MATAPOS mag almusal ay agad na tumayo si Lucien at walang imik na umalis sa hapag kainan. ay, bastos din. may ugali nga ang magiging amo-amuhan ko.
Hinayaan naman ni Sir Aidan ang anak dahil sigurado ay hindi pa rin nito matanggap ang naging desisyon nito.
Napapailing na lang si Sir Aidan saka kiming ngumiti sa akin.
“Pag pasensyahan mona ang anak ko. Nabigla ko siya. Sana hindi ka sumuko sa kanya Iha. Kailangan kailangan ko talaga ng magbabantay sa nag iisa kong anak.” Biglang lumamlam ang mga mata ni Sir Aidan.
Hindi man nito sabihin pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal sa anak.
May bigla namang pumasok sa isip ko, bakit kaya naisipan ni Sir na pumasok sa underground ganong alam naman niya na delikado? Ano kaya ang nag udyok sa kanya? Hmm..siguro may rason naman ito? Yeah, baka nga.
“H‘wag ho kayong magalala Sir Aidan akong bahala sa anak niyo.” Sincere kong turan. Ewan ko pero biglang nagbago `yung isip ko lalo na ng makita ko ang pagmamahal nito sa anak. Nakikita ko sa kanya si Daddy.
“Salamat Iha, by the way let's go, Ihahatid kita sa magiging kwarto mo para makapag pahinga ka muna.” Tumango naman ako saka kami sabay na tumayo at nilisan ang dining area.
Sakto gusto ko rin muna makapag pahinga saglit tapos bandang hapon lilibutin ko ang buong mansyon nila para makabisado ko. Sesegwey na rin ako sa mga katulong dito at makikipag close para malaman kung matagal na ba sila dito sa mansion ng mga Saavedra.
Dumaan muna ako sa sala at kinuha ang bag ko saka sumunod kay Sir. Nagtaka pa ako dahil umakyat kami sa magarang hagdan nila. May quarters ba dito ang katulong sa second floor? Dito kami dumeretso e.
Hindi na lang ako umimik at tahimik na lang na sumunod hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto sa bandang gitna.
Nakangiting humarap sa akin si Sir Aidan at tinuro ang nasa harap naming kwarto.
“This will be your room.” Turan nito sabay bukas ng pinto. Sumilip naman ako doon at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil ang ganda nung kwarto! May mini sala pa sa loob. Gulantang kong binalik ang tingin kay Sir Aidan.
“Sir, sure ho kayo na dito ang kwarto ko? Mawalang galang na ho pero ipapaalala ko po sa inyo ang trabaho ko dito. Maid po ako. At dapat po ang kwarto ko kung nasaan ang mga maid.” Tama naman diba? Dapat doon ako kasi maid ako dito. Baka magtaka pa lalo si Lucien bakit dito ang kwarto ko. Edi nalintikan na? Saka kailangan kong umarte ukol sa trabaho ko dito.
Mas lumawak naman ang ngiti ni Sir, ako naman ay mas nagtaka. Jusko!
“Don't worry, Iha. Hindi ako nagkamali ng pinagdalhan sa ‘yo na kwarto. Ito ang magiging kwarto mo dahil ikaw ang personal na maid ni Lucien. At yang pinto sa likuran mo ang kwarto ng anak ko. Gusto kong malapit ka lang sa kanya kaya dito ang pinili kong kwarto mo. H‘wag kang mag alala. Ako ng bahala magpaliwanag sa mga katulong kung anong trabaho mo dito para hindi sila magtaka. Pati na rin kay Lucien. Ang importante mababantayan mo siya.”
Mahabang paliwanag nito, so, magkatapat lang kami ng kwarto ng Lucien na iyon.
“Sige po Sir, kung iyan po ang desisyon niyo.” Iyon na lang ang sinagot ko. Sa huli pabor din naman sa akin atleast may privacy ako at maayos ang tutulugan ko.
“Oh siya, maiwan na muna kita. Magpahinga kana muna, alam kong pagod ka rin.” Tumango naman ako saka tipid na ngumiti.
Humakbang na ako papasok sa loob ng kwarto, akma ko ng hahawakan ang pinto ng biglang magsalita si Sir Aidan kaya napalingon ulit ako sa kanya.
“By the way Iha, bago mo pala gawin ang misyon mo bilang katulong. Pwede mo ba ako paunlakan bukas? Magpapasama sana ako sa ‘yo, kung ayos lang?”
Biglang nangunot ang noo ko.
“Saan naman, Sir?”
“Sa underground.” Mas lalong nangunot ang noo ko. Bakit niya ako isasama sa underground? Anong gagawin namin doon?
“Bakit niyo ako isasama doon? Alam niyong delikado na magsama ng ibang tao sa underground na hindi naman miyembro. Ikapapahamak niyo ‘yun, Sir.” Seryoso kong turan.
Hindi magandang idea ang gusto mangyari nito. Parehas kaming mapapahamak. Alam ko ang mga bagay na ito dahil nadadalas ang misyon namin noon sa underground.
“I know that, pero wag kang mag-alala dahil madali lang naman kitang maipapasok doon. Mag disguise ka lang para hindi ka makilala. I need your presence there. Ang kakausapin ko ay isang boss ng underground. Actually, siya ang isa sa pinaghihinalaan kong nagbibigay sa akin ng death threat. Gusto kong kilatisin mo siya. Baka sa gano'n mapadali ang trabaho mo.” Seryoso rin turan ni Sir Aidan.
Napaisip naman ako. Tungkol pa rin naman sa trabaho ko iyon kaya ayos lang na sumama dito. Baka nga may makuha akong impormasyon
“Sige Sir, sasamahan ko kayo. Anong oras ho ba bukas?”
“11am aalis tayo dito sa bahay.” Tumango naman ako.
“Thank you, Iha. Sige na, aalis na ako. Pupunta pa ako sa opisina. Magpahinga kana.”
“Sige ho, Ingat Sir.” Ngumiti muna ito sa akin bago tumalikod at naglakad papalayo.
Napabuga naman ako ng hangin bago ko sinara ang pinto.
Pagharap ko naman sa kabuuan ng kwarto bigla akong napangiti dahil sa ganda ng binigay na kwarto sa akin ni Sir. Feeling ko tuloy VIP ako. Para na itong condo unit. Mas malaki pa doon sa apartment na tinutuluyan ko.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa kama. Nilapag ko doon ang dalang bag at namamanghang nilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
Malinis, maaliwalas ang kwartong ito. May malaki ring smart TV, mini sala set, mini kitchen with small ref, at banyo. May veranda din ang kwartong ito. Super perfect naman ng binigay na kwarto sa akin ni Sir Aidan. Hindi naman ako bisita dito.
Napakamot na lang ako ng kilay saka bumaling na sa bag na dala ko para ayusin ang mga gamit ko. Maayos kong nilagay sa cabinet ang mga damit na dala. Napangiwi pa ako dahil ang laki laki naman kasi ng closet tapos kokonti lang ang damit na nilagay ko. Siguro bibili na lang ako bukas pagkatapos ko masamahan si Sir Aidan.
Ang dalawang sapatos at sandals na dala ko ay dineretso ko naman sa lagayan ng sapatusan. Nang matapos ay kinuha ko sa bag ang toiletries ko at sinalansan ng maayos sa banyo. Dapat maalagaan ko ang kalinisan ng kwartong ito. Nakikitira lang ako.
Bago tupiin ang bag kinuha ko ang dala kong pistol, magazine, at isang small dagger.
“Hmm, saan ko ba pwede itago ang mga ito na hindi nakikita? Hindi naman pwede sa ilalim ng kama baka biglang ipalinis ni Sir Aidan ang kwarto na ito sa katulong at makita. Saan kaya?”
Muli kong nilibot ang tingin sa kwarto hanggang sa mapatingin ako sa bedside table. Napangisi ako saka lumuhod para kapain ang pinaka ilalim nito.
“Saktong sakto. Walang labis, walang kulang.” Kinuha ko ang ginagamit kong pandikit saka ang lagayan ng baril. Dinikit ko ito doon saka sinuksok ang baril, magazine at dagger tapos matagumpay na ngumisi at pinagpag ang mga kamay.
“Sigurado naman akong safe ang baril ko at hindi malalaglag sa pagkakadikit ng lagayan. heavy duty ‘yun.” Pagkausap ko sa sarili.
Matapos makapag ayos ng mga gamit napag pasyahan ko ulit maligo at magpalit ng damit para mapreskuhan ako tapos matutulog muna para makabawi ng lakas.
Saktong paglabas ng banyo siyang tunog naman ng cellphone ko kaya dali dali ko iyong kinuha at tinignan ang caller. Biglang nagiba ang mood ko at naalala ang nangyari kanina sa aming pag uusap nila Sir Aidan ng si Boss ang tumatawag.
Buti naman at tumawag siya dahil iyon din talaga ang balak ko kanina pa. Sinagot ko ito at tinapat sa aking tenga.
“Goodmorning, Red. So, anong balita dyan? Nakilala mo na ba ang anak ni Mr. Saavedra?” Bungad na tanong agad nito na siyang kinaungos ko.
“Yeah, nakilala kona boss pero hindi ko inaasahan na personal maid ang magiging trabaho ko dito! You told me that I would only be a maid to watch over Lucien, but why did I become a personal maid?! Kung gano'n din naman pala sana kumuha na lang kayo ng personal niyang bodyguard, that's much better than being a maid! Sana iyon na lang ina-sign mo sa akin maging bodyguard!”
Tuloy tuloy na turan ko. Sobra talaga ang inis na nararamdaman ko. Okay na sana maging maid pero naging personal maid pa. Napipilitan na nga ako sa misyon ko tapos naging worse pa? Hindi ba nila alam na mahirap para sa akin ito? Kailangan kona ngang umarte na hindi ko naman porte, dinagdagan pa ng mas malalang trabaho. Hindi pa ako pwede mag english dahil katulong lang ako. Hays!
“I'm sorry Red, late na ring sinabi ni Mr. Saavedra ang tungkol sa bagay na ‘yan. Hindi kona lang sinabi sa ‘yo kanina habang papunta ka dyan dahil paniguradong mag iiba ang mood mo. And to your suggestion sa personal bodyguard sa tingin mo ba hindi ko naisip ang bagay na ‘yan? Nag suggest din ako sa bagay na iyan kay Mr. Saavedra pero sinabi niya na mas magtataka ang anak niya kung bodyguard ang kukunin. Masyadong halata at baka ikasira lang iyon ng misyon. Kahit ang mga kalaban sigurado magiging alerto, mahihirapan kang alamin kung sino ang mga ito. Do you get it now? So, much better to be a maid, Hindi ka mahahalata na binabantayan mo si Lucien at makakakilos kapa ng maayos.”
Napabuntong hininga ako, humupa ang inis na nararamdaman ko ng marinig ang paliwanag ni Boss. Tama nga rin naman masyadong obvious at magtataka talaga ang Lucien na ‘yon.
Hindi ko na pinahaba ang pag-uusap namin ni Boss at binaba na ang tawag. Pinili ko munang magpahinga at mamaya na isipin ang tungkol sa misyon ko dito. Kailangan malibot ko at makabisado ang malaking mansyon na ito mamaya.
**********
DALAWANG oras din ang naging tulog ko bago napag pasyahan na bumangon at mag ayos ng sarili. Sisimulan ko ng libutin ang buong mansyon.
Tahimik na binaybay ko ang pasilyo at umakyat sa pangatlong palapag, doon ko uunahin na pag aralan at kabisaduhin ang mansyon. Habang naglalakad ay nililibot ko ang paningin sa paligid. Iba talaga ang yaman ng mga Saavedra.
Isa-isa kong binubuksan ang bawat silid na nadadaanan ko at mabusising pinag aaralan ang mga daan na pwedeng pasukan ng kalaban kung sakaling magtangka ang mga itong pumasok sa mansyon.
Dahil sa aking ginagawa nalalaman ko rin kung saan ang guestroom, entertaiment room, library, office ni Sir Aidan at ni Lucien. Nang makasigurado at matapos na ako sa third floor muli akong bumaba sa second floor para doon naman mag libot.
Sa bungad ng second floor ang master bedroom, kahit iyon ay hindi ko pinatawad na pasukin ang loob dahil kailangan. Hindi rin naman ako nagtagal doon at lumabas rin saka sunod sunod ng binuksan ang mga kwartong nakahelera.
Iilan lang sila sa bahay pero ang dami nilang guestroom. Nang mapatapat ako sa kwarto ni Lucien ay walang pagdadalawang isip kong pinihit ang doorknob. Of course kailangan ko rin busisiin ang loob, Alam kong mali na basta basta na lang pumasok sa loob ng kwarto ng may kwarto kaso ito ang misyon ko. Kailangan gawin.
Napangisi naman ako ng napihit ko iyon saka dahan dahang binuksan ang pinto. Hindi pala nag lolocked ng kwarto ang Lucien na `yun. Bumungad sa akin ang katahimikan at naiwang amoy ng perfume nito.
Inferness ang linis ng kwarto ng lalaki at manly na manly. Black and Gray ang kulay ng kwarto niya maski sa kama, kurtina, cabinet at sofa.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid saka lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. Tsk, kitang kita pala ang gate dito sa pwesto ng kwarto nito. Kayang kaya siyang manmanan kahit nasa malayo. Hindi man ito ang centro pero kitang kita pa rin ang labas at kung ano ang ginagawa niya lalo na kung nakahawi ang kurtina at bukas ang ilaw.
Lumipat naman ako ng pwesto at dumeretso sa veranda nilibot ko ang tingin sa labas ng mansyon para pag aralan ang pwedeng pag taguan ng kalaban kung sakaling mag mamanman ito. At kung saan pwedeng dumaan ang kalaban kung mag tangka itong akyatin ang kwarto ni Lucien.
Sakto lang pala na katapat ko ang kwarto ng lalaking iyon. Kung sakaling may hindi magandang mangyari mapupuntahan ko ito agad. Good choice din talaga ang ginawa ni Sir Aidan. Alam na alam din niya ang pwedeng mangyari.
Lumabas din ako agad sa kwarto ni Lucien at pinag patuloy ang paglilibot sa buong second floor. Nang matapos ay bumaba na ako sa living area at pasimpleng pumunta sa likod bahay kung nasaan ang swimming pool. Sunod naman ay sa gilid ng mansion kung nasaan ang mga halaman at gazebo then sa kabilang gilid ng mansyon kung nasaan ang quarters ng maid, driver at guards.
Sakto ng matapos ako sa paglilibot at pagkakabisado ng malaking mansion ay pinatawag ako ni Manang para kumain ng tanghalian. Napangiti na lang ako saka sumunod sa katulong dahil nagutom ako sa ginawa kong mini tour sa mansion ng mga Saavedra. Atleast ngayon alam kona ang mga possibleng daanan at pagtaguan ng kalaban.
Ang sunod ko namang target ang kilalanin ang mga tauhan na nandito at makipag close sa mga ito. Sana umayon sa akin ang plano.
******
ILANG BUWAN ANG LUMIPAS Mas naging tahimik at mapayapa ang buhay ni Louise. Sa kabila ng pagiging bahagi pa rin ng Wolfgang mas siniguro na nitong may linya ang kanyang mga misyon—hindi na para sa paghihiganti, kundi para sa katarungan. Saka masaya siya dahil sa mga nagdaan na taon, nabigyan niya din ng hustisya ang kanyang ina. Ito naman talaga ang dahilan niya bakit pinasok niya ang pagiging assassin. Binalik niya ang kanyang dating routine, sa umaga ay busy ito sa kanyang business at kapag gabi naman ay pagiging assassin nito. ****** SA GARDEN – LOUISE’S BIRTHDAY Setyembre. Ang hangin ay malamig pero banayad—tila yakap ng kalikasan. Ang hardin ay tinakpan ng mga ilaw mula sa daan-daang fairy lights, kumikislap na parang mga bituin. May isang simpleng toldang puti na may mga sheer curtains na bahagyang sumasayaw sa hangin. Ang bawat mesa ay may pulang bulaklak—paborito ni Louise, Isang eleganteng off-white silk dress ang suot niya. Ang buhok niya’y naka-hal
SA SALA NG MANSION – KINA LOUISE Mag-isang nakaupo si Lucien sa malaking sofa. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Malungkot siyang ngumiti, tanggap na uuwi na naman siyang bigo ngayong gabi. Tatayo na sana siya nang marinig niya ang isang mahinang tikhim mula sa likuran. Napalingon siya agad. Nanlaki ang mata niya. Nakatayo si Louise, seryoso ang mukha, nakataas ang kilay at naka-halukipkip. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. “L-Louise…” nauutal niyang tawag. Tumikhim ulit si Louise. “Lucien, ito na ang huling punta mo rito. Itigil mo na ‘to. Naiintindihan mo?”Natigilan si Lucien. Nanlamig ang palad. “W-What do you mean? May nagawa ba ako? Handa naman akong maghintay—” Umiling si Louise. “What I mean is... tigilan mo na ang araw-araw mong pagpunta rito tapos galing ka pa sa trabaho mo. Hindi mo kailangang pagurin ng sobra ang sarili mo.” “H-Hindi ko kailangan...?” lutang na anas si Lucien. Ngumiti si Louise. “Hindi mo na kailangan gawin ‘yon kasi... pinap
Ilang sandali lang ang lumipas pumasok ang doktor at mga nurse, sinuri agad ang vital signs ng dalaga habang si Lucien ay nakatayo sa gilid, hindi pa rin mapakali sa tuwa. Saglit lamang ang eksaminasyon, at agad na tiniyak ng doktor na bagama’t mahina pa si Louise, positibo ang resulta. Hindi nagtagal, isa-isa nang dumating ang mga taong matagal na ring nagbantay at nagdasal para sa paggising niya. Si Night, tahimik na pumasok. Diretso ang tingin sa kama ni Louise pero halatang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Masaya siyang gising na ang kasamahan. Si Sapphire, nakasuot pa ng jacket, napatakip ng bibig habang pinipigilan ang iyak. Si Blade at Gunner ay sumunod, parehong seryoso ngunit ramdam ang gaan ng loob. Tumango sila kay Lucien, at saka lumapit kay Louise, para kahit paano ay masilayan ang kanilang kasamang matagal nilang inalala at kamustahin ang pakiramdam nito. Huling dumating ang kuya ni Louise. Pagkapasok pa lang, ay agad niyang tinungo ang kama ng kapat
Nagmadaling umuwi si Lucien. Pagpasok sa loob ng bahay ay natigilan siya ng may taong naghihintay sa kanya. May nakaupo sa sala. “Crystal…” mahina at puno ng gulat na sambit ni Lucien. Nangilid ang luha sa mata ng babae, at agad itong tumayo nang makita siya. Buhat noong araw ng kanilang dapat sanang kasal, ngayon lang niya muling nakita si Crystal. Ang babaeng ilang buwan niyang pinaniwalaang mahal niya—dahil sa mga ala-alang binura ng aksidente. Tahimik ang paligid. Mabigat ang hangin. Nagsalita si Crystal, nanginginig ang tinig. “C-Can we talk, Lu?” Sandaling pumikit si Lucien. Bumuntong-hininga. Saka dahan-dahang tumango tapos lumakad palapit at umupo sa tapat ng dalaga. “What happened?" nanginginig na tanong ni Crystal. “Why did you leave me on our wedding day? What happens now? Don’t you know how humiliated I was that day? It hurt so much, Lucien…” Dama ni Lucien ang bigat sa tinig nito. Ngunit kailangan niyang harapin ang lahat ng ito—dahil ayaw na niyang ita
MEANWHILEOPERATION ROOM (Third point of view) Mabilis ang galaw ng mga doktor at nurse sa loob ng emergency operating room. Tumutunog ang mga monitor—isang paalala na bawat segundo ay nasa kritikal. “BP 70 over 40. Pulse is weak!” sigaw ng nurse habang nakatingin sa monitor. “Transfuse two more units of O-negative—now!” utos ng lead surgeon habang patuloy sa pag-opera. Naka-bukas ang tiyan ni Red, habang ang mga kamay ng mga doktor ay patuloy na nilalabanan ang kamatayan ng dalaga. “May liver laceration, grade four! Suture, suture! Clamp that bleeder!” Habang pinipilit isalba ang kanyang atay at bahagi ng bituka, napuno ng tensyon ang silid. Pawis na pawis ang buong team, halatang ilang beses nang humarap sa ganitong sitwasyon—pero iba ito. Ramdam ang bigat. “Patient’s going into shock! Start dopamine drip—now!” Makalipas ang ilang oras.. “Vitals stabilizing... we’re past the critical stage,” bulong ng isa sa mga doktor. Halos sabay sabay nakahinga ng malu
SA HOSPITAL – OPERATION ROOMMabilis ang galaw ng mga doktor. Maraming dugo ang na-transfuse kay Red. Pinipilit isalba ang atay at bahagi ng bituka na napinsala sa tama ng bala at saksak. Outside the operating room naroon sina Sapphire, Night, Blade, at Gunner—puno ng pag-aalala. “Hindi siya pwedeng mamatay… hindi ganito dapat matapos.” Mahinang sabi ni Blade habang nagpapabalik balik sa paglakad. “Pinatay niya si Salvador. Tinapos niya si Ishida. Pero kapalit halos ng sarili niyang buhay.” Mahinang sabi din ni Gunner habang nakatingin sa pinto ng operating room. Si Sapphire naman ay kasalukuyang tinatawagan si Thunder para ibalita ang nangyari at papuntahin sa hospital, ********* Church Courtyard | Wedding of Crystal and Lucien Ang haring araw ay unti-unting lumulubog, at ang liwanag nito ay bumabalot sa eleganteng hardin kung saan ginaganap ang kasal nina Crystal at Lucien. Nakaayos ang lahat—mga bulaklak, musika, at mga abay na isa-isang naglalakad sa gitna ng aisle. Ma