2 weeks later...October 21. Ito 'yong araw na kumukulong ako sa kwarto ko. Ito 'yong araw na umiiyak ako sa unan ko. Ito 'yong araw na sana ay pinakamasayang araw sa bawat taon ng buhay ko pero naging araw para masaktan ulit ako. At 'yong araw na'to..ay kaarawan ko. Naglalakad ako sa plaza habang may dala-dalang bulaklak. Wala na masyadong tao rito dahil maghahapon na. Ang ganda ng paligid maraming puno at may play ground pa para sa mga bata. Sakatunayan masaya tingnan ang paligid pero ito ako ngayon pinipigilan na lumuha. Birthday ko ngayon pero hindi ko magawang sumaya. Ito rin kasi ang araw na kinuha sa akin ang taong nagmahal sa akin at nagpalaki sa akin mula ng iwan ako ng mga magulang ko. Sa birthday ko namatay ang lola kong nag-alaga sa akin mula ng maliit pa lang ako. Ito 'yong lola ko sa side ng mama ko. Kaya tuwing sasapit ang araw na ito hindi ko magawang magdiwang. Naupo ako sa upuan malapit sa malaking puno at napasandal roon. Napatingin ako sa kalangitan na unti-unti
Gianna's POV "Nagugutom na ako" "Gutom na gutom na talaga ako""Hayst. Kanina pa ako nagugutom--" Inis kong binalingan ang pinsan kong kanina ko pa naririnig na panay reklamong gutom na raw sya. "Ano ba! Kung gutom ka kumain ka hindi 'yong binubwesit mo ako dito. Tabi nga," inis kong saad sabay kuha ng papel na chini-check ko na hawak nya. "Eh bakit kasi ang tagal mo. Kanina pa kaya 'yong lunch. Tara na kasi nagrereklamo na mga alaga ko sa tyan eh," reklamo nito ulit. "Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ako ha? Marunong naman akong mag-lunch magisa. Tsaka malapit na 'to ilalagay ko lang sa mga folder," ani ko."Lahat 'yan? Eh sa tambak 'yan ah baka bumalik na mga kasama natin hindi ka pa tapos dyan," ani nito saka tumayo sa harapan ko. "Eh anong magagawa ko. Iisa-isahin ko pa ito mamaya ilalagay ko lang muna sa mga lalagyan para hindi ako mahirapan." Pagkatapos ay isa-isa ko itong nilagay sa mga folder. "Ano ba kasi 'yan?" Kinuha nya sa akin 'yong isa at binasa. "Ha? Ano gagawin m
3 Days Later...Francis POV"Daddy Francis look oh may drawing ako," Biglang lapit ni Xai sa akin sabay pakita ng drawing nyang babae at lalake na magkatabi. "Wow. Sino sila baby? Si Kuya mo at ikaw?" tanong ko sabay pisil ng pisngi nito na ikinahagikhik nya. Pagkatapos ay umiling ito. "No po," sagot nya. "Oh? Eh sino 'yang nasa drawing mo?" tanong ko ulit sabay tingin sa guhit nya. "You and your girlfriend po," inosente nyang sagot na ikinatigil ko. Ilang segundo lang bago ako natawa sa sinabi nya. Ginulo ko ng kaunti ang buhok nito."Baby Xai, saan mo naman nakuha 'yan? Daddy Francis does not have one yet." Umiling ito. "Diba that girl we saw earlier is your girlfriend? The way she talks to you isn't formal at all then she also takes care of you and me and kuya," ani pa nito. Napangiti na lang ako. "No baby that's Tita Gianna. She's not my girlfriend and she takes good care of me because that's part of her work. She works for me," paliwanag ko at nahalata ko ka agad na wala itong n
Nagising ako dahil sa masakit sa mata na sikat ng araw na nangggaling sa nakabukas na bintana. Bumangon ako at napaupo sa kama. Nakatulog ba ako? Teka sandali! Napatingin ulit ako sa labas ng bintana at doon nga bumungad sa akin ang mataas ng sikat nga araw. Patay! Umaga na! Ka agad kong hinanap ang cellphone ko at nang mahanap ito ang bumungad kaagad saakin ay ang 26 missed call ng pinsan ko. Ka agad akong tumayo. Natataranta kong hinanap ang bag ko. Papalabas na sana ako ng kwarto nang mapatigil dahil ngayon ko lang napansin na nagiisa na lang ako dito. Nilibot ko ang paningin sa pagkalawak-lawak ng kwartong ito pero hindi ko manlang mahagilap ang mukha ng boss ko. Asan na 'yon? Hindi kaya iniwan na nya ako dito? Pero may sakit 'yon ah. Dali-dali akong bumaba ng hagdan pero may kung anong nakakagutom na amoy ang nagpatigil sa akin. Sininghot ko ito. Shit. Amoy bagong lutong bacon! Sinong nagluluto ng bacon? Nagutom ako bigla. Tumuloy ako sa pagbaba at sinundan ang sobrang sarap sa
Kakabalik ko lang sa trabaho at tinambakan na ka agad ako ng mga gagawin. Pakiramdam ko natulog lang ako ng limang minuto tapos pagkagising ko lunes na ka agad. Walang pinagkaiba noong mga panahong nagaaral pa ako at ngayon sakay ng jeep at dala-dala ang blueprint na kailangan kong ipa-check sa boss kong may sakit daw kaya hindi makakapasok sa office, kaya eto ako ngayon. Ako na maga-adjust. Syempre pupuntahan ko sya kung saang planeta man 'yon nakatira at walangya mukhang nagsisisi yata ako na hinanap ko pa ang bahay nya. Sobrang layo pala at dalawang sasakyan pa ang pinarahan at sinakyan ko bago ako nakarating sa subdivision nila. 'Yong guard na matandang lalake ka agad ang bumungad sa akin."May kailangan po ba kayo, miss?" tanong nito. Sumilip naman ako sa may gate, nagbabakasakaling makita ko man lang si Francis pero wala eh kaya lumapit na ako kay manong guard at nagtanong. "Ah dito diba nakatira si Francis Locan?" tanong ko sabay silip ulit. "Ah si sir Francis. Bakit anong kail
Hindi ako mapakali sa suot ko habang nakaupo dito sa jeep. Ang iksi-iksi kasi tapos halos lalake pa ang kasabayan namin dito sa jeep. Papunta na kami ngayon sa birthday party ng kaibigan namin. Kanina ko pa nga napapansin ang kakaibang tingin ni kuya sa akin naaharap ko sa jeep. "Bhe malayo pa?" inip kong tanong sa pinsan kong nagre-retouch pa. Sumilip naman ito sa bintana bago bumalik sa pagre-retouch. "Malapit na. Ano bang minamadali mong babae ka." Ibinalik nito ang gamit sa dala nyang maliit na bag. " Iyong regalo ha baka makalimutan." Ipinakita ko naman kaagad ang regalo na yakap-yakap ko. Maya-maya pa ay huminto na ang jeep sa pintuan ng malaking gate. Pagkababa nag-retouch muna ako bago sinakbit ang bag. 5:30 na ng hapon at alam naming 30 minutes late na kami sa party. "Ang gara talaga dito. Last time kong pumunta dito hindi naman ganito kalaki 'yong gate ah." Hindi ko maiwasang magkumento sa paligid ng makapasok kami at makilala ng guard. "Eh kasi nga mayaman na may datong,