Home / Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 37: Birthday

Share

Chapter 37: Birthday

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-06-15 15:06:45

GIANNA'S POV

Napakunot ang aking noo nang mapansing sobrang busy ng mga taong dinadaanan ko. Halos hindi sila magkalauga sa kakalabas pasok.

"Anong meron?" tanong ko sa sarili.

"Birthday ngayon ni Mr. Locan," Biglang sulpot ni Ms. Gada sa likuran ko na ikinagulat ko. "Ho? Birthday nya?" Naitanong ko na lang. Napaikot naman ito ng mata sa akin. "Ay bakit hindi mo alam? Diba ubligasyon mo yan kasi secretarya ka?" sarkastiko nitong sagot sa akin. Napilitan na lang akong ngumiti. Sabi ko nga.

Umalis na ito sa harapan ko pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa masalubong ko si Gael.

"You're late! How dare you! Unprofessional!" galit na sigaw ng pinsan ko sa akin na ikinagulat ko. "Problema mo?" tanong ko rito. "Hehe ina-advance ko lang yung sasabihin ni sir Locan. Birthday nya kasi ngayon," makahulugan nitong ani. Napatigil naman ako sa paglalakad. Ano daw?

"Ha? Eh ano naman ngayon kung birthday nya?" tanong ko rito.

"Alam mo kasi pinsan..." Hinila ako nito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 38: Birthday cake

    Halos malaglag sa sahig ang bibig ko sa nadatnan ko. Wow. Ano to? Anong meron? Bakit ang daming ilaw at palamuti sa paligid? Hindi ko maiwasang mamangha habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Sobrang ganda.Sobrang dami ng mga ilaw na nakasabit sa paligid na nagbibigay ng liwanag. May tatlong balloons rin na lumulutang na alam kong helium yung hangin sa loob. Nakasabit ito isa-isa sa bakal na dinadaanan ko. Nagulat pa ako nang mapansin ang table na nakaayos sa pinakagitna. May kandila pa ito sa ibabaw ng mesa at mapapansin ang bulaklak na daisy sa gitna nito."Anong meron?" tanong ko sa sarili ngunit nasagot yata lahat ng katanungan ko nang may taong bigla na lang yumakap sa akin sa Likuran. Ipinatong nito ang ulo sa balikat ko saka niyakap ako nang mahigpit."Happy birthday to me," aniya. Hindi katulad kanina ay mas naging kalmado na ang boses nito. Tipong bumalik na ito sa dati. "A-ano 'to?" tanong ko ulit. " Do you like it?" tanong nya pabalik. "Teka nga...surpresa mo ba

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 37: Birthday

    GIANNA'S POVNapakunot ang aking noo nang mapansing sobrang busy ng mga taong dinadaanan ko. Halos hindi sila magkalauga sa kakalabas pasok. "Anong meron?" tanong ko sa sarili. "Birthday ngayon ni Mr. Locan," Biglang sulpot ni Ms. Gada sa likuran ko na ikinagulat ko. "Ho? Birthday nya?" Naitanong ko na lang. Napaikot naman ito ng mata sa akin. "Ay bakit hindi mo alam? Diba ubligasyon mo yan kasi secretarya ka?" sarkastiko nitong sagot sa akin. Napilitan na lang akong ngumiti. Sabi ko nga. Umalis na ito sa harapan ko pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa masalubong ko si Gael. "You're late! How dare you! Unprofessional!" galit na sigaw ng pinsan ko sa akin na ikinagulat ko. "Problema mo?" tanong ko rito. "Hehe ina-advance ko lang yung sasabihin ni sir Locan. Birthday nya kasi ngayon," makahulugan nitong ani. Napatigil naman ako sa paglalakad. Ano daw?"Ha? Eh ano naman ngayon kung birthday nya?" tanong ko rito. "Alam mo kasi pinsan..." Hinila ako nito

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 36: Band aid

    Tinggal ko ang isa pang takong ng sandalyas ko at magkapares itong isinuot. Inayos ko muna ang sarili bago napagpasyahang pumasok sa loob. Nagmamadali kong nilapitan ang dalawang bata. Umiiyak ang batang babae habang inaalo naman ito ng kanyang kuya. Ang cute."Hello," bati ko. Napalingon naman sila ka agad pati na rin yung babaeng police. "Ikaw ba ang nanay nila?" tanong sa akin ng babaeng police. "Grabe ka sa nanay ha! Bata pa po ako! Ito naman nakaka-offend ka ha!" Kunwaring inis ko dito. "Kaibigan lang ako ng kuya nila. Um...future jowa in short," dugtong ko. "Pasensya na pero kung hindi ikaw ang guardian nila ay hindi ka namin hahayang kunin na sila dito. Tawagan mo na lang ang magulang nila," ani nito. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Medyo na hurt ako do'n ah."Grabe ka naman po. Hindi ko naman sila ki-kidnap-in. Ito naman..tsaka tinawagan ko na yung kuya nila. Paparating na yun," ani ko, tumango na lang yung police. Yumuko ako para pumantay kami ng batang babae."Paparatin

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 35: Her POV

    GAEL'S POVKaka-uwi ko lang galing sa trabaho at naisipan kong tumbay muna sa bakery ni manong Kaloy. Sobrang sarap ng pandesal nila dito kaya lagi akong tumatambay dito eh. Pumasok na ako at pumila para makabili. Yayain ko kayang kumain dito si Gianna. Total parang hindi na kami lumalabas na magkasama. Pa'no ba naman kasi sobrang busy. Halos nga hindi na kami sabay umuwi kasi minsan nahuhuli na sya ng labas. Pero ang pinagtataka ko talaga eh kung bakit sya sinundo ni sir Locan gamit ang sasakyan nito noong anniversary ng kompanya. Akala ko talaga ihahatid lang sya pauwi pero sabi ng mga kasama nya sa apartment ay hindi na raw ito umuwi. Nagtataka tuloy ako kung saan sila pumunta.Nararamdaman ko talagang may inililihim yang babaeng yan sa akin eh. Nasa kalagitnaan ako nang pagiisip nang may kumalabit sa akin. Bumaba bigla ang tingin ko sa batang babae na kumalabit sa akin. Tumaas ang kilay ko nang mapamilyaran ito. Saan ko nga nakita itong batang 'to?"Can you move aside?" utos nya

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 34: Elevator

    1 week later..."Coffee?" Ipinatong ko sa harapan nya ang kapeng tinimpla ko. Ngumiti naman ako ito sa akin bago sinimsim ang kape. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan syang umiinom. "Stop it, babe," ani nito bigla na nagbalik sa akin sa realidad. Napa-ayos ako ng tayo. "H-ha?" Hindi ko alam kung bakit nanginig ang boses ko. Ngumisi ito saka ipinatong sa mesa ang kape. Sumandal ito sa upuan nya saka pinagkrus ang braso bago nakangising tumingin sa akin. "Why? Don't you like it? Babe?" ulit nya pa."T-tumigil ka nga!" Hindi naman ako naiinis talaga. Hindi lang ako sanay na tawagin nya akong gano'n. Tsaka isa pa hindi ko na yata maitago ang pamumula ng pisngi ko. Tumawa ito na mas lalong kinainis ko. Pero ikinagulat ko pa nang bigla nito akong hilahin dahilan upang mapa-upo ako sa lap nya. Aalis sana ako ng ikulong nya ako sa braso nya. "Babe..." Mahina nyang ani. Bigla akong nahiya kaya hinampas ko ang braso nito. "Tumigil ka," banta ko dito pero ang walang hiya tinawanan lang

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 33: Mine

    Umaga na halos natapos 'yung buong party at ngayon ay papalabas na ako ng entrance. Maghahanap na lang seguro ako ng masasakyan pauwi. Ewan ko lang kung may dadaan pa. Sinundan ko ng tingin ang itim na sasakyan na paparating sa kinatatayuan ko. Huminto ito mismo sa harapan ko at biglang bumukas ang pinto. Kasunod nito ang kamay na nag-aalok sa akin pasakay. Napangiti na lang ako saka tinanggap ito. Matapos yun ay umandar na papaalis ang sasakyan. Dinadalaw na ako ng antok kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko. Nang maramdaman ko ang mainit nitong palad na dumapo sa kamay ko. "Would you mind crashing to my place?" tanong nya. Tumango na lang ako. Dahil sa antok hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. May nainom rin kasi ako kaya dumagdag iyon sa pagbigat ng mga mata ko hanggang sa nakatulog na nga.Ilang minuto lang ang nakalipas nang magising ako dahil naramdaman ko nang bumukas ang pinto, pero wala akong lakas para imulat ang mga mata. Naramdaman kong bumaba ang kasama k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status