Share

CHAPTER 10

SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places. 

Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family. 

Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her. 

Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan sa mga tao rito. 

Palabas na siya ng kwarto nang may biglang tumawag sa kanyang cellphone. It’s an unregistered number and she’s been waiting for this call since her first week in Iloilo. 

Mabilis niya itong sinagot. “What the hell?! I’ve been searching this whole place and I can’t find him! Sigurado ka ba na nandito siya?!” 

“Oo. Tama ang address na ibinigay ko sa `yo. Ang huling pagkakaalam ko ay mismong sa address na iyan siya nakatira kasama ang kapatid niya,” sagot naman ng lalaking may baritong boses sa kabila. 

Naisabunot niya ang mga daliri sa sariling buhok. “One more month at kapag hindi ko siya nakita rito ay hindi kita ilalabas diyan. Naiintindihan

“Why are you shouting?” 

Napahawak sa dibdib si Maliyah at halos dinig na niya ang sariling tibok ng puso nang biglang lumabas ng kwarto si Jake. Ang akala niya ay wala ng tao sa bahay since alas-nueve na ng umaga. Umaalis ang lahat pagkatapos kumain ng umagahan. 

“Bakit hindi ka makasagot? Based on your expression, you are definitely hiding something,” seryosong sabi nito at humakbang papalapit sa kanya. “I’ve been observing you since then, woman. If you plan to do something that can harm the oldies, I will do my best to throw you out of this house.” 

Kinakabahang tumawa si Maliyah. “Those are just speculations, Mr. Lavender.” Mabilis niya itong tinalikuran at lumabas ng bahay. Kanina pa naghihintay si Matt sa kanya sa karinderya ni Aling Mila. 

Pagdating niya sa ibaba ay prenteng nakaupo si Matt sa mahabang silya sa labas ng karinderya ni Aling Mila at kasama na naman ang babaeng panay sunod ng sunod dito. Kung hindi siya nagkakamali ay ‘Jenny’ ang pangalan ng babae. Maganda naman ang babae pero ang problema ay ayaw ni Matt dito. Kung ano ang dahilan ay hindi sinasabi ng lalaki sa kanya. 

Seryosong lumapit siya sa mga ito at ang babae ay tinapatan ang kanyang mga titig. Para namang aagawin niya itong si Matt na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang mag-basketball. Sa gabi naman ay hindi niya ito nakikita at ang usapan nila ay sa umaga lang ang serbisyo nito sa kanya. Kung namamakla man ito sa gabi ay hindi niya alam. 

“Jenny, right?” tanong niya sa babae na hindi pa rin sumusuko sa titigan. “Don’t worry, I don’t like him. I need him, that’s it.” 

Inis ang rumehistro sa mukha ng babae. Mukhang mayaman ito base sa pananamit at kutis nito. Maliyah knows since her parents are wealthy. Jenny’s clothes and even her flip-flops are expensive. Bakit ito hahabol-habol kay Matt, e sigurado naman siya na may ibang naghahabol sa babae sa ganda nito. 

“Let’s go, Matt. I need you right now,” aniya at itinayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at kanina pa ito pabalik-balik ng tingin sa kanila ni Jenny. 

Samantala naiwan naman si Jenny roon mismo sa silyang kinauupuan nila ni Matt kanina. Nagtaka siya na minsan ay hindi niya maabutan si Matt doon sa karinderya ni Aling Mila at iyon pala ay nabighani ng taga-Maynila. Jenny likes Matt since the first time she saw him. Magkapitbahay sila at palakaibigan ang lalaki. He’s good at singing and playing basketball. He makes her happy with his good morning greetings and laugh. Nag-iba lang ang tingin nito sa kanya noong aminin niyang gusto niya ito. And Jenny thought that it’s okay and maybe he’s just shocked. At ngayon nga na habang tinitingnan si Matt kasama si Maliyah ay nakaramdam siya ng sakit sa dibdib at may parte sa kanya na hinihiling na sana siya na lang ang gusto ni Matt at hindi si Maliyah. Jenny believes that she can make him happy.  

“Hay, hija. Sinabi ko naman sa `yo na baka hindi talaga si Matt ang para sa `yo. Tingnan mo nga iyan, kakakilala pa lang kay Maliyah ay nagustuhan na. Makikita mo rin ang lalaking para sa iyo,” wika ni Aling Mila na kanina pa siya tinitingnan mula sa loob habang nagtitinda. Napabuntong-hininga na lamang si Jenny sa narinig niya. 

NIYAYA ni Maliyah na mag-mall si Matt at binilhan ito ng mga bagong damit. May iba siyang plano kung sakaling hindi niya makita ang lalaking hinahanap niya sa lugar na ito. 

Lumabas si Matt mula sa fitting room suot ang ripped jeans, white sneakers at powder blue chambray shirt. Siya mismo ang pumili no`n since alam niyang sando at jersey shorts lang ang alam ng lalaking isuot. 

“Gwapo na ba? Pwede mo na akong ipakilala sa lolo’t-lola mo,” loko-lokong sabi ng lalaki at inirapan niya ito. Nagawa pang bumanat. 

“Okay na iyan. Halika na at ako naman ang maghahanap nang maisusuot,” aniya at nagtungo sila ng counter. 

“Sandali at ang mga damit ko.” 

“Ibibili kita ng bagong jersey shorts at sando.” 

Tumungo rin sila sa shop kung saan niya napiling bumili ng kanyang mga isusuot. Wala siyang naririnig sa kanyang lolo sa tuwing nagbibigay ito ng pera sa kanya. Kung anuman ang trabaho ng kanyang lolo ay wala siyang alam. Wala rin siyang pakialam dito. 

Napili niya ang itim na crop top na pinaresan ng beige cargo pants at itim na boots. Maliyah finds herself cool in this outfit. Kitang-kita niya ang tiyan sa salamin at napangiti. She misses being like this again. 

Paglabas niya ng fitting room ay agad na kumunot ang noo ni Matt nang makita siya. Ngayon lang ba ito nakakita ng babaeng nagka-crop top at cargo pants? 

“What?” mataray niyang tanong sa lalaki na agad tumayo mula sa pagkakaupo at hinila siya pabalik sa fitting room. “Ano ba?!” pumiglas niya. 

“Hindi mo isusuot iyan. Hindi tayo lalabas sa store na ito hangga’t hindi ka nagpapalit,” tiim-bagang nitong sabi. Pinagtitigan sila ng ibang nasa shop at wala siyang pakialam. 

Iwinaksi niya ang kamay ng lalaki. “I can wear whatever I want, Mister. You don’t have a say to this,” matigas niyang sabi at tumungo papuntang cashier para magbayad. “You will help me find this certain nightclub and I have a business there.” 

“Kung hindi ka makikinig sa akin ay hindi kita sasamahan. Pasensya ka na,” pinal na sabi ng lalaki at lumabas na ng shop. Napatirik siya ng kanyang mga mata at walang nagawa. Maliyah can handle herself though. She only needs someone who can help her find someone faster. Kung ayaw nito, hindi naman siya mamimilit. 

“I guess I wasted my time on you,” bulong niya at lumabas ng shop matapos magbayad ng para sa kanyang damit. 

“BAKIT hindi pa po kayo natutulog, tay?” tanong ni Jake sa matanda na ngayon ay antok na antok nang nakaupo sa sala. Nagising siya para sana uminom ng tubig pero nakita niyang nakabukas ang ilaw mula roon kaya sumilip siya. Tulog na tulog si Daniel kaya ang inisip niya ay baka si Maliyah ang nandoon pero hindi. Si Tatay Delfin ang nakaupo roon na napapayuko kapag nakakatulog at mamaya ay iaangat ang ulo kapag magigising. 

Lumingon ito sa kanya nang nakangiti. “Ay, hinihintay ko si Maliyah na umuwi. Aba, e alas dos na at wala pa,” sabi nito na nasa boses ang pag-aalala. 

Naglakad siya patungo sa bintana at tiningnan ang ilalim at baka parating na ang babae at hindi nga siya nagkamali. Nakaupo ito sa tabi ng kalsada at hubad na ang suot na sapatos. 

“Sandali lang, tay at bababa ako.” 

Tumango naman ang matanda at nanatili roon sa kinauupuan nito. Biglang nakaramdam siya ng galit sa babae dahil sa ginawa nitong pagpapalipas ng gabi sa labas. Pagod siya mula sa trabaho at kalmado na ang kanyang isip sa mga ganitong oras dahil natutulog na ang dalawang matanda. 

Pagdating niya sa baba ay mahinang binuksan niya ang bakal na gate. Naramdaman ng babae ang kanyang presensya at umangat ito ng tingin. She’s very drunk and her face is so red because of the alcohol. He can even smell the alcohol from afar. 

Pinigilan niya ang sarili na mainis dito at tinulungan na lamang na tumayo. Hindi si Jake ang tipo ng taong papatulan ang mga lasing lalong-lalo na itong mataray na prinsesa ng matandang mag-asawa. Maliyah left him no choice and so he has to carry her in his arms. She’s wearing a black crop top with cargo pants and boots. How can she be so comfortable wearing this type of clothes? 

“You reek of alcohol, woman,” bulong niya rito at tiningnan ang mukha ng babae. She smells intoxicating even with the alcohol and it is stupid for him to find her smell exciting! Maliyah is a cold and insensitive woman. Jake can never like someone like her. 

“HINDI na ninyo kasi sana siya pinagbigyan sa kagustuhan niya, tay! Lumaki siya sa luho dahil hinayaan ng kanyang mga magulang. She’s ungrateful and can’t even acknowledge you as her grandparents?” 

“Hayaan mo na at pagkatapos nito ay hindi ko na siya bibigyan,” sabat ng kanyang lolo sa lalaki. Nakikinig si Maliyah mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Nasa kabilang kwarto lang ang kanyang lolo’t-lola. Nang tingnan niya ang oras ay alas-singko pa lang ng umaga. Akala siguro ng mga ito ay tulog pa siya. Nagising siya dahil masakit ang kanyang ulo. 

“Dapat lang ho. Matanda na ang apo ninyo. Kung may pagkukulang man kayo sa kanya, iyon ang punan ninyo at hindi ibig sabihin na pera ang kapalit. Oras ang pagkukulang ninyo at hindipagmamahal o pera. Minahal ninyo siya kahit noon pa man.” 

Gusto niyang hilahin papalayo si Jake mula sa kabilang kwarto at sigawan ito. Ano`ng alam nito sa nangyari sa kanya at sa pamilya niya? Bakit kung makapagsalita ito ay parang mas ito pa ang nakakaalam ng lahat. 

She heard Jake sighed. “Stop feeding her with money. She’ll never learn anything in life. Kapag pinili niyang umalis, let her go. She has no conscience anyway.” 

Tiim-bagang na nakinig siya at pinagsusuntok ang kanyang kama. How can he judge her so easily after knowing a little bit of her? Mas masama ang ugali nito sa kanya. Kapag ba mataray ka, masama ka na? 

“Kailan ninyo balak sabihin sa kanya ang totoo?” tanong ni Jake na ikinatigil niya. 

“Hindi ko pa alam. Iiwan niya kami kapag sinabi ko ang totoo. Ngayon ko lang nakasama ang apo ko sa loob ng mahabang panahon. Sa ngayon, hindi pa niya maiintindihan,” sagot ng kanyang lolo. 

“Ano ka ba? Matalino si Maliyah, Delfin. Mabait ang apo natin. Maiintindihan niya.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit ng kanyang lola ang pangalan niya. “Nasaan ba si Maliyah?”

“Nasa kabilang kwarto at natutulog pa. Natatakot ako na masaktan siya kapag sinabi ko,” wika ng kanyang lolo. And she’s there on her bed, thinking what could it be that they can’t tell her. Takot ang mga ito na masaktan siya? Bago pa ba iyon sa kanya? 

“Kung hindi ninyo kaya ay ako ang magsasabi sa kanya--” 

“Huwag, Jake. Pakiusap, huwag,” desperadong sabi ng kanyang lolo. “May tamang panahon para riyan. Sa ngayon, hayaan na muna natin si Maliyah na gawin ang kanyang mga gusto. Nito lang namatay ang kanyang mga magulang kaya iintindihin natin siya hangga’t kaya natin.”

Are they concerned because her parents died? She’s not even sad about it! She will never cry for their death. If someone above wanted them to die, it’s not her fault. Maliyah will never grieve for a death that’s planned. 

“How can you let her hurt you after what you did for her?” ani Jake. What did her grandparents do? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status