Share

MY SWEET SADIST HUSBAND
MY SWEET SADIST HUSBAND
Author: Monique Albatross

CHAPTER 1

“WHO told you na puwede kang umalis ng bahay ko ng ’di nagpapaalam sa ’kin, huh?” galit na sigaw ni Hector habang nangigigil itong nakahawak sa baba ng kawawang asawa.

Hilam naman ng luha ang buong mukha ni Pipay habang takot na nagmamakaawa siya sa kaniyang asawa, ngunit ayaw naman siyang pakinggan nito. “Sorry! L-Lumabas lang naman ako para magpahangin,” aniya habang panay pa rin ang hikbi. “Nasasaktan na ako!” Nahihirapang pagsusumamo niya rito habang nakahawak din sa kamay ng asawa.

Ngunit mayamaya ay napadaing siya nang husto nang sabunutan nito lalo ang kaniyang buhok kung kaya’t napatingala siya rito.

“I own you. No one else can own you but me. Do you understand? Kapag nalaman kong nakikipagkita ka sa lalaki mo, mapapatay kita.” Galit na banta nito sa kaniya.

Dahil sa takot at sa galit na nakikita niya sa mga mata ng asawa ay napatango siya nang sunod-sunod dito bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito.

Padabog naman siyang binitawan ni Hector kaya napasubsob siya sa carpet ng sahig. Pagkatapos ay agad din siya nitong nilisan sa sala at pumanhik sa kuwarto nito. Naiwan siyang durog at humihikbi habang yakap-yakap ang mga tuhod, habang nakahiga sa sahig.

Dalawang taon na silang kasal ng kaniyang asawa at dalawang taon na rin siyang nagtitiis sa pananakit nito sa kaniya. Wala naman siyang magawa at hindi siya makalaban dito dahil baka nga totohanin nito ang banta sa kaniya na papatayin siya nito. Kahit gustuhin man niyang tumakas, pero hindi rin niya magawa. Marahil nga’y ito na ang kapalaran niya! Ang makulong sa mga kamay ng isang Hector PenaVega. Ang habang-buhay na magdusa sa pananakit nito sa kaniya!

“Wake up!”

Agad namang naalimpungatan si Pipay nang marinig niya ang boses ni Hector. Tinadyakan pa siya nito kaya napadaing siya nang tumama ang paa nito sa dibdib niya.

Nakatulog na pala siya sa carpet habang masaganang umiiyak kagabi dahil sa pananakit ng asawa sa kaniya.

Ayaw niya ng umiyak dahil sanay na siyang ganoon ang set-up nilang mag-asawa sa loob ng dalawang taon na magkasama sila sa iisang bahay. Pero kahit ano ang pigil niya sa mga luha niya ay ayaw rin nitong paawat. Kaya nagmumukha siyang kawawa at mahina sa harap ni Hector dahil traydor din ang kaniyang mga luha!

Mahapdi at namamaga ang mga mata, at kahit matamlay ang buong katawan ay pinilit niya pa ring bumangon sa carpet dahil ayaw niyang magalit muli sa kaniya si Hector.

“Damn this life!”

Dinig niya ang sigaw nito mula sa kusina kasunod ang pagkalampag ng mga gamit at nabasag iyon. Takot naman siyang nagmadaling pumasok sa kusina.

“What are you waiting for? Are you just going to stand there? Late na ako sa trabaho ko pero wala ka pang naluluto na pagkain ko. Buwesit na buhay ’to!” Galit na sigaw nito ’tsaka ito naglakad palapit sa kaniya habang nakatayo siya sa gilid ng pintuan.

Tiim-bagang at matalim na tingin ang ipinukol nito sa kaniya. Kaagad naman siyang nagbaba ng mukha dahil sa takot niya rito.

“Buwesit!” Mariing saad pa nito at bigla siyang itinulak na naging dahilan upang mapasandal siya sa nakapinid na pinto.

Mayamaya, nang makalabas sa kanilang bahay si Hector ay narinig na lamang niya ang pag-alis ng sasakyan nito sa garahe. ’Tsaka lamang din niya naramdaman ang sakit ng kaniyang likod na tumama sa doorknob.

Hawak-hawak ang baywang ay nagsimula siyang maglakad paakyat sa sariling kuwarto. Nang makarating doon ay umupo siya sa gilid ng kama habang patuloy na iniinda ang sakit ng likod niya.

Hanggang kailan kaya matatapos ang pagdurusa niya sa piling ng asawa? Hanggang kailan kaya mapapagod si Hector na saktan at sigawan siya? Hanggang kailan kaya ito mapapagod na parusahan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa? Kung alam niya lang sana noong una pa lang na magiging ganito ang buhay niya kasama si Hector, sana una pa lang ay hindi na siya pumayag na magpakasal sa lalaki. Ngunit sadyang nasa huli nga talaga ang pagsisisi at ngayon ay sobra niya iyong dinadamdam sa sarili.

Tahimik siyang muling napaluha habang iniinda ang sakit at pigtahi sa puso niya; ang bigat na nararandaman sa puso niya na parang wala ng katapusan.

“KUMUSTA kayo rito ng asawa mo anak?”

Tanong kay Pipay ni Emilio, ang ama ni Hector nang minsan ay dumalaw ito sa bahay nilang mag-asawa.

Tipid siyang ngumiti sa matanda. “Okay naman po kami rito, dad,” sagot niya at kaagad na nag-iwas ng tingin dito.

“Mabuti naman kung ganoon! Ang akala ko kasi ay ganoon pa rin si Hector kung makitungo sa ’yo,” sabi nito at ngumiti rin sa kaniya nang pinilit niyang sulyapan ito. “Basta, kung may problema rito sa inyo ay huwag kang mahihiya na lumapit sa ’kin, okay?” turan pa nito.

Tumango naman siya bilang tugon dito. Oh, God! Gusto niyang sabihin dito ang totoo tutal at ramdam naman niya ang pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kaniya bilang asawa ng anak nito. Pero sa tuwing maaalala niya ang banta sa kaniya ng kaniyang asawa’y napanghihinaan siya ng loob na magsumbong dito.

Subukan mong magsumbong kahit kanino o lalo na sa papa ko. Malilintikan ka talaga sa ’kin.

Iyon ang laging binibitawan na banta sa kaniya ni Hector sa tuwing dadating ang ama nito sa bahay nila upang bisitahin silang mag-asawa.

“Huwag po kayong mag-alala dad, wala naman po kaming problema rito ni Hector. Masaya po kami.” Kahit labag sa kalooban niya ang magsinungaling at lalo na ang bigkasin ang mga katagang iyon.

“Good to hear that, Peppa!” Ani nito at masuyo pang hinaplos ang kaniyang balikat. “Well, anyway, mauuna na rin ako at may kailangan pa akong asikasuhin sa opisina. Like what I have told you, don’t hesitate to call me if you have a problem, okay?” saad pa nito sa kaniya bago tuluyang nagpaalam.

Inihatid pa ito ni Pipay sa labas ng gate nila bago siya bumalik sa loob ng bahay at ipinagpatuloy ang kaniyang paglilinis. Ganoon naman talaga ang set-up ng araw-araw na buhay niya magmula nang ikasal sila ni Hector. Bawal siyang lumabas ng bahay kung kaya’t ang paglilinis na lang ng bahay nila ang pinagkakaabalahan niya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkabagot niya!

Lumaki siya sa bahay-ampunan at tanging mga madre lamang ang nagpalaki sa kaniya. Ni hindi alam ng mga ito kung sino ang totoo niyang mga magulang. Basta na lang daw siya nakita ng isa sa mga madre ng bahay-ampunan na nakahiga sa labas ng gate. Pinag-aral at ibinigay ang pangangailangan niya. Minahal na parang isang tunay na anak at napuno ng pagmamahal ang buong pagkatao niya mula sa mga madreng umaroga sa kaniya.

“DAMN! Where are you, woman? Bakit ang dilim dito?”

Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Pipay nang mula sa sala ay narinig niya ang galit na boses ng kaniyang asawa. Galit na naman ito, karaniwan na sa araw-araw na ginagawa nito sa kaniya.

“S-Sorry! Nakalimutan ko lang. Nakaidlip kasi ako,” nauutal at kinakabahan pang sabi niya nang makababa na siya sa sala at hinarap ang asawa. Mula sa kinatatayuan niya ilang hakbang ang layo kay Hector, amoy na amoy niya ang alak na ininom nito kanina maging ang amoy babaeng pabango na dumikit sa katawan at damit nito. Kitang-kita niya rin ang lip stick na naiwan pa sa leeg nito.

Mayamaya, matalim na titig ang ipinukol sa kaniya ni Hector. At dahil sa kaba at takot nang magsalubong ang kanilang paningin, kaagad na nag-iwas siya ng tingin dito.

Naglakad si Hector palapit sa kaniya. Walang paalam at nanggigigil na biglang hinawakan ang kaniyang baba kaya muli rin siyang napatingin dito.

“I want to kill you right now, you know that?” tiim-bagang na tanong nito. “But I can’t... dahil hindi ko makukuha ang mana ko sa ama kong inakit mo noon bago mo ako naging asawa.” Ani nito. At mayamaya ay bigla itong tumawa ng pagak pagkuwa’y padaskal na binitawan siya. “Funny right? Naging kaniya ka muna tapos ngayon akin ka na.” Dagdag pa nito. “Ganoon ka ba talaga kababang babae, huh?” may pang-uuyam at panlalait na tanong pa nito sa kaniya.

Hindi naman magawang sumagot ni Pipay rito dahil alam niyang oras na sumagot siya rito’y mas lalo lamang siyang masasaktan. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang magbaba na lamang muli ng kaniyang mukha at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang kaniyang mga luha na nagbabanta na naman sa sulok ng kaniyang mga mata.

Oh, God! Kahit naman sagutin niya ng katotohanan ang mga tanong nito’y hindi rin nito paniniwalaan ang mga sasabihin niya.

“Slut. Gold digger. Ikaw ’yon! Nakakadiri ka! Walang sino mang lalaki ang magkakagusto sa ’yo, tandaan mo ’yan.”

Oo, parati siyang nakakatikim ng panglalait mula sa asawa. Pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na hindi masaktan nang husto sa mga binibitawan nitong salita para sa kaniya. Kahit masakit ay tinitiis niya na lang at umaasa na balang araw ay matatapos din itong paghihirap niya sa piling ni Hector. Magwawakas din ang pighati ng kaniyang puso at kalooban.

Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang mag-asawa bago niya narinig ang mga yabag nito na umalis sa harapan niya.

“ARE YOU OUT of your mind, Pipay? Matagal na kitang sinasabihang hiwalayan mo na ’yang asawa mo. Look what happened to you? Kaunti na lang ay mapapatay ka na niya! Ano, hihintayin mo pa ba ang pagdating ng araw na ’yon? Na madadatnan na lang kita rito na wala ng buhay? God! Bakit hindi mo na lang isumbong sa Papa niya ’yang demonyo mong asawa? Or kay Sister Venice.” Lintaya ng kaniyang kaibigan na si Helga, nang minsan ay dumalaw ito sa bahay nila ni Hector.

Tutal at siya lang naman mag-isa ang tao sa bahay at nasa out of town meeting ang kaniyang asawa ilang araw na ang nakararaan.

“Helga, alam mo naman na hindi ako puwedeng mag sum—”

“At bakit hindi ka puwedeng magsumbong, Peppa?” tanong nito kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. “Kasi papatayin ka ng lalaking ’yon kapag nagsabi ka ng totoo na inaagrabyado ka niya nang husto? Na hindi lang puro masasakit na salita ang binibitawan niya sa ’yo kun’di pati ang mga ito?” muling lintaya nito sa kaniya habang ginagamot nito ang malaking pasa sa tapat ng dibdib at mukha niya.

Natahimik na lamang siya at hindi na nakuhang sumagot pa sa kaibigan. Tama naman kasi ito sa mga sinabi sa kaniya, e! Bakit siya natatakot na magsumbong sa mga magulang nila e, kung ikamamatay niya naman ang mga ginagawa sa kaniya ng walang kuwenta niyang asawa? Hahayaan niya na lang ba talaga na gawin sa kaniya iyon ni Hector? May karapatan siyang umayaw gayo’ng pagod na rin siyang masaktan! Physically and emotionally!

“Please, Pipay! Maawa ka naman sa sarili mo.” Muling saad nito. “Parang kapatid na kita kaya ’di ko matatanggap itong kalagayan mo! Hanggat nasa poder ka ng asawa mo hindi ako mapapakali.” Ani nito matapos gamutin ang kaniyang mga pasa.

“Salamat, Helga!”

“Ehemmm!”

Mayamaya’y pareho silang napalingon sa may pintuan nang marinig nila ang isang boses na tumikhim mula doon. Awtomatiko namang napatayo sa kinauupuan niya si Peppa nang makita roon ang asawa. Mababakas ang takot sa kaniyang mukha nang makita ang nandidilim na namang hitsura ni Hector.

Teka! Ano ang ginagawa nito ngayon sa bahay nila? Ang akala niya ay hindi pa ito uuwi sa ngayon? Kanina pa ba ito roon? Baka narinig nito ang mga pinag-usapan nilang dalawa ni Helga! Oh, God! Paniguradong mananagot na naman siya rito mamaya!

“Time is up, Cinderella! Go back to your room, now.” May diing saad nito ’tsaka tinapunan ng masamang tingin si Helga.

Tiim-bagang na napabuntong-hininga naman si Helga. “Go now, Peppa! Magpahinga ka na, okay?” anang dalaga bago nito dinampot ang hand bag na nasa sofa at tumayo na. “We’re not done yet, Mr. PenaVega. Once na malaman kong sinaktan mo ulit ang kaibigan ko... ako na mismo ang kakalaban sa ’yo.” Pagbabantang saad ni Helga kay Hector nang maglakad ito palapit dito.

“As if I’m scared.” Seryoso at balewalang tugon naman ni Hector.

Napatiim-bagang na lamang ang dalaga dahil sa tinuran ng lalaki. Muli itong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago muling humarap sa kaibigan. “Take care, okay? Babalik ako rito. Bye!”

Pagkaalis ni Helga ay siya rin agad ang hinarap ng galit niyang asawa. Agad siya nitong hinila sa kamay.

“H-Hector, nasasaktan ako!” habang hila-hila siya nito paakyat sa hagdan. Halos magkanda hulog-hulog pa ang mga paa niya sa bawat paghakbang niya pataas dahil sa bilis nang mga hakbang ng kaniyang asawa.

“Masasaktan ka talaga lalo sa ’kin!”

Galit na saad nito sa kaniya nang tuluyan na nilang marating ang tapat ng kuwarto nito. Agad siya nitong itinulak na naging dahilan nang malakas na pagtama ng katawan niya sa labas ng pintuan. Mayamaya pa ay nanghihina ang kalamnan at mga tuhod na napaupo siya sa malamig na sahig.

“What did I told you?” bulyaw na tanong nito sa kaniya. “Ang sabi ko ay huwag kang magpapapasok ng ibang tao rito sa pamamahay ko! Binabale-wala mo ang mga utos ko sa ’yo, huh!”

“S-Sorry! Hindi na mauulit pa.” Paghingi niya ng paumanhin sa asawa. Pero lalo lang tuloy nag-igting ang panga nito at yumuko ito at walang anu-ano’y sinabunutan siyang muli.

“Ahhh! Aray! Please, tama na! Nasasaktan na ako, Hector.” Pagsusumamo niya.

“If you do not want to be hurt, then sundin mo ang mga utos ko sa ’yo! Huwag mo akong gagalitin.” Ani nito ’tsaka siya padabog na binitawan. “Out of my sight! Now!”

Kahit nanghihina ang buong katawan ay dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig at patakbong tinungo ang sarili niyang kuwarto.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lea Tamura
hala grabe!
goodnovel comment avatar
kringss
kakainis ka hector!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status