Share

KABANATA 6

Ligtas na si Mang Nestor ngunit ayon sa doktor na sumuri dito ay kailangan niyang maoperahan dahil bukod pa sa sunog sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ay kailangang putulin ang kanang paa nito dahil nadaganan ito at nadurog ang mga buto at ang payo ng doktor ay mas nakakabuti kung ipaputol na lang kaysa habang buhay na pagtitiisan ang ganoong kalagayan.

"Bakit?!" panay pa rin ang hagulgol ni aling Thess at ganun din si Rose.

Parang kahapon lang ay napakasaya nila dahil sa kanyang pagtatapos ngunit ngayon ay ganito ang nangyari.

"Panginoon, parang hindi ko na kaya!" muling hagulgol no aling Thess.

"Nay, matatapos din ang lahat. Magtiwala po tayo sa Diyos," hinagod ni Melvin ang likod ng kanyang ina.

"Diyos? Panginoon? Kuya, pinabayaan niya si Tatay! Hindi pala siya totoo eh!" nanginginig na wika ni Rose pagkatapos ay pinagid niya ang kanyang mga luha pisngi.

"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status