Share

Chapter 7 Tanikalang Lihim

MINSAN mahirap pala ang maging tanga. Tulad niya noon. Bagong mukha at pagkatao pero naroroon pa rin ang pagiging probinsiyano. Mapagtiwala at hindi gaanong nag-iisip.

Dahil sa matagumpay na operasyon na ginawa sa kanya ni Dr. Leonardo ay itinuring na rin siya nitong parang tunay na anak at sa tuwing nakikita siya ng matanda ay nawawala na unti-unti ang pangungulila nito sa tunay na anak. Isang pasiya ang ginawa nito para sa kanya. Dinala siya sa Amerika at pinapag-aral. Ngunit naroroon pa rin ang mahigpit na bilin.

“Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino ang tunay mong pagkatao.” Halos paulit-ulit na

tagubilin nito. “Ikaw na si Oliver Calderon. Wala akong pamamanahan ng aking mga ari-arian at ayoko na mapunta ito sa mga kamag-anak kong gustong angkin ang aking mga naipundar.”

“Malaki pong responsibilidad ang ibinibigay nyo sa akin Dr. Leonardo.”

“Papa na ang itawag mo sa akin. Dapat masanay ka na. Mag-aaral ka dito sa Amerika upang maging handa ka sa magiging responsibilidad na ga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status