Mag-log inWINONA'S POV "Mommy, can we visit Daddy CEO again? We miss him so much!" Napasinghap ako. Sa dami ng puwedeng itanong ng anak ko... Iyon pa talaga.Napailing ako. "Brix," mahinahon kong saway, "the company is not a place for kids. Nagtatrabaho kami roon. Busy si Sir Rafael, at busy rin si Mommy." Nakalabi si Brix. "But we won't disturb him." "Promise!" mabilis na segunda ni Bea. "We'll just sit quietly like before." Napatingin ako sa rearview mirror. Tahimik silang nakatingin kay Rafael, parehong puno ng pag-asa ang mga mata. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. "Twins..." Mahina kong tawag. "Huwag ninyong guluhin si Sir Rafael. Marami siyang trabaho." Saglit silang natahimik. Akala ko ay naiintindihan na nila pero ilang segundo lang ay muli silang nagsalita. "Then can Daddy CEO pick us up every day instead?" inosenteng tanong ni Bea. "Yes!" mabilis na dagdag ni Brix. "We miss riding with Daddy CEO." Pakiramdam ko ay gusto ko nang magtago sa ilalim ng upuan. "Bea, Brix
WINONA'S POV Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ng sasakyan ang kalsada. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang malamig na hangin mula sa air conditioner. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Hanggang sa si Rafael ang unang bumasag sa katahimikan. "So... he's your ex-boyfriend." Napatingin ako sa kanya. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa kalsada habang hawak ang manibela, ngunit ramdam kong hinihintay niya ang sagot ko. "Yes." Iyon lang ang naisagot ko. Lumipas ang ilang segundo bago siya muling nagsalita. "I didn't know." "That wasn't something I usually tell people." Sagot ko. Tumango lang siya. "I see." Muli na namang nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Akala ko ay doon na matatapos ang usapan ngunit muli siyang nagsalita. "Why did you break up?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Hindi ko inaasahang itatanong niya iyon. Curious lang ba siya o interesado siyang malaman? Saglit akong natahimik bago marahang sumago
WINONA'S POV "Are you okay, Ms. Sanchez?" Nang marinig ko ang boses ni Rafael, saka ko lamang napagtanto na kanina pa pala ako nakahawak nang mahigpit sa strap ng shoulder bag ko. Mabilis akong tumango. "Yes, sir." Mariin akong huminga, pilit pinapakalma ang sarili. Tila nang matiyak niyang maayos ako, saka lamang niya tuluyang ibinaling ang atensyon kay Jonathan. At doon ko muling nakita ang ekspresyong bihira kong masilayan sa boss ko. Malamig, matigas at nakakatakot. "Good afternoon, President Villarreal," bati ni Jonathan na may bahagyang ngisi sa labi. Hindi ito binati pabalik ni Rafael. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya, walang emosyon ang mukha ngunit sapat ang titig niya para maramdaman ang bigat ng presensya nito. "You seem to visit my company quite often, Mr. Reyes." Kalma ang boses niya pero alam kong may laman ang bawat salitang binitiwan niya. Bahagyang natawa si Jonathan. "Oh, perhaps no one has told you yet." Saglit itong tumingin sa akin b
WINONA'S POV Pagkatapos ng meeting ay tuluyan kong ibinaon ang sarili ko sa trabaho. Pinilit kong kalimutan ang sinabi ni Ana tungkol sa bisita ko. Ayokong makita si Jonathan. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanya. Kaya nang muling kumatok si Ana sa opisina ko makalipas ang ilang minuto, agad akong nagsalita. "Sabihin mo sa kanya na busy ako." sabi ko habang nakatingin sa laptop. "Ma'am..." "I don't want to see him." patuloy ko. Tahimik na tumango si Ana. "I understand." Nang maisara niya ang pinto, napabuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi na lang niya ako lubayan? Ano naman kaya ang gusto ni Jonathan at ginugulo niya ang tahimik kong buhay? Lumipas ang buong maghapon na halos hindi ako tumayo sa upuan ko. Abalang abala ako sa trabaho lalo na ngayon na may bago akong project, isang malaking project. Nang sumapit ang oras ng uwian, saka lamang ako nagsimulang magligpit ng mga gamit. Kailangan ko pang sunduin ang kambal kay Jane.
WINONA'S POV Hindi pa man ako tuluyang nakakabalik sa sarili matapos ang meeting namin ni Rafael ay agad kong binuksan ang folder na ibinigay niya. Makapal iyon, halos limampung pahina. At bawat pahina ay puno ng detalye. Naroon ang venue concepts, guest list, sponsors, fundraising program, media coverage at ang pinakaimportante ay ang Villarreal Hope Foundation. Tahimik akong napangiti. Hindi ko akalaing ang Villarreal Holdings ay matagal na palang naghahanda para sa proyektong ito. May scholarships, medical missions, community learning centers at feeding programs. Hindi ito simpleng charity event. Ito ang magiging mukha ng kumpanya sa mga susunod na taon at ako ang piniling mamuno rito. Napahawak ako sa folder. Hindi ko dapat sayangin ang tiwalang ibinigay ni Rafael. Kinabukasan, alas-nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa conference room na ako. Unti-unti nang dumarating ang mga department heads mula sa Marketing, Finance, Public Relations, Legal at Corporate Communications. Lahat
WINONA'S POV Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob bago tahimik kong kinatok ang pinto ng presidential office. "Come in." Narinig ko ang tinig ni Rafael mula sa loob, bahagyang nag iba ang tibok ng puso ko. Pinilit kong magpakanormal. Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko, agad kong nakita si Rafael. Nakatayo siya sa harap ng glass window ng opisina, nakatanaw sa city skyline habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya. Bahagyang tumingin siya sa akin. "Ms. Sanchez." "Sir." Tumango siya bilang tugon. Lumapit naman ako sa mesa niya at tahimik na naghihintay ngunit ilang segundo ang lumipas, wala pa ring nagsasalita. Nagtagpo ang mga mata namin. Muli, nagkagulo na naman ang buong sistema ko. Simula ng mapagtanto kong iba na ang nararamdaman ko sa binata, mas lalo tuloy akong nahihirapang kontrolin ang sarili. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "A-ah... Sir?" Basag ko sa katahimikan. Bahagya siyang napakurap. "Yes?"
WINONA'S POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bahagyang nakasiwang na kurtina. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ilang segundo munang nakatitig sa kisame bago sinulyapan ang digital clock sa bedside table. Nakita kong alas sais na ng umaga. Napabuntong-hininga ako.
WINONA’S POV Sabay-sabay kaming napalingon sa taong nagsalita. Napaawang ang labi ko ng makita ko si Rafael Villarreal. Lihim kong hinangaan ang kaguwapuhan niya, nakasuot ng perpektong charcoal suit na lalong nagbigay-diin sa awtoridad na natural nitong dala. Gaya ng dati, kalmado pa rin siya
WINONA'S POV Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Parang umaasa akong kusang mawawala ang pangalan sa screen. Pero hindi. Nanatili roon ang pangalan ng boss ko. Napapikit ako. Patay, talagang patay na ako. Mabilis kong sinagot ang tawag. "Sir?" "Come to my office." Diretso niyang sabi,
Winona's POV Kinabukasan, gaya ng inaasahan, maaga kaming nagising ng kambal. Excited na excited sina Bea at Brix habang naghahanda. "Mommy, may school na ba kami?" tanong ni Bea. "Technically, daycare pa lang." sagot ko. "Yay! Gusto ko na magkaroon ng maraming friends." Napangiti na lama







