ng galaw ko, nakatali sa kanya.Sa kabutihang-palad, nagkaroon pa rin ako ng mga kaibigan kahit abala ako sa pag-aalaga sa kapatid ko. Hindi nila ako hinusgahan, tin
CHAPTER 1****Naisip ko lang noon na kakaiba ang lahat. Sigurado akong dumating siya para bisitahin ako, pero bakit siya lumabas mula sa silid ng bunso kong kapatid? Ni hindi man lang niya sinabi sa akin na nasa bahay na siya. Ngayon, naglalakad pa silang magkatabi, parang walang dapat ipaliwanag. Habang pinagmamasdan ko sila, may kung anong kumurot sa dibdib ko. Lalong naging kakaiba nang mapagtanto kong alam na pala ng mga magulang ko ang pagdating niya. Bakit walang nagsabi sa akin? Bakit parang itinago nila? Pinilit kong ngumiti at magkunwaring ayos lang ang lahat. Sabi ko sa sarili ko, I’ll turn a blind eye this time, dahil siya ‘yan. Pero sa loob-loob ko, hindi ko na ito palalagpasin sa susunod.Sa mga mata ng fiancé ko, malinaw kong nakita ang pigura ng kapatid ko. Ang pigura ng mahal kong bunso, na tila mas malinaw pang nakikita kaysa sa akin.“Since you’re the older one, you need to give in to your little sister.”Ito ang pangungusap na paulit-ulit na tumimo sa isip ko habang
Pagkatapos ng libing ng ina ni Yohan, agad siyang bumalik sa opisina. Tahimik siyang naupo sa swivel chair niya, pero hindi mapakali ang isip. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang naging reaksyon ni Jasmine kanina.Hindi siya mukhang masaya, hindi tulad ng inaasahan niya.Napabuntong-hininga si Yohan at napahawak sa sentido. Alam naman niyang hindi ideal ang timing, isang proposal agad pagkatapos ng libing ng kanyang ina. Kahit siya, ramdam ang bigat noon. Pero may kakaiba sa naging reaksyon ni Jasmine… may lungkot, may alangan, may something na hindi niya mawari.“Bakit ganun?” bulong niya sa sarili.Ilang minuto pa siyang nakatulala bago siya tumayo, tila may biglang naalala at naging desidido. Kinuha niya ang coat niya at mabilis na lumabas ng opisina. Agad namang sumunod si Ahil, ang kanyang personal assistant, hanggang sa makalabas sila ng compound ng family estate.Habang wala si Yohan, si Jasmine naman ay nasa kwarto at ilang minuto nang nakaharap sa full-body mirror. Suno







