Share

CHAPTER 19

last update Last Updated: 2025-07-03 21:29:56

POV LJ

PAGSAPIT NG SABADO..

Bihis na ako, at naghihintay kay Kuya Zyd. May pasalubong daw siya sa akin sa araw na ito. Tumunog ang aking cellphone pagkalipas ng ilang minuto.

"Lj.. nilalagnat ako.." si Jill iyon, halata sa kanayng boses na may sipon siya..

"Naku, magpagaling ka.. hindi ka na makakasama ngayon?" nag aalala kong tanong sa kanya.

"Hindi ko kaya.. baka mag pass out ako," halatang malat na malat ang kanyang tinig.

"Okay lang, Jill. Magpahinga ka na muna. Ako na lang ang pupunta. Padadalhan na lang kita ng update at pictures, okay?" malambing kong sabi sa kanya.

"Promise ha... gusto ko pa rin malaman lahat!" hinang-hina pero pilit na masiglang sagot ni Jill.

"Promise," tugon ko, bago binaba ang tawag.

Nag-double check ako ng suot ko sa salamin—isang midnight blue na dress na pina-customized ko kay Ate Ynez. Simple pero elegante, bagay sa theme ng gabi: “Under the Stars.”

Maya-maya pa, dumating na si Kuya Zyd. Sa kanya ako sasama papunta sa gala dahil invited siya bilang isa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 21

    Pagkaupo namin sa front row muli, ramdam kong bumigat ang hangin. Hindi dahil sa tensyon, kundi sa dami ng damdaming biglang dumaloy sa puso ko—ligaya, pag-amin sa sariling tagumpay, at marahil, kaunting awa sa mga taong dati’y gustong pabagsakin ako.Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong naglakad palapit si Cathy. Nakasuot siya ng pearl white gold na gown, at hawak ang kanyang phone na parang handa siyang mag-kwento o mag-record. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong inaasahan ko sa kanya—basta’t tahimik lang akong naghintay sa paglapit niya.Nagpaalam naman si kuya Zyd sa akin na may kakausapin saglit, kaya naiwan ako mag isa.."Wow.. flavor of the month ka pala ngayon ni Zyd Vann de Mdrid," mapanuyang sabi niya sa akin, "kaya pala may kalakasan ang loob mong pagsabihan kami ng kung anu ano.. may ipinagmamalaki ka naman palang sugar daddy.."Hindi ko kaagad sinagot si Cathy. Tinitigan ko muna siya—hindi dahil gusto kong patulan ang insulto niya, kundi para iparamdam sa kanya n

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 20

    “Actually,” sabay sabing may biro si Kuya Zyd, “she’s not just my date tonight. She’s the future of fashion in this country.”Natawa ang buong table, pero halatang may halong paghanga sa tono nila. Napakagaan ng atmosphere, kahit na ramdam kong may mga matang pilit akong binabasa mula sa malayo—at hindi iyon galing sa admiration, kundi sa puot.Lumingon ako. Sina Mercedes at Cathy, halatang hindi mapakali. Nakita kong binulungan ni Mercedes ang anak niya, sabay irap sa direksyon ko. Hindi ko na lang pinansin. I have no time for petty energy tonight. I’m here to shine—hindi para patulan ang mga naiwan sa dilim.Maya-maya, lumapit ang event organizer sa amin.“Hi Sir Zyd, and to your lovely date. You’ve been requested to join the front-row reserved section for the awarding and highlight segment. May special seating po kayo doon.”“Oh wow,” bulong ko kay Kuya. “Front row?”“Of course,” sagot niya. “I made sure of that.”Habang nilalakad namin ang carpet patungo sa bagong mesa, mas lumaka

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 19

    POV LJPAGSAPIT NG SABADO..Bihis na ako, at naghihintay kay Kuya Zyd. May pasalubong daw siya sa akin sa araw na ito. Tumunog ang aking cellphone pagkalipas ng ilang minuto."Lj.. nilalagnat ako.." si Jill iyon, halata sa kanayng boses na may sipon siya.."Naku, magpagaling ka.. hindi ka na makakasama ngayon?" nag aalala kong tanong sa kanya."Hindi ko kaya.. baka mag pass out ako," halatang malat na malat ang kanyang tinig."Okay lang, Jill. Magpahinga ka na muna. Ako na lang ang pupunta. Padadalhan na lang kita ng update at pictures, okay?" malambing kong sabi sa kanya."Promise ha... gusto ko pa rin malaman lahat!" hinang-hina pero pilit na masiglang sagot ni Jill."Promise," tugon ko, bago binaba ang tawag.Nag-double check ako ng suot ko sa salamin—isang midnight blue na dress na pina-customized ko kay Ate Ynez. Simple pero elegante, bagay sa theme ng gabi: “Under the Stars.”Maya-maya pa, dumating na si Kuya Zyd. Sa kanya ako sasama papunta sa gala dahil invited siya bilang isa

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 18

    POV: LJHabang naglalakad kami ni Jill sa yayamaning lugar na iyon, may ilang kababaihan ang nakatingin sa amin na para bang hinuhusgahan na kami ng mga iyon.Alam ko, na sila ay mga kakilala nina Mercedes at Cathy. Wala naman siyang paki, kahit ganoon pa man ang mangyari, ang mahalaga, hindi na siya makakapayag na muling apihin ng mag inang iyon.Hindi namin namalayan, na kasunod na naman namin ang mag inang kampon ng dilim..Sanay na sanay talaga sa eskandalo ang dalawang ito, kesehodang mapahiya sila.Hindi na namin sila pinansin. Bagkus, naglakad lakad lang kami na parang hindi sila nakikita."Pumasok tayo diyan.." yaya ni Jill sa akin. Isa iyong ti8ndahan ng mga damit na mamahalin, na ang isang piraso ay maaari ng makabili ng mga e-bike!At sa masayang pangyayari, doon din pumasok sina Mercedes, na tila ba, masayang gagawa ng eksena sa loob."Hi.. ma'am.." bati ng mga staff."Hi, anong bago niyong collections ngayon?" tanong ni Jill.. "Gusto sana namin, same fabric, magkaiba ng d

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 17

    Nag uusap ang aking ina at kapatid habang sila ay nasa daan. Iyong tipong kapag narinig ng iba, hindi na makaing aso sa pandinig."Alam mo, ang kuya mo, noon naman, balewala sa kanya ang LJ na yun, ngayon naman, bigla na lang parang nais niyang habulin!" naiiling pa si mommy habang kausap si Cathy."Kaya nga mommy, baka naman ginayuma niya si Kuya. Ano sa palagay niyo? ang bilis pang makakita ni LJ ng mga sugar daddy ha!" sulsol pa ni Cathy kay mommy. "Si kuya kasi, nag uwi ng babaeng hindi naman natin alam kung saan nanggaling, tapos pinakasalan pa. Ngayon , ngayong ayaw naman na sa kanya, para naman siyang nagkakagusto na."Hayaan mo na ang kuya mo. Basta, gumastos ka lang hanggang gusto mo, ako ang bahala," nakangiting sabi ng mommy sa paborito niyang anak, "Jose, rich street tayo! baka maaabutan ko pa ang babaeng talipandas na iyon!"Nagmamadali nilang tinungo ang lugar, kung saan namimili ang mga mayayaman at kung saan nakita nina Cathy sina LJ.Hindi makakapayag si mommy na hind

  • Mahirap Balikan ang Kahapon   CHAPTER 16

    POV: Dwayne "Mommy! mommy!" sigaw ni Cathy, habang nasa garahe. Malamang, nay problema na naman ang aking kapatid kaya ganoon na naman ang tono ng boses niya. "Mommy!" muling sigaw niya. "Oh, bakit?" nakaupo si mommy sa labas habang nagpapalinis ng kuko sa kanyang manikurista. "Ipinahiya ako ng LJ na iyon! kasama yung bansot niyang kaibigan!" sumbong niya kay mommy. Agad nag init ang ulo ng aking ina matapos marinig ang kwento ng bunso kong kapatid. "Anong nangyari?" tanong ni mommy saka sinenyasan ang manikurista na umalis. Pagkaalis ng manikurista, naupo si Cathy sa tabi ni mommy, "sa boutique, binili niya ang mga gusto ko!" "Dapat, tinapatan mo ng presyo!" sagot ni mommy. "Paano ko tatapatan? si kuya, nilagyan ng limit ang card niya na ibinigay sa akin!" nakasimangot na sagot niya. "Ang kuya mo, hindi ko maintindihan. Simula noong umalis si LJ dito, masyado na niya tayong tinitipid! kailangan natin siyang makausap! Halika na, puntahan natin siya sa opisina. Tulad ng ina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status