Share

CHAPTER 5

HABANG tumatagal na nakatitig si Hector sa asawa ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman ng kaniyang dibdib. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon.

Mayamaya ay bigla siyang napailing kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Peppa, wake up!” Muli niya itong sinubukan na gisingin.

Bahagya namang nagulat si Pipay nang pagkamulat ng kaniyang mga mata ay nakita niyang hawak-hawak ni Hector ang kaniyang kamay. Napabalikwas siya nang bangon at mabilis na binawi ang kamay mula rito at umupo sa gilid ng kama. “Um, s-sorry,” aniya. “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal at kinakabahang tanong niya.

Bumuntong-hininga ulit si Hector, “we need to clean your wound. Come here at ako na ang maggagamot sa ’yo,” wika nito saka walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ng asawa at bahagyang hinila. Wala namang nagawa si Pipay kun’di ang lumapit sa kinauupuan nito. “Turn around at itaas mo ang damit mo.” Utos nito sa kaniya.

“H-Huh? B-Bakit?” kunot ang noo at nauutal na tanong niya ulit.

“Don’t ask too much, Peppa. Tumalikod ka na lang at itaas mo ang damit mo.” Naiinis na saad nito at umigting pa ang panga.

Dahil sa takot na baka biglang magalit na naman sa kaniya ang asawa ay nagmamadali nga siyang tumalikod at wala sa sariling itinaas ang kaniyang damit gaya ng utos nito sa kaniya. Kahit naiilang at nahihiya dahil ito ang unang beses na gagawin iyon sa kaniya ni Hector; iyon ang unang beses na makikita ng kaniyang asawa ang katawan niya. Katawan na minsan ay hindi naman nito pinagkainteresan; katawan na puro sugat at pasa lamang ang natatamo mula rito, wala na siyang ibang nagawa kun’di pabayaan ito na gamutin ang kaniyang sugat. Hindi niya rin naman iyon magagawa sa kaniyang sarili.

“A-Aray!” d***g niya nang makaramdam ng hapdi nang umpisahang linisin ni Hector ang kaniyang sugat. “P-Puwedeng dahan-dahan lang? Masakit kasi, e! Ang hapdi,” aniya.

Mayamaya ay naramdaman niyang hinipan nito ang kaniyang sugat. Kahit papaano ay nawala ang hapdi niyon.

Ano nga kaya ang nangyari dito at ganoon na lamang kung alagaan siya ngayon? Nakapagtataka lang kasi. Naninibago siya sa mga ikinikilos nito ngayon. Samantalang kagabi lang ay halos parusahan siya nito.

“Are you hungry?” tanong ni Hector mayamaya. “Gusto mo ba magmeryenda?” dagdag pa nito.

Bahagya siyang lumingon dito para tingnan ito. Nang makita niyang nakatingin din ito sa kaniya’y siya na ang biglang nag-iwas ng paningin dito.

“Uh, m-medyo,” sagot niya. “Pero kaya ko naman na ang sarili ko. Ako na ang bahala sa pagkain ko. Salamat!”

Hindi na sumagot si Hector, sa halip ay muling itinuloy nito ang ginagawa. Habang siya naman ay hindi pa rin mapakali ang kaniyang nararamdaman. Naiilang at nagtataka pa rin siya sa isiping ang asawa niya ngayon ang naggagamot sa sugat niya at nag-aalaga sa kaniya.

Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Mayamaya ay tumayo na si Hector sa puwesto nito.

“Okay na ’yan. Huwag ka lang gumalaw-galaw masiyado para hindi na dumugo ’yan.” Ani nito.

“S-Salamat.” Medyo nahihiya pang saad niya rito.

“What do you want to eat?” tanong nito ulit.

Nagtaas siya ng mukha para tingnan ang asawa. Saglit siyang tumitig dito. Ngunit nang makadama ng pagkailang, mabilis din siyang nag-iwas ng tingin. “H-Huwag na! Kaya ko naman ang—”

“I insist.” Ani nito. “Just tell me what you want.”

“Hindi na.” Giit niya. Pero nang muli siyang tumingin dito, isang matalim na tingin naman ang ibinigay nito sa kaniya. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang mapatango na lamang. “I-Ikaw na ang bahala,” aniya.

“Let’s go.”

Nagulat naman siya nang biglang kumilos si Hector at hawakan ang kaniyang kamay na nakapatong sa kandungan niya. Kinakabahan na napatitig siyang muli rito. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon. Malinga-lingang bawiin niya ang kamay mula rito, pero hindi niya naman magawa.

“Uh, um...”

“Teach me how to cook. Wala naman akong alam pagdating sa kusina.” Seryosong saad nito habang inaalalayan siyang makatayo mula sa kamang inuupuan niya at iginiya siya palabas ng kaniyang kuwarto.

Wala sa sariling nagpatianod na lamang siya sa asawa. Gusto niyang umalma at pagbawalan ito na hawakan siya, ngunit sa hindi malamang dahilan ay tutol naman ang kaniyang katawan maging ang kaniyang isipan. May munting pakiramdam sa kaibuturan niya ang nagsasaya habang akay-akay siya ni Hector sa kaniyang baywang. Hanggang sa kamarating sila sa kusina at inalalayan pa siya nitong makaupo sa isang silya.

“Just sit there. Ako na ang bahalang magluto. What do you want by the way?” tanong nito habang nakapamaywang sa harap niya. “Mmm! Pancake. How’s that? It’s your favorite, right?”

Bigla namang nangunot ang kaniyang noo at napatitig sa mukha ng kaniyang asawa matapos niyang marinig ang sinabi nito. Paanong nalaman ng kaniyang asawa na ’yon ang paborito niyang meryenda? Sa pagkakaalam niya kasi, mula nang magsama sila ni Hector sa iisang bahay ay hindi naman nito nakita na nagluluto siya ng gano’ng meryenda. At kung magluluto man siya ng pagkain para dito ay madalas itinatapon nito sa kadahilanang hindi raw masarap o madalas ay galit ito sa kaniya kung kaya’t nawawala ang gana nito na kainin ang mga luto niya.

“Are you okay?” untag na tanong ni Hector nang hindi siya sumagot sa tanong nito.

“Uh, o-okay lang,” sagot niya.

“Okay! Just tell me what to do first.” Kaagad din itong tumalima para asikasuhin ang mga gagamitin sa pagluto.

Ewan ba niya kung bakit lihim na nagsasaya ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon base sa mga nakikita niyang ginagawa ng asawa niya ngayon para sa kaniya. Ayaw niya mang aminin, pero ang totoo ay masaya siya ngayon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang tinatanaw ang mga kilos nito.

“Why are you smiling? Is there dirt on my face?” kunot ang noo na tanong ni Hector.

Halos mahulog pa siya sa kaniyang kinauupuan nang marinig niya ang boses nito. Dahil busy siya kakangiti sa asawa ay hindi niya na namalayan na nakatingin na rin pala ito sa kaniya.

Mabilis pa sa alas kuwatrong naglaho ang ngiti sa mga labi niya at napapahiyang yumuko para itago ang namumula niyang mga pisngi.

HINDI NA NIYA matantiya kung ilang minuto na ba siyang nakayuko roon dahil sa pagkapahiya sa asawa. Wala pa siyang lakas ng loob na muling tingnan ito. Kahit ang mag-angat ng mukha sa tuwing may itatanong sa kaniya si Hector ay hindi niya magawa.

“Shit! Does it look like a pancake? Or is it better to call them toasted pancakes?” naiinis na saad ni Hector na siyang naging dahilan upang magtaas siya ng mukha at muli itong tingnan.

Naamoy niya rin kasi ang sunog na niluluto nito. Gusto niya nga ring matawa nang makita niya ang hitsura ng kaniyang asawa. Bukod sa puro sunog ang niluto nito ay puno pa ng flour ang mukha nito. Maging ang apron na suot nito.

“I would rather lock myself in my office all day while holding my pen rather than holding this damn pan and spatula.” Magkasalubong ang mga kilay na saad nito.

Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.

“What?” inis na tanong nito nang mahuli siya nitong nakatingin dito.

“W-Wala.”

Napailing ito kasabay nang pag-igting ng panga at inis na itinapon sa kitchen counter ang hawak na pot holder.

“Magpapa-deliver na lang ako—”

“Hindi.” Agap niya rito saka bumaba sa kinauupuan at lumapit sa asawa. Kinuha niya ang plato na may lamang sunog na pancakes at dinala iyon sa lamesa. “Kaya ng pagtiisan ’to,” aniya. “Sayang naman.”

Sayang naman at ngayon niya lang ako ipinagluto, e! Sa isip-isip niya.

“Kung ayaw mong kumain sa niluto mo, ako na lang ang uubos nito.” Dagdag pa niya.

Isusubo niya na sana ang pancake nang bigla iyong agawin sa kaniya ni Hector.

“Baka sumakit pa ang tiyan mo, huwag na ’yan.” Saad nito saka hinila ang plato na nasa tapat niya at dinala iyong muli sa lababo.

“Sayang ang pagkain.” Laglag ang mga balikat at malungkot na bulong niya sa sarili.

Ngunit hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng kaniyang asawa.

“Mukha pa bang pagkain ’yon? E, sunog nga! Mag-order na lang tayo.” Ani nito at dinukot ang cellphone sa bulsa ng suot nitong walking short para mag-order ng kanilang pagkain.

“Huwag na! Ako na lang ang magluluto kaya ko naman, e!” mabilis na turan niya. “Saka... hindi naman mahirap gawin ’yon.” Dagdag pa niya at muling umalis sa kinauupuan niya. Naglakad siya palapit sa cabinet kung saan naka-stock ang flour na gagawin niyang pancake. At dahil may kataasan iyon kumpara sa height niya ay medyo nahirapan siyang abutin iyon. Tumingkayad siya para sana abutin iyon pero hindi niya pa rin makuha. Mayamaya ay nagulat na lamang siya nang biglang may isang kamay na humawak sa baywang niya habang ang isang kamay naman ay umangat papunta sa tapat ng kamay niya na nasa itaas ng cabinet. Inabot nito ang karton na kanina niya pang pinipilit abutin.

Tameme at kinakabahan na unti-unting lumingon siya sa asawa. Tinatraydor talaga siya ng kalamnan niya ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina ng katawan at nanginig ang kaniyang mga tuhod. Kung hindi nga lang nakahawak ang isang kamay ni Hector sa baywang niya at nakasandal ang likod niya sa malapad at matigas na katawan nito ay malamang bigla siyang natumba sa marmol na sahig. Halos lumundag na rin ang kaniyang puso na ngayo’y nagreregodon na naman.

Bakit ganoon ang dating at epekto sa kaniya ng kaniyang asawa? Kahit sa mumunting galaw at kilos lang nito; ang saglit na pagkakadaiti ng mga balat nila ay nagdudulot na agad sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matukoy kung ano ba talaga ang nais ipahiwatig sa kaniya.

“I’ll help you.” Anang Hector.

Pakiramdam ni Pipay ay nagtayuan ang lahat ng balahibo sa batok niya nang maramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga nito roon. Napalunok siya ng laway nang pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kaniyang lalamunan at hindi niya magawang sumagot dito.

Naramdaman pa niya ang masuyong paggalaw ng kamay ni Hector na nasa kaliwang bahagi ng kaniyang baywang. Ang masuyong pagpisil nito roon na naging dahilan para mapaiktad siya.

“I said I’ll help you. Is it okay with you?” tanong nito sa kaniya.

Wala sa sariling napatango naman siya bilang tugon sa asawa. Pakiramdam nga rin niya ay kaunti na lang madidinig na ni Hector ang malakas na pagtibok ng kaniyang dibdib sa mga sandaling iyon. Kahit sunod-sunod na ang pagpapakawala niya nang lihim na buntong-hininga ay hindi niya pa rin mapakalma ang sarili.

“O-Okay lang.”

“Let’s start then. Nagugutom na ako.” Ani nito at iginiya na siya pabalik sa lamesa.

Kahit hindi makapag-concentrate dahil nasa tabi niya ang asawa at pakiramdam niya ay tinitingnan at inaabangan nito ang bawat galaw niya na sa totoo lang ay nakakailang para sa kaniya, pinilit pa rin niya na kumilos na parang normal. Iwinaglit niya sa kaniyang isipan na nasa tabi niya ngayon ang asawa.

“Am I doing it right?” tanong ni Hector mayamaya.

“H-Huh? Uh, oo. Pero medyo haluin mo pa ng kaunti para mawala ang maliliit na buo riyan.”

“Okay.”

Ilang saglit pa ay nagpresenta ulit si Hector na ito ang magluluto. Pinagbigyan naman ito ni Pipay at ayaw niya na nang maraming usapin dahil hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib niya.

“Look! I did it.”

Nagulat pa siya nang bigla itong magsalita. Naglalakbay na naman kasi ang kaniyang utak habang pinagmamasdan si Hector.

“I did it.” Nakangiting saad pa nito. Tila nagmamalaki sa kaniya dahil sa nagawa nito. Hindi nasunog ang niluto nito ngayon kumpara kanina.

Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya kung paanong sumilay ang isang matamis at malapad na ngiti sa mga labi ng kaniyang asawa. For the first time simula nang maging mag-asawa sila ni Hector PenaVega, ngayon lamang niya nakita na ngumiti ang kaniyang asawa. Ngiti na noon pa man ay kaniya ng ipinapanalangin na sana ay masilayan niya.

Ang guwapo pala nito sobra kapag nakangiti. Ibang-iba sa Hector na nakilala niyang laging nakasigaw at nakakunot ang noo. Tila ay nanalo sa lotto ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon nang sa wakas ay natupad din ang isang hiling niya noon pa man. Ang makitang nakangiti si Hector.

Mayamaya ay natigilan din ito bigla nang mapansing nakatitig na siya rito. Naglaho ring parang bula ang ngiti sa mga labi niya nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Hindi makapaniwala si Hector kung bakit bigla na lamang siyang napangiti. Simpleng bagay lang ang nagawa niya ngayon kumpara sa mga achievements na natatanggap at nagagawa niya sa trabaho, pero heto at napangiti siyang bigla. Tila ay kay gaan ng kaniyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Lalo na at kasama niya ang asawa. Na kung minsan sa mga sandaling magkasama sila ay nahuhuli niya itong nakangiti habang nakatingin sa kaniya. Nahawa nga ata siya sa ngiti ni Pipay kung kaya’t ganoon na lang ang naging epekto nito sa kaniya.

“Nagawa mo nga!” medyo nahihiya pang saad ni Pipay.

“Thanks!” tipid na saad nito saka mabilis na nag-iwas ng tingin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Ramos
Thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status