Share

CHAPTER 19

JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.

The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like never ending for Jake and it is a stupid feeling for him! 

His hands automatically held her nape with his right hand and pressed Maliyah against the wall. Jake knows he is the one who would regret this kiss. At kung kailan pilit niyang inuutusan ang sarili na putulin ang halik ay saka naman ipinulupot ng babae ang parehong kamay nito sa kanyang batok. Ang mga katawan nila ay magkadikit na at hindi pa rin napuputol ang halik na sinimulan niya.

“Maliyah…” Siya na nga ang unang nagputol niyon at pakiramdam niya ay ayaw siyang tigilan ng babae. Kung ano man ang nasa isip nito ay hindi niya alam. Habol ang hiningang tiningnan niya ang kaharap at ngayon nga ay seryoso na itong nakatingin sa kanya. Wala siyang mabasang kahit na ano`ng reaksyon. Jake admits that even with a mean face, Maliyah is really beautiful and no doubt to that. 

Kaagad na inayos ni Maliyah ang buhok nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “All this time, halik lang pala ang gusto mo? Sana sinabi mo na lang noon pa at hindi naman big deal sa akin iyon,” sabi nito at mahina siyang itinulak para makaalis. At hindi hahayaan ni Jake na basta na lang siya talikuran nito na parang walang nangyari. 

“Akala mo ba hahayaan na lang kitang umalis nang basta-basta? Matapos mong sirain ang painting na iyan?” galit niyang sabi at itinuro ang nakasabit na painting at may ilang maliliit na butas at halatang ballpen ang ginamit ng babae. Jake cherishes that certain painting and now, Maliyah, a woman who just came into their lives ruined it. 

Nanghahamon na tiningnan siya ni Maliyah na ngayon ay nakatalikod mula sa pintuan. “Ano? Hahalikan mo `ko ulit bilang kabayaran? You’re kisses won’t affect me, Jake. Keep dreaming,” nagmamalaking sabi nito at agad na lumapit sa kanya. Maliyah tiptoed and kissed him on the lips. “Ibinabalik ko na ang halik mo, so quits na tayo?” May sarkasmo sa ngiti at boses nito na ikinatulala niya. 

Bago pa rumehistro sa isip ni Jake ang nangyari ay wala na ang babae sa kanyang kwarto. At hindi nga siya nagkamali noong isipin niyang siya ang magsisisi sa marahas niyang galaw. Siya ngayon ang natutulala sa ginagawa ng babae sa kanya. 

MALAKAS na isinara ni Maliyah ang pinto ng kanyang kwarto at napahawak sa sariling dibdib. That jerk kissed her suddenly! Hindi man lang siya nakaiwas o nakagawa ng paraan para hindi matuloy iyon. It actually seems so insulting on her part. Sinira niya ang gamit ng lalaki para magalit ito at magdesisyon na sa kanilang dalawa ay ito ang aalis. But then, he kissed her and what? Siya pa ang mukhang apektado na dapat ay ipakita niyang walang makakatibag sa pader na binuo niya! This is so crazy!

“What the f*ck, Jake?” bulong niya at inayos ang buhok. Nagsimulang maglakad pabalik-balik sa loob ng kwarto ang dalaga at hindi na alam ang gagawin. At  bakit ba siya umaakto ng ganito? It’s not like she hasn't been kissed before! Hindi na siya iyong teenager na kikiligin sa mga ganitong bagay. As if din na naranasan niyang kiligin noon katulad ng mga napapanood sa telebisyon. Ipinanganak yata si Maliyah para maging iba sa lahat. 

She can’t even distinguish a real friend or if she even had one. Maliyah did her best to fit in other people’s lives and never succeeded. 

Kagat-kagat ang kuko ay talaga namang hindi siya mapakali habang iniisip ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay dinig pa rin niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. She can still feel his warm arms on her nape and his lips that are as soft as the clouds. She never felt this before even though she kissed many lips. Jake smelled minty and Maliyah loved it. God knows how she stopped both of her hands from grabbing his back earlier. It was never in her mind that she’ll like this man but what can she do when for Pete’s sake, she’s been attracted to him the first time she saw him! 

Talaga nga namang nagulat ang dalaga nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. Puting tank top at itim na leggings ang kanyang suot kaya naman kitang-kita sa salamin ang pamumula ng kanyang mga pisngi. At sa totoo lang ay hindi niya matanggap ang nangyayaring ito. Natitibag na ba ang kanyang pader? Dahil sa isang halik? Iyon lang ba ang makakasira sa kanya?

“No way…” aniya at sinampal ang sarili. She would rather choose that Jake hates her. She can be what she wants when no one else is joining her business and even Matt. 

Sa sobrang inis ay agad na lumabas siya ng kwarto at naabutan sina Daniel at Alden na mukhang kakatok pa lang sa kanyang pinto. Nakangiti ang mga ito at mukhang nakainom. Mas lalo lang siyang nainis nang makita ang dalawa. 

“Hi, Maliyah! I brought you something!” excited na sabi ni Alden at lumabas naman ang dalawang biloy nito sa magkabilaang pisngi. “I was thinking about you the whole day and--” 

“Alis,” mataray niyang sabi sa dalawa na parang wala ring narinig dahil mas lalo lang lumapad ang ngiti ng dalawa. Pero ang nakapagpakunot ng kanyang noo ay ang ayos ng damit ng mga ito. Si Daniel, iisang sapatos na lang ang suot ang sa kabila ay tanging puting medyas. Magkaakbay pa ang dalawa at habang si Alden ay bukas ang lahat ng butones ng polo nito hanggang ilalim. Kitang-kita talaga ang mga pandesal nito. Kung ganito nga ang ugali ng dalawa kapag nakainom ay malabong gugustuhin niyang kasama ang mga ito. 

Pinaningkitan niya ng mga mata ang nasa harapan ay sumandig sa pintuan. “Nakikita ba ninyo ang mga sarili ninyo? Para kayong mga bata,” aniya at sabay ring tumango ang dalawa. “Argh! Nakakainis! Tabi nga!” malakas niyang sabi at walang reaksyon pa rin sina Daniel at Alden na parehong pinipigilan na lang ang pagpikit ng mga mata. 

“Maliyah, ibinili ka nga ni Alden ng mga bulaklak at wine, e,” sabi ni Daniel na ikinatawa niya. 

“Nasaan ang mga bulaklak? Wine lang ang nakikita ko,” aniya at pinagkrus sa harap ang parehong mga braso. “Huwag ninyong sabihin na kinain ninyo habang pauwi rito?” 

“Huh? Nasaan ang mga r-rosas?” Nasinok pa si Alden. “Kanina ay nasa bulsa ko iyon ah?” tanong nito sabay kapa. At nang kinapkap nga ni Maliyah ang bulsa sa likod ng jeans nito ay nandoon ang tatlong pulang rosas… durog. Wala siyang magawa kundi ang mapabuntung-hininga sa ginagawa ng dalawa. Dumagdag pa yata sa iniisip niya ang mga ito. 

“Shh! Tulog na ang iba kaya tara sa kusina!” sigaw ni Daniel. E, `di mas lalo ngang magigising ang lahat dahil sa sigaw nito. Ayan na nga ba ang nagagawa ng alak sa tao. 

Pinigilan niya sina Daniel at Alden dahil nagkakabunggo-bunggo na ang dalawa sa magkabilaang pader ng hallway at naririnig sa buong bahay ang tunog niyon. 

“Huwag na kayong tumungo ng kusina, pwede ba?” saway niya sa mga ito na pinipilit huwag tumaas ang boses. “Ihahatid ko na lang kayo--” Natigil siya sa pagsasalita at sa paghila sa dalawa nang pag-ikot nila sa kabilang bahagi ay nakasilip si Jake sa pintuan ng kwarto nito. Dahil sa pagkataranta ay umikot ulit sila papunta sa kusina. “Tara sa kusina. Inumin na natin ang lintik na wine na iyan.” 

“Oo nga. Gusto ko pang uminom, e. Wala sina Mama at Papa ngayon kaya walang huhuli sa akin,” ani Daniel at napatirik siya ng kanyang mga mata. 

“Pinalayas ka sa inyo, remember? Wala talagang maghahanap sa `yo,” banat niya rito at natahimik ito. At dahil nga malapit lang naman ay agad silang nakarating sa kusina na isang ikot lang sa kaliwa mula sa hallway. “Susunod kaya siya rito?”

“Sino?” tanong ni Alden na pilit siyang nililingon at nasa likuran siya ng mga ito at itinutulak ang dalawa. Biglang natahimik siya sa tanong ni Alden. Wala siyang ideya na nasabi pala niya iyon nang malakas. 

“Wala. Maupo ka na lang kasi.” Magkatabi sa upuan ang dalawa at naupo si Maliyah sa harap ng mga ito. Kinuha niya ang wine kay Alden at ipinatong sa ibabaw ng mesa. Naghanap na rin si Maliyah ng wine glass sa mga cabinet at doon nga niya nakita ang mga iyon sa pinakataas na bahagi at halatang walang gumagamit. Malamang na beer o kung anumang alcohol ang hilig na inumin ng mga ito.

“Ako pa pala ang unang gagamit nitong wine glass ninyo,” bulong niya at dinala sa sink ang tatlong hawak. “You guys are making me experience things I never did in my whole life.” Maliyah doesn’t even know if she’s complaining or it is a compliment from her. 

Pagkatapos hugasan ang mga wine glasses ay naghanap siya ng cleaning towel pero wala! Nang sumulyap siya sa kinaroroonan ng dalawang lalaki ay parehong nakatingin ang dalawa sa kanya habang ang mga palad ay nasa magkabilaang pisngi at nakatukod ang mga siko sa ibabaw ng mesa. It makes her feel so awkward. 

“Akin na!” sigaw ni Daniel na nagpadagdag ng kanyang inis. “Akin na, Maliyah!” ulit nito. 

“Tatahimik ka o babasigin ko ito sa mukha mo? Huwag kang maingay—” Tumayo si Daniel at inagaw sa kanya ang isang baso. Nanlaki ang kanyang mga mata nang gamitin ni Daniel ang tshirt nito sa paglinis ng baso. Hindi nagkasya ang buong palad ni Daniel sa loob ng wine glass kaya ang bibig ng baso na lang ang pinunasan nito. 

“Ganito lang magpatuyo ng wine glass, Maliyah. Huwag kang maingay at baka malaman ni Mama. Magagalit iyon sa akin,” sabi nito at ibinalik ulit sa kanya ang natapos na nitong punasan. 

“Gago ka talaga, Daniel.” Kahit kailan ay hindi niya susundin ang payo nito sa paglilinis ng wine glass. Kung saan-saan na ito nanggaling at ilalagay niya lang sa kanyang bibig ang bibig ng baso na ginamitan ng damit ni Daniel? “Sa iyo na ito.” At iyong mismong wine glass na nga ang iniabot niya rito. 

Si Alden naman ay nakayuko na at mukhang hindi na rin kinaya ang antok dahil sa kalasingan. Kahit amoy alak ang mga ito ay pagtitiisan ni Maliyah kaysa naman pagsasampalin ang sarili sa kwarto dahil sa nangyari. 

She opened the wine glass using her hand. Maliyah used to open it with her hands when she had to drink alone in a secluded area before. Minsan ay ngipin na lang din at wala namang nakakakita sa kanya. 

“Uminom ka, Daniel,” utos niya habang nilalagyan ng wine ang wine glass nito. “Samahan mo `ko at ngayon lang ako iinom ng may kasama,” litanya niya na mukhang wala ring kwenta dahil hindi na sumasagot ang lalaki. Nasa ibabaw na ng mesa ang noo nito at humihilik na rin. 

“Alden…” tawag niya sa isa. Baka sakaling magising pa ito. “Alden, si Maliyah ito,” aniya at totoo nga! Nag-angat ng mukha si Alden ng nakangiti pa. “Samahan mo `kong uminom.” Nilagyan niya rin ng wine ang baso nito. 

“Ang ganda mo, Maliyah. Can you just like me back?” tanong ng lalaki na pumupungay ang mga mata. Pulang-pula na rin ang mukha. 

Maliyah laughed at his question. “May pera ka ba?” biro niya sa lalaki. Ang buong akala rin niya kasi ay nagbibiro ito nang sabihin ni Daniel na may gusto ito sa kanya. 

“I own the restaurant. I have money.” 

Nagtaka siya ng bahagya. “You mean, Jake’s restaurant?” tanong niya para makasiguro. 

Umiling si Alden. “No. It is my restaurant. Jake has no job, babe.” Akmang magtatanong pa siya nang tuluyan na ring makatulog si Alden. Hindi kaya nananaginip ito? But why would he speak about it? And drunk people speak the truth. 

May dumagdag nga sa isipin niya ngayon. “This is insane,” bulong niya at tinungga ang wine na nasa wine glass ni Alden.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status