Share

Chapter 10

Dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Katie. Sinalubong siya ng puting kisame at matinding liwanag. Muli niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdam ang paligid.

Naramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang pisngi, kaya muli siyang nagmulat ng mga mata. Pagtingin niya sa kaniyang tabi ay naroon ang isang napakagandang batang babae. Nasa may ilong na niya ang kamay nito at nilalaro iyon.

Napakunot ang noo niya.

Anghel ba ang nakikita niya? Nasa langit na ba siya? Sunod-sunod na tanong niya sa sarili.

Ngunit ngumiti ito nang makitang gising na siya. Pagkuwa’y nagsalita, “Hi! Are you okay?”

Nakahinga siya nang maluwag. Buhay pa siya. Wala naman kasing anghel na marunong mag-English.

Hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Katie, anang isang tinig sa kaniyang isipan.

Pero muling nagsalita ang bata. “Are you hungry?”

Napakurap siya. Hindi nga siya nananaginip. Totoong buhay pa siya.

Bahagya siyang tumango rito. “Water, please. . .” sagot niya.

Kinuha naman ng bata ang tubig sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status