Share

CHAPTER 9

Author: GirlonFire28
last update publish date: 2025-08-07 13:12:45
AMAYA'S POV

MAGKAHALONG KABA, EXCITEMENT, at takot ang nararamdaman ko habang patungo sa korte. Dumating na kasi ang araw ng paghahatol kay Anthony at ngayon na 'yon.

At kagabi pa lamang ay ganito na ang nararamdaman ko. Halos hindi ako napagkatulog kagabi, nagdasal ako nang nagdasal na sana'y makamit namin ang tamang hustisya. Ang tamang hatol dahil nakakapagod na rin 'yong pakiramdam na araw-araw kang nag-aalala para sa lalaking mahal mo.

At kanina nga ay dumaan muna kami ni Pat sa si
GirlonFire28

Happy reading po! Salamat sa inyong lahat! Pa-rate naman po NG story nila fir retention na rin. Salamat po

| 50
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Agnes Abella Pera
ms A complete n po b xia sa GN?
goodnovel comment avatar
Mangadlao Molito Maryjean
thankyou po author
goodnovel comment avatar
Pierre Cario
ang ganda.thanks Ms a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 7

    NATAWA NANG MAHINA si Aya nang makita ang asawa na tulog na tulog sa kanilang kama. Katatapos lamang niyang maligo dahil ungot nang ungot ng sexy time ang kaniyang asawa. Pauwi pa lamang sila kanina mula sa hospital ay wala na itong ginawa kundi ang harutin siya sa loob ng sasakyan. At sino ba naman siya para pahindian ang naglalambing na asawa. Kaya pagdating nila sa mansiyon, kaagad siyang naligo. Wala, eh. Excited rin siya. "Nagsabon pa naman ako nang maige para mabango tapos iyon pala, tutulugan lang ako." Napapangiti niyang nilapitan ang asawa. "Ang yabang mong magyaya tapos tutulugan mo lang pala ako. Paasa ka, ha." Pagbibiro niya, saka masuyong hinaplos-haplos ang mukha ng kaniyang asawa. "Bakit ba sobrang guwapo mo, ha? Wala na. In love na in love na naman ako sa 'yo." Iyong asawa na niya ito, pero sa tuwing tinititigan niya ito, kinikilig pa rin siya. Ang guwapo naman kasi talaga nito. Kahit pagod, puyat at stress, hindi halata. Mahahalata lang na pagod talaga ito ngayon

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.2

    "Wala akong magagawa para sa mama mo, Verlyn." Iyon lang at iniwan na niya ito. Pero hinabol siya ni Verlyn. Halos magnikluhod na ito sa kaniya. "Verlyn, tumayo ka. Huwag kang gumawa ng eksena rito--""Aya, please? Hindi ko hinihiling na tulungan mong makalaya ang kapatid ko...ang hinihiling ko lang, tulungan mo 'kong makita niya si mama bago man lang mawala. Please? Please, Aya. Please." "Tapos na kayong maging parte ng buhay ko. Matagal na. So kung anuman ang nangyayari sa inyong pamilya ngayon, labas na ako riyan." "Aya..." "Excuse me." Binaklas niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya, saka ito iniwang nakaluhod sa hallway ng hospital. Malayo na siya nang lingunin niya si Verlyn. Nakatayo na ito, pero nakatingin pa rin sa kaniya. Napailing siya, saka muling naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Oo, matagal na siyang nagpatawad sa mga taong sinubukan siyang sirain, pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimot na siya. Napabuntong-hininga siya, saka napangiti. Hin

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.1

    "MA, KAYO PO MUNA ULIT ANG BAHALA SA KAMBAL, HA?" Bilin ni Aya sa inang si Julie dahil pupuntahan niya sa hospital ang asawa. Dadalhan niya ito ng niluto niyang pagkain. Limang araw na itong nagbabantay sa ama sa hospital. Hindi niya ito mapauwi para magpahinga at matulog dahil ayaw iwan ang ama roon. Kaya halos araw-araw, pumupunta siya sa hospital para dalhan ito ng pagkain at pamalit na damit. At siyempre, para na rin tingnan ang lagay ng kaniyang byenan. At nagagawa niya iyon dahil sa suporta ng kaniyang ina na hindi na rin umalis ng mansiyon para bantayan ang kambal nila ni Nick. "Thank you so much, Ma, ha?" Muli niyang pasalamat sa ina, saka naglalambing na yumakap. "Oo naman, Anak. Huwag mo na munang isipin ang kambal, kami muna ng papa mo ang bahala sa kanila. Samahan mo na lang muna ang asawa at byenan mo roon," ani Julie sa anak. "Salamat po, Ma. Sobra. Sobrang laking bagay po sa akin na nandito kayo para sa kambal. Hindi ako nag-aalala na iwan sila rito. Kaya salamat p

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.2

    "Hindi ka na galit sa kaniya?" Tumango siya. "Talaga? Pinatawad mo na ang daddy mo?" Paniniyak nito. "Yes, Mom. Mahal ko pa rin pala siya at hindi ko siya kayang makitang ganito ang sitwasyon." "Oh, anak. Thank you." Yumakap sa kaniya ang ina, niyakap niya ito pabalik. Mas mahigpit. Matagal. "Matutuwa ang daddy mo kapag nalaman niyang hindi ka na galit sa kaniya, anak." Sabi ng kaniyang ina pagkatapos nilang bumitaw sa isa't isa. "Gagawin natin ang lahat para gumaling pa si Dad, Mom. Hindi namin kayo pababayaan." "Salamat, anak. Salamat sa inyong mag-isa." Hinawakan nito ang kamay nilang dalawa ni Aya. "Salamat dahil nandito kayo. Gustong-gusto kong ipaalam sa inyo ang tungkol sa lagay niya noong isinugod ko siya ng hospital, pero ayaw niya. Pasensya na kayo na hindi ko sinabi." "It's okay, Mom." "Alam na rin ba ng kapatid mo?" "Yes, Mom. On the way na rin si Kuya Nicholai papunta rito." Muling tumulo ang luha ng mommy niya. "Matutuwa ang daddy n'yo kapag na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.1

    SOBRANG BIGAT ng pakiramdam ni Nick nang mga sandaling iyon. At kung wala sa tabi niya ngayon ang asawa, hindi niya alam ang gagawin. Akala niya, hindi na lalambot ang puso niya para sa sariling ama, nagkamali siya. Dahil nang makita niya ang ama kanina na tila wala ng buhay, sobrang sakit ng naramdaman niya. Ni hindi niya kinayang makita nang matagal ang ama. Lumabas agad siya. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang makita nang matagal na nasa gano'n itong sitwasyon. Masakit. Nagsisisi siya na umabot pa sa ganito bago niya na-realize na sa kabila ng mga nangyari, mahal pa rin niya ang ama. Aya's right, hindi perpekto ang kaniyang ama, pero minahal siya nito. Masakit. Sobrang nasasaktan siya ngayon para sa ama. Lalo na ng marinig ang kuwento ng doktor nito na mag-isang nagpapa-check up at nagpapa-chemo ang daddy niya. Napaiyak siya. Dahil hindi lingid sa kaniya na noong nasa hospital siya, palaging naroon ang daddy niya. Hindi lumalapit dahil alam na galit siya, pero ito hindi um

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 4.2

    ALAS SAIS ng umaga, sakay na silang mag-anak sa helicopter patungo sa Isabela. Habang nasa himpapawid, doon muling nakaramdam ng kakaibang kaba si Aya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Sinulyapan niya ang asawa, seryoso ito sa pagpapalipad ng helicopter. Pagkalipas ng ilang sandali, nasa malawak na bakuran na sila ng mansiyon ng mga magulang ni Nick. Katahimikan ang unang sumalubong sa kanila pagpasok ng mansiyon. Ang ganda ng mansiyon, pero ramdam niya ang lungkot niyon. Pagkatapos niyang igala ang tingin sa mansiyon, tiningnan niya si Nick. Nasa mga mata nito ang lungkot at pangungulila. Alam niyang bago siya dumating sa buhay nito, ang mansiyong ito ang naging tahanan niya. Na sa tuwing pagod na ito sa magulong mundo ng Maynila, dito ito umuuwi para magpahinga. Para huminga. Tahanang ilang taon nitong hindi inuwian dahil sa away nilang mag-ama dahil sa kaniya. Dahil sa pagdating niya sa buhay ni Nick. Malungkot siyang napangiti dahil alam niyang na-miss nito ang tahan

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 92 PART 2

    "Huwag kang mag-alala, magising lang si Nick, ako naman ang babawi sa 'yo. Hindi ako papayag na hindi ka magkaroon ng sariling happy ending." Pangako niya rito nang maghiwalay silang magkaibigan. "Don't worry about me, besh. Makita ko lang na may happy ending ka, happy na rin ako." Naputol ang p

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 75

    KAHIT NAKATUNGO si Nick, ramdam niyang kanina pa siya pinagmamasdan ng mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang pinagdadaanan niya. Kung sino ang nagsabi kina Michael at Warren, hindi niya alam. Basta simula nang malaman ng dalawang kaibigan niya ang nangyayari sa kan'ya,

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 74 PART 2

    WALANG sinayang na sandali si Nick. Sakay ng motorsiklong binook ay pinuntahan niya ang address na sinabi sa kan'ya ng pamangkin. "Anong ginagawa ni Rome sa lugar na ito?" Kinabahan si Nick para sa pamangkin dahil sa pagkakatanda niya, ang lugar na tinutumbok niya ay ang dating kalamig ng daddy

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 68 PART 2

    Nakuyom ni Nick ang mga kamao nang makita na may tinawagan si Anthony. Hindi rinig sa audio ang sinasabi nito kaya hindi niya alam kung sino ang tinawagan nito. Gustong-gusto niyang i-fast forward ang video, pero hindi niya magawa. Gusto niyang makita ang lahat ng mangyayari sa loob ng kuwartong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status