Share

Chapter 12

Author: Yum
last update publish date: 2026-06-17 19:34:43

"Alam mo ba, sa bahay nila parang mababaliw na ako." Napatawa si Luke habang nakikinig sa'kin. "Bakit naman?"

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.

"Kasi halos wala akong makausap."

Napailing ako. "Kaya nga minsan kinakausap ko na lang ang mga halaman sa garden." Natahimik siya sandali bago tuluyang natawa. "Hindi ako nagbibiro."

Nakasimangot kong saad. "May mga pangalan pa nga 'yon." Mas lalo siyang natawa.

"Arabella, seryoso ka ba?"

"Oo!" Depensa ko. "Eh ano'ng gagawin ko? Hindi naman n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid ng Gwapong CEO   CHAPTER 19

    Nang matapos kaming kumain ay agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin. Tahimik akong nagliligpit habang si Ethan naman ay tumayo na mula sa kanyang upuan. Mukhang may pupuntahan ito. "Aalis ako." Malamig nitong saad habang inaayos ang suot na relo sa pulsuhan nito.Napatingin naman si Miles sa kanya."Office?" Tumango lamang si Ethan bilang sagot. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. "Ara." Napahinto ako sa paghuhugas ng plato. "Po?" "Huwag kayong gagabihin." Madiin nitong saad. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Teka... Pinapayagan niya talaga kami? Ngunit bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na ito. At naglakad palabas ng kusina.Ilang segundo ko pa itong pinanood hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko. "Protective." Biglang bulong ni Miles. Napalingon ako sa kanya. "Ano?" Ngumisi ito. "Wala." Natatawang saad nito. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit.Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako. Nagpunas ako ng kamay at humarap kay Miles. "Ant

  • Maid ng Gwapong CEO   chapter 18

    Binabad ko muna ang karne nang muli kong marinig ang pagtunog ng doorbell. Agad akong kinabahan. Shit! Baka bumalik ang daddy niya. Patay tayo nito. Mabilis akong nagtungo sa pintuan upang tingnan kung sino ang nasa labas. Nang silipin ko iyon, agad namang nawala ang kaba ko nang makita si Miles na nakatayo roon."Hello, Arabella," bati niya na may malapad na ngiti sa labi. Napangiti rin ako at binuksan nang mas maluwang ang pinto."Halika, pasok ka." Pumasok siya sa loob habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit parang napakasaya niya ngayong araw.Nang makapasok kami sa loob ng bahay, itinuro ko ang sofa sa sala. "Maupo ka muna. Tatawagin ko lang ang kuya mo," sabi ko. Umiling siya at bahagyang natawa."Huwag na. Ikaw naman ang pinuntahan ko rito, hindi ang kuya ko," sagot niya habang nakangiti.Napakunot-noo ako bago napangiti. "Ooh, okay. Sandali lang ha? Nagluluto kasi ako." Nagpaalam na sana akong pumunta sa kusina upang ipagpa

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 16

    "Ang laki ng kahihiyan nito kapag siya ang pinakasalan mo, Ethan." Galit na galit na saad ng kanyang ama. Mariin ang bawat salitang binitiwan nito. At bawat isa ay tila patalim na tumatama sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.Kasal? Napakurap ako. Sandali... Bakit umabot sa kasal ang usapan? Tahimik akong napalunok. Pakiramdam ko ay lalo akong naliligaw sa nangyayari. Samantalang si Ethan naman ay biglang natawa. Ngunit hindi iyon masayang tawa. Mapait. At puno ng panunumbat."Kahihiyan mo?" Ulit niya. Bahagya siyang napailing. Pagkatapos ay tumingin nang diretso sa kanyang ama. At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang galit sa mga mata n'ya. Hindi iyong karaniwang pagkainis na nakikita ko araw-araw.Mas malalim, Mas mabigat At mas masakit. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo?" Madiin niyang tanong. "Tigilan ninyo ang pakikialam sa buhay ko." Tahimik ang buong sala. Tanging ang malamig niyang boses lamang ang maririnig.At sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay ramdam ko ang

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 15(Away mag ama)

    Dinala ako ni Miles sa mesa kung saan naroon ang ilan sa mga kaibigan at kakilala n'ya. Isa-isa niya akong ipinakilala sa kanila. Mabuti na lamang at mababait ang mga ito kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.Matapos ang ilang minutong pakikipagkilala ay sabay kaming naupo sa isang bakanteng mesa. Ngumiti si Miles sa akin bago inilapag ang kanyang baso."Matagal na kayo ni Kuya?" Bigla nitong tanong habang may matamis na ngiti sa labi. Napakurap ako.Muntik pa akong mabulunan sa iniinom kong juice. "Bago lang kami." Ngumiti ako para hindi halatang kinakabahan. Tumango naman s'ya. Ngunit halatang hindi pa siya tapos magtanong. "Ano ba ang nagustuhan mo kay Kuya?" Napatingin ako sa kanya.Kung alam mo lang talaga, Miles. Puro pagpapanggap lang ito. At kung may nagustuhan man ako sa kuya mo, hanggang ngayon hinahanap ko pa rin. Tahimik akong napaisip. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.Dahil sa totoo lang, wala naman talaga kaming relasyon. At halos araw-araw pa nga kaming na

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 14

    Kung hindi ko lang talaga siya boss, malamang matagal na kaming nagsuntukan nito. Tahimik kong reklamo sa isip habang nakasimangot na nakatingin kay Ethan. Sa totoo lang, araw-araw sinusubok ng lalaking ito ang pasensya ko.Mabuti na lang at kailangan ko ang trabaho.At mas kailangan ko ang isang daang libo.Kung hindi, baka noon pa ako sumuko.Tahimik akong napabuntong-hininga at sumandal sa aking upuan. Ngunit hindi nagtagal ay napansin kong biglang nag-iba ang atensyon ng mga tao sa loob ng venue.Isa-isang napalingon ang mga bisita sa may entrada.Pati ang mga nag-uusap ay bahagyang natahimik. Napakunot-noo tuloy ako.Teka... ano'ng meron? Dahan-dahan akong napalingon sa direksyong tinitingnan ng lahat. At doon ko nakita ang tatlong taong bagong pasok sa venue. Isang eleganteng babae, isang matikas na lalaki, at isang dalagang halatang mayaman at sanay sa ganitong klase ng pagtitipon.Kahit mula sa malayo ay ramdam ko agad ang presensya nila. Parang likas na nakukuha nila ang aten

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 12

    "Alam mo ba, sa bahay nila parang mababaliw na ako." Napatawa si Luke habang nakikinig sa'kin. "Bakit naman?"Huminga muna ako nang malalim bago sumagot."Kasi halos wala akong makausap."Napailing ako. "Kaya nga minsan kinakausap ko na lang ang mga halaman sa garden." Natahimik siya sandali bago tuluyang natawa. "Hindi ako nagbibiro."Nakasimangot kong saad. "May mga pangalan pa nga 'yon." Mas lalo siyang natawa."Arabella, seryoso ka ba?""Oo!" Depensa ko. "Eh ano'ng gagawin ko? Hindi naman nagsasalita ang amo ko."Napabuntong-hininga ako. "Kapag may iuutos, message, Tapos kapag kakausapin mo, isang salita lang ang sagot.""Kapag nagsalita naman, parang galit sa buong mundo." Napahawak si Luke sa noo habang pinipigilan ang pagtawa."Grabe ka naman kay Ethan.""Totoo naman!" Agad kong sagot."Parang may atraso ang buong sangkatauhan sa kanya." Napailing siya habang nakangiti. Sa totoo lang, parang sanay na siya sa mga reklamo tungkol sa kaibigan n'ya. Tahimik akong sumandal sa upuan.

  • Maid ng Gwapong CEO   CHAPTER 7

    Nang matapos ako sa hardin ay bumalik ako sa kusina upang magsaing.Habang hinuhugasan ang bigas, nag-isip ako kung ano ang iluluto para sa tanghalian. Maya-maya ay naisipan kong magluto na lamang ng tinolang manok.Kumuha ako ng manok mula sa refrigerator at inihanda ang mga gulay na ilalagay ko r

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 5

    Ngayong araw ang balik ng kumag na iyon.Tapos na ang tatlong araw kong buhay-prinsesa sa bahay niya. Sa loob ng tatlong araw ay napakatahimik ng buhay ko. Walang masungit na boss na bigla-biglang may iuutos at wala ring magrereklamo sa bawat kilos ko.Hay, sana laging ganito na lang.Nakahiga ako

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 4

    Pumasok ka. Bukas 'yan."Iyon lamang ang sabi ni Sir Ethan mula sa loob ng study room. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang tasa ng kape sa kanyang mesa. Abala siya sa pagbabasa ng ilang dokumento kaya hindi ko na siya ginambala pa.Pagkatapos ay tahimik akong lumabas ng silid at isinara ang p

  • Maid ng Gwapong CEO   Chapter 3

    Nang matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit si Tita, nagpaalam na s'yang umalis. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang driver na nag-hihintay na sa sala."George, pahatid si Manang Rose sa bahay," utos ni Sir Ethan sa kanyang driver."Opo, Sir," ma-galang na sagot nito.Kinuha ni George

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status