Mafia Boss' Love

Mafia Boss' Love

last updateLast Updated : 2023-07-20
By:  Author NovOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

She doesn’t want to get married because she thought men are all jerks. He was cheated and betrayed many times by love. Women are just after his money. What if this two-person met? What will happen then? Will there be a swirling romance or would they stick on what they are believe? *** Valerie had a broken family. Her mother was beaten to death by her father. Her father died because of illness. She was the only child of the family and was left alone. She studied hard, work hard until she established her own restaurant. She doesn't want to get married because she thought that all men are the same. Bisyo, babae, sugal at marami pang iba. Iyon ang akala niya, kaya naman sumailalim siya sa tinatawag nilang Artificial Insemination na kung saan ay nagtagumpay siya at nabuntis. Ayaw niyang magpakasal kaya naman ganito ang naisipan niyang solusyon para may makasama siya sa buhay at may mag-alaga sa kaniyang pagtanda niya. Pero hindi niya inaasahan na makikilala niya ang isang lalaki na nagpakita ng pagpapahalaga sa kaniya. Valerie vowed to herself that she would never love anyone beside herself and her baby but fate seems playing a trick because she fell into a man who showed love and care to her. Would she believe him? Or would she rather choose to stay single for the rest of her life with her baby? What will Valerie choose if the man who showed care and love to her is actually isn't what she thinks he is because he had a deep secret that no one should ever know? Handa bang isugal ni Valerie ang lahat upang sundin ang tinitibok ng kaniyang puso?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

SA LOOB ng isang lumang pier, maririnig ang putukan ng mga baril. May nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni Mikhail laban sa isang grupo ng sindikato. Isa siya sa mga Mafia Boss ng Underground Organization under the pseudonym of Hercules. Though he wasn’t influential like the other Mafia Boss but he is good at destroying a company.

Napamura si Mikhail nang madaplisan siya ng bala sa kaniyang braso. Mabilis siyang gumanti at binaril ang kalabang bumaril sa kaniya.

“Boss, ayos ka lang?” Tanong ni Alfred, ang kanang kamay niya nang makalapit ito sa kaniya.

Tumango lang si Mikhail saka napatingin kay Alfred nang talian nito ang braso niya na may sugat. “Thanks.”

“No problem, Boss.”

Nagtago silang dalawa sa isang pader.

“Alfred, kumusta ang mga tauhan natin?”

“Boss, may ilan na sa mga tauhan natin ang namatay. Masyadong malakas ang mga kalaban natin. Kung walang back-up na darating, baka pati tayo ay dito na rin mamamatay.” Seryosong sabi ni Alfred.

Naipikit ni Mikhail ang mata. “Sana dumating si Crimson bago pa man tayo maubos rito.” Aniya.

Hindi niya kasi akalain na matutunugan sila ng kalaban. He entered the Underground Organization and became one of the Mafia Boss for only one reason. But even he became a Mafia Boss, he never does human trafficking and narcotics. He hates narcotics because an important person to him died because of narcotics. Iyon ang dahilan kung bakit siya sumali sa Underground Organization, gusto niyang mawala ang mga taong sangkot sa mga pinagbabawal na gamot o sa kahit ano pang klaseng narcotics. Masasabi niyang ilang mga Drug Lord na ang napabagsak niya pero marami pa rin ang mga gumagalaw upang mag-distribute ng mga narcotics.

Inayos niya ang suot na maskara saka lumabas sa pinagtataguan at binaril ang mga kalaban.

“Boss!”

Hindi pinansin ni Mikhail si Alfred at sunod-sunod na binaril ang mga kalaban. Mabilis siyang nagtago nang gumanti ang mga ito sa kaniya. Mangilan-ilan na lang ang putok ng baril na naririnig niya. Ibig sabihin nun ay konti na lang sila sa grupo niya.

“Hercules, sumuko ka na lang. Napapalibutan ka na namin.” Saad ng Leader ng kalaban nilang grupo.

Nagkatinginan si Mikhail at Alfred.

Humigpit ang pagkakahawak ni Mikhail sa hawak na baril. Hindi! Hindi siya pwedeng sumuko. Hindi maaari dahil marami pa siyang kailangang gawin upang mawala ang mga taong sangkot sa mga ipinagbabawal na gamot. Hindi niya sinasabing perpekto siya dahil may mga illegal rin siyang trabaho pero hindi niya mapapalagpas ang mga taong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

“Hercules, magbibilang ako ng tatlo. Kapag hindi ka pa lumabas diyan sa pinagtataguan mo mapipilitan akong diyan na kita ilibing. Wala na ang mga tauhan mo, Hercules. Kaya sumuko ka na lang!”

Tumaas ang sulok ng labi ni Hercules at nagsimulang magbilang. “One…”

Nagtaka naman si Alfred nang marinig na nagbilang ang amo.

“Two…”

“Hercules, sumuko ka na! Huwag mo na akong pahirapan!”

Ngumisi si Mikhail. “Kung ako sa ‘yo, umalis na ako diyan dahil baka sumabog ‘yan.” Aniya.

Tumawa ang Leader ng kalabang grupo. “Hercules, matapang ka pa rin. Sumuko ka na lang at baka maawa pa ako sa ‘yo.”

Mikhail looked at Alfred. “Cover your ears.”

Nagtataka man pero sinunod ni Alfred ang bilin ng amo.

“Three!” Pagtatapos ni Mikhail sa kaniyang bilang saka mabilis na tinakpan ang kaniyang tainga.

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. May granadang sumabog sa kinaroroonan ng mga kalaban.

Ngumiti si Mikhail saka lumabas sa pinatataguan.

“Thanks!” Aniya.

Mula sa likuran ng isang container, lumabas doon ang grupo ni William o mas kilala sa Underground Organization bilang si Crimson. Isa ring Mafia Boss kagaya niya. Matalik silang magkaibigan at business partners silang dalawa kaya naman kilala nila ang isa’t-isa.

“Am I late?” Crimson asked.

Umiling si Mikhail. “You’re just in time. Thanks.”

“Of course, no one should bully my best friend.” Biro nito.

Napailing lang si Mikhail.

“Kasama ko ang ilan mong tauhan,” sabi ni Crimson. “Isinama ko na sila.”

Tumango si Mikhail saka inutusan ang mga tauhan. “Kunin niyo ang ating mga kasamahan. Ibalik niyo sila sa kanilang pamilya.” He looked at Alfred. “Compensate their family.”

Yumukod si Alfred saka umalis upang gawin ang utos ng amo.

Napabuntong hininga na lang si Mikhail. Napatingin siya kay William nang hawakan nito ang braso niya. “May sugat ka.”

“I’m fine. Daplis lang ‘yan.”

“Kailangan mong magamot.” Seryosong sabi ni William. Hinawakan nito ang walang sugat niyang braso saka siya nito hinila patungo sa kotse nito.

Nilapatan ng first aid kit ni William ang sugat niya.

Tumawa si Mikhail. “Kung hindi ko lang alam na businessman ka baka isipin kong doctor ka.”

William rolled his eyes. “I just know a little about medicine.” Aniya.

“Thanks.”

“Pero kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor.”

“I know.” Sabi naman ni Mikhail. “I need to see my people first.”

Tumango si William. “Oo nga pala, may meeting sa Underground bukas ng gabi. Pupunta ka ba?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Mikhail. “I don’t want to miss the fun so yeah.”

“Okay. We’ll go. Though I wonder if Darkness would come.” Ani William.

“Hindi ko alam.” Pag-iling ni Mikhail. “Darkness was unpredictable.”

Sinang-ayunan naman ni William ang sinabi ng kaibigan. Among all the Mafia Bosses of the Underground Organization, except him and William, there are two other Mafia Bosses who doesn’t do human trafficking and narcotics. That’s Ranger and Darkness.

Darkness is the most dangerous and feared Mafia Bosses in the Underground Organization. Marami ang mga itong koneksiyon pero napapansin ni Mikhail na hindi gaanong aktibo si Darkness pagdating sa mga aktibidad ng organisasyon nila. Parang wala itong pakialam.

Napailing si Mikhail.

Bago siya umuwi, pumunta siya ng hospital at pinatignan ang braso niya. The doctor cleaned it and wrapped it with bandange.

***

SABAY na dumating si William at Mikhail sa Underground Organization. Pagdating nila doon at pagpasok sa hall, marami na ang mga tao. Kaniya-kaniya ang mga itong mundo. Ilan sa mga Mafia Boss ay umiinom ng alak habang ang ilan naman ay nakahawak ng babae. Napailing lang si Mikhail. That’s why he doesn’t like meetings with the other Mafia Bosses, may mga nakikita siyang hindi kaaya-aya pero wala naman siyang magagawa.

Inabutan siya ni William ng alak.

“Thanks.”

Tumango si William saka may itinuro. Sinundan naman niya ng tingin ang itinuturo nito. It’s Darkness and Ranger. Mukhang matalik na magkaibigan ang dalawa dahil palagi silang magkasama. Kasama ng mga ito ang mga bodyguard nila. Well, they all have their own bodyguard.

“Let’s go.” Aya ni William.

“Looks like, you two are good friends.” Aniya nang makalapit sila ni William sa dalawa.

Sabay na napatingin si Darkness at Ranger sa kanilang dalawa ni William.

In the Underground Organization, they are known as Mafia Boss but behind the mask they are wearing, they are a respected businessmen inside the business world. Pero hindi niya kilala kung sino si Darkness at Ranger sa labas ng Underground Organization. Hindi niya makilala ang dalawa dahil lahat silang narito sa loob ng Hall ay may suot na maskara.

“Crimson, Hercules, good to see you two here.” Ani Ranger.

Nagkibit lang naman silang dalawa ni William ng balikat.

“I don’t want to miss the fun.” Ani Mikhail saka sumimsim ng alak mula sa hawak nitong wine glass.

“Ano bang pagme-meetingan natin ngayon?” tanong ni Crimson. “I’m tired of meetings.” He added.

Natawa si Ranger. “Meetings are killing me too.”

“What about you, Darkness?” Mikhail asked.

Umiling si Darkness saka napabuntong hininga. “I have a trusted secretary and he will take care of my meeting.”

“Sana all.” Sabi ni William saka natawa.

Napailing naman si Mikhail.

Not when Cunning, a Mafia Boss like them, approached the four of them.

“So, the saints are all here.” Natatawa nitong sabi habang may babaeng nakayakap sa braso nito.

“We’re no saints, Cunning.” Mikhail said.

“We just don’t like narcotics and human trafficking.” Malamig na saad ni William saka naglakad paalis. Ganun din si Mikhail. Talagang ayaw nila ang nakikipag-usap sa ibang Mafia Boss na involve sa narcotics at human trafficking.

Darkness and Ranger aren’t involved in narcotics and human trafficking kaya naman magaan ang loob ni Mikhail na kausapin ang mga ito.

Habang nasa meeting si Mikhail, he felt bored.

“Alfred, can you stay? I just need to breath.”

“Yes, Boss.” Tugon ni Alfred.

Tumayo si Mikhail saka lumabas ng hall. Pumasok siya sa elevator. Umakyat paitaas ang elevator at nang bumukas ito, nasa ground floor na siya. Lumabas siya at deretso lang siya ng lakad palabas ng hotel. Hindi niya pinasama ang lahat ng tauhan niya sa loob kaya naiwan ang mga ito sa parking lot.

Humugot siya ng malalim na hininga.

“Boss.”

“Magsama ka ng ilang tauhan natin. Puntahan niyo si Alfred sa loob.” Utos niya.

“Yes, Boss.” Yumukod ang tauhan niya.

Pumasok si Mikhail sa loob ng van. Isinara naman ito ng isa niyang tauhan. Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganito pero siguro habang buhay na ito. Habang buhay na isa siyang Mafia Boss. His only purpose was to eliminate those who are involved in narcotics and put them behind bars or kill them. He knew that he could not eliminate them all, but at least, he can eliminate some of them.

Hinawakan niya ang kwintas na suot. “Brother, like what I have promise to you, I will continue to live my life but I’m sorry because I took your place. Because of them you died and I will never let your death go in vain.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status